watch now

Author Topic: House for Single Parents take 4  (Read 118735 times)

luvluv

  • Guest
Re: House for Single Parents take 4
« Reply #240 on: January 29, 2010, 10:50:16 am »
oo buntis ako. buntis hangin. bwahahaha. bun-dat. :P puro kain. bago pumasok sa class, kain. after class, kain. pag uwi, kain.

kami rys PLDT, yung higher than php990 kinuha namin, 999 ata. kasi yung 990, sakto lang, mabilis..pero dahil madami computers simultaneously (yesss, english!) ang ginagamit dito sa house, we needed a higher plan, kasi babagal pag ganun. wala naman problema. ilang years na namin DSL yan.

gusto ko din mag-dancing dancing..kaso parang nahihiya ako sa sarili ko hahaha! ;D

so madami hindi pwede before umalis si smoochyz, pano tayo magkikita kita ulit? yung mga pwede na lang ganun? :s tsaka sa summer magpplan din tayo ng outing, para bongga. trip to bicol, dun tayo kina twinkle tutulog haha! :D inimbita ang sarili! :))

maki, di pa ko nagkakaron! nauna ka pa sakin! mula last year. isang taon na ko di nagkakaron! woohoo! shucks, siguro after ko manganak naging lalaki nako! HAHA! :P

magva-valentines na naman. buti na lang this year may ka-valentine date na ako.. si teo. :) yahoO! last year emoticon ako nung valentines eh. ngayon, happinessss na! :)

*nood tayo ng Paano na Kaya.. :)

mrs.jack sparrow

  • Guest
Re: House for Single Parents take 4
« Reply #241 on: January 29, 2010, 12:36:30 pm »
^nairita nga ako sa menses ko e. hindi na sanay. biruin mo simula 2007 october e ikatlong menses ko pa lang ito. lol.

oy alam nyo ba si sd tumatawag kay mother dear kagabi pati sa akin. di namin nasagot kasi we're havin sumkinda family reunion e..

pero after ng dinner i called to ask bakit sya tumatawag.. sabi ba naman isusumbong daw nya ako sa nanay ko na inaaway ko sya?

waha?! what? parang nagflashback un tumawag sd ni luvluv sa parents nya.. like duh?! asa kang gunggong ka na paniwalaan/kampihan/pakinggan ng magulang ko.. e kaya ko inaway un e dahil sa kakapalan ng mukhang ibitin mga papeles ng mga bata for 4 months..

slickchick

  • Guest
Re: House for Single Parents take 4
« Reply #242 on: January 29, 2010, 02:44:19 pm »
hello mga maders!! yehey it's friday! hep-hep horay!  ;D

maki, sabihin mo sa SD mo, mag-isip isip muna sya bago ka nya "isumbong" sa sarili mong nanay. anlakas ng loob nya ah.. kainis.. hehe..

luvluv, isipin mo na lang malaking katipiran ang hindi mo pagkakaroon.. at least hindi magastos sa napkin, at hindi ka worried sa tagos habang nasa klase.. hehe..

balae bjgem, don't tell me sis, masusundan na si meg?!?! hehe..  ;D

rys, ay truliness yan sis! kiberush lang talaga sa sasabihin ng tao kapag nag-aaral ka ng dance! paki ba nila.. di naman sila nagbabayad ng dance classes mo, at hindi naman paa nila ang naapakan mo (literally) habang sumasayaw ka!  ;D

napaguusapan na rin lang ang menses, napilitan ako mag-leave ngayon dahil namimilipit ako sa dysmenorrhea simula kagabi! nakanang! sabi nila kapag nanganak ka, di ka na magkaka-dysmenorrhea.. kung sino man nagsabi nun, hindi nilinaw na exempted sa kasabihan ang mga nanganak via CS... aaaarrrggghhh!! kaya eto ako ngayon, nagtitiis sa hot compress, dahil pinipigilan ko mag-take ng gamot at baka mahinto pa ang menses, mas tumagal pa...


bjgem

  • Guest
Re: House for Single Parents take 4
« Reply #243 on: January 29, 2010, 03:45:25 pm »
^balae..haha..wish ko lang!! haha..kinakabag lang ako kakain ng mais.. :P..katatapos lang ng mens ko kaya ko nahihilo..inubos na naman dugo ko..hehe   ;D

chiqmom

  • Guest
Re: House for Single Parents take 4
« Reply #244 on: January 29, 2010, 03:48:30 pm »
CONGRATS NATS AND JAP!!! yohoo


kumusta na lahat?


janejt

  • Guest
Re: House for Single Parents take 4
« Reply #245 on: January 29, 2010, 05:35:02 pm »
hello sa lahat!

slickchick, hooray talaga friday na! malapit na rin mag uwian.  :)

luvluv, manood ako later ng paano na kaya, sama ka? sana pwede tayo magkita before umalis si smoochyz.

maki, kairita si sd ha. kapal ng mukha.

rys

  • Guest
Re: House for Single Parents take 4
« Reply #246 on: January 29, 2010, 06:35:59 pm »
janejt...  gusto ko try kasi may landline.  hayzzz. 

bjgem... hehe.  may sideline din ako pero linggo naman-yaya hehe

luvluv... dsl ba yan? kasi kami yun antena lang.  ahaha.kaya ambagal lolz

slickchick... kami ng sister ko nun nakakatulog sa sobrang sakit kapag may period.  pero natanggal nga nun nanganak kami.  CS ka pala sis?    same pa din salit?

mrs.jack sparrow

  • Guest
Re: House for Single Parents take 4
« Reply #247 on: January 29, 2010, 10:24:04 pm »
^slickchick - korak.. buti this time around e hindi pa ako dinidysmenorrhea.. pero dati after manganak sa panganay ko super pahirap ng dysmenorrhea na yan..

janejt- hmpf. kapal ng face talaga.

it's been unimaginable kanina.. maysakit kasi kaming mag-iina. ubo at sipon.. un bunso ko ang nauna.. 5 days na ito, si wania naman 2 days na kami parehong sinisipon at inuubo..

kakatulog lang nila.. kawawa naman todo iyak ng mga bata..

lagi kong naiisip kung may-asawa lang ako may ka-share ako ng mga ganitong hinanaing at pag-aalala.. although family ko naman dito e nag-aalala at tumutulong sa akin w the kids pero syempre iba ang care ng parents ng bata..

kaya lang heartless/useless/crappy/nonsense tatay ng mga anak ko e.. sobrang paghihirap ng mga anak ko.. sobrang paghihirap ko sa kanila, pero dad nila e walang paki, walang alam sa nangyayari dahil di naman nagkakamusta at higit sa lahat pahirap pa..

oh well.. positive pa din ako for my future and my kids' future.. i know lahat ng mga pagssacrifice namin magmamommy e pagre-ready sa amin for tougher BUT BETTER life ahead :)

at syempre kasama na dito ang wish na makarma ng bonggang bongga si jamil na walang kwenta. lol.

babangon ako at dudurugin kita ang drama ko right now. lol.

para akong baliw. hahaha

mrs.jack sparrow

  • Guest
Re: House for Single Parents take 4
« Reply #248 on: January 30, 2010, 12:17:48 am »
hi smoochyz! btw sister, welcome ka pa din here in hSP of course.. pero advice ko as your big sis, iba na ang situation mo sa amin, married ka na and sa mga nababasa mong nega dito sa thread, like mga shine-share ko right now, wag ka na mashadong mag-aalala kasi andyan na si jp wit you..

focus on the positive lagi :D it's hard to deadma especially pareho-pareho tayo ng situation halos (ngayon iba na situation mo) kasi personally speaking, pag nakakabasa ako ng mga drama ng sisses natin dito affected din ako at minsan maski hindi pa ginaagawa ni jamil ang kalokohan pero ginawa ng isa sa mga sd namin, feeling ko guilty din don sd ko at napag-iinitan ko din. lol.

pero ikaw, iba na si jp, hubby mo na sya hindi na lang sd! yay for you guys! :D

anetski

  • Guest
Re: House for Single Parents take 4
« Reply #249 on: January 30, 2010, 02:22:54 am »
wow ang daming updates! hehe dami ko binackread. may kinasal, may nag-birthday...ang saya-saya! congrats smoochyz!!!! im so happy for you and your family =) and happy birthday to chiqmom, twinx, and joongie! wow dami january babies ah.

im happy to share with you the good news! natanggap ako in an investment bank in SG!!!!! nagpunta ko SG last jan. 23 to try my luck, jan. 27, contrata na! nung thursday ako bumalik ng pinas. babalik na ko ng SG sa feb 18, start date ko with the company is feb 22. kamusta naman. rush kung rush! dami ko inaayos, and shempre, priority ang mga bata.

rys, nakita ko na pics. upload ko sa FB yung iba ha =)

happy weekend mommies!!!!


luvluv

  • Guest
Re: House for Single Parents take 4
« Reply #250 on: January 30, 2010, 10:46:19 am »
wow wow wow congratulations ANETSKI! :) parang kailan lang nung mabalitaan ko yang SG na yan! tapos ngayon tanggap ka na! i'm so happy for you mare! :) may pambili na ng toys sina baby? hehe ;) ang kukyut ng mga anak mo, peram naman. kukulutin ko lang ahaha :D aww.. sana magtuluy-tuloy na yang mga good news sa life mo sis! :D

ganyan ba talaga ang buhay? pag malas sa love life, swerte sa kaperahan/ibang bagay? i think i'll have to agree. HAHAHA! :)

grabe ilang araw na ako di mapakali. parang may inaanticipate ako. something good, i hope. ayaw ko ma-nega. masisira ang taon ko. enough na yung 2009 na buong taon akong cryola crylaloo. dapat 2010 is OUR year!

on sunday my parents and i will be attending a seminar, para sa business na isa-start namin. :) soap making! :D sana maging successful kami once we do it on our own. hay. super excited na ako for this. tagal ko na gusto magkaroon ng bagong pagkakakitaan and pagkaka-abalahan eh. :)

smoochyz: hay naku, wag ka maniwala sa mga hula hula na yan. ewan ko ha, against talaga ako sa mga ganyan eh. kasi, ewan ko ba kung san ko nabasa yun, basta 'law of attraction' lang daw talaga lahat ng bagay eh. kung ano yung gusto mo mangyari, put it into heart, and kusa yun mangyayari sayo. gaya nyan, isa isa nang natutupad ang mga pangarap mo, wag mo isipin yung mga nega nega (kung nega man right now ang magbuntis ka), and isipin mo yung mga gusto mo mangyari talaga, then it shall come to you. :D

sarap ba ng buhay may asawa? share mo naman sa amin. haha! :D

di pa ko nakakanuod ng Paano Na Kaya. :(

ang swerte ni Kim Chiu no? may movie nung december, may movie nung january, may bagong serye. may gerald pa. haha! penge naman ako nyan kim! :P

maki: keber na dyan kay Jamil. at least ngayon alam mo na, wala syang kwentang tatay and ang pamilya nya walang kwenta din. PAREHO SILA NI F****Z. (haha, gustung gusto ko banggitin pangalan nya para malaman ng buong mundo kung sino yang t*rant*dong Sd ko)..pati magulang nila, kinukunsinti sila. buti na lang di kayo nag-end up together. who knows, baka kung nag-end up kayo together pahirapan ka lang din nya. better na sa iba na lang ikaw mag-end up kesa dyan sa taong yan.

narealize ko lang, buti na lang din di kami nag-end up ni SD. kasi isa syang PALAMUNIN. palamunin ng nanay nya, palamunin ng asawa nya. naging palamunin ko pa noon. walang b*yag, walang silbi.

random thought: i've always thought of Ivler's mom to be crazy. bonggang kinukunsinte nya ang ginagawa/ginawa ng anak nya, pagtakpan pa to the highest level. ganun din 'tong nanay ng SD ko -- nakabuntis na nga miski may asawa, pero pinagtatakpan at kinukunsinti pa nya. ganun din nanay ng SD ni Maki. sabi ko sa nanay ko, pag si 'teo gumanun *gumawa ng masama, never never never ko kukunsintihin, at baka ako pa magpakulong sa kanya. sabi ng nanay ko, hindi ko din daw masasabi pero baka maging ganun din daw ako. iba daw talaga pag nanay ka, poprotektahan at poprotektahan mo daw talaga ang anak mo by all means.

wala lang, i just find that SO WRONG. mali na nga eh, kukunsintihin pa?

kayo? anong gagawin nyo pag nagkataon? (na anak nyo si Jason Ivler, SD ko or SD ni Maki? or kung anak nyo yung may ginawang uber samang bagay?)



kneekee

  • Guest
Re: House for Single Parents take 4
« Reply #251 on: January 30, 2010, 03:17:58 pm »
^sis luvluv me too. I think Ivler's mom is crazy. I wouldn't do that to my children. nakakainis yung mga ganun mali na nga kinukunsinti pa may pagkaganun din ang mudra ni ex. oh well. magsamasama sila. LOL

rys

  • Guest
Re: House for Single Parents take 4
« Reply #252 on: January 30, 2010, 04:59:04 pm »
kung buhay ang kinuha niya- ewan ko.  depende kasi minsan yun mga nakukulong minsan sinasalvage sa  pinas.  madami ganyan dito. e di itatakas ko na lang. 

pero kung mukhang safe siya sa 'loob', meaning walang salvage salvage.  let it be.  bahala na batas sa kanya. kahit nakabartolina pa siya. kung yun yung parusa para sa mga ginawa niya.

share ko lang ha, yung kapatid ng officemate ko nabaril niya best friend niya. pinaglalaruan kasi nila yung baril ng tito niya e, loaded pala yung baril.  di sadya yung pagkabaril.

ang haba ng process paglilitis ng homicide case. natagalan ata sa desisyon yun kabila - binaril din kapatid ng officemate ko.  dead on the spot sa harap ng bahay nila sa harap ng madaming tao.
 

although di naman sila pareho story ni ivler,  mahina lang kasi 'protection' sa mga suspects dito sa pinas.  aminin na natin masama talaga siyang tao.   kaya lang maraming galit sa kanya, pwede yan ikulong tapos biglang mawawala na lang yan. lalo na mataas ang position nun magulang ng isa niyang napatay.

at alam naman natin patakaran sa pinas-kung anak ko siya-malaki talaga possibility na itakas ko siya, ipapakulong sa ibang lugar.  at shu-shut up sa media.

kasi gusto ko din bigyan chance sarili ko-kaya siguro yan magiging masama dahil sa akin.  gusto ko matuturuan siya nang tama at gusto ko buhay siya-at magkachance pa siyang magbago.  kahit habambuhay siya makulong basta magkapeace of mind lahat at makahingi siya ng patawad sa mga nagawa niya ng kasalanan.


 
pero kung nakabuntis si ram?  definitely choice niya kung gusto niya panindigan or hindi.  kung hindi, ako na lang kukuha sa anak nila.  bigyan ko pamasahe yung babae pauwi sa  kanila after manganak.

kung gusto ni ram panindigan, depende pa din sa akin kung gusto ko girl. LOL



nagpapakatotoo lang...



congrats anetski sa new job/place!  congrats smoochyz sa bagong baby


hehe
« Last Edit: January 30, 2010, 05:34:36 pm by rys »

rys

  • Guest
Re: House for Single Parents take 4
« Reply #253 on: January 30, 2010, 05:47:09 pm »
dami ko na sinabi may pahabol pa ako....

minsan kasi gusto mo lang ipakita sa tao na hindi mo kinukunsinti anak mo para lang ipakita na okay ka magpalaki ng anak, pero madalas iba sinasabi mo sarili mo.

ewan ko kung natry niyo na ito:   minsan binully si ram sa playground kasi payat siya di ba?  kita ko yun.  tinulak siya, buti sa wall siya tumama at hindi bumagsak or umuntog ulo sa ground. gusto ko patulan mga bata.  ahaha.  aaminin ko kung wala nakakakita-kukurutin ko sila.   kahit sino pa nagsimula ng away. 

kasi emotions ko umiiral nun e.  kapag anak mo madalas mawawala ka sa sarili mo.  walang logical thinking na manyayari dun.

hindi ako kumakampi sa nanay ni ivler pero minsan kapag nanay ka, at buhay ng anak mo nakataya-madami kang makakalimutan.

at sa kaso ni ivler ngayon i'd be crazy as her mom. ahaha
pramis,  biruin mo ganun anak mo?  yung tao na galing sa iyo.  yun kinarga mo 9 months.  mababaliw nga ako nun.
« Last Edit: January 30, 2010, 05:50:39 pm by rys »

smarie_011

  • Guest
Re: House for Single Parents take 4
« Reply #254 on: January 30, 2010, 09:26:02 pm »
waaaa biktima din ako sa mga nanay na konsintidor kaya nagiging inutil anak nila dahil sa kanila aper [textspeak!] mga sisses na may mga inutil at walang wentang SD na yan.

mrs.jack sparrow

  • Guest
Re: House for Single Parents take 4
« Reply #255 on: January 30, 2010, 09:45:55 pm »
congrats anet! bongga kids mo sa sg na din magsschooling and all?

ok here 's my take on ivler's mom - mamamatay tao ang anak nya kaya dapat e hindi nya na itinago. oo pportektahan ko pa din ang anak ko whatever they did, pero un parusa dapat maibigay sa kanila un.. kasi dapat matuto maging resposible ang kahit na sinong tao sa actions nila..

may nagtatangka na din magbully kay wania. heller 1 year old pa lang anak ko binu-bully ng mga hampaslupang bata sa mall/sa tom's world.. pinapatulang ko talaga un nambubully sa anak ko.. as in tinataasan ko ng kilay or tinatarayan sa harap ng magulang or guardian nila. meron palang isang di ko napatulan kasi anak ng ... hmpf! isa sa kakilala ko.. aba e kinukurot ba naman si wania.. gusto ko sabihin sa bata.. hoy bata panget ka na nga panget pa ugali mo.. lol. sa totoo lang pumapatol ako sa bata pag un anak ko ang inaaway..

anetski

  • Guest
Re: House for Single Parents take 4
« Reply #256 on: January 30, 2010, 11:46:56 pm »
salamat salamat sa mga bumati =)

luvluv - oo ba, pwede mo hiramin basta ba pagbalik mo sakin, mega-kikay na ang girls ko ha! hehe. oo siguro nga, ganun...one cant have everything. madalas pag malas ang lovelife, bumabawi naman sa ibang bagay. dami ko na pinalampas na opportunities all for the love of the husband. yang SG na yan, 3 years ago pa kumatok saken, but i chose to stay here and give my husband another chance. sabi ko kay Lord, one last chance, if the hubby blows it, mag-aabroad na talaga ko kahit saan pang lupalop yan. ayoko namang mag-abroad then sila lang maiiwan ng mga bata dito. naku naman noh! lustayin pa ang pinaghirapan ko sa mga kabit nya WAG NA OY!!!!

mrsjacksparrow - hindi ko muna dalhin mga bata sa SG. they will be staying with my parents here, for a year or so perhaps. i'll make sure muna na stable ako sa SG bago ko sila kunin. usapan namin ng mga bata, uuwi ako ng pinas every month, stay for 2-3 days(rest days) tas balik na ng SG. salamat talaga sa tiger, jetstar, at cebupacific...they'd made seeing my kids as often as i want possible.

for all the things that happened between me and my husband, i dunno, but i cant bring myself to hate him or become angry. tapos na ko sa stage na yon eh, years and years ago pa. i dunno if ive become indifferent or what. all i know is, i dont worry anymore. i wouldnt have to walk on eggshells at home. i wouldnt have to contort myself in all ways possible in order to accommodate/cater to whatever the husband wants. maluwag na ang flow ng pera. when i look back and compare my life now and my life before with the hubby, masasabi ko na mas magaan ngayon. dati kasi parang ang bigat-bigat. it feels like a huge boulder has been lifted off my chest. salamat ng marami kay God.

with regard to the jason ivler saga, well, i cant blame the mom for her actions. nanay yun eh. perhaps, if i would be in marlen(tama ba?)'s shoes, most likely ganun din ang gagawin ko. protective and nurturing instincts will kick in. PERO, come to think of it, hindi naman dadating sa ganung circumstances IF pinalaki ni marlen ng maayos at may takot sa Diyos ang anak nya. naniniwala pa rin ako na a big chunk of our personality comes from how our parents raised us, and the environment we grew up on. going back to marlen, i find her "motherly love" for jason so uncanny. unnatural. parang hindi typical mother-son love. ang dating saken, parang may halong romantic obsession. eew. at hindi lang ako nakapansin nyan, dun sa isang thread, ganun din ang observation ng karamihan.

i have taught my kids mula nung maliit pa sila the concept of right and wrong, reward and punishment, until now, im still teaching them. like si danni, last december, nahuling nag-cheat sa exams. during the math exam, she put out her reviewer na sinagutan namin the night before. nakita ng classmate, ayun sinumbong. sabi ng teacher, she wouldnt consider it cheating because she believes na hindi yun sinasadya because knowing Danni, hinding-hindi nya magagawa yun. plus, honor student pa yung bata. when the teacher asked her why did she do it, she said it's because natatakot siyang bumagsak kasi talagang nahirapan siyang mag-intindi ng multiplication. my kid knows that it was wrong, but she chose to do it anyway because the fear of failing ang nanaig sa kanya. teacher didnt want to punish, hindi nga pinaabot sa guidance and principal yung incident. but i told her that there must be some sort of punishment for the kid to realize the consequence of her actions, para hindi na maulit. teacher decided to give her a low grade on conduct, which took her out of the honor list. sa bahay, i talked to my kid. the way i talk to my kids, i show and explain to them what they did, its results and consequences. i explain the couldve beens, shouldve beens, and wouldve beens pag ginawa nila o hindi ang isang bagay kahit pa tama o mali yun. and from these, they draw their own conclusions whether to continue or to stop doing it. i assured Danni that it really doesnt matter if she will fail or pass her grades. grades lang yun. it does not and will never define her as a person. but her values will. no matter what we do, whether we fail or succeed, we should always do it with integrity.

pagdating naman sa mga bully, what i tell my kids is this: WAG NA WAG KANG MAUUNANG MANAKIT. pag salitaan, gumanti ka rin ng salitaan. asaran pag asaran. pero pag sinaktan ka, SIPAIN MO! sabay layo or takbo and report it to the teacher or to me. aminin na gumanti ka. and apologize. i know maraming hindi mag-aagree sakin dito, pero babae po ang mga anak ko eh. i dont want them to just cry in one corner pagkatapos silang saktan or be taken advantage of.

mahirap magpalaki ng anak. but as parents, we have to do whatever it takes to ensure that our children will grow to become better and wiser persons than we were.

sorry, long post. na-carried away lang hehe =)

mrs.jack sparrow

  • Guest
Re: House for Single Parents take 4
« Reply #257 on: January 31, 2010, 12:16:45 am »
mwahugs to you anet! ako naman i still have a loooooong way to go..

nakakwentuhan ko din noon si twinkle dahil pareho kaming gusto mag-sg din noon.. oonga naman dahil sa tiger pwedeng pwede lingguhan ang uwi. :)

anetski

  • Guest
Re: House for Single Parents take 4
« Reply #258 on: January 31, 2010, 12:30:53 am »
corek ka jan mamu! baka nga gawin kong lingguhan ang uwi lalo na pagdating ng May onwards. enrollment at pasukan na kasi. tyak yon maninibago ako sa pag-handle ng pera. monthly ang sahod eh. sanay pa naman tayo sa 15-30.

excited mga bata! promise ko sa kanila, pag nag-work na ko sa singapore, dalhin ko sila dun for pasyal. pero what they're really looking forward to is the trip to HK disneyland. tagal ko nang promise sa kanila yon, since 3 years ago pa. this year, dalhin ko talaga sila doon. nakakataba lang ng puso na after all these years, isa-isang natutupad ang dreams ng mga anak ko. naiyak nga ako nung umuwi ako nung thursday, sabi nila, "talaga mommy? magwo-work ka na sa singapore? makakabili na tayo ng Baby Alive chaka ng Play Doh Ice Cream Parlor??!!!". hay, ayan naiiyak na naman ako. kasi naman, since maliliit pa sila, as in sobrang tipid sila sa toys. maswerte talaga ko sa kanila kasi hindi sila mapaghanap na mga bata.

hay kids!

mrs.jack sparrow

  • Guest
Re: House for Single Parents take 4
« Reply #259 on: January 31, 2010, 12:34:38 am »
CUTENESS NG KIDS MO! ilang taon na ba sila? parehong girls din pala ang sa 'yo..

my niece got that playdoh ice cream parlor. lol. cuteness.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close