hello hello everybody!

wow new house!

kumusta na lahat?
hay naku busy busyhan ako ngayon dahil sa sabado ay Binyag na ng aking gwapitong baby!

kaloka ang party planning..ilang tulog na lang sabado na, wala pa akong tarp!
sobrang toxic ako lately, DIY kasi mga invitation ko tapos dinecorate-an ko yung candles, nag-pack ako ng souvenirs, and yes, ako mag-isa ang gumagawa nito. effort-effortan! wala naman tutulong sakin dito at hindi naman nila anak si baby. not that they won't help me if i ask, pero.. dedma na. mas gusto ko na din ito, labor of love.

sinong nanay ang umiiyak habang ginagawaan ng AVP ang anak, raise your hand! (raise my hand..

) haha! naiyak ako habang ginagawa ko AVP ni baby kasi parang kailan lang nag-aamok pa ko about sa tatay nya, about sa buhay ko, tapos dumating sya, tapos ngayon ang bilis ng panahon ang bilis din nya lumaki (at tumaba)..ang sarap hilahin pabalik ng oras, gusto ko baby na lang sya lagi. (aww..)
wala lang, nashare ko lang.

smoochyz: wow sis i'm so happy for you! ikakasal ka na!

God is good talaga, at nadinig Nya ang prayers mo na ma-accept ni daddy ang decision mo.

no way to go but up talaga. matapos mong madapa at masaktan, God will give you redemption.

my prayers and well wishes are with you always sis.

hmm..nagwo-words of wisdom na ko ngayon?? HAHA. mature-maturan!

twinx: i would've done the same if i were in the same situation as yours. (kung ako ikaw ha, hindi yung 'kung ano ako ngayon', haha!) buti na lang okay na si baby. pero siguro hindi ako hihingi ng kahit anong support from SD if i were you, parang out of delicadeza lang ang pagsabi sa kanya about what happened --> hindi paghingi ng tulong, hindi paghingi ng miski ano. at baka maging indebted ka pa sa kanya, hay naku. yun ang iniiwasan natin. tsaka, lesson learned, dahil dedma si SD sa sinabi mo (miski tungkol kay baby yan), next time, wag mo na ipaalam sa kanya ang nangyayari. iwasan na nating masaktan dahil sobra nang bugbog ang mga damdamin natin.
bjgem: pag tapos ng are-arraignment ek ek na yan, ilugay mo ang iyong hair dahil rarampa na tayo. at magde-dress tayo haha!
namiss ko kayo lahat.
ano balita?