watch now

Author Topic: Night shift si hubby :(  (Read 17433 times)

Tigershark09

  • Guest
Re: Night shift si hubby :(
« Reply #20 on: March 24, 2010, 06:06:25 am »
hindi ko gusto yang ganyang setup lalo na kung pati weekends ninyo apektado. its not ideal and not good for your relationship. oo, tama sila, it takes getting used to pero it doesn't mean na once both of you get used to it, ok na. wala nang problem. of course, nagsu-suffer pa din ang bonding time ninyo lalo na kung bago palang kayong kasal. obvious naman dahil sa ganitong setup mas madalas ang argument at miscommunication.

kung pwede talaga pareho kayong pang-umaga kaya kahit paano sabay pa rin kayong mag-dinner, there is still time to talk and relax. iba pa rin kasi yung araw-araw kahit na 2 or 3 hours me time kayo sa isat-isa. 

hubby ko pang-gabi din, he works from 3 to 12 midnight. i don't sleep until he comes home so we have to time for ourselves dahil tulog na si baby. he goes home earlier too and continues his work at home. sabay kaming matulog everyday. ok lang sa akin kahit medyo puyat ako kasi i make sure na mag-nap when i come home in the afternoon.  sa umaga, gumigising naman siya para mag-goodbye at magkiss sa akin when i leave the house to work. pareho kaming nag-e-effort talaga. hindi pwede isa lang.

ladyisabella

  • Guest
Re: Night shift si hubby :(
« Reply #21 on: May 05, 2011, 11:56:18 am »
uhmm.yan yung isang reason bakit kame nag break ni ex.. livein kame pero halos hinde na kame nagkikita sa bahay kase nightshift sya morning ako, tapos pag morning sya ako naman nightshift. Magkikita man kame tulog ako, or sya. Tapos mag kaiba din kame ng off. Result, nambabae sya. Ka officemate nya. Pero hinde ko sinasabi na mangyayare din sa inyo yun. Share ko lang nangyare samin dahil sa schedule na yan. Hindi ko gusto yang set up pero dun kame kumikita e. Aminado naman ako nawalan kame ng time sa isat isa. Ayun. Napabayaan din kase namin isat isa, madami pang plus plus na problems, kaya break na. Naalala ko lang nung nabasa ko subject na to kase yung last usap namin pinagusapan namin to as one reason ng breakup namin. Kaya sis, kahit ganyan schedule nyo paramdam mo at ipakita mo yung pagaalaga mo sa kanya, wag ka gumaya sakin na napabayaan ko sya. Kailangan talaga isa sainyo mag effort para mag work. Kaya mo yan sis,. Sabayan mo ng prayers. :)

blooming

  • Guest
Re: Night shift si hubby :(
« Reply #22 on: May 05, 2011, 07:18:45 pm »
Pag ganyan kasi, is it possible you to jus havea part-time business nalang. Para sa gayon, pag-uwi nya maasikaso mo sya. Gawin mong date ninyo eh hapon na lagi. Sa mga day off nya, make sure na lalabas kayo late narin.

Mga last full show naman these days late narin naman. Mag-adjust ka nalang. Kung kaya naman ng finances nyo mag lie-low ka sa career mo, then yan ang ma-suggest ko. Minsan bago sya pumasok, baka gusto nyo mas maaga umalis ng bahay by 2 hours, para makapagdinner or early dinner kayo bago sya pumasok. 

Kaya naman yan. 

Kady_14

  • Guest
Re: Night shift si hubby :(
« Reply #23 on: May 05, 2011, 10:26:52 pm »
Kung maari, get a day job si husband mo. Malungkot yan, ganyan ang set-up namin nuon when I worked the night shift. feeling ko ang dami kong na-miss na moments with my family. Kahit magkakasama kami sa bahay, sa umaga pag-uwi ko, gustuhin ko man laruin an mga anak ko, kukulangin naman ako sa tulog and mahihirapan pagpasok ko. Hindi ako magiging productive. So sila din, as much as possible, di nila ako iniistorbo - sa kabilang kwarto ako natutulog. Kapag off ko lang kami parang "normal" family.

Ngayon, madaming other work opportunities pero stick to my job ako kahit di kasing laki ng iba ang pay kasi I'm guaranteed a normal day shift, plus weekends off pa and ang lapit lang sa bahay namin.

Depende lang talaga kung ano ang priority ng isang tao.

:)
« Last Edit: May 05, 2011, 10:30:04 pm by Kady_14 »

miss resilient

  • Guest
Re: Night shift si hubby :(
« Reply #24 on: May 27, 2011, 12:17:04 pm »
in my case, ako ang panggabi before  ;)

sanayan na lang kasi at least weekends ang off ko although papasok ako ng saturday night. pero di na kami gaano makagala ng sunday dahil puyat ako. so sa church na lang kami nagkakasama. pag saturday am doon na lang kami namamasyal. Four years na ganito ang set up namin.

tapos na iyon, pareho na kaming pang AM ngayon.. :D

sweet.trish

  • Guest
Re: Night shift si hubby :(
« Reply #25 on: May 28, 2011, 10:11:56 am »
medyo mahirap yan. been there. medyo worse lang dati yung situation namin.

but come to think of it sis, yung iba nga nasa abroad ang hubby/bf eh. mas mahirap yun, pero kinakaya nila.


goddessjem

  • Guest
Re: Night shift si hubby :(
« Reply #26 on: May 29, 2011, 09:43:05 pm »
medyo mahirap nga po ito. may times kase na night ship si hubby. kapag ganun, madalas hindi kame nagkikita. mag kita man kame mga 10 mins lang sa isang araw. uuwi siya, papasok naman ako and vice versa. pero ok na din. kaysa naman sa hidi magkita ng taon. hirap ako matulog kapag night shift siya.

a_y_e_n

  • Guest
Re: Night shift si hubby :(
« Reply #27 on: June 06, 2011, 09:23:27 pm »
ganito din setup namin ni husband (am shift ako pm shift naman sya) buti nalang same company kame ngwowork kaya kahit papano nagkikita pa kame sa office or sometimes nagkakasabay pa kame kumain depende sa shed na din. for us, sanayan nalang din. as long as may communication and willingness to find time for each other i guess di naman siguro magsusuffer yung relationship.

chelle212121

  • Guest
Re: Night shift si hubby :(
« Reply #28 on: May 31, 2013, 10:47:03 am »
sanayan lang talaga mga sis... been there for 2 years na... sanay na hindi siya katabi sa pagtulog everynight pero katabi ko nman ang baby namin...  :)

kiz_me1109

  • Guest
Re: Night shift si hubby :(
« Reply #29 on: June 06, 2013, 04:45:01 am »
We had that same problem when husband works during daytime. Ako naman e sa gabi nag wor work. Because of traffic anong oras na siya nakakauwi ng bahay. Tapos pagdating niya sa bahay, nakaalis na ako. Pagdating ko naman sa morning e ilang oras nalang paalis na siya.

Wala talagang solution sa problem na to kundi ang magtiis. Unless isa sa inyo ang mag sacrifice. Like, since GY naman hubby mo, Saturday morning after work e matulog siya konti. Like 2hours tapos mag mall kayo. For quality time. Nakakatulong din yung power nap lalo na kung sanay ka na sa GY. Tapos, sabay na kayo matulog sa gabi. Then you have the whole Sunday together. Sa Monday na bumawi ng sleep si hubby since Monday night pa naman ang work niya. :-)

Ang mas malaking problem lang siguro e kung ganito na nga yung oras ng work niyo e hindi pa pareho yung restday niyo. hehe 

sarsingkit

  • Guest
Re: Night shift si hubby :(
« Reply #30 on: June 06, 2013, 08:47:04 am »
I work at 8am - 4pm. My husband works at 3pm - 11pm. So talagang walang time pag weekdays. Pag-uwi nya tulog na ako, pag aalis ako ng bahay sa umaga tulog pa sya. but it works out just fine. although sometimes, I try to wait for him until he comes home. mga days na tipong tigang na ako. hehe.

Ok naman kami, mas may effort nga kami to reach out with each other kasi alam namin na hindi fit ang sched namin sa isa't-isa. He would call me just to say hello and kung anong ginagawa ko, everyday yan. Tinetext ko din sya as soon as I arrive at the office. For me, tiis tiis lang and see the bright side in everything. We both cant quit our jobs kasi ok naman ang work. Whatever sacrifices we have now, eh may reward din yan in the future :)

ceejhei

  • Guest
Re: Night shift si hubby :(
« Reply #31 on: June 06, 2013, 03:56:24 pm »
^been there, ako naman ang pang gabi and he works in the morning. My job pays me really really good pero dahil nga wala na kaming time, pag uwi ko kumakain na siya ng breakfast at ako naman derecho na sa room to sleep.
tapos kapag uwi niya, dinner lang kami then maya maya aalis na ako. hindi din naging okay takbo ng relationship namin since weekends off siya at ako walang normal na off. napapansin ko pati anak ko naaawa na ako kasi wala na akong time.

nanlalamig na din si husband so i made a right decision. quit my high paying job and thank God at nakahanap ako ng isang day job in no time which pays me half of what i am getting, pero that's fine. priceless naman ang relationship namin ng husband ko
at family ko. iba pa din talaga yung sabay kayo natutulog at pareho ng off. nakikipag laro pa kami sa anak namin. sabi ko lang, aanhin ko ang malaking sweldo kung halos parang wala naman akong pamilya.


twelvth_goddess

  • Guest
Re: Night shift si hubby :(
« Reply #32 on: June 06, 2013, 05:29:55 pm »
My husband works in the morning and I work on flexible schedules but I am mostly in the mid to late mid shift. Mahirap for us pag nagmi-midshift din si hubby because of his classes especially now that we don't have a yaya. OK kase sana yung work scheds namin kase lageng may naiiwan sa daughter namin pero pag nagsasabay kame or I am required to take another shift schedule, nahihirapan kame. Normally on Thursdays, I do a double shift para maaga masimulan ang weekends. Our weekends are sacred kaya we dont accept work assignments on those days.

prix

  • Guest
Re: Night shift si hubby :(
« Reply #33 on: June 06, 2013, 06:10:05 pm »
I'm lucky na may Thread na ganito, tagal ko na din kasing naghahanap kung saan ko pwedeng i-share ang problem ko regarding sa set-up namin ni hubby.. :( Night Shift din kasi sya 4-12 kaso di naman sya nakakalabas ng saktong 12 minsan 2 na, kaya dating nya sa bahay mga 3 pa. >:( Pagbubuksan ko sya ng pinto tapos ask ko sya kung kakain sya, pag kakain sya samahan ko sya para makapagkwentuhan kami kahit may pasok ako kinabukasan. 8-6 ang pasok ko kaya nagtitiis talaga ko kahit mapuyat ako, pero pag hindi na sya kakain matutulog na kagad kami. ::) Ayun! pagpasok ko naman ihahatid nya lang ako sa ofc. tapos uwi na sya ng bahay, pag nakatulog na si baby sasabayan nya para makabawi din sya ng tulog.. Ayun ang set-up namin, mahirap pero we make sure na magkakaron pa rin kami ng time sa isa't isa. Ang lagi kong reklamo sa kanya is yung pag extend ng time sa kanila, ang uwi ni hubby is 12 pero makakapag-out sya  2 pa tapos hindi yun OT! extend lang yun, imagine 2 hours din yun. >:( >:( >:( Kaya nga minsan sabi ko kay hubby sana minsan pag-aralan naman sa trabaho nyo kung paano kayo pauuwiin ng maaga! lagi ko ngang text kay hubby, napupuno na talaga ako sa kanila, GRRRRRR! >:( >:( >:( >:( >:(

polar_bear

  • Guest
Re: Night shift si hubby :(
« Reply #34 on: June 14, 2013, 09:57:34 am »
Dati rin ito problema namin.. mag bf/gf pa lang kame dati eh night shift na sya.  Mostly, siya ang nagsasacrifice ng tulog since sanay siya sa puyatan, kaso nakakaawa din kasi nagiging sakitin sya. 

Nung kinasal kami, ganun pa rin ang sched nya, night shift.. 10pm-7am. pero sat-sun and RD.. tapos ako naman 6am-2pm ang pasok, pero iba-iba and RD ko..  Madalas paguwi ko ng bahay, gigisingin ko na sya, bonding muna kame, kwentuhan, then dinner.  Buti nalang at malapit lang work nya sa bahay so mahabahaba pa time namin after dinner bago sya pumasok.  Kaso naman.. pag RD nya, napupunta naman sa barkada nights  >:(  so parang buong week eh puro night shift sya..  :(

Sanayan lang din, tapos nung nabago shift nya.. naging 3pm-12mn.. ayun.. ako naman ang ginigising nya para makapagkwentuhan kame paguwi nya.   

Lucky for us, kinuha sya ng isang account na dayshift  :) Sana tuloy tuloy na sya dito at hinde na malipat ng night shift.  Mas maliit ang pay pero  iba pa rin talaga pag pareho kayong dayshift.   ;)


MrsCaancan

  • Guest
Re: Night shift si hubby :(
« Reply #35 on: July 18, 2013, 07:10:33 am »
Sanayan Lang talaga yan sis. Kami even before Nung bf-gf kami he works at night I works at the morning we spend time after work ko and before siya mag work.

Now ganun pa din.. Night shift pa din siya pero last February nag resign na ako sa work kasi he flew to GA.. Stint niya for almost 4mos..

Ang Amin kasi he tries to spend time with me and our baby.. Paguwi niya galing work eat muna kami sabay sabay then konti play muna before he sleep.. Pag Saturday minsan wala siya sleep kasi like niya un nag Malling kami sun and mon Lang un pahinga niya talaga

Basta sis kelangan di masala in communication niyo.. Make sure na nakakapagusap kayo lagi ha

ayami

  • Guest
Re: Night shift si hubby :(
« Reply #36 on: July 18, 2013, 10:46:36 am »
Makikisali na rin ako sa thread na to. Medyo nakakalungkot nang biglang night shift ang work ni hubby. Fresh grads kami parehas at nasanay ako na sabay kami ng activities. Sabay halos lahat ng klase namin nung huling years namin sa college and sinusundo nya ko sa school kaya after school dami namin activities together. Tapos nito nga pagkapanganak ko, start na niya sa trabaho natanggap kasi kagad siya after graduation. Ngayon, ang breakfast nya siya namang dinner ko. Ang shift niya is 9PM-6AM. Ortigas lang naman siya kaya 40 mins lang at most travel time niya pauwi. Pero pag uwi dito dahil di pa siya sanay, ang hirap kasi di na niya ko ganong nakakausap paminsan-minsan magkkwento siya habang nagbbreakfast ako at ginagawa niya yung chores niya with our kids pero after nun tutulugan na niya ko. Wala na yung dati naming quality time na andami dami naming napapagchikahan. Namimiss ko siya tuloy kahit umuuwi pa rin siya dito samin.

Pero in fairness sa kanya ang Saturdays niya allotted talaga for me, dun kami lumalabas to watch a movie or sasamahan niya ko sa salon para sa pamper time. O kaya naman siya ang magsasampay ng laundry ko. Minsan nagpapamanipedi din siya kasama ko. Kaya lang, pahirapan naman kami gumising pag Saturdays ang ending hapon na kami lalabas minsan feeling ko ubos na ang oras kasi gabi na naman. Sundays naman sa inlaws kami tumatambay, mostly pagaalaga sa kids namin ang inaatupag niya. Buti na lang work at home ako kaya napapaghanda ko pa siya ng baon and food sa bahay.

Ayoko na rin ng movie dates lang at dinner, gusto ko yung nakikinig siya sa kinukwento ko kahit alam niyang nasa house lang ako at mostly kids lang namin ikukwento ko or yung students ko... kasi pansin ko one liner na lang responses niya tapos jaded ang dating walang enthusiasm gaya nang dati. :( dun lang ako di nakukuntento.

Iniisip ko rin kung pano na ang sexytime. Ready na ko kasi it's been 2 months after I gave birth. Well pano kaya namin isisingit yun kung sa gabi ang sched dati? Pag umaga kasi gising na gising ang kids.

khriseeee

  • Guest
Re: Night shift si hubby :(
« Reply #37 on: July 24, 2013, 01:57:28 am »
I am project based so my shift is based on the geo my project is supporting. I am currently on nightshift and hubby works on Saturday so the only real quality time we have is Saturday evening and Sunday.

Sometimes we get to have dinner before I leave for work. When work isn't too hectic, I work from home and schedule my meetings til after he sleeps.

It works for us now since we both know it's temporary. We still communicate on text or call each other. I don't mind it at all, in fact I get more annoyed when we're together 24/7 hahaha

sarsingkit

  • Guest
Re: Night shift si hubby :(
« Reply #38 on: July 25, 2013, 10:20:39 am »
^me too. mas productive ako pag wala sya sa bahay. mas nakakapaglinis ako, luto at marami pa. may time pa ako for myself like exercise/jogging, surf the net at kung ano ano pa ng walang istorbo. haha. at least, the few times a week kami na magkasama eh talagang time na namin yun for each other.

kikaygimikera

  • Guest
Re: Night shift si hubby :(
« Reply #39 on: July 28, 2013, 03:36:09 pm »
Hi mga sis. My husband works on night shift. Ako naman stay at home as of the moment. So far its not working for me. Sobra.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close