ewan ko if dito ba sa thread na ito ko dapat i-post ito, pero share ko na din, matagal ko na prob yung Lola ng husband ko.
-madalas ako maubusan ng damit, panty, bra, bigla na lang nag lalaho parang bula kasi ninanakaw nung matanda tapos pinamimigay sa kamag anak. ginawa rin ito ng matanda kay MIL, kaya pala konti lang damit at gamit ng MIL ko
-pag meron ako new shoes/sandals, binabalibag sa garahe, basta may bago ako gamit nagagalit siya sa akin
-di na natapos paninira niya sa amin ni MIL sa mga kapitbahay, sa mga kamag anak nila, at pati sa mga tenant ng apartment namin, di siya nagsasawa sa pauliit ulit niyang kwento, sabi ko nga isulat na lang niya tapos pa photocopy niya para di na siya mahirapan mag ulit ng kwento niya
-pati lotion, sabon, facial wash, o kung ano nakalagay sa dresser ko, naglalaho na lang bigla. kung ano magustuhan, kukunin na lang ng basta.
-minsan nagsagutan kami, ang sinumbong niya, sinampal ko daw siya, mabuti na lang at siya ang pinalayas at pinauwi pa siya ng province dahil alam ng husband k0 na oa na sa pagka sinungaling
-galit siya kasi mayabang daw ako kasi may trabaho ako, palibhasa kasi di niya nranasan mag trabaho, naiinggit siya na nakikita na nabibili ko maski papaano ang mga gusto ko
-malayo sa kaniya ang loob ng mga anak ko, kasi kinukurot at pinangdidilatan niya,
-nung buntis ako, ilang beses ko siya nahuli na dinuduraan ang pagkain ko para daw umamo ako sa kaniya. MIL said ginawa din daw sa kaniya yun ng matanda.
-matapobre siya, halos mapulbos ang pagkatao ng boy at katulong namin pag minumura niya ng pagka lutong lutong kaya walang tumatagal sa amin
-pinagtataguan niya kami ng pagkain, minsan nakakalimutan niya san niya nilagay kaya ang ending, nabubulok na lang yung food na tinago niya,
---hay ewan ko ba, alam ko na uuwi din dito ulit yung matanda pero ang solusyon talaga eh makabukod na kami ni husband, hirap din kasi ayaw ni MIL na umalis kami kasi nag iisang (legal) na anak lang naman yung asawa ko kaya ayaw paalisin ng mommy niya. hay.
