watch now

Author Topic: Child Support Thread  (Read 104317 times)

phurple0515

  • Guest
Re: Child Support Thread
« Reply #160 on: March 17, 2015, 05:52:50 pm »
ok, let's say graduate na ng college yong bata, up to what extent ang pwedeng i-support sa bata, say, wala pa trabaho yong bata.

L.B.

  • Guest
Re: Child Support Thread
« Reply #161 on: March 25, 2015, 12:15:08 pm »
^sis phurple, sana may sumagot sa tanong mo, interesado rin ako malaman yan..

phurple0515

  • Guest
Re: Child Support Thread
« Reply #162 on: March 25, 2015, 01:26:18 pm »
^ oo nga sis e.  la pa sumasagot :P nasagot na pwedeng me support pa rin while studying.  pano pag after na.

LGV

  • Guest
Re: Child Support Thread
« Reply #163 on: March 25, 2015, 03:00:04 pm »
Hello girls, gusto ko lang itry magshare sa thread na to baka sakaling may makatulong or makapagbigay ng ibang views.

Here's a short story, I am already married more than a year na and I just gave birth to my 2nd child. My first born was my daughter out of wedlock she's turning 10 na this year. Naghiwalay kame ng dad ya when she was 2 y/o after nun nagsupport ng konti yung lolo nya (dad ng dad nya) mga siguro lets say the first 3 mos lang naman like literally milk and diaper nagstart sa paisa isang buong lata and buong pack ng diaper hanggang sa kumonti ng kumonti nung tumagal sa loob ng 3 mos na yun and need pa ng mom ko magtext o remind. Anyway after that my mom decided na hindi na hihingi since parang joke na din naman yung binibigay nila and anyway dapat naman yung totoong tatay ang may obligasyon hindi yung lolo. Mga after a year bigla nila hineram kasi they have family members who came from the states and gusto makasama daw yung bata so ang set up doon sa kanila nakatira yung bata then ako buibisita mga once or twice a week. It happened for like mga 3-4 mos din siguro so during that time their family provided for the needs. Pero pag may sakit sakin parin since dependent ko sya so ako lahat pag nacoconfine. Medjo sakitin sya during those times so 2x naconfine nung nakastay sa kanila.

Nung huling confinement nya, ako din ang kumuha sa kanya to bring her sa hospital tapos ako din nagbantay walang ni isang dumalaw (even doon sya nakatira ha). Nung ididischarge na sya, someone from their family called me and said na pwede ko na daw iuwi yung bata kasi busy na daw ata mga tao doon at wala na titingin, in a way gusto ko din kasi that time I already have work and kaya ko naman na din isupport yung baby ko. They demanded pa na baka pwedeng ako na magbayad ng huling buwan na sweldo nung yaya na kinuha nila. Oh well para matapos nalang usapan fine. So fast forward nasakin na yung anak ko so for how many years nasakin sya and mom ko nagaalaga pero sobrang bait kasi ng mom ko whenever tatawag sila para heramin yung bata pumapayag si mama since katwiran nya pamilya parin yun nung bata and in a way para makapahinga din sya saglit sa pagaalaga. Ang madalas humeram ng bata yung mga tita/lolo not the bio father ha though yeah nagpaparamdam naman like he calls and may ilang times na dumadalaw sya. Pero monetary support, never. I just remember some instances na nagbigay ng gift and pinakakain sa Jollibee mangilan ngilan beses, thats all.

Ganun kaluwag mom ko after all pumapayag sya na walang binibigay pero naheheram. Kasalanan ko din dahil hinayaan ko. Anyway nangyari na and sa huli talaga pagsisisi. Fast forward ulit, when my daughter is around 6 y/o I met my husband and things happened so fast hanggang sa kinasal kame so in almost 4 years sya na yung tumayong tatay sa panganay ko. Yes theres still communication sa daughter ko and her bio dad hindi ko na mapipigilan bec of social networking/internet though hindi na sila nagkikita for like a year na din its also bec mahilig mangako yung ex ko then hindi sisipot. Inallow na lang din ng husband ko magcommunicate sila kasi katwiran nya naman para hindi isumbat ng bata when time comes. Ang totoo he really want to adopt my daughter since maganda ang work nya and may mga benefits na pwede sya macover kaso the bio dad really doesnt want to cooperate, we already consulted a lawyer gusto ko lang din ng ibang opinion from the experts. Ive talked to my ex already regarding this and Ive explained na this is not just to change the surname but for the welfare of the child especially that I stopped working so hindi ko macover yung bata ng hmo/insurances etc. Eh hindi naman nga kasi sya nagsusupport. So the lawyer gave 2 options lang naman 1. If he cannot support then just sign a document na pumapayag sya na iadopt ni husband but he still have the right to see the kid. 2. If ayaw nya palitan ang surname then he would need to start supporting.

Actually mas gusto ko piliin nya yung first option pero kasi nga nagmamatigas. Hindi lang namin maipatuloy yung case kasi once na nagstart magstart na din yung expenses eh if hindi sya makikipagcooperate tatagal and ofcourse pag tumagal eh di lalaki din ang gastos. Pasensya na napahaba na tong kwento. Baka may iba kayong maadvise na pwedeng gawin since hindi pa namin nabibigyan ng go signal yung lawyer to start the process. Thank you in advance sa magsheshare ng insights :) Baka din may same case dito :)

kikaygimikera

  • Guest
Re: Child Support Thread
« Reply #164 on: March 25, 2015, 06:00:43 pm »
Sis we ae in the same situation.  ;)

annamarie88

  • Guest
Re: Child Support Thread
« Reply #165 on: March 25, 2015, 06:42:44 pm »
Sis LGV, kung ako yan na hindi naman nagbibigay bigay ng suporta, malamang hindi ko na rin ipinahiram ang bata sa start pa lang.. Lalo nakilala mo na yung husband mo now, siguro kung ako ayoko lang ng may connection pa sa daddy ni baby.. Para hindi rin magulo diba saka para hindi awkward kay husband.. For sure kahit konting konti, may nafifeel sya.. Saka tama iaadopt nyo together ni husband baby mo.. Sa Adoption Law kasi kung matagal na sana na hindi nagpapakita ang tatay, okay lang kahit wala na yung permission na paampon anak nya.. Hmmm nako sis takutin mo na lang yan, taasan mo ng hihingiin kunyari na support para pumayag na lang sya.. Pero shempre nasanay na din ata baby mo na anjan daddy nya.. I hope maayos mo yan :) I have a friend kasi na mejo ganyan, pero sya, never lang nya hiningian or kinontak na yung sperm donor ng anak nya, until mga 1-2 yrs old lang.. Iaadopt din nila ng husband nya because of the benefits and all. :)

LGV

  • Guest
Re: Child Support Thread
« Reply #166 on: March 26, 2015, 11:33:01 am »
Hi sis kikaygimikera I cant say its nice na pareho tayo kasi it will never be nice to be in this situation haha! I hope we can find the easiest way soon!

Sis annamarie88 Nako sis alam mo kung mababalik ko lang talaga sana hindi ko na pinayagan noon pa. Kaso as what I've said nangyari na and nasa huli talaga ang pagsisisi actually yan ang pinakapinagsisisihan ko. Hindi naman sa nasanay yung bata na anjan daddy nya actually naiinis na nga din sya kasi puro pangako hindi naman nagpapakita eh may utak na yun almost 10 a sya this year eh. Sabi nalang ni husband hayaan muna atleast sya mismo makarealize sa totoong ugali ng tatay nya at hindi na namin kelangan pa manira or magpaliwanag. The best thing I am doing right now I think is hindi ako nahihiyang iadvise mga friends/kakilala ko na may gantong situation na habang maaga pa eh utulin na connection para hindi sila matulad sakin ang bad ko ba haha!

annamarie88

  • Guest
Re: Child Support Thread
« Reply #167 on: March 26, 2015, 12:59:55 pm »
^true sis, kahit hindi mo siraan tatay nya, may isip na talaga yung bata and aware naman sya for sure.. :) wag mo muna kaya iadopt si baby mo, try mo lang wait mga 1-2 years tapos wag ka na magpakontak sa kabila. Hahaha para if ever magfile ka na petition for adoption, at least nowhere to be found na yung isa. Hehe

Ayy oo sis, eh kung parang wala rin naman sinusuporta mga ama ng anak nila, aba eh wag na talaga magcommunicate. Diba? Hehe

LGV

  • Guest
Re: Child Support Thread
« Reply #168 on: March 26, 2015, 02:52:00 pm »
Pwede yan haha mabilis lang naman ang araw. Hindi ko na rin alam talaga nalilito na din ako chaka naawa ako sa anak ko buti nalang din talaga tinuring syang tunay na anak ng husband ko and even my inlaws so nakabawi sya sa part na yun kahit iniwan sya ng totoo nyang tatay.

Hay nako oo kasi sabi ko sa mga friends ko maganda na yung umpisa palang no connection na kasi you can never tell eh ako hindi ko naman alam na makakapagasawa ako at haharapin ko tong ganito ngayon. So atleast kung una palang eh hindi na nila naisunod sa surname ng guy yung bata atleast wala silang problem na ganito isa pa gastos pa to eh at time consuming diba. Oh well!

annamarie88

  • Guest
Re: Child Support Thread
« Reply #169 on: March 26, 2015, 03:07:22 pm »
^surname ba ng biological father ang gamit nya?? Anyway, I think wala naman kaso yun. Mukhang may sufficient basis naman na hindi nagpprovide which may be tantamount to abandonment, in which case, his consent is not necessary.  Read this link. Tagal ko na din naresearch to ;)

http://www.manilatimes.net/adopting-fiancees-child/119000/

LGV

  • Guest
Re: Child Support Thread
« Reply #170 on: March 28, 2015, 01:53:39 pm »
Oh this is helpful. Yes sis she's using bi dad's surname. So ibig sabihin ba kahit nagkakausap sila in a way through social networking eh abandoned parin sya since no monetary support at all? Sorry ha just want to make it clear. Sana tama pagkaintind ko.

annamarie88

  • Guest
Re: Child Support Thread
« Reply #171 on: March 28, 2015, 02:10:50 pm »
^i would like to believe so. Hehe Ano din ba sabi ng lawyer mo sis?

LGV

  • Guest
Re: Child Support Thread
« Reply #172 on: March 31, 2015, 10:55:03 pm »
Well its been around 3 mos na hindi pa kame ulit nagcoconsult pero nung huling meeting ang naalala ko was like mga 5 yrs na talagang wala at all. Hindi ko pa to natatanong pag nagkachance eh itatanong ko din talaga to.

ilbsiri

  • Guest
Re: Child Support Thread
« Reply #173 on: September 16, 2015, 01:51:19 pm »
Sana may maka sagot

how early can I file child support father ng bata ofw sa, no idea kelan uuwi and gaano katagal ang process? parang nabasa ko may hold departure?

xee

  • Guest
Re: Child Support Thread
« Reply #174 on: December 06, 2015, 03:53:38 pm »
Hi mga sis, kapag yata nagkaka edad na tayo saka tayo lalong nagiisip on how to provide more for our children. I am an ofw and planning to go back to Philippines next year. Recently, my annulment was granted. Separated ako sa ex husband ko ng 10 years, 10 years na din ang anak namin. Since babalik na ako ng Pilipinas, iniisip ko na kung saan ako kukuha ng monthly expenses ko (let's say nakahanap na din ako work sa pinas) Nagbibigay naman ang ex husband ko sa anak ko minsan 3K pero hindi yun buwanan, kung kelan lang maiabot ng family niya. Siguro once or twice lang din siya makita ng anak ko in a year. My bf na din ako.

Ang iniisip ko lang mga sis, too late na ba to ask for child support as it's been 10 years, actually additional support and settlement na may makukuha kami monthly from the ex para hindi ako magiisip kung kelan ba nila uli trip magbigay, mind you, what he is giving is just 5% of his income, depende pa sa mood nya. Ang iniisip ko lang naman ang lagay ng anak ko na magkaron ako ng stable na pagkukuhanan ng expenses niya din dahil I am also a bread winner sa family ko. Thanks in advance mga sis.

amethyst028

  • Guest
Re: Child Support Thread
« Reply #175 on: December 08, 2015, 08:07:43 am »
in my case naman lately biglang nagparamdam ang dad ng anak ko. willing na daw siya mag support. hwat? parang mushroom lang na biglang susulpot after so many years na todo iwas pag hinihingian ng pera. but i turned down his offer. nasanay na ako na wala siyang support and not now not ever. my son is big na, konting tumbling na lang he'll be an adult na.

all i can say is kung kaya niyo mag isa gawin niyo kasi ang hirap din ng pinipilit mo yung tatay, mukha pa tayong kawawa na humihingi. and kung gusto nila gagawa sila ng paraan, kung ayaw ang daming palusot. sana magkaroon dito ng alimony gaya sa u.s. and kung pwede kusang ikakaltas sa sweldo nila para wala nang palag mga yan.

kikaygimikera

  • Guest
Re: Child Support Thread
« Reply #176 on: December 14, 2015, 02:32:44 pm »
Korek sis. ^ :)

Hayayay! Yung bio dad ng son ko (11 years old) kinasal lang two days ago. Well, best wishes to them (walang halong sarcasm ito ha) and sa family ng girl.

I have given up asking for support or ipaglaban ang rights ng son ko. Sabi ng husband ko tama na. Wag na ipilit. Sayang ang emosyon, ang galit. Lets live in peace. Wag na din ipilit i adopt ang son ko. 7 more years to go free na makapunta ang son ko sa mga countries that requires visa and parental consent. Konting tiis na lang naman.

Merry Christmas sa atin, mga mommies!

amethyst028

  • Guest
Re: Child Support Thread
« Reply #177 on: December 18, 2015, 09:11:59 pm »
Sorry OT na. What do you mean sis? Pag kumuha ng visa need ng consent pa ng dad kahit andyan na ang mom? My son is adopted by my parents pero sa birth cert lang. Ako pa rin ang kilala niyang mom and ako ang main provider at care giver. We share the same surname and nadala ko na siya sa hk when he was seven. Planning on bringin him to SG next year before mag expire ang passport niya. We have the same surname and magkapatid kame according sa birth cert niya.

blood_siren

  • Guest
Re: Child Support Thread
« Reply #178 on: January 03, 2016, 06:47:03 pm »
mga sis, any of you have draft of an informal demand letter for recognition and support. Yung tipo na you are asking the dad of your kid na pag usapan ang lahat bago ka ma force iakyat sa court proceedings and lahat. I just want an idea sana. thanks

mysterioza_me

  • Guest
Re: Child Support Thread
« Reply #179 on: January 04, 2016, 06:06:40 am »
Ang hirap talaga sa Pinas walang pangil ang Child Support Law (or kahit anong batas pa). Kung walang maipo-provide ang tatay hindi pwedeng pilitin. Bukod pa dun kahit hindi makapagsustento pwede daw magrequest ng visitation rights ang tatay. Paradise talaga sa mga babaero ang Pilipinas.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close