here's my story naman with my mother-in-law turned to Monster-in-law
-ok naman sya nung mag bf/gf kami ni hubby pero may hint na ko ng pagka pakialamera nya at pagiging mukhang pera.
-nung kapapanganak ko pa lang sa baby ko, sinundo ako ng mil ko para ihatid sa haus ng lola ko at para i-assist ako sa pag aalaga sa first baby ko. ang kinalabasan, halos ayaw ipahawak sa akin yung anak ko at sya lagi ang may hawak. CS pa naman ako. at that time ko pa lang makakapiling ang baby ko. alam nyo naman yung feeling di ba? kung gaano kayo kasabik mahawakan yung baby nyo. tapos pagkakait sau. maski sa mga kapamilya ko ayaw nya ipahawak. yung oras na din na yung ipa practice ko sana yung abby ko mag breastfeed, eh kada iyak nung baby pinaiinom nya ng formula at wag daw maligamgam n water ilagay para di masanay, omg! at pinaiinom din nya ng water lang! ayun reklamo ako kay hubby, pinauwi ng di oras yung nanay nya hehe. at ang problema lang nawalan n ng patience yung baby ko mag breastfeed sakin kaya mega pump n
[textspeak!] ako ng milk

-nung andito na kami abroad dun ko nalaman pagka full blown monster-in-law nya... wala yatang araw na di nagtetext ng problema nya sa asawa nya na dapat di na nya sabihin sa asawa ko.
-puro daing at pera ang gusto sa araw araw at maski ipangreregalo sa aanakin sa kasal ihihingi pa sa asawa ko. sosyalerang palaka!
-etong huli s limang taon namin ng asawa ko, sobrang napuno na talaga ako. tatlong beses na kami nagpadala sa kanila sa buong buwan dahil umutang nung huli ng penalty nila sa lupa nila dahil di sila nagbabayad eh 200 pesos lang monthly yun, di naman kami pumapalya magpadala ng allowance nila kahit may sarili ng pamilya anak nya at yung pangalawang padala eh wala daw pambili ng gamot yung father in law ko,e di padala kami ulit. yung pangatlo, kulang pa daw pambili ng gamot, eh di padala ulit. etong huli nagdrama pala sa asawa ko nirarayuma daw sya humingi na naman ng pera. ang siste nilihim nila sakin yun pagremit ng pera ng asawa ko sa kanya at inutang pa ng asawa ko sa kasamahan nya sa trabaho yung pinadala dahil kukulangin na kami sa allowance. eh habang naliligo yung asawa ko, chineck ko cp nya, ayun may text ang western union at sinabi n na receive n nung nanay nya padala na pera. eh di war to the max kami ng magaling kong asawa at umamin na yung mil ko p ang nagsabi na ilihim sakin.
- tinext ko yung mil ko at sinabi ko na alam ko na yung ginawa nila at masaya na ba sya at nawalan na ko ng tiwala sa asawa ko, unang beses ko talagang tinext sya ng ganun sa sobrang dami na ng sama ng loob ko.
-eto ang sagot sakin:
-madamot daw ako
-masama daw lahi namin
-mukha daw akong pera
-mas maganda pa daw maghiwalay kami ng asawa ko
-ang asawa daw madaling palitan ang magulang hindi.
-sila daw nag paaral sa anak nila
grabe! pabakasyon kami sa May at hindi ko alam kung haharapin ko pa yung matandang yun. sa buong pagkabinata ng asawa ko, sa kanila lahat napunta lahat ng sahod kaya walang syang naipon. ngaung may asawa na sya at may anak na kami, di man lang sila mag isip na kailangan din namin magpundar ng sarili namin lalo na at nag iipon pa lang kami para mkapagpatayo ng bahay.
haaay di ko alam gagawin ko na talaga. buti ngaun di na chinacharge ng asawa ko roaming n cp nya. kaya wala akong nababasa.