watch now

Author Topic: Child Support Thread  (Read 104269 times)

amethyst028

  • Guest
Re: Child Support Thread
« Reply #200 on: April 15, 2016, 12:07:31 am »
share ko lang. i grew up in a home na mom ko ang bread winnner. dad ko nagbibigay samin ng money pag feel niya lang. my dad was stay at home while my mom works. so eversince i was a kid naka tanim na sa utak ko na kailangan ko mag banat ng buto at hindi ako pwede umasa sa lalake para buhayin ako or that i cannot expect financial help kasi minsan walang magbibigay.

10yrs. na ako single parent, when my son was younger waley financial support ang dad niya. we're still together that time pero ayaw mag bigay ng money. lagi namin pinag aawayan pero ayaw talaga. sobrang walang silbi kahit mag alaga ng bata hindi rin maasahan. when we broke up of course hindi na ako nag expect ng financial support. he would try to contact me mag o-offer ng pera in exchange for contact with my son pero i would decline. knowing his personality malamang papalya ang pagbibigay niya. pahirapan pa pag hihingian ng pera yun. gusto 1500-3k a month. hiyang hiya ako sa laki ng pera na ibibigay.

my son is growing and his needs are also growing. financially there are times na mahirap pa rin pero mas gusto ko kayanin mag isa kesa naman parang pulubi na lagi na lang nangungulit ng pera sa kanya. what i do na lang is mag isip ng ways to increase my income. damihan ang sideline and mag tipid.

kesa ubusin ang energy at oras sa kaka kulit sa kanila isip na lang tayo ng way para mas lumaki ang income natin. i know unfair kasi napaka swerte naman ng mga tatay na yan. pero ganon din naman kahit kulit kulitin sila kung ayaw nila magbigay wala naman tayo magagawa. dagdag wrinkles lang yan sa atin. sira ang aura.

momentum

  • Guest
Re: Child Support Thread
« Reply #201 on: April 15, 2016, 07:05:58 am »
my son is growing and his needs are also growing. financially there are times na mahirap pa rin pero mas gusto ko kayanin mag isa kesa naman parang pulubi na lagi na lang nangungulit ng pera sa kanya. what i do na lang is mag isip ng ways to increase my income. damihan ang sideline and mag tipid.

Agree 100% on this. hindi rin kasi ako yung tipong tao na nghihingi ng sustento kasi bukod sa responsibility rin naman niya daughter namin, eh he uses it as a leverage din to control me. tuwing mag aaway kami before laging hand in hand yung pagputol niya ng support sa daughter ko. years siya ganun and I had enough. I never gave him any reason naman not to trust me with money, ako pa nga ang mas matipid kesa sa kanya na panay labas and buy unnecessary stuff. sadyang marupok lang talaga siya sa pera niya kahit sa mother niya. kaya sariling sikap nalang talaga
« Last Edit: April 15, 2016, 07:08:10 am by momentum »

young_maiden

  • Guest
Re: Child Support Thread
« Reply #202 on: April 15, 2016, 09:54:05 am »
Nalulungkot ako sa mga stories na iyong tatay ayaw magbigay ng suporta sa anak na naiwan niya sa wife niya. Anong klaseng lalaki mga iyan? Dapat sa mga ganyan hindi tinatawag na tatay. Hindi sapat na sperm cell lang ng lalaki ang nakabuo sa bata. Dapat nagpakatatay din siya. Dapat naging hands on siya sa pagpapalaki ng anak niya. Palpak na nga bilang asawa, palpak pa bilang tatay.

Ang dami kong kakilalang ganyan dito sa Pilipinas. Pag hiwalay na sa gf o misis na naanakan, pati anak hihiwalayan na din niya. Walang ibibigay kahit piso. Kahit tawag o text wala. Makarma sana mga tatay na ayaw harapin responsibilidad nila sa bata.

Iyong pinsan ko nga sa Canada hands on pa rin sa mga anak niya sa misis niya kahit hiwalay na sila. Kahit may anak na siya sa kabit niya, hindi pa rin niya pinabayaan 2 anak niya sa wife niya. Hindi lang financial support ang binibigay niya. Salitan pa sila ng wife niya mag-alaga sa mga bata. Tuwing may family occasions, magkasama sila at wala si kabit. May court order din kasi siya na nirerequire siya sustentuhan mga anak niya sa misis niya. Pero kasi sa Canada naman iyon. I think mas well-implemented ang child support law doon kaysa dito. Kung dito nangyari iyon, ewan ko lang kung magagawa pa ng pinsan ko magpakatatay sa mga anak niya sa misis niya.

keejac21

  • Guest
Re: Child Support Thread
« Reply #203 on: April 15, 2016, 10:02:32 am »
I agree with you mga sis. Mas masarap pa sa pakiramdam na mapalaki natin yung mga anak natin sana without child support. But it is a big challenge and sacrifice sa part natin. Nakakaiyak nga minsan sa dami ng bayarin pag naiisip mo.  :'(

Im thankful yung father ng anak ko nagbibigay ng monthly allowance to our son and he also pays for his school tuition. Plus he also buys him clothes and shoes pag nasa vacation siya (he works overseas).
So I let my son stay with him for a number of days every week para makapag bond din sila.

Before everything was pleasant, we had issues din in terms of how much he should give as support. Nagcompute pa kami sa papel kasi siempre hindi naman pwede wala akong share sa expenses ng bata because I have a job too. I just told him kung ano yung maluwag sa dibdib mo, yun na lang ibigay mo.
Kasi for me, alam din naman niya kung ano ano yung gastos ng anak namin. And he earns really really well. Consistent naman siya so far.

momentum

  • Guest
Re: Child Support Thread
« Reply #204 on: April 15, 2016, 11:51:36 am »
Iyong pinsan ko nga sa Canada hands on pa rin sa mga anak niya sa misis niya kahit hiwalay na sila. Kahit may anak na siya sa kabit niya, hindi pa rin niya pinabayaan 2 anak niya sa wife niya. Hindi lang financial support ang binibigay niya. Salitan pa sila ng wife niya mag-alaga sa mga bata. Tuwing may family occasions, magkasama sila at wala si kabit. May court order din kasi siya na nirerequire siya sustentuhan mga anak niya sa misis niya. Pero kasi sa Canada naman iyon. I think mas well-implemented ang child support law doon kaysa dito. Kung dito nangyari iyon, ewan ko lang kung magagawa pa ng pinsan ko magpakatatay sa mga anak niya sa misis niya.

iyan sinabi ko sa mistress thread na sana maimplement dito ng matindi sa Pilipinas. kung ayaw na ng husband sa wife or nagkatuluyan na sila ng mistress, kelangan parin magpakakatay siya sa anak niya kay wife. and yes dahil nasa Canada siya, WALA siyang choice because strict talaga sa child support. tayo meron tayong child support dito pero NGA NGA ka nalang, kahit mag file ka pa niyan USELESS lang. I should know because nung buhay pa SIL ko nag file sila ni mama para magsupport kuya ko sa 3 anak niya, sumama na kasi sa kabit. pero until now na SIL passed away na, walang ngyari. Bulok talaga dito

katniss

  • Guest
Re: Child Support Thread
« Reply #205 on: April 15, 2016, 03:41:18 pm »
^this made me think if we should file pa or pagtulungan na lang naming magkakapatid yung two minors pa namin na studying. kasi ayun nga iniisip ko rin yung effort, stress, at magagastos kung magfifile pa kami ng child support.

anong nangyari dun sa SIL mo sis,? if you dont mind. umabot ba sila sa korte?

amethyst028

  • Guest
Re: Child Support Thread
« Reply #206 on: April 15, 2016, 10:05:48 pm »
kung willing naman ang father mag bigay ng child support, he is responsible and cosistent then good diba. kaya lang may mga tatay talaga na walang kwenta. na kahit sarili nila hirap sila buhayin paano pa kaya sila magbibigay?

file a case RA9262 under violence against women and children covered dito ang financial abuse pag hindi nagbigay. but yun nga gagastos rin ng lawyer, mag ko-korte kayo. if he will settle kung ano lang din yung capacity niya ibigay yun lang din ma receive ng anak mo. and there are no guarantees pa na tuloy tuloy kasi baka pumalya siya maiinis ka lang ng kaka kulit.

sa akin kasi i like the freedom of raising my child by myself. ayoko kasi na maki alam pa yung tatay niya. i don't want any form of communication with him baka ma high blood lang ako. feeling entitled kasi ang mokong na yun.

sarsingkit

  • Guest
Re: Child Support Thread
« Reply #207 on: April 15, 2016, 11:42:42 pm »
I don't want to sound like a brag that I live in the first world country but yes, in Canada ganyan ang batas. Kaya takot lang ng mga tao sa Divorce. Financially stressful kasi ang Divorce especially for guys. May guy friend is divorced sa wife nya. They have four kids, automatically deducted sa sweldo nya ang child support. Child support is until 18 years of age ng bata. Kung gusto pa magaral ng college ng bata, tuloy pa rin ang support sa bata until makagraduate.

My sister kasi is a single mom, the first year lang nagbigay ng sustento and then naglaho na.

kvandenhaak

  • Guest
Re: Child Support Thread
« Reply #208 on: April 16, 2016, 12:52:19 am »
^I have a son and my ex agreed to give financial support kahit walang court order kasi alam nyang wala syang ka chance chance to challenge the law. However, pag hindi sya nagbigay hindi ko naman na kinukulit. But that's what we need in the Philippines. A law that requires the father to give child support.

amethyst028

  • Guest
Re: Child Support Thread
« Reply #209 on: April 18, 2016, 12:52:08 pm »
^sana nga magkaroon ng bata para diyan. maybe compared to other countries hindi pa kasi ganoon ka dami or ka aware ang mga tao sa situation ng mga single parents.

as for me kahit meron ganyang law ayoko pa rin ng pera niya. i will raise my son by myself kahit magkanda kuba kuba ako sa pag work. iba kasi ugali ng ex ko. pag nagibay ng pera feeling niya property nya kame kahit ang liit naman ng binigay. so no way. binuhay ko na anak ko for the past 10yrs. na ako lang what's 10 more years. keribels na iyan. 



kvandenhaak

  • Guest
Re: Child Support Thread
« Reply #210 on: April 18, 2016, 08:35:39 pm »
^The law is a double edge-sword though. Kasi the Father can take you to court and ask for his right to see his son. So, ayaw mo man tanggapin ang pera nya, the law will require you to schedule a time for your son to see his dad.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Child Support Thread
« Reply #211 on: April 19, 2016, 05:56:08 am »
^true yan, que magsustento ang tatay o hindi pwede siyang magdemand ng visitation rights :'(

momentum

  • Guest
Re: Child Support Thread
« Reply #212 on: April 19, 2016, 07:48:07 am »
^this made me think if we should file pa or pagtulungan na lang naming magkakapatid yung two minors pa namin na studying. kasi ayun nga iniisip ko rin yung effort, stress, at magagastos kung magfifile pa kami ng child support.

anong nangyari dun sa SIL mo sis,? if you dont mind. umabot ba sila sa korte?

sorry sis sa late reply. Nagkaroon ng court hearing pero hindi sumipot kuya ko. after that nag issue na ng warrant para sa kanya..aside kasi from child support marami pang sinampang kaso sila mama. SIL passed away na, ang alam ko active parin warrant ng kuya ko. hindi siya mahahanap kasi wala siya dito sa Manila. PAO yung lawyer ni SIL.

katniss

  • Guest
Re: Child Support Thread
« Reply #213 on: April 26, 2016, 11:00:30 am »
^Kapag solo parent pwede ba sa PAO? Thanks sis!

We will also go to UP Legal Aid office kasi open to all naman daw sila. Nabasa ko sa pag-BR ko dito pwede raw dun mag-seek ng legal advice, I wonder if pwede rin dun magpagawa ng demand letter?

momentum

  • Guest
Re: Child Support Thread
« Reply #214 on: April 26, 2016, 07:49:58 pm »
^i'm sure puwede sis yung sa PAO kasi all the more they will undersand yung financial status mo kasi single parent ka

annecalei

  • Guest
Re: Child Support Thread
« Reply #215 on: February 27, 2017, 01:46:40 pm »
Any advise naman po.

2 years ago, I think Nov 2015, I went to PAO regarding sa sustento ng anak ko kasi wala talagang paramdam si kuya.

PAO set an appointment para makapagusap and to have an agreement. We signed a document wherein the father of my daughter will give 4k per month na sustento. Ako na yung nagstate ng amount and I think 4k is reasonable amount na mabibigay nya.

Yung sustento, tumagal lang ng 1 to 4 months. Napagod na ko sa kaka followup dahil dinededma lang ako.

Due to personal reasons, nung Nov 2016 lang uli ako nakapunta ng PAO to know what to do. I told them about sa kabi kabilang out of towns at kung ano ano pang gastos nung tatay ng anak ko pero di naman nakakapagsustento.

Unfortunately, the same person who spoke with us about the support told me na wala daw ako magagawa at di ko na pwedeng pilitin yung asawa ko kung di na kayang magbigay or whatsoever. Parang lumalalabas na in favor sya dun sa isa, which I find ridiculous. Wala ding kumontra sa mga kasama nya sa office about dun sa mga sinabi nya.

Pinagpilitan ko na we had an agreement at may sign namin. The person in charge asked for the copy and just told me na kokontakin na lang uli kami pareho.

Feb 2017 na pero nganga. I did not intend to go back kasi parang non sense lang.

Ano pa kaya pwede kong gawin para maobliga asawa ko na bigyan ng financial support yung anak ko?


mysterioza_me

  • Guest
Re: Child Support Thread
« Reply #216 on: February 28, 2017, 12:49:49 pm »
^Wala kang magagawa sis, kalokohan lang ang batas na yan sa totoo lang. Walang pangil. Hindi mo maoobliga ang tatay na magbigay kung ayaw niya. Kapag sinabi niya na di niya kayang magsustento wala ka ng magagawa. Pwede ka magdemanda ng economic abuse pero IMO mas practical na itabi mo na lang pera mo para sa baby mo kesa magdemanda. PagpasaDiyos mo nalang siya.

katniss

  • Guest
Re: Child Support Thread
« Reply #217 on: March 08, 2017, 11:13:20 am »
^^hay naku yan din ang reason kung bakit hanggang ngayon ay ayaw ng nanay ko lumapit sa PAO at magdemanda sa tatay ko. kesyo baka raw di na magtrabaho at mapahiya sa opisina nila. mas nganga pa kami, wala nang makukuha kahit magkano. so mas okay pa sa kanya ngayon na magfollow-up na lang parati ng sustento sa mga kapatid ko.

aliyah13

  • Guest
Re: Child Support Thread
« Reply #218 on: October 17, 2017, 06:48:26 pm »
Hello sis! ask ko lang if ang father ng bata eh seaman and ilang years na siya hindi ngbibigay simula sumakay ng barko... puede ba mag file ng complaint and deretso sa POEA pra ma hold ang departure niya?

bwiset12

  • Guest
Re: Child Support Thread
« Reply #219 on: June 07, 2019, 08:10:05 pm »
Hello! Ask ko lang, both parents nasa abroad, yung bata nasa pamilya ng babae. Yung babae may asawa na din dun sa abroad. Yung lalaki may unang pamilya na prior pa dun sa anak nila ni girl. Though dipa  sila kasal nung partner nya meron sila 2 anak na mas matanda dun sa anak nila ni girl?
Paminsan minsan naman nagbibigay yung lalaki di nga lang ganon kadalas dahil may pamilya na sya na sinusustentuhan sa pinas. Ngayon tinatakot ni girl si lalaki na kesyo ipapapulis nya dahil lately hindi nakakapagbigay para sa anak nila. Ang gusto nya pa mag effort si lalaki para madala sa ibang bansa yung bata which is nasa middle east.
Hindi naman ganun kalaki ang sweldo ng lalaki.
Posible ba na makasuhan nya dun yung lalaki sa ibang bansa?

 

Latest Stories

Load More Stories
Close