Author Topic: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!  (Read 82846 times)

symphonyann

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 60
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #300 on: October 15, 2018, 04:55:01 pm »
i think it should be mother-in-LOVE ;) <3

donya_dyosa

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 518
  • self proclaimed donya
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #301 on: October 17, 2018, 12:46:46 pm »
7 years kaming nagtry magbaby husband ko. 
si MIL is relihiyosa. and she knows an old lady na "sinasapian ni sto. nino". she offered it to me. shmpre baka sumama ang loob, pumayag ako. iam not a believer kunwari lang. 2017 ito. pero nagpunta din kami ng kamay ni hesus ng asawa ko within that 3months na bakasyon nya from barko. then umalis na sha di ako nabuntis.

naggym ako nagpapayat nung nasa barko na sha at pagbalik niya ng feb 2018... nabuntis nako!!!

it's not an easy pregnancy. lagi ako dinudugo, may gestational diabetes din, at worst maliit ang baby for his age. (still preggy now)

now, biglang tumawag si MIL pupunta daw sha sa house, sabi ah okay bakit po. kasi gusto daw niya makita tiyan ko. (pero nagkita naman kami last week noon) kasama daw niya si "old lady". sabi ko ah. okay po. kasi again i dont want her magalit sakin.

then sinabi ko sa mom ko, nagalit mom ko, sabi niya katawan mo yan, anak mo yan, bakit sha nagdedesisyon na ipahawak sa sinasapian yan! ang kasabihan, wag na wag mo ipapahawak tiyan mo lalo na kung sinasapian pa! may bata jan. buti sana kung ikaw lang!

well my mom was right naman talaga. ayaw ko lang talaga magalit sakin MIL ko dahil naaawa ako sa asawa ko naiipit siya. napakaraming instances na nagalit na kasi saakin yan. pero this time pinasabi ko sa asawa ko na NO daw. ayooon. nagalit si MIL.

i think, ang thinking nila, si old lady ang dahilan bakit ako nabuntis.

Madami pako mga kwento sana dito.  including sa all of a sudden, inayos nila papeles ko na manganak ng libre sa ospital ng mga seafarers sa intramuros without us knowing. shmpre palag ako dahil may pera naman kami, kahit di ko pa kunin sa sweldo ng asawa ko, i can pay naman on my own sa maayos na ospital...  not saying di maayos don, i dont know, pero kung saan ako comfortable and location to my house. then nung nagrefuse nagalit nanaman. and bago pa ako mabuntis, sinabi niya sa kapitbahay nya na officemate ko na di man lang daw ako nadalaw doon. sa totoo lang, my bad. dami ko na kasing sama ng loob sa kanila pero civil lang ako. di ko lang kaya magisa doon na makipagkwentuhan kasi pag nandun ako, ako nageentertain sa kaniya. ako nagdadala food. napapagod ako, natotrauma ako. pero thats me eh. i dont visit houses talaga. di ako malambing na tao, nanay ko nga di ko malambing eh. but they expect me to worship them eh. sa ibang sis, easy lang magbisita, ako no talaga parang kailangan ko ng 200% energy at lakas ng loob.. after nyan drain nako.

pero nagbabasa lang ako napakaraming mas monster na MIL. saakin di naman grabe pero kasi maistress ako na tao, introvert, ayaw ko ng pinapakealaman ako, di ako bibo, di ako close sakanila. that's why onting ano lang sakin... iba talaga ang stress.
« Last Edit: October 17, 2018, 12:52:24 pm by donya_dyosa »

tanyatuazon

  • Probationary
  • Posts: 1
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #302 on: November 16, 2018, 07:20:53 pm »
thank you for this thread!

I have a really bad relationship with my MIL and I just want to open up. I cannot share kasi to my friends, because somehow, I do not want to taint my MIL's image. and my husband it already too stressed about it, ayaw ko na kulitin.

She never liked me even when we were still dating. She is a super controlling mom who wants the daughter of her friend for my husband. As in a day after our wedding, she said to me, "si _______ nga sinasabi sakin dapat yung anak nalang namin nagkatuluyan". How can you say that to a newly wed diba?

tapos the biggest stress of all was when we were prepping our house. For about a month, nakatira kami sakanila while our house is being constructed. Dahil busy ako sa work, hindi ko mashado nababantayan finishing. Nagulat nalang ako when I got there, complete na yung gamit! I should be thankful kasi at least nakatipid, pero pano na yung mga plans ko. yung ideas ko for the house. but anyway, I do not want to hurt her feelings, ginamit ko pa din lahat. what I did, I checked kung ano yung wala, and yun nalang binili ko.

So nilagay ko na lahat ng mga binili ko, hand towels, shampoo, soap, etc. Then I left for work again. When I got back, lahat ng binili ko, WALA! as in wala! I know, hindi yun gagawin ng husband ko kasi he knows how excited I am putting in order all the little things I bought. So sa super naiiyak na ko, I called my husband and told him what happened. and alam naman namin na mom lang niya gumawa nun kasi siya lang yung may extra set ng keys (she insisted  >:( )

After 15 mins (they leave nearby), biglang may nagslam ng main door namin and nagdadabog paakyat. It was my MIL and sinugod ako room namin. She was yelling at me na sinisira ko relationship nila ng anak niya dahil nagsusumbong ako. and yun daw yung goal ko, na pag awayin sila. tapos dahil daw dun malamang pati husband niya magagalit sakanya and plan ko daw na magalit sa kanya buong family niya. tapos para sa mga sabon lang magsusumbong ako, e siya na nga daw bumili ng lahat ng gamit namin (hindi naman kami nagpabili). hindi na daw ako nakuntento, ako na nga daw nagplan ng house, hindi na nga daw nasunod yung gusto niya (shempre house namin yun). hindi daw ako grateful sa ginagawa niya, ginagawa lang naman niya yung kasi mahal niya anak niya, etc. etc.

I felt bad kasi inisip ko ginagawa nga niya yun for his son,and baka nga ang babaw ko na nagsumbong ako ng maliit na bagay lang. pero later on, narealize ko, hindi maliit na bagay yun. bakit niya kailangan pakielaman yung mga binili ko. hindi naman niya house yun, and bakit bawal ako magsabi sa husband ko, it it made me feel bad, I should be able to open it up.

hindi lang yan ang nangyari. as in were only married for a few months, pero I am realizing I cannot live like this. naaawa ako for myself na baka mabaliw nalang ako. I have an anxiety disorder and this is not helping. as in eversince we got married, my attacks are occurring more than usual because of my MIL.

I do not know what to do anymore. yung husband ko din kasi powerless sa mom niya :'(


kaythrielle

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 457
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #303 on: November 16, 2018, 11:51:56 pm »
^sis, i think it is better if MIL does not have an extra set of keys to your house. That is your & your husband?s own personal space eh.

Shadow Angel

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2079
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #304 on: November 17, 2018, 04:08:30 am »
^^I hate that idea na wala kayo privacy for me lang napakahalaga nya sa mag asawa privacy lalo na nag start pa lang kayo. Isa pa big no sa akin pinapakialaman ako sa mga bagay sa loob ng bahay. Bakit kailangan may extra sya susi? Ano kayo boarder? Kausapin mo ng masinsinan ang asawa mo regarding sa situation bago pa lang ganyan na lalo na pag tagal.

ultimatehousewife

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 245
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #305 on: November 17, 2018, 08:48:00 pm »
At the start of our marriage namin ng husband ko, I felt the competition between me and my mil. Naisip ko, di naman ako mananalo dito tsaka what for. Ma Stress lang ako. Parang tug of war para sa asawa ko. So I let her do kung ano gusto niya. Hinayaan ko nalang. I built my wall and I'm okay with it. I see her twice a year at the most and I'm so okay. Siya ngayon ang nase stress why I don't respond sa mga brattiness niya.
« Last Edit: November 17, 2018, 08:52:29 pm by ultimatehousewife »

Girltalker2

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 3217
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #306 on: November 17, 2018, 09:35:16 pm »
@tanyatuazon, did you mom in law in any way financed the lot of construction of your house?
Bakit Feeling nya house din nya yun?
Kasi if she didn?t finance any, well, I think you need to change the locks. Or add a double lock na Wala syang kopya.

On the other hand, if she financed the house, better move out nalang and find another place. Para di kayo Sobra Ma stress.

mysterioza_me

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 5101
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #307 on: November 18, 2018, 04:28:23 am »
Bakit kinuha ni MIL ang mga toiletries and bakit dapat may duplicate keys siya?!
If a girl understands your b******t, stick through your mistakes, smiles even when you've done nothing for her , it's obvious she's a keeper. But it's also obVious that you don't deserve her...

three8one

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2619
  • GuyTalker
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #308 on: November 18, 2018, 01:33:55 pm »
dapat sa mga MIL na kontrabida, sinosoplak din. para natatauhan.
.... apart from You i can do nothing.... but with God nothing is impossible...therefore, I can do all things through Him who gives me strength.
 
John 15:5
Matthew 19:26
Philippians 4:13

khaleesiCersei

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1427
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #309 on: November 19, 2018, 10:24:48 am »
Sis tanya, palitan mo locks ng bahay nyo at set of keys para di na siya makapasok. Hayaan mo siya magalit at pag sinugod ka niya ulit lumaban ka. Wala siyang karapatan gawin sayo mga ginagawa niya. And sis please next time na bastusin ka niya at ipamukha sayo na sana ibang girl ang pinakasalan ng anak niya. Mag react ka. Mag joke ka ng may jab at half meant then walk away.

xMissUnderstoodx

  • Probationary
  • Posts: 3
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #310 on: November 26, 2018, 03:34:32 pm »
Hello! My mother-in-law used to like me. Until her new daughter in law came. She favored her and her children, leaving us aside. I smell the disparity of treatment between sa amin ng bilas ko. Tapos dumating yung ibang girlfriends ng kapatid ng husbands ko. Mas nafeel ko unequal treatment. Kahit anong gawin ko I can't please her. Ibang iba talaga treatment sa akin. I don't know why all of a sudden ganun. But as long as I am doing my job as her DIL, that is no longer my problem. Hay. Rude.

pinkarrow

  • Newbie
  • *
  • Posts: 20
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #311 on: December 12, 2018, 10:13:05 am »
hello sissies, would like to ask for your opinions on my situation. I have a problem with my husband talking too much with his mother. Talking too much na bawat kibot namin parang lagi nya kinikwento like months ago nagundergo kasi ko IVF tapos egg tapos kausap ni husband si MIL, aba knwento nya lahat pano egg retrieval at what's next. Tapos there were times na pag magoouting kami sinasabi din ni hubby na pupunta kami sa ganito as in kkwento nya din! Tapos pati pagsubmit namin ng application sa AU nung isasubmit na sinabi din kay MIL although kaya nya sinabi kasi nanghiram si hubby nag credit card pangbayad. Tapos sa new year since kina MIL and SIL kami magnew year sila na nagdecide na maghotel kami tapos to naman si hubby hindi man lang ako kinonsult kung gusto ko. Nabook na 2 rooms sama sama kami.

I feel weird lang with this kind of setup parang nakakaviolate ng privacy. parang kailangan ba talaga lahat ikwento nya kay MIL? i know super close kasi sila pero his married now but parang di nya magets nafifeel ko about dun. para sa kanya wala naman daw masama magkwento. pero every bit of what's happening to us kkwento? Can you please enlighten me sissies? Ako lang ba ganito? Ako ba mali? Ano ba dapat?

Kiara027

  • Ingeniero| Sagitario | Buey
  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 979
  • I don't get mad. I get even. :D
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #312 on: December 12, 2018, 10:33:08 am »
^ mali yan. Mama's boy yang napangasawa mo. 🤭🤭🤭

Sabihan mo asawa mo, baka maya lahat ng diskarte nya sa buhay, may approval pala ng mom nya at hindi ikaw. Ikaw na dapat ang #1 priority nya hindi Mom nya. Lahat ng bagay ikaw muna konsultahin, sa iyo unang sabihin hindi sa Mom nya.
i am for everybody yet i am for none. nobody owns me neither i own one...

mysterioza_me

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 5101
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #313 on: December 12, 2018, 11:11:35 am »
^Baka naman the hubby is not asking for approval from his mom. Sadyang makwento lang talaga. Sa akin wala naman mali dun. Wag lang talaga ikkwento yung tungkol sa ipon namin or anything na may kinalaman sa pinansyal or kung may away kami kasi lalong lumalaki away kapag nakisawsaw na pamilya.

Pero di ko magets yung nagbook ng 2 rooms pero sama-sama kayo. Akala ko pa naman 2 rooms kasi sa inyo ni hubby yung isa. Dapat magbook kayo ngseparate room ninyo para may privacy pa din.
If a girl understands your b******t, stick through your mistakes, smiles even when you've done nothing for her , it's obvious she's a keeper. But it's also obVious that you don't deserve her...

glamorosa_09

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1023
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #314 on: December 12, 2018, 11:14:01 am »
Quote from: pinkarrow
parang di nya magets nafifeel ko about dun

Sis, sinabi mo ba talaga nafifeel mo? Were you clear about how you feel?

Kung sakaling nagfocus ka sa actions nya at sinabi mong hindi yun tama/appropriate, mahirap talaga ma-gets yung point of view mo from his end, lalo na kung kinalakihan nya yun.

Mas effective siguro kung sasabihin mong because of those actions wala ka nang privacy (like what you posted here), it doesn't make you comfortable na lahat binubunyag sa nanay nya. Kamo, you're a type of person who values privacy. And please mga general things na lang yung i-mention nya and wala na yung mga details.

If you've done all these and he didn't honor your feelings and your behavioral requests, that could be a big problem. It could rub off into other areas of of your marriage.

Valid naman nararamdaman mo. Tama lang na may boundaries. But to resolve this issue, focus on your feelings and behavioral requests. Kung gusto mo sya i-educate about boundaries and the likes, hanap ka ng credible article at ipabasa mo.

bratty

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 989
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #315 on: December 12, 2018, 11:55:10 am »
I think hubby mo ang may problema hindi MIL. Pwede naman kasi i-filter ni hubby ang mga ikukwento nya sa mama nya, pero yun nga detalyado.

Wag sana ma-tag agad na monster in law unless may iba pa syang ginawa na monstrous.
Everyday I'm shufflin'

pinkarrow

  • Newbie
  • *
  • Posts: 20
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #316 on: December 12, 2018, 04:01:54 pm »
Thanks sa mga nagreply :) sorry hindi ko po mean itag si MIL as monster, naghahanap kasi ko ng thread kanina eto una ko nakita pero pinost ko din po to sa isa pang thread about marriage prob, issues..

I think si hubby nga prob kasi hindi naman din kami paguusapan sa family nila kung hindi sya lagi nagkkwento sa mom nya. Yung sa IVF kasi nakarinig ko ng comments na nakakainis eh desperate kasi kami nung time na yun dahil may unexplained infertility si hubby :(  parang ang insensitive lang kasi minsan ng comments nila. Tapos pag nagkwento ka kasi kay MIL, kkwento nya yun sa buong pamilya nila! Sagot naman nitong asawa ko hayaan daw na pagusapan kami hays sarap kaltukan hehe!

Yung sa room, dahil kami nga makikijoin sa kanila sa new year hinayaan na ni hubby na sila magbook so 2 lang pala binook nila isang room kay SIL and hubby nya at anak then kami sa kabilang room kasama si MIL, niece ni hubby at kami 2.

Nainis ko sa hubby ko kasi sabi nya ano daw ba dapat gawin eh nakikijoin lang naman daw kami tapos wala na din mabook na room kasi nagmahal na nung tumingin ako kaya hinayaan ko nalang. Paglagpasin ko to pero yung mga susunod sabi ko di na pwede ganito na wala kong say.

momlory

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 426
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #317 on: August 14, 2019, 02:59:36 pm »
Hindi ko maintindhan kung ano problema ng in law ko bakit post ng post ng parinig sa fb hindi nalang sabihin samin ng diretso kung ano problema nya. Kung namimiss nya apo niya meron naman chat at text tawag. Pwede rin siya pumunta sa house kesa puro korean nobela ginagawa niya. Bakit need pa magpost sa fb. Required ba na dapat pumunta kami dun. Nakaka imbyerna

exquisitegem

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 976
  • Be Bold or Italic. Never Regular.
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #318 on: August 14, 2019, 03:40:43 pm »
^Sad to hear that, sis. Ang toxic ng mga ganyang friends na nagpaparinig sa Social Media. Talk to your hubby para siya kumausap sa MIL mo.

FayeP

  • mom of three boys
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1664
  • life's good!
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #319 on: August 16, 2019, 01:11:18 am »
^sis momlory, ito sakin lang ha, it would be best kung di mo sila friends sa FB, mastress ka lang kasi...instead na wala ka nakikita nega eh yun agad bubungad sa yo di ba....

sakin kasi ang FB ko friends ko lang din talaga saka ilang family members, yung mga hindi nega...when a friend started to get nega, unfollow or unfriend depende sa level ng nega...I'm not even friends with my own husband  sa FB hehee

so yun ang una kong suggestion sayo, unfriend mo inlaws mo sa FB, doesn't mean naman na magkagalit kayo or magkaaway kayo in real life eh..
"The LORD is my rock, my fortress and my deliverer; my God is my rock, in whom I take refuge. He is my shield and the horn of my salvation, my stronghold."
                                     -Psalm 18:2

 


Latest Stories

Load More Stories
Close