Author Topic: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!  (Read 111808 times)

dudzrea

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #160 on: May 23, 2014, 09:25:15 pm »
 ;D hahaha kakaloka ang mga MIL talaga kaya tiis tiis nalang pag my time..  >:( ehe

twelve5

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #161 on: May 24, 2014, 06:28:28 am »
Sabi nga, the best mother-in-law is the one that lives very far, far away. Haha!

crzysxycl

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #162 on: May 24, 2014, 11:15:17 am »
^truly sis, haha!

missy06

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #163 on: June 09, 2014, 04:08:44 am »
Sa akin di naman sya masama pero naiinis din ako sa way ng treat nya kay hubby. Parang pag lalabas ng bahay laging nag iisip ng pautos. Di kami magkasama sa bahay pero 1 compund. Ito namang asawa ko di marunong humindi. Buti sana pag nagpapabili e nagbibigay money, puro abono si hubby! Kaya nagigung malayo ako sa mil ko pag may gatherings sinasabi ko may work ako dapat tapusin or di maganda pakiramdam ko. The fact na sa asawa ko lang sya ganun kasi sa isang bro in law ko di sya uubra! Haaay

BDJ

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #164 on: June 19, 2014, 10:34:28 pm »
Sabi nga, the best mother-in-law is the one that lives very far, far away. Haha!

Meaning my bro has the best mother in law because he is living in Manila with his wife of course  ;D while his mother in law is in Pangasinan. I am wondering lang what if my bro lives with in law? I am thinking if how he will treated his wife in front of in laws  ::)

Enough said to other thread about Grand MONSTER IN LAW  ;D or Granny. First time I came sa house it was really horrible and stressful in fact that was first semester ng pregnancy ko. Nagpaniwala ako sa hubby ko na she is just being frank at all, kesyo totoong tao blah blah but being with her 24/7 all the time compare with my hubby I've witnessed everything and now it makes me worry kapag andyan na yung anak namin. I just thought she is objective but NO! She is just a typical nagger who is bringing hatred to her life na gusto niya damay lahat ng mga tao. Almost everyday parang nabubuhay siya sa away na lang at pambubulyaw even with other people. I am thinking kung until when ko pa ito titiisin kahit na she is not attacking me anymore. I am not actually comfortable being with her. Until now hindi ko pa rin makalimutan how she nagged me o bulyawan with the pressure na dapat maglakad raw ako as exercise every morning without considering that I have a work that is usually urgent kasi Australian based ako at kesyo raw para hindi mahirapan manganak tapos she is criticizing the credibility of doctors. Pero wag ka yun pala ang makakapahamak sa pagbubuntis ko at pwede akong makunan according to OB tapos kailan lang she even told me that I have a high risk of pregnancy because of the open cervix, ilang lakad na lang I can have premature birth ni ayaw na nga ng OB na magwork ako kahit sitting all day at home lang ako. Ayan tuloy naaalala ko pa how horrible that granny. She is not even a good listener even how much I explain. Ito ang isang bagay kung bakit I am not talking with her anymore. Mas mabubuhay pa ako na wala na lang kibuan rather than makipagkwentuhan tapos puro rin lang naman bastusan lumalabas sa bibig. Everyday I am hearing the word of P that is 4 letters, of course alam niyo na kung ano yun and honestly hindi ko na siya masikmura.
« Last Edit: June 20, 2014, 04:24:19 am by BDJ »

yanmae

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #165 on: June 26, 2014, 01:49:09 pm »
MIL ko mabait naman pero kung nakatalikod ka at may negative comment sayo minsan exaggerated din ang kwento nya, yung tipong tunog sinisiraan ka na nya.. Di ko nga sya maintindihan kasi prangka naman syang tao, pero yung pag ka prangka nya yung tipong kahit prinangka ka na nya ehh sisiraan ka parin sa iba specifically mga kapamilya nila.. At ang hilig mag parinig, minsan mag pepretend pa yun na si juan ang pinaparinggan pero ang talagang tinitira nya eh si pedro, ang matindi pa nyan sasabihin nya kay pedro na si juan ang pinaparinggan nya. Kaloka lang di ba?? Ang hilig pa nyang magsabi ng mayabang, kasi naman sya pasimpleng yabang lang. LOL dapat pasimpleng yabang lang para di ka nya masabihan ng mayabang, at sa paningin nya perfect ang pag papalaki nya sa mga anak nya. Kesho yung anak mo tularan nya yung anak nyang si ganito ganyan. Imbyerna ko pa kasi nalaman laman ko nalang din na sya pala mismo ang ayaw magpa bukod sa amin, haaay buhay, sana turuan nya anak nyang maging independent hindi yung di parin nya ata matanggap tanggap na may asawa na anak nya at kelangan na nyang pakawalan.. nakaka inis pag naiisip ko tong mga bagay na toh.. naiirita ako pati sa asawa ko.. hay nako!!!

crzysxycl

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #166 on: July 21, 2014, 11:52:05 am »
^waaah! sis, almost same ng ugali MIL natin. hindi kaya magkapatid sila? LOL! magkapatid sa pagiging bruha! yung descriptions mo about her, yung paninira pag nakatalikod ka, yung ayaw magpabukod, yung hindi nya tanggap na may asawa na mga anak nya. nako! ganyan na ganyan MIL ko. ang nakakaimbyerna pa dun, nagagalit sya pag aalis kami - kakain sa labas, magmamall, mag ggrocery, etc. hindi mo malaman kung gusto ba sumama o naiinggit o iniisip nyang inuubos ko pera ng anak nya. hello! may sarili akon pera at wala sya pakialam kung gastusin namin yung pera namin dahil pinaghirapan namin yun. pag inaya mo naman sya, sasabihin nya may gagawin sya or nakakain na sya pero wag ka, pag uwi namin nakasimangot pa rin, kaloooka!

cheekeypie

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #167 on: August 07, 2014, 04:52:06 pm »
Wow! natuwa naman ako (weird?) na may ganitong forum ;-)
ako nag-iisa lang akong may Monster-In-Law, good to know na hindi pala ko nag-iisa sa labang ito hehe ;)

outandaboutph

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #168 on: August 08, 2014, 02:19:37 pm »
Ako naman mga sis, sa 3 years naming magkakasama, very clear na sa akin kung anong gusto ni MIL. Gusto niya, kasama sila sa mga decisions, mga lakad, mga problema namin ni hubby. Ang siste, parang napabilang lang ako sa mga anak niya, hindi iyong concept na nagpakasal kami para bumuo ng sarili naming pamilya. In short, siya ang reyna and ako tagasunod lang. Si hubby naman, same ng gusto ng mom niya kasi very close sila dahil dad niya nasa abroad. Kapag decision making, nauna pa niya iconsult sa nanay niya. Madalas nakapagdecision na sila bago pa ako masabihan.

bluish_mommy

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #169 on: August 08, 2014, 03:04:08 pm »
minsan parang kung titignan ko mas maganda pang in my face ko ma-experience ang kabastusan ni MIL, kesa naman yung ngiting-aso na pakikitungo nya, sa harap ko mabait, pero pag nakatalikod ako, kung ano-anong kabalbalan ang kinukuwento about me.

at least kung sisigawan nya ako at babastusin ng bonggang bongga, i will have the reason para palayasin sya sa bahay ko.

cheekeypie

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #170 on: August 11, 2014, 10:17:59 am »
agree bluish, ganyan din yung MIL ko, nung nagpaplan kaming magpakasal kunwari excited, tapos nung mismong day na ng wedding hindi man lang mahiya sa mom ko at mga kamaganak ko, nakasimalmal ang muka, and from that day kung ano ano na ang sinasabi nya about me pag nakatalikod ako, at pagkaharap ko kala mo santa.

crzysxycl

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #171 on: August 11, 2014, 03:11:06 pm »
Ganyan din MIL ko bluish_mommy, cheekeypie. Magkakamag anak ata ang mga bruhang ito. Ilang beses ko na napatunayang sinisiraan ako ni MIL sa mga kamag anak at kakilala nya. Pero kahit narinig ko na sya at nahuli ko na, never syang umamin. So yung mga kapatid ni hubby, hindi pa rin convinced, hindi nila matanggap na ganun ang nanay nila. Ewan ko ba, saksakan ng impakta tong matandang to. Linggo linggo nagsisimba yun, pero ubod ng sinungaling. Nakakapanginig sya ng laman.. Nakakalungkot lang isipin na yung taong sobrang kinamumuhian ko eh nanay ng asawa ko. Ngayon lang ako nagalit ng ganito sa buong buhay ko, sa kanya pa.

BDJ

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #172 on: August 13, 2014, 07:03:05 am »
Bad trip ako sa mudrang ito nung kinabukasan agad after giving birth to my baby. Ang aga aga putak ng putak na ang dami ko raw dinala na hindi naman importante tapos kesyo daw yung hospital ng World Citi hindi niya gusto eh hindi naman siya kailangan ng hospital eh!  ;D Tapos nagrerequest pa kung pwede yung anak ko raw iuwi agad para mamonitor niya at alagaan, yung tipong gusto agad pangunahan yung mga doctor. Tapos bakit raw kesyo wala sa nursery yung bata eh hindi naman ganyan noong araw, eh yun nga ang bagong patakaran ng DOH eh! room in agad yung bata unless case to case basis na kailangan mamonitor yung bata. Basta nagdedesisyon siya ng ganun lang na gusto niyang magbreak ng rules and opposite to the doctor.

prettyellowish

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #173 on: August 14, 2014, 04:41:59 am »
Hanggat kaya ko respetuhin ang MIL ko
Hanggat kaya ko sya tiisin
Para sa anak nya tinitiis ko mga panlalait at pangiinsulto nya sakin at sa pamilya ko, gagawin ko..

Pero ibang usapan na pag anak ko (na apo nya) na ang usapan.
Ipaglalaban ko karapatan ko bilang Ina.
Lola lang sya wala sya pakielam!
Hinding hindi ko titiisin malayo sakin anak ko, kaya wala ako nagawa kundi ipa-DSWD sila

Ngayon, hiwalay na kame ng anak nya dahil sa pakikielam nya samin. Galit na galit sya sakin ngayon, grabe ako pinagtetext at pinagmumumura.

Kahit mahal ko pa anak nya mas pinili ko nalang lumayo kame ng anak ko. Ang hirap.

Sana makayanan ko to :(

cheekeypie

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #174 on: August 14, 2014, 09:31:25 am »
ang sad naman nyan prettyellowish :-[

Si hubby mo naman ba may ginawa syang way to prevent na hindi kayo magkahiwalay?

I hope you get through this and kung hiwalay na talaga kayo sana nagsusupport naman si hubby mo atleast for the kid/s.

tama din yun sis na sinabi mo agree ako hanggat kayang respetuhin kaya lang parang para sakin hindi tama yun e, di ba dapat matututo muna silang rumespeto bago sila i-respect? haaays...

Share ko lang sis sayo feeling ko same experience kayo ng mom ko.

Sobrang bait kase ng mom ko, she gave up everything for my dad, and ilang years nyang tinitiis yung ginagawa sakanya ng lolo at lola ko. My dad is an ofw, since malayo dad ko for almost 15yrs lahat ng pinapadala ng dad ko para sa mom ko at samin ng mga kapatid ko kailangan half nun saknila, and worst konting mali lang ng mom ko minumura na sya mula ulo hanggang paa kaharap kami, and even yung mga kapatid ng dad ko laging sinasabihan ng masasakit yung mom ko, pag magsusumbong ang mom ko mas pinapaniwalaan pa ng dad ko  lolo at lola at mga kapatid nya. and marami pa yan sisses pang-MMK hehe, pero dahil love ng mom ko ang dad ko lahat tiniis nya and pinaglaban nya kaming mga anak nya, at tinanggap nya yung dad ko ng paulitulit, sad to say narealize lang ng dad ko na yung lolo at lola ko talaga sulsol instead na iayos sila, e yung time na sobrang maysakit na sya. Before he died, he was really sorry for everything, na sana he fought for our family rather than listening to my lolo and lola.
And after the death of my dad and my lolo, and lola ko nalang yung andyan, medyo masama pa rin sya pero eventually nagbago sya kase napatunayan nya na even yung mga natitira nyang anak ayaw syang alagaan.
« Last Edit: August 14, 2014, 03:40:45 pm by cheekeypie »

prettyellowish

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #175 on: August 14, 2014, 11:09:12 pm »

Si hubby mo naman ba may ginawa syang way to prevent na hindi kayo magkahiwalay?

Wala. sunod talaga sya sa nanay nya. At that time kase kakaopera lang ng nanay nya ayaw nya lumala yung sakit kaya mas sinunod nya nanay nya kesa samin ng anak nya.

Quote
I hope you get through this and kung hiwalay na talaga kayo sana nagsusupport naman si hubby mo atleast for the kid/s.

Yun nga sis, hiwalay na nga ni di nagbibigay kahit piso wala para sa anak nya, kaya naman nya magbigay e mayaman nga sila kaya nga ako minamaliit ng nanay nun. Solo parent ako ngayon, ako lahat nasagot ng gastos para sa bata. Buti nalang di ako nagresign sa work nung time na pinagreresign nya ko kase ang liit daw ng sweldo ko gusto nya patas kame ng sweldo. Hati kase kame lahat sa gastusin kaso nahihirapan ako kase half lang ng sweldo ko ang sweldo nya, same amount nilalabas namin wala na ko naiipon para sa sarili ko.

mag 3 months na kame hiwalay, 2 months na kame di naguusap, 1 month na din nya di binibisita ang bata. Wala na ko balita sa kanya, block nya ko sa fb, wala as in wala na talaga kame communication. Pasalamat nalang ako may kuya at nanay ako natulong sakin pag nagigipit ako.

galit na galit sya sakin kase di ko pinapahiram ang bata. Wala na kase ako tiwala, After nung di sila sumunod sa usapan na ibabalik nila ang bata sa gantong araw, kinausap ko sila ng maayos sa text pero di nagreply ng maayos puro mura reply ng nanay nya sakin, wala ako choice kundi idaan sa legal.

Naalala ko lang, nung time na kinuha namin (dswd, mom ko at tita ko) ang bata, nakapag salita ang nanay nya na "wala na kame pakielam sa bata pag kinuha mo yan, buhayin mo magisa anak mo! lumayas ka dito!"

Siguro yun din sinabi ng nanay nya sa kanya kaya tinitiis nya kame.

Buti nalang talaga di pa kame kasal.

bluish_mommy

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #176 on: August 15, 2014, 09:03:23 am »
^sad naman pala sis...

oh well, if I were in your siutation, since di naman pala kayo kasal... bubuhayin ko mag-isa ang anak ko. yaan mo silang magsama sama sa miserable nilang buhay.

BDJ

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #177 on: August 17, 2014, 07:02:41 pm »
prettyellowish Tama lang ginawa mo. Matapobre pala yang monster in law mo. You don't deserve to have that kind of in law.

Garapalan ko lang sinabi yan sa asawa ko na hindi ko deserve to have in law like his grandmother. Parati akong nagrereklamo sa kanya. Pero grabe bilib ako sa haba ng pasensya ng hubby ko. Sobra ang pacify niya sa pagrereklamo ng Lola niya saka sa negative vibes niya. Kahapon lang naiirita ako dahil sumama pa siya sa amin tapos tatalak lang pala. Ang bigat niyang kasama at titiisin ko pa ito ng more than 1 year.  >:( Hay nako alam ko na kung paano niya talakan asawa ko at sinabihan ko na hindi pwede gawin sa akin yan or else uuwi ako. Buti naman hindi ginagawa yun sa akin.

outandaboutph

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #178 on: August 18, 2014, 10:52:28 am »
Ganyan din MIL ko bluish_mommy, cheekeypie. Magkakamag anak ata ang mga bruhang ito. Ilang beses ko na napatunayang sinisiraan ako ni MIL sa mga kamag anak at kakilala nya. Pero kahit narinig ko na sya at nahuli ko na, never syang umamin. So yung mga kapatid ni hubby, hindi pa rin convinced, hindi nila matanggap na ganun ang nanay nila. Ewan ko ba, saksakan ng impakta tong matandang to. Linggo linggo nagsisimba yun, pero ubod ng sinungaling. Nakakapanginig sya ng laman.. Nakakalungkot lang isipin na yung taong sobrang kinamumuhian ko eh nanay ng asawa ko. Ngayon lang ako nagalit ng ganito sa buong buhay ko, sa kanya pa.

hehe same experience.. but it's all in the past.. eksaktong eksakto ang description mo, nakakapanginig ng laman.. marinig ko pa lang boses niya, nila, umiinit ng ulo ko. pero ngayon they're trying na maging maayos relationship namin, hindi na lang ako umiimik pero sa totoo lang kahit maging square pa ang mundo, hindi na lalapit ang loob ko sa kanila. lagi sinasabi ng mom ko na habaan kong pasensiya ko, na ganon daw talaga mga inlaws, pero sensya na, hindi na magbabago ang isip ng "ibang taong" ito.

loveleah

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #179 on: August 22, 2014, 08:02:14 am »
I used to have this problem with my MIL. She was so hard to live with. Gusto niya lahat ng ideas niya masusunod. She always have a say on everything and should be followed. But I am never the type na follow lang ng follow since I was an ever independent girl. So bale nag clash ang personalities namin, even with my kid, dapat instructions niya masusunod. But we were living under her roof, so what I did, even if I don't agree to her sometimes, I nod my head but hindi ko sinusunod. She was first mad at me because according to her, matigas ang ulo ko, but I calmly told her of my point and how we now have modern way of doing things. I know she hates me a bit because parang inagaw ko ang only son niya, it could be anybody, not just  me, any girl her son would have married. But, I did not let it get in the way, since marunong naman akong magluto, I cooked for the family, she used to say sobrang maasim luto ko but I know she loved it because meron pang mga second helpings hehe. Then we moved out of her house, and that's when things got better. Though, we still clash with our ideas, but we don't have to deal with each other every waking hour of the day and we got to talk better and gotten closer na.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close