^yep sis!

pero sun city at anguib lang din napuntahan namin tapos alis na agad.. sayang nga nakalimutan naming dumaan at magpapicture sa port, maganda daw dun madaming yate..

Day 1 - callao (kal - law) cave, batil patung@nora's
ganda ng mga nadaanan na mga river at lake.

Day 2 - pumunta ng tabuk (part na siya ng kalinga), baka sakali sana ng rafting, pero di pala talaga pwede yung basta punta ka ng place tapos dun ka na lang magdecide lalo na kung 2 lang kayo. kung sino pala magorganize sila din magreready ng boat niyo at magoorganize kung sinong maggaguide sa inyo. akala kasi namin para siyang place na may entrance lang tapos ok na.

nakapapicture naman kami sa st william's

on the way to tabuk may madaanan na parang choc hills na version ng tuge. ganda! madaanan na din yung buntun bridge.
bumalik kaming tugue tapos punta ng sta. ana.
sa map makikita mo na may parang short cut galing tabuk pa sta ana pero mismong mga taga tabuk nag advise na bumalik na lang ng tugue at dun sumakay pa sta ana para daw sure.
gabi na kami dumating sa sta ana.
nasiraan kami pero para samin blessing yun kasi may nakakwentuhan tuloy kami na bf niya work sa sun city. nakapaglibot tuloy kami sa place

siya din naghelp samin makahanap ng trike na susundo samin the next day para mag anguib.
Day 3 - mga 7am pumunta na kaming anguib. mga 45mins byahe. ongoing ang pagawa ng kalsada. may mga part na maputik. kung tag ulan feeling ko mahirap talaga. ganda sa anguib. may part nga daw na nabili na ni enrile na di na daw pwedng puntahan pero mahaba naman ang anguib kaya ok lang. ansaya kasi pagdating namin mejo kasikat pa lang ng araw. tapos maya maya umulan, pero saglit lang, tapos may rainbow after!ganda! e ang ganda pa naman ng paligid. may pine trees din. mga past 10 balik na din kami sa lodging house.
pagkabalik nagbanlaw lang kami tapos balik na sa tugue.
mga past 2kami dumating sa tugue tapos punta kami terminal ng papuntang piat. mga past 3 asa piat na kami. sa church na kami binaba ng van. mga past 4 umalis na din kami. balik agad tugue.
sa tugue, punta kami sa Saints Peter and Paul Cathedral at rizal park nila & lakad lakad lang.
maaga na flight namin kinabukasan

solb!
