watch now

Author Topic: House for Single Parents take 4  (Read 118893 times)

slickchick

  • Guest
Re: House for Single Parents take 4
« Reply #140 on: January 08, 2010, 08:11:03 am »
good morning mommies! EB na mamaya! yehey!!  :D

ge, di nyo ba pwede i-report sa police/barangay yung ex-yaya ni teo? kasi nahulihan nyo naman talaga ng gamit nyo na nasa kanya na diba? sobra naman sya, ni wala pa syang 3 months eh nagi-expect na sya ng 4-5K na sweldo. yung yaya ni zion, nagstart din naman sa 2500, hindi nagreklamo (well, mas matanda na rin kasi yaya ni zion). ngayon, after 3 years, nasa 4K na sahod nya. hindi pa maisip sa work, and mas maalaga pa nga sya kay zion kesa sa akin.. tipong kung mabusisi ako, doble ang busisi nya. and hindi sa pagiging devil's advocate, kung ako naman yung neighbor nyo, i would have informed you na nag-aapply na sa akin yung maid nyo. respeto na lang kasi yun, as neighbors. oh well.. goodluck na lang kamo dun sa kapitbahay nyo. baka magkabagay talaga sila nung ex-yaya ni teo - isang basura, at isang namumulot ng basura...  ;)

bjgem

  • Guest
Re: House for Single Parents take 4
« Reply #141 on: January 08, 2010, 08:39:09 am »
hellloooo..

nakalimutan ko magdala ng camera..kung hindi ko pa nabasa post ni smoochyz..hindi ko maalala..kunsimisyon!!

luvluv..di ba pwedeng i report yan sa mga pulis..yung tipong pa-blotter..

yan ganyan ang wino-worry ng nanay ko kaya ayaw nya ng longkatuts o yaya sa bahay namen eh..bukod sa makikisama pa daw sya, ayaw nya ng may ibang tao sa bahay..kaya kahit nahihirapan sya mag-alaga kay meg..eh ok lang daw..yung daw papasweldo ko sa yaya eh sa kanya ko na ibigay..hahaha..pero dati may pinatira ko sa bahay namen na inaanak ko naman yun, malayong relative, nag-volunteer na tutulong daw sya kay nanay sa bahay..dahil sa "katorse" pa (hehe)..nag start pa lang lumandi..ayuunnn...madalas tumatakas sa bahay, at nakikipagkita sa bf nya..kunsimisyon!!!  :o binalik ko na lang sa nanay nya.. ;D

luvluv

  • Guest
Re: House for Single Parents take 4
« Reply #142 on: January 08, 2010, 11:57:34 am »
waley talaga yang maid na yan kakaloka.

muntik ko pa sanang dadalhin si matteo mamaya dahil ayaw ko na sya iwan sa kung sino. itataxi ko pa. good thing andito mom ko and sis ko later, iwan ko na lang daw, sila na daw mag-aalaga while im away.

nakatakas na ata eh, miski nakapaskil sa gate ang fez nya. hindi sya lilipat sa neighbor namin. according to her, may papasukan daw syang grocery sa caloocan. foin. dun sya magnakaw leche sya.

we just found out na kaya mainit ang ulo nya lagi kay teo is because she sneaks out of the house to sleepover at her boyfriend's place (i dunno where that is) and then pag-uwi dito, pagod at puyat pa, so pag abot ko sa kanya kay baby at around 630am, gera na sila.sabi nya kay mama bakit daw ang aga-aga pinapasa na sa kanya ang baby.ABA HINDI BA NYA TRABAHO YON??

to think ha, may sleeping time ang malditang yon. 9pm pa lang "tulog" na sya, di mo na mautusan. tapos nagrereklamo pa ng 630am na panggigising ko sa kanya. watda talaga. pasalamat sya di ko na nakita pagmumukha nya after nila mag-usap ni mama kagabi (kasi right after lumayas na sya), kundi baka namura ko lang at napagsasampal sya!!!

dedma sakin yang nakaw-nakaw nya eh. ibang usapan na yung manner of taking care of baby. yung pananakit. makikipagpatayan talaga ako may manakit lang sa anak ko.

AT ako pa tong pinatos nya dahil minana sa akin ng lola ko yung ring na yon at nasa dresser ko, eh since siya ang nasa room ko lagi, ayun! binalak nenokin. to think ishinopping sya ni mama nung xmas, may gift pa kami sa kanya ni teo, kasali pa sila sa 'santa claus' nung xmas galign sa magulang ko may medyas yan na may 300 ata o 500 na laman,tapos lagi namin kasama yan sa mall at sa kung saan saan parang pamilya. ingrata.

grr talaga!

heniway, text nyo ako if nasa makati na kayo ha. :)

rys

  • Guest
Re: House for Single Parents take 4
« Reply #143 on: January 08, 2010, 11:59:23 am »
honga!

aside from pagnanakaw, pwede din yang kasuhan ng child abuse.






ako din nagkaproblema sa yaya.  sabi babalik jan2, then 3 then 4.

okay lang sana kahit matagalan kaso sana sabihin yung totoong date. ang masama pa kapag tinatawagan ko-iba sumasagot or sinasagot lang di nagsasalita, di naman sira phone kasi may ibang sumasagot at naririnig ko background.

sinumbong ko sa ate nya.  ayun, bumalik nung tues.  dapat dadalhin ko dito sa office si Ram kung wlaa pa siya.

mrs.jack sparrow

  • Guest
Re: House for Single Parents take 4
« Reply #144 on: January 09, 2010, 03:44:03 am »
girls i totally enjoyed our dinner. im so happy na lahat kayong andon kanina e positive vibes.

saka masaya ako i have a lot of new friends :D

janejane dalaw ka dito madalas girl!

anetski

  • Guest
Re: House for Single Parents take 4
« Reply #145 on: January 09, 2010, 05:57:05 am »
awww hindi ako nakasama sa EB. badtrip. may umabsent kaya ayon, kelangan ng magco-cover. badtrip talaga. sama ng loob ko. kasira ng plano =(

pictures naman jan mga ateh! sino-sino mga pumunta?

janejt

  • Guest
Re: House for Single Parents take 4
« Reply #146 on: January 09, 2010, 07:51:38 am »
hello! good morning! welcome back to me  ;D salamat sinama nyo ako sa eb kahit medyo matagal ako nawala.

maki: dadalaw na ako ng madalas. new year's resolution ko ang i-balance and work at personal life. di na ako magpapakaalipin sa trabaho ko ngayon (kaya hahanap na rin ako ng iba work:) ). ano multiply mo? add kita.

added yung mga kasama kagabi na may fb.

happy weekend sa inyo.

janejt

  • Guest
Re: House for Single Parents take 4
« Reply #147 on: January 09, 2010, 11:43:01 am »
^ sige ba, ikaw back up sa akin. :D may common friend pala tayo. classmate ko nung hs.

san na po pics kagabi?

rys

  • Guest
Re: House for Single Parents take 4
« Reply #148 on: January 09, 2010, 12:18:13 pm »
ansaya saya...

aantay ng pics :)

anetski...
  sino nagpunta?  secret... hehe

janejt
smoochyz (plus jowa nung pauwi sila)
bjgem
slickchick
luvluv
madama cruella
mrs jack sparrow
smarie
rys


luvluv

  • Guest
Re: House for Single Parents take 4
« Reply #149 on: January 09, 2010, 12:27:04 pm »
sisterrrrrrsss! ;D ;D ;D ito lang ang masasabi ko..

ANG SAYA SAYA KAGABI! NAKAKALOKAAAA!!!

haha! super fun talaga netong EB na to, to the highest level!

at dahil dyan, MAY NAGTEXT!!!!

"tuwang-tuwa ako sa nangyaring EB kagabi.. hindi na ako makapaghintay na makita kayo ulit. sa susunod, kasama na ang mga chikiting! sana makalabas tayo bago bumalik ng canada si Smoochyz! :) love ko kayo. " -- luvluv

hahaha! hindi naman halatang nanunuod ako ng Showtime sa mga oras na 'to?? :P

ang pictures ay nasa fezbook at nandito sa aking flickr account:

http://www.flickr.com/photos/mommatteo/4257848057/
http://www.flickr.com/photos/mommatteo/4258592502/in/photostream/
http://www.flickr.com/photos/mommatteo/4257835679/in/photostream/
http://www.flickr.com/photos/mommatteo/4258598242/in/photostream/

ang gaganda ng mga single moms. wa ako ma-say! :)

maraming salamat sa mga dumating (haha, birthday party? :P) slickchick, bjgem, rys, madam cruella, mrs. jack sparrow, smarie_011, janejt, and ang balikbayang si smoochyz! :)

sa susunod, kailangan kumpleto na tayo! :)

rys

  • Guest
Re: House for Single Parents take 4
« Reply #150 on: January 09, 2010, 12:39:30 pm »
akala ko dami niyo nakuha pics  ahaha  kaya di na ko masyado kumuha kasi anlabo na ng digicam ko.


puro kwentuhan kasi ahahaha

mrs.jack sparrow

  • Guest
Re: House for Single Parents take 4
« Reply #151 on: January 09, 2010, 10:55:55 pm »
jane! pm'd you!

oonga sana maulit muli! :)

janejt

  • Guest
Re: House for Single Parents take 4
« Reply #152 on: January 10, 2010, 02:45:47 am »
^ added you already

may nakakainis ako na kwento. akala ko tapos na mga ganito sa amin ni sd. kanina girl's night out naman namin ng mga kaibigan ko nung hs. yung isa dun, kalapit bahay nya yung tita ni sd. naka-kwentuhan daw nya the other day. di alam ng tita nya na magkaibigan kami. alam lang nya batchmate. kwento ng tita ni sd, ang ayos ayos na daw ng buhay ni sd sa asawa nya ngayon. ask ng friend ko, "eh yung asawa nya po dati ano nangyari? di ba yung batchmate namin yun?" ask muna nung tita kung kaibigan ako. syempre sinabi ng friend ko hindi para magsalita. tapos sagot nung tita, "naku, ewan ko ba sa babae na yun, habol ng habol kay (insert sd name)."
bwisit talaga! kahit kailan di ko hinabol si sd. nung nalaman ko may babae ulit sya, umalis na ako ng bahay nila at never ako nakiusap sa kay sd na balikan nya ako. ayaw na nga magdetalye nung friend ko kasi nainis talaga ako, natakot na sya sa akin kasi pasugod na ako. sabi na lang nya na ang dating nung tita nya ako yung may kasalanan kaya kami naghiwalay at kaya nambabae si sd. kanina talaga gusto ko sya sugurin at lukutin ang banat nyang mukha! wala naman sya alam sa naging pagsasama namin. wala sya karapatan sabihin mga yun.

hay... nilabas ko lang sama ng loob ko. akala ko wala na mga ganyan sa amin kasi matagal na kami hiwalay at wala communication ni sd at di ko rin naman nakakausap yung tita nya na yun kahit nung nagsasama pa kami. maganda nya lang sinabi, gwapo anak ko. pangit kasi anak ni sd sa babae nya.

mrs.jack sparrow

  • Guest
Re: House for Single Parents take 4
« Reply #153 on: January 10, 2010, 03:18:07 am »
wow! chaka ng tita nya para makelam sa inyo ni sd mo ha. as if alam nga nya e tita lang sya.

sana hindi na lang nagcocomment ng ganyan dahil kayo ngang mag-ex wala ng communication, sya nakikisawsaw pa.

mrs.jack sparrow

  • Guest
Re: House for Single Parents take 4
« Reply #154 on: January 10, 2010, 03:20:57 am »
kachat ko yun sis ni  sd.

sinendan ko nga ng mga isang daang picture ng mga bata para hindi makachat ng maayos sa akin. lol. bobolahin na naman ako ng family neto e. aasa asa ng mga chuvaness ni sd na hindi naman nya tinutupad.

rys

  • Guest
Re: House for Single Parents take 4
« Reply #155 on: January 10, 2010, 11:06:05 am »
MC...sis oks lang. naghang din pc ko ahaha.  uy panakaw pic ah.  dagdag ko sa multiply pics natin :)


janejt... alam mo naman mga kamag anak.  syempre di aamin sa kasalanan ng pamangkin.

ahaha ndi ko mapigilang magreact sa comment na pangit yung anak nila nung bagong girl.  nakita mo yung nanay?


maki... lolz, dinidistract mo ba?  hehe

slickchick

  • Guest
Re: House for Single Parents take 4
« Reply #156 on: January 10, 2010, 05:05:45 pm »
hello mommies!!  :)

medyo delayed reaction dahil ngayon lang ulit nag-GT.... sooo happy nakapunta ako sa EB. superrrr saaaya! sana maulit!

panahon ata ngayon na nagpaparamdam ang mga kamag-anakan ng mga SD's. ako naman eh pilit na ina-add ng sister at pamangkin ni SD sa facebook. nag-message pa sa akin... kainis na part pa eh, ni-decline ko na nga yung unang Add Friend Request nila, nag-attempt pa ulit na i-add ako with matching message na "uuy, bakit di mo pa ina-accept yung friend request ko??"... ayyyy! di ko alam kung dense lang talaga or sadyang feeling close kami... sa inis ko, ni-decline ko ulit... sana naman makaramdam na this time... haayyy...

mrs.jack sparrow

  • Guest
Re: House for Single Parents take 4
« Reply #157 on: January 11, 2010, 05:22:55 am »
^lol, di maka-gets?

slickchick

  • Guest
Re: House for Single Parents take 4
« Reply #158 on: January 11, 2010, 07:46:32 am »
^ maki, oo sis.. gusto ata nila eh straightforward kong sasabihin na "sorry pero ni-decline ko ang add request nyo, at sana wag nyo na akong tanungin kung bakit...".. hehe!  ;D

good morning sa lahat! back to work na naman... hehe..  :)

janejt

  • Guest
Re: House for Single Parents take 4
« Reply #159 on: January 11, 2010, 10:09:52 am »
good morning! work at home ako today. may tonsilitis kasi.  :(

rys, may picture ako ni sd with his new family. di sinasadyang nakita ko sa fb.

slickchick, sobra naman manhid ng mga yun. baka gusto lang mag spy kaya gusto ka add.



 

Latest Stories

Load More Stories
Close