Author Topic: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!  (Read 111809 times)

mrsonthego

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #180 on: August 28, 2014, 07:09:43 pm »
bad trip ako kay MIL last time, nagparinig na hindi kami nagpapasalubong sa mga apo nya (mga anak ng kapatid ni hubby) eh nagpapasalubong naman kami pero hindi madalas, gusto nya ata araw araw pasalubungan namin mga apo nya, naman parang andami kong pera ???

miminibebe

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #181 on: September 04, 2014, 01:49:54 pm »
In my case, mukhang ang nanay ko ang tatawaging monster in law ng asawa ko pag nalaman niya ang mga sinasabi ng nanay ko about him/us. 

We lived with my parents for 4 yrs, dun na kami nagstay right after we got married because they offered.  Una dahil daw buntis ako, para maalagaan ako ng mom ko, then 2nd, para hindi na kami mangupahan, yung ipang-uupa eh ipunin na lang namin para makakuha kami ng sarili naming house.  So thankful naman kami because of that and grabbed the chance.  Of course we paid our shares, kami ang nagbabayad lahat ng utilities sa house nila and may share sa food, may yaya at labandera akong inupahan.  But then i heard from my sister recently lang, 1 time nung nakitulog siya sa bahay namin (nakalipat na kasi kami ng sarili naming house) na ang pinagkakalat pala ng nanay ko eh basta basta na lang kaming tumira sa bahay nila ng walang sabi sabi.  Nagulat na lang daw sila at dun kami tumuloy after ng kasal.

Sobrang iyak ko after ko malaman yan...

BDJ

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #182 on: September 08, 2014, 09:06:38 am »
hehe same experience.. but it's all in the past.. eksaktong eksakto ang description mo, nakakapanginig ng laman.. marinig ko pa lang boses niya, nila, umiinit ng ulo ko. pero ngayon they're trying na maging maayos relationship namin, hindi na lang ako umiimik pero sa totoo lang kahit maging square pa ang mundo, hindi na lalapit ang loob ko sa kanila. lagi sinasabi ng mom ko na habaan kong pasensiya ko, na ganon daw talaga mga inlaws, pero sensya na, hindi na magbabago ang isip ng "ibang taong" ito.

Pareho na pareho tayo ng nararamdaman yung tipong nagkalamat na kahit na papaano eh! hindi na tulad ng dati kung makasigaw at pagbalingan ako ng mga hinanakit ng monster in law. I am looking forward naman na huwag lang niya gagawin sa anak ko kung paano niya sigaw sigawan ang asawa ko at yung isang apo niya. Hindi na talaga ako papayag at lalong hindi ako papayag na tatakalan niya ng kanin ang anak ko. Ngayon lang natutuwa sa anak ko kasi baby lang but I could totally imagine kapag lumaki yan hindi na ako sasang ayon kung paano magiging trato niya.

cheekeypie

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #183 on: September 08, 2014, 10:43:35 am »
Pa-rant lang mga sis, syempre si MIL na naman.

MIL was asking again money from hubby, per regular naman nagbibigay si hubby mula ng nagwork sya and medyo nabawasan lang dahil nagasawa na si hubby. This past few weeks hindi makapagbigay ng money si hubby dahil nagkasabay sabay yung gastos namin sa bahay (kakalipat lang kase namin ng house which hindi rin namin pinapaalam kay MIL dahil may issue nga sya when it comes to mga pinupundar namin ni hubby) and dahil si hubby ang nagshoulder ng buong hospital expenses ni MIL. Dahil dun sobrang medyo may problem ang cash flow namin, so I asked hubby kung pwede priority muna na mabayaran sa bahay and sa credit card and mabalik kinuha namin from our savings (which inipon pa namin nung magbf/gf palang kami na tinatabi namin para pang-capital ng business). Then MIL calls yesterday asking money again, so sinabi ni hubby na marami kaming need bayaran na kung pwede yung sister (na pinag-aral din ni hubby) nyang isa muna ang hingan nya. Nagalit si MIL kay hubby not knowing ni MIL na naririnig ko usapan nila at eto ang mga sabi nya:

"Ang aga mo kasing nagasawa e, kaya wala kang maibigay sakin." (hindi ko mag-gets kung maaga pa ba  30yrs old????)
"Wag ka na umuwi dito, pag patay na ko tsaka ka nalang umuwi."
"Pinabayaan mo na kami dito P$&%***."
"Wala na kaming makain dito at wala na kong panggamot." (which is not true at all, before she came out of the hospital naggrocery kami ng food para saknila)
"P@#%%^****"
"Hindi ko matatanggap talaga yang asawa mong yan"(actually yung part na to ok lang sakin kase wala naman akong pakelam sakanya, at pagkaharap nya ko hindi sya makatingin ng derecho sakin at d rin nya ko kayang kausapin na sya lang mag-isa)

So si hubby lately lagi syang malungkot because of it, nalulungkot din ako how things turned just because of a little amount of money. Nagagalit ako kay MIL hndi dahil sa kung ano ano  sinasabi nya sakin pag nakatalikod ako kundi treatment nya kay hubby ko. Ang tingin nya kay hubby e ATM machine lang at si superman when all things fail sa mga decision nila.

Would you believe everytime tatawag sya or magpapatawag sya kay hubby pera ang laman ng bibig nya, she never asked hubby kung kamusta na sya or how he feels. Ang laging bukambibig nya pera and she always compares hubby sa mga pinsan ni hubby na nasa abroad. She and her siblings pushes hubby to go abroad, and she blames me na pinipigilan ko si hubby (well again wala naman akong pakelam sa iniisip nila). Hubby doesnt want to go abroad kase pangarap naming dalawa magtayo ng construction firm which little by little nakakakuha na kmi ng project. Sobarng lungkot ni hubby ngayon kahit na gusto nyang umuwi para kamustahin tatay nya hindi nya magawa kase kailangan paguuwi sya may dala syang pera.

Hayss sisses sana byenan kong to nagiisang specie nalang at wag ng dumami pa! kaloka sisses. sobrang bait lang ni hubby.

« Last Edit: September 08, 2014, 10:46:59 am by cheekeypie »

leizel83

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #184 on: September 08, 2014, 04:41:25 pm »
Help! My mother in law still keep pictures of my hubby and his ex sa album at sa bedroom wall nya sa new house nila. Ngayon ko lang ito nakita kasi kaka transfer lang nila a month ago and i visited them yesterday with my son. My hubby is in Dubai working as ofw. My hubby and I are married for 3 years now. Okey naman kami ng MIL ko. Wala kaming problema. Ngayon lang talaga na i felt disrespected and hurt. That ex was the reason sa malaking argument namin ni hubby before. 4 years sila noon as bf-gf. Alam ni hubby na mainit ang dugo ko sa ex nya.

What to do? Should I let it go or confront my hubby?

BDJ

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #185 on: September 10, 2014, 08:02:33 am »
cheekeypie Civil Engineer ba asawa mo? kasi may planong magtayo ng construction firm eh! Unfortunately ang MIL mo is not the only one specie kundi common specie pa dahil ang totoo ang tingin ng karamihan ng ibang magulang sa anak ay investment pagtanda. In which baka naman yan ang reason kung bakit yung iba anak ng anak ng marami para pagtanda they are expecting something in return. Ganun naman eh! parang ang laki ng utang na loob mo na binuhay ka nila sa mundo. Sinabi lang niya na kung bakit kasi nag asawa yan ng maaga ay dahil ang feeling niya may kaagaw siya. Kahit kay mapa 40 o 50 pa kayo nag asawa ganyan rin sasabihin. That is the problem that parents didn't invest on their young age sa emergency fund kasi ang tingin nila makakaasa sila sa anak.

leizel83 If I were you kung yan ang nararamdaman mo then don't let it go just talk and confront your hubby regarding your situation. Sabihin mo nakakabastos talaga na parang pinamumukha sayo ang ex girlfriend. They don't have the right to say na what is the big deal about it? Bakit siya ba ang legal wife yung ex girlfriend? It indicates kasi na parang pinamumukha sayo na hindi ikaw ang dapat na mapangasawa ng hubby mo kundi yang ex gf niya. Past is past na kasi eh! so why still keeping and even put it on the wall yung picture ng ex? Ang sarap sabihin sa MIL mo na dapat asawahin niya yung ex ng hubby mo.

Kung ako nga eh! akala ko masasarili ko na lang yung negative and violent reactions ko about sa GMIL ko. Hindi ko na nakayanan kasi parang feeling ko sobra and abusive na so I really told my hubby about it. To the point na naiirita ako tapos nag aaway na rin kami ni hubby about his grandmother. Feel na rin ng hubby ko ngayon na irritable ako sa Lola niya. Talagang I told my hubby na napakahirap ng buhay ko rito being with in law or yan ang mahirap sa situation being with in law. Understanding naman si hubby, then umabot sa point na pinagsasabihan niya yung Lola niya on how she should treat me. Sinabihan ko na agad ang hubby ko na hindi niya pwedeng gawin sa akin ang ginagawa niyang pagbubunganga at pagbabaling ng init ng ulo tulad ng ginagawa niya sa hubby ko at sa pinsan niya lalo na with the usage of foul languages or else I will go home straight. Effective naman kasi hindi naman ako napapag initan ng Lola. I even told my hubby in advance na huwag niyang insultuhin ang motherhood ko kundi kami ni baby uuwi sa kabila. Good thing nai aassert ko naman ang sarili ko na hindi dapat ako maging control nitong Lola niya. I am still doing the things na tama para sa akin.

cheekeypie

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #186 on: September 10, 2014, 08:47:30 am »
cheekeypie Civil Engineer ba asawa mo? kasi may planong magtayo ng construction firm eh! Unfortunately ang MIL mo is not the only one specie kundi common specie pa dahil ang totoo ang tingin ng karamihan ng ibang magulang sa anak ay investment pagtanda. In which baka naman yan ang reason kung bakit yung iba anak ng anak ng marami para pagtanda they are expecting something in return. Ganun naman eh! parang ang laki ng utang na loob mo na binuhay ka nila sa mundo. Sinabi lang niya na kung bakit kasi nag asawa yan ng maaga ay dahil ang feeling niya may kaagaw siya. Kahit kay mapa 40 o 50 pa kayo nag asawa ganyan rin sasabihin. That is the problem that parents didn't invest on their young age sa emergency fund kasi ang tingin nila makakaasa sila sa anak.

Kung ako nga eh! akala ko masasarili ko na lang yung negative and violent reactions ko about sa GMIL ko. Hindi ko na nakayanan kasi parang feeling ko sobra and abusive na so I really told my hubby about it. To the point na naiirita ako tapos nag aaway na rin kami ni hubby about his grandmother. Feel na rin ng hubby ko ngayon na irritable ako sa Lola niya. Talagang I told my hubby na napakahirap ng buhay ko rito being with in law or yan ang mahirap sa situation being with in law. Understanding naman si hubby, then umabot sa point na pinagsasabihan niya yung Lola niya on how she should treat me. Sinabihan ko na agad ang hubby ko na hindi niya pwedeng gawin sa akin ang ginagawa niyang pagbubunganga at pagbabaling ng init ng ulo tulad ng ginagawa niya sa hubby ko at sa pinsan niya lalo na with the usage of foul languages or else I will go home straight. Effective naman kasi hindi naman ako napapag initan ng Lola. I even told my hubby in advance na huwag niyang insultuhin ang motherhood ko kundi kami ni baby uuwi sa kabila. Good thing nai aassert ko naman ang sarili ko na hindi dapat ako maging control nitong Lola niya. I am still doing the things na tama para sa akin.

sis BDJ, yep Civil Engineer si hubby yun talaga [textspeak!] plan namin I work sa corporate world while he makes money out of our small business then soon I'll join him na, kaso hindi namin magawa pa yun since sobrang asa talaga yung family ng hubby ko sakanya na ultimo pambili ng asin sa hubby ko pa rin at pagdedecide sa mga bagay hubby ko pa rin, kaya parehas kaming may day job then sa gabi and weekends [textspeak!] business naman namin. Dati nung bf/gf palang kami at nasa stage na nagrereview si hubby para sa board exam si hubby pa rin ang gumagawa sa bahay at si MIL hilata lang, ngayon pag pumupunta kami sa bahay nila hndi ko na maaatim mag-stay ng matagal ni uminom ng tubig (i know ang arte ko right?! OC kase ako and pinalaki talaga ko ng parents ko na maging malinis sa bahay at sa katawan) dahil sobrang dumi talaga, mukhang hndi na nila naisip maglinis simula ng umalis si hubby sa bahay nila. Hindi naman na sya sana dapat humingi kung minamanage lang nila ng maayos [textspeak!] talyer shop nila, kaso maski si Father in Law asar na kay MIL kase nga hindi marunong magbudget at magprioritize lagi silang kinakapos. Sis sobrang napasali na ko sa forum na to para lang makahinga sa stress na inaaabot ko kay MIL, although wala naman akong paki sakanya affected ako kase naiipit si hubby dahil sa kaartehan nya at kaartehan ng buong relatives ng hubby ko. Actually simula nung kinasal kami at nalaman nila nagpapagawa kami ng bahay lahat na naiinggit na, lalo na nung wedding day mismo nagiinartehan ang mga itsura!

sis BDJ, sa GMIL nya ba kayo nakatira? Ganyan talaga yata kase maski yung Lola ko ganyan dun sa hipag ko, kaya lagi silang nagkakaasaran. Pero ok yan sis na si hubby ang frontliner mo pagdating kay GMIL mo.


BDJ

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #187 on: September 10, 2014, 10:49:47 am »
^Yep sa GMIL kami nakatira at mahirap dahil iba ang saltik niya. Yung parating nagwawala na mabunganga. Minsan nga feeling ko parang akong nasa depress area na daig ko pa yung mga nakatira sa squatter.

dudzrea

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #188 on: September 15, 2014, 06:52:22 am »
 :)Hi mga sis, ang tagal ko hindi nakapag post dito. anyway about my MIL pinakikisamahan ko nalang kahit hindi siya sa amin nakatira papunta punta lang siya dito sa amin para sa checkup niya.. nung una mabait ako sa MIL ko although  hanggang nagun naman kaya lang hindi na tulad ng dati kasi habang tumatagal eh talagang nakikilala ko sila.. tama kayo mga sis lagi nila pinamumukha na keso hindi mag kakaroon ng magandang buhay ang anak nila kung hindi dahil sakanila keso pinag aral nila etc etc..iba talaga sila.. may pag ka matapobre pa MIL ko Eh wala naman siya, ang hilig mag sabi ng DUKHA Or walang TINAPUSAN, WALANG ARI ARIAN.. imagine tama ba yan sabihin mo mga words na yan!! naiinis ako sakanya pag nag sasabi siya ng ganung mga salita ok lang sana kung napaka mayaman niya eh wala din naman siya, napaka filingera susyalera pa nya mga sis, imagine kahit wala na siya pambili gamot niya bastat makabili lang siya ng lipstick nya mga luho nya sa katawan, tapos sasabihin nya wala binibigay pambili sakanya ng gamot keso ganyan ganito..feeling niya bata pa siya eh napaka tanda na niya. sobra niya arte nakakainis, kaya nung andito siya nasabihan ko, ( my napa nood kasi ako sa TV that time)   " ano ba yan ang arte arte naman yan ang tanda tanda na kahit ano pa gawin niya sa katawan niya pag matanda na matanda na talaga hindi muna mababago yun"  siya pinariringan ko nun.. kakainis kasi masmahal pa lotion niya sa akin,pag naligo parang dalaga sobra talaga. pag nag a.ayus siya nakakainis tignan, minsan tapos nako maligo siya hindi pa tapos mag korerete sa mukha niya ;D. kinukuwento ko nga sa sa parents ko sabi nalng saakin mabait kasi parents ko, intindihin ko nalang daw kasi ganun talaga pag tumatanda na.. pinakikisamahan ko nalng para sa asawa ko..

prettyellowish

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #189 on: September 15, 2014, 10:15:42 pm »
^sa bawat story na ganyan, ang ending, Tayo paren lagi ang dapat umintindi :( HAYSSSS!!!!!!!

outandaboutph

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #190 on: September 18, 2014, 03:01:41 pm »
Last week ko lang nalaman from my mom, sinabi sa kaniya ni MIL na kung alam lang nila na ganito ang ugali ko, hindi sila papayag na magkapasal kami ni hubby. Last June pa iyon sinabi ni MIL pero last week lang inopen ng mom ko sa akin kasi like me, parang litong lito narin siya sa MIL  at husband ko now. Noong una, hindi umimik mom ko kasi hindi siya aware if anong nangyayari sa house kasi kararating lang niya that time. Humingi pa siya ng sorry sa MIL ko and sabi pagsasabihan niya daw ako, akala niya ako talaga ang may problema. After 3 months, clear na sa mom ko kung anong totoong situation and sinabi narin niya sa father ko. Galit ang father ko, pinapauwi na lang ako. Noong wala mom ko, ang sakit talaga sa dibdib makita ko pa lang MIL ko. Naubos lahat ng hanger sa bahay kasi kapag galit na galit na talaga ako pero hindi ako makaimik, hinahampas ko na lang mga hanger sa kwarto para lang mairelease kong galit ko. But now na nandiyan na siya, although tahimik lang siya and hindi pumapatol kay MIL, mas magaan ang buhay kasi may napagsasabihan ako. Hubby kasi won't side sa akin eh, laging kampi sa mom niya so ang hirap laging ako ang mali at may kasalanan. Mom said na magpaalam ako ng tahimik na magbabakasyon muna ako sa house namin, umalis ng tahimik at walang gulo.

BDJ

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #191 on: September 20, 2014, 01:21:01 pm »
^Tama ang mom mo, umuwi ka na lang sa inyo kung ganyan lang nangyayari. Ang GMIL ko naman is not sumbongera or saying something against me sa parents ko. Though ang mom ko is aware na may ibang ugali ang GMIL ko noon pa kasi nga there was a time na nung nagtalo ang hubby ko and GMIL dinamay niya mom ko sa usapan na wala naman kinalaman mom ko then I told my mom about it. Naniniwala sa akin mom ko. Lalo pang narealize ng mom ko kung sino siya by the time na tumawag sa landline mom ko then nakasagot yung GMIL ko na binangayan siya dahil lang sa init ng ulo niya.

But now GMIL is in the hospital at nanghihina na she felt na malapit na rin siya. Nagbilin na lang siya about my baby tapos humingi na ng pasensya, I feel na malapit na nga rin siya.

yanmae

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #192 on: September 23, 2014, 01:45:51 pm »
Hanggat kaya ko respetuhin ang MIL ko
Hanggat kaya ko sya tiisin
Para sa anak nya tinitiis ko mga panlalait at pangiinsulto nya sakin at sa pamilya ko, gagawin ko..

Pero ibang usapan na pag anak ko (na apo nya) na ang usapan.
Ipaglalaban ko karapatan ko bilang Ina.
Lola lang sya wala sya pakielam!
Hinding hindi ko titiisin malayo sakin anak ko, kaya wala ako nagawa kundi ipa-DSWD sila

Ngayon, hiwalay na kame ng anak nya dahil sa pakikielam nya samin. Galit na galit sya sakin ngayon, grabe ako pinagtetext at pinagmumumura.

Kahit mahal ko pa anak nya mas pinili ko nalang lumayo kame ng anak ko. Ang hirap.

Sana makayanan ko to :(

Kaya mo yan sis. Magdasal ka lang po. Isipin mo yung mga labandera nga na iniiwan ng mga asawa nila nakakayanan itaguyod ang mga anak kahit sya lang mag isa paano pa ikaw na mas mataas ang naaral ;)

crzysxycl

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #193 on: October 05, 2014, 11:41:10 pm »
Naospital ako sa sobrang galit ko kay MIL. Nasagad na pasensya ko, nahirapan akong huminga. Natakot ako, naisip kong sayang naman ang buhay ko kung sya lang ang magiging dahilan ng pagkamatay ko. Ang tagal kong tiniis ang ugali nya. Galit na ang parents ko dahil nakikita nilang sobra na inaabot kong stress. Mabuti nalang at nag agree na rin asawa kong umalis kami sa puder ng ina nya. Mga sis, wag natin hayaang sirain tayo ng mga bwiset na biyenan na yan. Hanggat maaga pa, mas mabuting mag hiwa hiwalay nalang, kesa madagdagan lang yung samaan ng loob. Sabi ko nga sa isang friend ko, "mas gugustuhin ko pang mag renta at gumastos , makakatulog naman ako ng maayos sa gabi kesa libre nga renta, eh baka mauna pa ako mamatay sa biyenan ko dahil sa kunsumisyon."

erza0916

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #194 on: November 23, 2014, 09:55:07 am »
Sakin ok naman mommy ni husband. Nasa ibang bansa kasi and hindi ko masyadong nakakasama. Pagumuuwi naman ay nagbbonding pero not as much. Gustung gusto ko MIL ko kasi tahimik and mabait. Mom ko kasi super loud. Lahat may masasabi hahaha

Ang medyo down side lang eh nasobrahan naman sa pagka passive ni MIL..now na pregnant ako akala ko magiging excited sya pero parang hindi. Pag inuupdate ko sya about the baby parang "ok.ingat ka" lang palagi nya sinasagot.. Ewan ko.. ayoko namang hilingin na sana maging proactive sya baka pagsisihan ko.hahahaha

princessyuri

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #195 on: November 24, 2014, 03:40:18 pm »
^^ganyan din ang feeling ko before sis, lagi naninikip dibdib ko before parang sasabog na dibdib ko pero hindi ko mailabas. Buti na lang hindi naman ako umabot sa point na maospital like you. I do hope okay ka na ngayon.

Last week, first time namin nagkita ni MIL after ko umalis ng house nila last month. Nasa mall kami ni hubby that time and napadaan mom niya kasama isa niyang apo tinawag ni hubby kahit alam niya ang feelings ko for her. I decided na magbaba na lang ng tingin, as if walang nakita. I know galit na galit na naman iyon sa akin ang ipagkakalat na naman sa iba na kesyo ganito at ganon ako because of that incident. Pero okay lang, kasi the moment na umalis ako ng house nila, inexpect ko na kung ano pang pwedeng mangyari. Basta happy ako like you sis crzysxycl kasi wala na iyong feeling na parang ayoko umuwi kasi alam ko makikita ko siya ang kung ano ano na naman sasabihin, and like you, ang peaceful talaga ng buhay ko after ko umalis ng house nila hubby. Ayoko na bumalik talaga doon...

crzysxycl

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #196 on: November 24, 2014, 04:21:36 pm »
^apir tayo sis! :) thank you, ok naman na ako ngayon. nung kakalipat palang namin, para akong natrauma, na kahit nakabukod na kami, andun yung naiisip ko pa rin minsan yung mga ginawa nila sa akin. totoo pala yung sinasabi nila na mahirap magpatawad ng tao. nakakalungkot lang isipin na nanay pa ng asawa ko ang involved. ang awkward ng feeling no, pag first time nyo magkita after nyo bumukod. and for sure, bitter ocampo ang mga MIL natin. naku buti ka pa sis naisip mong sisiraan at ikukwento ka nanaman sa ibang tao ng MIL mo pag nakaalis ka sa puder nya. ako kasi, ang inisip ko lang noon makaalis ako, affected na rin kasi pati health ko. i believe dahil sa stress ko sa kanya kaya ako nagkaron ng cysts sa ovary ko na last year naman eh wala. kaya hindi na talaga ako pumayag, kung ayaw man ni hubby umalis, baka umuwi nalang ako sa amin. gaya ng ginawa ng MIL mo sayo, pag alis ko, chinismis din nya ako sa lahat.. parang sa buong barangay, lol! di bale sis, mas happy ang christmas at new year natin ngayon na malayo na tayo sa mga biyenan na yan. :)

BDJ

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #197 on: November 27, 2014, 08:14:55 pm »
Same here natrauma ako at until now nayayamot pa rin ako sa granny in law, kapag kasama ko siya nabibigatan pa rin ako. Kahit na hindi na siya gaanong nagpuputak parang naiwan pa rin sa loob ko. Actually sa una pa lang hindi ko na siya feel. Disappointed lang ako for a fact na akala ko she is objective at all but most of the time wala siya sa hulog. Parents ko nga may mga comment na about this granny in law. Napansin rin nila na kawawa ang maid sa Lola.

Sa mga magbabalak manirahan sa in laws for some reason, ang masasabi ko lang sa una pa lang huwag kayong papayag na maging sunud sunuran kayo kasi kahit na ba nakikitira kayo the point is asawa kayo hindi namamasukang katulong. In fact part na nga kayo ng family eh na pwede ka pang makialam sa mga decisions and problems. Although ang badtrip rin rito ikaw ang pinalalamon ng problema ng pamilya ng asawa mo na wala ka namang kinalaman. Sinabihan ko talaga asawa ko na uuwi talaga ako ayun ginawan niya ng paraan naman. Mula nun hindi na ako pinapakialaman nitong in law.

princessyuri

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #198 on: November 28, 2014, 09:37:08 am »
^^buti naman okay ka na sis.. actually, mahirap talaga siya kalimutan... hindi ko alam if bakit but sa akin kasi parang kapag iniisip ko, ang daming beses na akong tumira sa ibang bahay since nag-aaral pa lang ako, ang dami ko ng nakasamang ibang tao, hindi ko pa mga kamag-anak ang mga iyon, pero never ako nagkaproblema with them. Kaya iyong nangyari sa amin ng in-laws ko, first time iyon sa akin ang sobrang lalim ng pain napakahirap kalimutan.

^salamat naman at hindi ka na pinakikialaman ng in law mo sis, ako naman pag-alis ko ng house nila hubby, mega sumbong na naman ang MIL ko sa husband niya. As usual, side lang niya ng kwento ang sinabi. And si father in law naman, mega send sa akin ng as usual sarcastic niyang mga messages na dahil super bad trip pa ako that time tapos hinahabol pa nila ako ng ganoong messages, sinagot ko na at nagpakatotoo ako sa mga sagot ko. Ayon, so far hindi na sila nagsalita after that. I know mali, pero hinamon ko si hubby ko na kung siya ay litong lito parin ngayon if bakit kami nagkaganito, lumapit kami sa church para fair, hindi iyong puro sinasabi ng family niya ang pinakikinggan niya.

crzysxycl

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #199 on: November 28, 2014, 09:01:54 pm »
^hay, i feel for you sis. kakaiba pala talaga ang in-laws mo, nakalayo ka na eh hinahabol ka pa ng messages nila. tsk tsk. ang MIL ko hindi maalam sa technology, wala syang mobile phone, ang gamit lang nya yung bibig nya pag sinisiraan nya ako sa mga kakilala at kamag anak nila, haha.

^^i agree sa sinabi mo sis. nako, hindi talaga ok makitira sa in-laws kahit pa sabihin na mababait sila. sa una lang malamang yan, pag tagal makikita mo ang tunay na kulay nila at di maiiwasang magkaron ng issues. kaya nga yung brother kong nag asawa rin recently, both sides -- family ko at family nung girl, hindi nag alok sa kanilang tumira sa bahay, talagang ni push na bumukod silang dalawa. at nakita rin ng brother ko nangyari sa akin kaya alam nyang mas maganda ang nakabukod.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close