wow wow wow congratulations ANETSKI!

parang kailan lang nung mabalitaan ko yang SG na yan! tapos ngayon tanggap ka na! i'm so happy for you mare!

may pambili na ng toys sina baby? hehe

ang kukyut ng mga anak mo, peram naman. kukulutin ko lang ahaha

aww.. sana magtuluy-tuloy na yang mga good news sa life mo sis!
ganyan ba talaga ang buhay? pag malas sa love life, swerte sa kaperahan/ibang bagay? i think i'll have to agree. HAHAHA!

grabe ilang araw na ako di mapakali. parang may inaanticipate ako. something good, i hope. ayaw ko ma-nega. masisira ang taon ko. enough na yung 2009 na buong taon akong cryola crylaloo. dapat 2010 is OUR year!
on sunday my parents and i will be attending a seminar, para sa business na isa-start namin.

soap making!

sana maging successful kami once we do it on our own. hay. super excited na ako for this. tagal ko na gusto magkaroon ng bagong pagkakakitaan and pagkaka-abalahan eh.
smoochyz: hay naku, wag ka maniwala sa mga hula hula na yan. ewan ko ha, against talaga ako sa mga ganyan eh. kasi, ewan ko ba kung san ko nabasa yun, basta 'law of attraction' lang daw talaga lahat ng bagay eh. kung ano yung gusto mo mangyari, put it into heart, and kusa yun mangyayari sayo. gaya nyan, isa isa nang natutupad ang mga pangarap mo, wag mo isipin yung mga nega nega (kung nega man right now ang magbuntis ka), and isipin mo yung mga gusto mo mangyari talaga, then it shall come to you.

sarap ba ng buhay may asawa? share mo naman sa amin. haha!

di pa ko nakakanuod ng Paano Na Kaya.

ang swerte ni Kim Chiu no? may movie nung december, may movie nung january, may bagong serye. may gerald pa. haha! penge naman ako nyan kim!

maki: keber na dyan kay Jamil. at least ngayon alam mo na, wala syang kwentang tatay and ang pamilya nya walang kwenta din. PAREHO SILA NI F****Z. (haha, gustung gusto ko banggitin pangalan nya para malaman ng buong mundo kung sino yang t*rant*dong Sd ko)..pati magulang nila, kinukunsinti sila. buti na lang di kayo nag-end up together. who knows, baka kung nag-end up kayo together pahirapan ka lang din nya. better na sa iba na lang ikaw mag-end up kesa dyan sa taong yan.
narealize ko lang, buti na lang din di kami nag-end up ni SD. kasi isa syang PALAMUNIN. palamunin ng nanay nya, palamunin ng asawa nya. naging palamunin ko pa noon. walang b*yag, walang silbi.
random thought: i've always thought of Ivler's mom to be crazy. bonggang kinukunsinte nya ang ginagawa/ginawa ng anak nya, pagtakpan pa to the highest level. ganun din 'tong nanay ng SD ko -- nakabuntis na nga miski may asawa, pero pinagtatakpan at kinukunsinti pa nya. ganun din nanay ng SD ni Maki. sabi ko sa nanay ko, pag si 'teo gumanun *gumawa ng masama, never never never ko kukunsintihin, at baka ako pa magpakulong sa kanya. sabi ng nanay ko, hindi ko din daw masasabi pero baka maging ganun din daw ako. iba daw talaga pag nanay ka, poprotektahan at poprotektahan mo daw talaga ang anak mo by all means.
wala lang, i just find that SO WRONG. mali na nga eh, kukunsintihin pa?
kayo? anong gagawin nyo pag nagkataon? (na anak nyo si Jason Ivler, SD ko or SD ni Maki? or kung anak nyo yung may ginawang uber samang bagay?)