watch now

Author Topic: House for Single Parents take 4  (Read 118854 times)

rys

  • Guest
Re: House for Single Parents take 4
« Reply #180 on: January 16, 2010, 12:29:14 pm »
house warming ba kamo?  oo ba,  kasi pag wala na gamit nila wala na gamit talaga.

hindi free delivery kasi mura ahaha

mrs.jack sparrow

  • Guest
Re: House for Single Parents take 4
« Reply #181 on: January 16, 2010, 01:37:02 pm »
congrats finally!

hi sisses! enjoying yaya-less days here :)


janejt

  • Guest
Re: House for Single Parents take 4
« Reply #182 on: January 16, 2010, 11:03:50 pm »
madam, present po! super busyness na naman sa work. nagclose na kasi kami ng 2009 sabay nag iisip ng gagawing projects sa 2010. super sakit lagi ng ulo ko pag uwi ko sa sobrang stress at pagod. sana pagtapos ng january, maluwag luwag na ulit sa office.

finally, congrats sis!

maki, ok din minsan wala yaya. mas feel mo pagiging mommy. saka super maging close sayo anak mo. wish ko din minsan ang maging full time mom. medyo mahirap nga lang talaga.

luvluv, sosyal ng yaya mo ha. sana nga ok na talaga sya. mahirap din papalit palit ng yaya.

rys, meron ako narent dati mura lang kaya lang 3yrs ago pa yun. hehe. nakuha ko lang sa classified ads. ok din ako sat pm for day out with kids.

hi to all! goodnight!


kneekee

  • Guest
Re: House for Single Parents take 4
« Reply #183 on: January 17, 2010, 12:01:43 am »
Thanks mga sis sa pag-welcome nio sakin :*

rys

  • Guest
Re: House for Single Parents take 4
« Reply #184 on: January 17, 2010, 12:30:19 am »
hi sis


naku, si Ram sinayaw ng mga chicks hehe..


Kulang kami boys kanina sa salsa class, naku-  sinama si Ram. 



Sabi pa ng instructor, sama ko daw siya palage.  Nag eenjoy naman si Ram hehe

luvluv

  • Guest
Re: House for Single Parents take 4
« Reply #185 on: January 18, 2010, 11:49:19 am »
smoochyz maraming salamat sa pag-imbita sa amin sa birthday party ni aviela. :) nag-enjoy si 'teo miski di pa nya naiintindihan ang nangyayari hahaha ang daming nangyayari sa paligid nya aliw na aliw sya..hanggang nakatulog haha! :)

first time nya mag-attend ng birthday party tsaka makita si Jollibee! sana magustuhan ni baby mo ang gift namin :)

anetski nice meeting you! :) kakaloka story mo girl, konti pa lang narinig ko gusto ko na maghuryamintado on your behalf ahaha!
 ;)
rys nice seeing you again mars! :) gwapo gwapo ni kuya ram na binully ng anak ko hahah! lawayan ba ang tenga nya haha manang mana sa nanay ang baby, pilyo! ;D

hi sa lahat, hope everyone enjoyed their weekend! :)

bjgem

  • Guest
Re: House for Single Parents take 4
« Reply #186 on: January 18, 2010, 01:36:25 pm »
hellooo..attendance muna!!!

congrats finally...finally you're a certified single mom..hehe..enjoy muna!! forget SD at mga stress na hatid nya..

smoochyz..sorry  :( hindi kame naka-punta ni balaeng slick at mga kids..masama daw pakiramdam ni slick eh..ako naman nasa remote area..hehe..anyway, salamat sa inivitation c/o luvluv..

rys...salsa ba trip mo ngayon!! i like that..actually, kahit sa kajubaan kong ito..dancing ang exercise ko, nung highschool days ko eh..naging pok pok dancer ako :o..ay mali...folk dancer pala sa school namen..hindi ko kinarir kase baka kabugin ko sexbomd dancer...haha.. ;D

janejt..ako din..gusto ko maging full time mom kase iba pa rin kung habang lumalaki anak naten, nandun tayo 24/7..kaso hindi rin pede kase kelangan mag-work para sa kanila..

maki..goodluck sis to your new endeavor!  ;)

kneekee..welcome!!

mrs.jack sparrow

  • Guest
Re: House for Single Parents take 4
« Reply #187 on: January 18, 2010, 08:54:34 pm »
happy birthday aviela!!

hay naku bjgem/jane - ako minsan atat na atat naman magwork kagaya nyo pero may oras para dyan.. for now happyness naman kaming mag-iina.

madam cru, kamusta?


slickchick

  • Guest
Re: House for Single Parents take 4
« Reply #188 on: January 19, 2010, 08:13:59 am »
good morning mommies! ngayon lang ulit ako nakapag-GT dahil down ang internet dito sa office kahapon..

congratz sis finally! grabe 7-pounder pala baby mo... musta naman ang first few weeks ng mommy-baby bonding moments?  :)

smoochyz
sis, belated happy birthday kay aviela! musta ang bday party ni aviela? bukod sa may pinuntahan din si zion na ibang party, may sakit din ako nung weekend kaya hindi rin ako makalabas ng house..   :(

rys at bjgem, nag-dance class din ako before sa hope na pumayat.. belly-dancing! hahahaha! well.. kung sa pagpapaliit ng tyan, effective yung belly-dancing. kaya lang kelangan ko mag-stop nung naging preggers ako.. ngayon, hinahanap ko ulit yung contact details nung instructor namin (sa rockwell sya dati). sana nagtuturo pa rin sya ng belly-dancing..

maki - goodluck sa naiisip mong business! ako man minsan eh nakakaisip na rin mag-resign (retire would be a better word) from the regular 8-5 work.. nag-iisip na lang ako kung ano ba'ng raket ang pwedeng pasukin... lalo na ngayon na nagiging toxic na naman dito sa office...

welcome sa thread sis kneeknee! share ka lang dito kung ano feelings and naiisip mo...  :)

rys

  • Guest
Re: House for Single Parents take 4
« Reply #189 on: January 20, 2010, 08:03:13 pm »
luvluv...  ang cute cute ni teo ahahahha  ngiti ng ngiti noh?   nakakaloko  hehe  sabihin mo kay Teo wag niya ibully si Ram, tropa yun.


bjgem...  pang sexbomb ba?  di ko feel dati magsayaw kasi di talaga ako mahilig sa ganyan.  nag enjoy lang ako lately.  kasi bonding moment with jowa.


slickchick
...  okay din belly dancing noh  :)   tapos yung may costume pa.  aylabet!


smoochyz
... salamat sa pag invite ha.   :)  grabe sa  over block buster bday ni Aviela :)


anet...    nasa multiply ko yung pics natin sis.


hello sa lahat     




-----
honga pala, invite ko kayo sa salsa class namin.
kung aavail kayo yung 10sessions, 5k pesos daw bayad.

pero kung gusto niyo yung parang ginagawa namin, nagpledge lang kami.
ibig sabihin babayad ka fixed amt per session. kami nasa 100-150php pledge namin per session.

pero commitment na yun, kahit di ka umattend babayad ka pa din -para sa rent ng room at elec (air con) kasi yun.
pwede din siguro magpledge ng 50php persession.  para lang buhay salsa community.

pwede din siguro 20php-pero wag niyo na lang sabihin ako yung nag inform sa inyo pag 20php pledge niyo ah hehe

location:  Manila.
day/time: every Sat, 6-10pm
instructor: Ares
 


 

atsaka yung salsa, medyo mabilis at magiling siya.   
di siya yung typical ballroom.
para siya yung sayaw ni shakira.


gusto ko lang madami pumunta. kung di po kayo pwede pwede niyo po inform yung mga may gusto.

janejt

  • Guest
Re: House for Single Parents take 4
« Reply #190 on: January 20, 2010, 09:45:45 pm »
^ sis, san sa manila? gusto ko nyan. kaya lang wala ako partner, paano yun?

belated happy bday aviela! sayang, di kami nakapunta.

hi to all! 2 days na lang, weekend na! (excited) :D

bjgem

  • Guest
Re: House for Single Parents take 4
« Reply #191 on: January 21, 2010, 04:27:57 pm »
rys...san yun? hindi ko masyado gets yung pledge pledge na yan..hehe..ibig b sabihin kung ndi ka pede dun sa sked n yun or sabihin na naten na may emergency ka..bayaran mo pa rin yun??!!.tama ba pagkakaintindi ko..interasado ko ha  ::)..baka mapabilis pagpayat ko jan.. :o (asa pa ko!!) pero sana hindi saturday..

rys

  • Guest
Re: House for Single Parents take 4
« Reply #192 on: January 21, 2010, 05:39:01 pm »
janejt...  asian social institute- click here para sa map.  yung pledge parang commitment para di 'mamatay' yung salsa community dyan.  bayad sa rent.  parang gym membership.  example, binayaran mo for the whole month, pero di ka nakaattend ng ilang session bayad ka pa din. kami plinedge namin 100php per week.  parang 400php per month bayad sa rent ng place. parang more or less 4800php/year para sa salsa lessons na 4hrs per session.

at yung pledge na yan kasama na pag attend mo din, kung okay okay ka na, tapos may bagong members parang susuportahan sila. kahit attend lang yung suporta.  di naman chinecheck attendance hehe.

may mga patterns kasi maganda pag madami, katulad ng rueda

youtube link-Cuban Rueda de Casino

youtube link-Salsa Rueda

pag walang partner, ginagawang sub yung anak ko.  ;D may mga lead din na babae (mga girls na lalake yun role, kasi mas gusto nila or iba kaliwete, hehe)


bjgem...  oo nagbabalak sila ng non saturday class kaso depende pa din sa funds, kasi yun nga rent sa place.  simple lang yung lugar pero may a/c naman.

let's just hope na madami magpledge.  kahit 50php/session pledge mo okay lang sa instructor.   ;) 4hours naman yun na class e. 


luvluv

  • Guest
Re: House for Single Parents take 4
« Reply #193 on: January 21, 2010, 08:26:31 pm »
di ko sure kung andito ako sa bahay bukas kaya ngayon na ako babati..

HAPPY BIRTHDAY JOONGIE! :)


*January 22*

super miss na kita, sis. sana nababasa mo 'to at sana makapag-online ka ngayong birthday mo. :) sana makapag-update ka ng blog mo para nakikita namin kayo ni Gracie. :)

wag ka maging emoticon ngayong birthday mo, like i said, sayang ang luha. ;) be happy. birthdays only come once a year. wag mo ko gayahin na naging cryola nung birthday ko. SMILE. ENJOY THE DAY. LABAS KAYO NI GRACIE. :) kung andito ka lang sana malapit sa amin, nilabas ko na kayo bukas. :(

hello mommies! hindi ako pwede dyan sa salsa salsa na yan kasi sumasakit ang likod ko, kailangan ko na ng skelan haha!:)

rys: korek. bully na, baby pa lang. haha! manang mana sa ina! :) yep, nakakaloko ngiti ng ngiti. lalo na sa chicks haha! sana lang wag magmana sa sperm donor na puro ngiti ang alam, walang utak (i smell bitterness).

gusto ko lumabas. busy na ko sa school charr! hahaha! feeling busy nakakaloka. nag-iingay lang ako dun. :)) kung sino yung matatanda sa class, sila pa 'tong maingay :P

ang saya ng feeling, i'm back in school. may classmate ako, nagbalik-eskwela din. PBA player na sya ngayon, foreign-gerr. 1998 sya nag-first year. so yez, matanda sya sakin ng bonggang bongga lang. dati varsity sya sa school namin. fafable sana, but no, ikakasal na sya sa december, and jontezz ang fiance, foreign-gerr din. sosyalan. tinutulungan ko pa mag-wedding planning hahahah kakaloka! buti pa sya, wedding planning na. ako, planning lang. haha! leche planning. haha! party planning. yikes. two weeks nako pumapasok sa school, di pa din ako nakakaipon ni isang kusing. pano, katabi ng school ang mcdo. goodluck sa akin. HAHA.

ang panget ng SD ko. wala lang. narealize ko lang. kamukha nya si kuya kim pag pina-panget mo si kuya kim. tsaka lagyan ng goatee si kuya kim. at papangitin pa lalo. sana pwede mag-rewind button sa buhay para iba na lang daddy ni Teo. :P sana hindi sya magmana dun. in fairness, nagiging kamukha ko na talaga si Teo. :)

note to FAN: sayong sayo na! sayong sayo na talaga! baka suklian pa kita! hahahahaha! :P

rys

  • Guest
Re: House for Single Parents take 4
« Reply #194 on: January 21, 2010, 08:44:34 pm »
ahaha


speaking of SD... andito siya kanina.  akala na naman may relief center dito ahaha...  nagpapadala ng relief goods.  to naman si ram tuwang tuwa.  ahaha.  (bitter din)

di ba nastrestress ako dahil sa work at bahay-kanina asa pc ko siya.  feeling comfortable.  gusto ko tadyakan sa mukha para lang maaalis stress ko.


pramis.


kasi kanian tuwing break ko - debit credit ako ng budget.  kasama educ plan ni ram at gastos sa pagpasok niya sa june. 



isang beses lang-masaktan ko siya.  maalis talaga stress ko.



okay na okay ako kapag di ko siya nakikita.  sana na lang tinakbuhan na lang kami.

mrs.jack sparrow

  • Guest
Re: House for Single Parents take 4
« Reply #195 on: January 21, 2010, 10:14:35 pm »
rys! bakit di mo ginawa? lol.

mga sd ano pag nagshoshopping parang relief 'no. eto din si sd kita nyo naman sa blog ko kung magpadala ng diapers sa mga anak nya diba. saka pag nagpapadala ng damit, shoes, toys parang relief talaga sa dami. minsan naiisip ko baka akala machuchugi na sya. lol.

exciting ang schooling mo luvluv ha. naghahanap ka na again ng fafa? lol

anetski

  • Guest
Re: House for Single Parents take 4
« Reply #196 on: January 22, 2010, 12:25:11 am »
at nakapag-login din ulit sa wakas. musta mommies?

smoochyz - thanks for the invite! sobrang enjoy my 2 girls, lalo na sa face painting! aviela's party was a HUUUGGEE success!!! ganda-ganda ni aviela!

rys - at nagkita ulit tayo bakla! bat parang blooming ka ha? uuyyy shmpre, may pag-ibig eh LOL. gwapo talaga ni ram. pati si gabbi ko, hanggang pag-uwi, inuusisa si ram LOL. check ko rysdepot.multiply.com mu, ala dun yung pics ateh. mali ba pinuntahan ko?

luvluv - ganda-ganda! parang [textspeak!] nanganak ah. at ang bait ni teo, hindi affected sa ingay sa paligid, sobrang tulog pa ren!!!

nag-email si husband, asking to see the kids. i asked him when and where, and i'll ask the kids. sagot ba naman:

"Ask them if it's ok... Then i'll tell you when.

There's no point telling you where and when if they don't want to see me anyway..."

o ang taray di ba? gravacious, ayoko mainis pero [textspeak!] ko kinaya ang tapang ng taong 'to!

i replied:

"Before you asked to see the kids, you should’ve had some sort of plan when, where, and how you’d like to spend time with them. Whether they want to see you or not is immaterial.

Next time, before you ask for anything, make plans for it first. People(even kids) make decisions based on plans, not on whims."

haay. ipag-pray ko na lang siya.




« Last Edit: January 22, 2010, 12:49:33 am by anetski »

bjgem

  • Guest
Re: House for Single Parents take 4
« Reply #197 on: January 22, 2010, 08:30:07 am »
teka..teka..usapang SD to ha..ako din may ise-share

kahapon kase sched ng dalaw ni ex-hubby sa aking junakis..medyo nag OT nga daw dun kase hoping yata na makakausap ako..eh sorry sya, nag grocery pa ko kaya ginabi ako ng uwi...tapos, tumawag pala sa kapatid ko..)fyi, hindi nga pala namen binibigay ang CP no. ko at landline kase nga para hindi kame guluhin)..ang sabi gusto daw ako makausap..edi minalas na naman si SD na makausap ako kase nasa school pa si kapatid ng tinawagan nya..

akala ko ang agenda nya eh gusto nya na malaman kung kelang pwede ipasyal ang anak ko...kase naman hindi basta basta na ilalabas nya ang bata, kasama kase sa agreement na nilabas ng RTC na hindi nya pwedeng ilabas ang nata unless may kasamang kapamilya na trusted ko..sabi ko sa kapatid ko, na kapag tumawag ulit sa kanya ang sabihin nya na inaayos ko na sched naten para masamahan sya na ipasyal ang bata..yun pala...tumawag ng super aga tong si SD kanina at....MALI ANG INIISIP KO!!!  :o...gusto pala na makausap ako pero hindi tungkol sa bata...HMMMMMPPP...

napapaisip talaga..ALIGAGAGA AKO NGAYON!! baka kase tungkol to sa case namen sa RTC, baka gusto nya na iurong ko ang kaso...hmmm.. ::) :-\

slickchick

  • Guest
Re: House for Single Parents take 4
« Reply #198 on: January 22, 2010, 10:05:45 am »
^ eh ang tanong balae, iuurong mo ba ang kaso? baka gusto nya (SD) i-rekindle ang lost flame of love between the 2 of you... hehe!

good morning mommies! happy friday sa ating lahat!  :)

bjgem

  • Guest
Re: House for Single Parents take 4
« Reply #199 on: January 22, 2010, 12:51:32 pm »
^aay nakuu balae..utang na loob..wag na!! wag na!!..hehe..sabi nga ng kapatid ko eh..baka liligawan ako ulit..iniisip ko pa lang eh.na HB na ko!! haha..

sa palagay ko..tungkol sa kaso yun.. ::)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close