watch now

Author Topic: Cagayan and Isabela  (Read 59530 times)

angelice_08

  • Guest
Re: Cagayan and Isabela
« Reply #100 on: September 23, 2010, 01:23:21 am »
ano pwede sakyan from tugue to sta ana?

shegothim

  • Guest
Re: Cagayan and Isabela
« Reply #101 on: September 23, 2010, 08:39:13 am »
may mga bus at van sis. ilang araw ba kayo dun? kasi kung 3 days lang kayo kulang ang stay nyo dun dahil may kalayuan din ang sta. ana sa tugue.

pepurpink

  • Guest
Re: Cagayan and Isabela
« Reply #102 on: September 23, 2010, 05:18:15 pm »
...i was born in cagayan tapos i move na in manila when i was 5. madalas kame dito pag summer nung bata pa ako. yung Sta. Ana nga daw ang bagong tourist spot sa north. yung mga cousins ko, nagpunta sila last summer and super ganda daw. hopefully this christmas or sa summer, pupuntahan ko to.  8)

angelice_08

  • Guest
Re: Cagayan and Isabela
« Reply #103 on: September 23, 2010, 08:21:16 pm »
kinakabahan na ko.. mamaya na flight namin wala pa kaming definite na plano kung san tutuloy at anong mga gagawin.. hehe :) lagi na lang ganito mga lakad ko ah.. :)

angelice_08

  • Guest
Re: Cagayan and Isabela
« Reply #104 on: September 23, 2010, 09:09:30 pm »
pagkagaling sa airport pano papunta sa hotel ivory? kung trike, how much fare?

kikay iska

  • Guest
Re: Cagayan and Isabela
« Reply #105 on: September 23, 2010, 09:15:10 pm »
^ sis, ang Tuguegarao airport ay relatively malayo sa centro. and then hotel ivory ay lagpas pa ng centro.  i'd like to warn you about the trike drivers there. madami talagang mapagsamantala.  from airport to hotel ivory, i'm not sure how much they'll charge (i'll try to ask), but expect them to say no to you or to ask you to pay the entire capacity of the trike.

clueless

  • Guest
Re: Cagayan and Isabela
« Reply #106 on: September 23, 2010, 10:26:25 pm »
^^ make sure sa diversion road kayo dadaan from the airport to hotel ivory para hindi na kayo papasok sa centro. malapit lang yon at hindi ma-traffic.

kikay iska

  • Guest
Re: Cagayan and Isabela
« Reply #107 on: September 23, 2010, 10:53:42 pm »
^ uhmmm sis, depende rin. madalas na ring ma-traffic ang diversion road. hopefully, hindi sila ma-traffic. 

however, i disagree na malapit lang yun.  sa mga sanay sa distances dito sa metro manila, yes it's near.  but back there, that distance is already malayo para sa kanila which includes the trike drivers.

hayyy. miss ko na ang pancit. sana matuloy ako sa oct. 3. :)

clueless

  • Guest
Re: Cagayan and Isabela
« Reply #108 on: September 23, 2010, 11:06:26 pm »
don kami parati dumadaan. hindi naman kami nat-traffic. distance and travel time are significantly less than pag pumasok ka pa sa centro. kung may traffic man, don na pagdating sa may shell lalo na't may mariton na din don.

yes, lagpas pa ng centro but the point i was trying to make was hindi naman kailangan dumaan sa centro. kung don sila dadaan, malayo talaga.
« Last Edit: September 23, 2010, 11:08:19 pm by clueless »

kikay iska

  • Guest
Re: Cagayan and Isabela
« Reply #109 on: September 23, 2010, 11:15:24 pm »
^ swerte nyo sis di kayo natra-traffic dun.

yup, true, they don't have to pass through centro to get to hotel ivory kasi may diversion road, and true to its name, it diverts you to a route that should take you faster to your destination.

anyway, sis angelice_08, don't worry about the route.  from the airport to hotel ivory, it's common sense for the driver to take the diversion road, lalo na if you hire the trike.  my point earlier was the airport location and hotel ivory are two points on opposite ends of the town.
« Last Edit: September 24, 2010, 12:15:30 am by kikay iska »

angelice_08

  • Guest
Re: Cagayan and Isabela
« Reply #110 on: September 24, 2010, 02:49:25 am »
hehe. so anong the best na hotel na budget lang ang masa suggest niyo?at mga how much yung fare?penge naman ng estimate please?kasi panay distance ata nadidiscuss niyo e.hehe :)

kikay iska

  • Guest
Re: Cagayan and Isabela
« Reply #111 on: September 24, 2010, 12:20:04 pm »
^ sis, i asked my sis-in-law. will post it as soon as she replies.  i've no idea kasi my bro always picks me up when i go there.

re: hotel, i always recommend hotel roma, partly because it's owned by a friend hehe but largely because it's the best in the city. hindi naman sya ganon kamahal, normal lang sa average rate sa provinces. but of course, depende pa rin sa budget nyo.  hotel ivory is also a good choice but the location is medyo off.


okay, my SIL replied and said, 50 per trike daw. pinakamurang rate na yan. :)
« Last Edit: September 24, 2010, 12:22:41 pm by kikay iska »

angelice_08

  • Guest
Re: Cagayan and Isabela
« Reply #112 on: September 27, 2010, 10:40:20 pm »
back from tugue!! :) been to sta. ana, callao cave and tabuk, though di kami nakapagrafting :)

shegothim

  • Guest
Re: Cagayan and Isabela
« Reply #113 on: September 27, 2010, 10:51:02 pm »
wow nakapag-sta. ana pa kayo sis? galing

angelice_08

  • Guest
Re: Cagayan and Isabela
« Reply #114 on: September 28, 2010, 02:00:32 am »
^yep sis! :) pero sun city at anguib lang din napuntahan namin tapos alis na agad.. sayang nga nakalimutan naming dumaan at magpapicture sa port, maganda daw dun madaming yate.. :)

Day 1 - callao (kal - law) cave, batil patung@nora's
ganda ng mga nadaanan na mga river at lake. :)
Day 2 - pumunta ng tabuk (part na siya ng kalinga), baka sakali sana ng rafting, pero di pala talaga pwede yung basta punta ka ng place tapos dun ka na lang magdecide lalo na kung 2 lang kayo. kung sino pala magorganize sila din magreready ng boat niyo at magoorganize kung sinong maggaguide sa inyo. akala kasi namin para siyang place na may entrance lang tapos ok na. :) nakapapicture naman kami sa st william's :)
on the way to tabuk may madaanan na parang choc hills na version ng tuge. ganda! madaanan na din yung buntun bridge.
bumalik kaming tugue tapos punta ng sta. ana.
sa map makikita mo na may parang short cut galing tabuk pa sta ana pero mismong mga taga tabuk nag advise na bumalik na lang ng tugue at dun sumakay pa sta ana para daw sure.
gabi na kami dumating sa sta ana.
nasiraan kami pero para samin blessing yun kasi may nakakwentuhan tuloy kami na bf niya work sa sun city. nakapaglibot tuloy kami sa place :) siya din naghelp samin makahanap ng trike na susundo samin the next day para mag anguib.
Day 3 - mga 7am pumunta na kaming anguib. mga 45mins byahe. ongoing ang pagawa ng kalsada. may mga part na maputik. kung tag ulan feeling ko mahirap talaga. ganda sa anguib. may part nga daw na nabili na ni enrile na di na daw pwedng puntahan pero mahaba naman ang anguib kaya ok lang. ansaya kasi pagdating namin mejo kasikat pa lang ng araw. tapos maya maya umulan, pero saglit lang, tapos may rainbow after!ganda! e ang ganda pa naman ng paligid. may pine trees din.  mga past 10 balik na din kami sa lodging house.
pagkabalik nagbanlaw lang kami tapos balik na sa tugue.
mga past 2kami dumating sa tugue tapos punta kami terminal ng papuntang piat. mga past 3 asa piat na kami. sa church na kami binaba ng van. mga past 4 umalis na din kami. balik agad tugue.
sa tugue, punta kami sa Saints Peter and Paul Cathedral at rizal park nila & lakad lakad lang.

maaga na flight namin kinabukasan :)

solb! :)

jp_jameop

  • Guest
Re: Cagayan and Isabela
« Reply #115 on: September 28, 2010, 07:57:09 am »
^hay kainggit! :) sa thurs na ang byahe namin so fri afternoon na dating nmin sa buguey... gusto ko kulitin si hubby para makapunta kmi ng sta ana pero kulang. lgi kasi kaming bus eh 12-14 hrs pa naman ang byahe... sat kasi punta kmi ng ballesteros.. sabi nila sobrang probinsya nito at wala pa kuryente. hehhe  plan ko na alng maligo sa beach ng buguey. hay para masulit ang bakasyon. sunday 2pm back to manila kmi so malamang 6 am kmi sa manila. sana wala trafic para di malate sa opis. hehehhe

iluvmysoldier

  • Guest
Re: Cagayan and Isabela
« Reply #116 on: November 12, 2010, 11:24:59 pm »
help naman po. baka may taga isabela dito specifically sa gamu, isabela. pupunta kasi ako dun sa dec. pero wala talaga akong idea kung san pwede magstay dun at kung anong pwedeng gawin dun. sana may magpost ng mga hotels, restos o kahit ano po na pwedeng makatulong para naman i know what to expect. i heard kasi mahirap daw ang tubig dun at until now wala pa rin kuryente dahil sa bagyo... =( tia!

aravn22

  • Guest
Re: Cagayan and Isabela
« Reply #117 on: April 04, 2011, 06:49:27 pm »
hi sisses!
we will be in cagayan in june (mga two months pa) hehe... gusto namin puntahan ang callao caves
at whitewater rafting sa kalinga.
help naman po, sinong pwede naming i-contact regarding sa rafting? tska magkano po normally ang rates? pwede na ba? last year kasi parang wala, kasi el nino?

sa callao caves naman pwede bang walang contact tapos punta na lang doon? gusto namin din sa sierra caves
thanks po sa sasagot.

shegothim

  • Guest
Re: Cagayan and Isabela
« Reply #118 on: April 04, 2011, 07:12:23 pm »
sa callao cave sis pwedeng wala ka nang contact doon mismo pero dapat may irent kang sasakyan papunta doon. wala kasi akong nakitang bumabyaheng jeep papunta doon eh.

aravn22

  • Guest
Re: Cagayan and Isabela
« Reply #119 on: April 05, 2011, 11:45:28 am »
sa callao cave sis pwedeng wala ka nang contact doon mismo pero dapat may irent kang sasakyan papunta doon. wala kasi akong nakitang bumabyaheng jeep papunta doon eh.

Thanks sis! magtatanong tanong nako regarding sa vehicle.

Nagreply na rin sa akin yung guide for whitewater rafting, si mr. anton carag.
may nakita din ako yung chico river quest. i email-ed them pero no reply.
meron pa kayang iba?

sabi nila july to jan daw usually ang season pero tingnan daw.

yung sierra cave na lang prob ko. i read from somewhere that one needs to secure a permit from DENR first bago makapag-spelunking.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close