watch now

Author Topic: SINGAPORE THREAD PART 5 NA ITO!!!!  (Read 187397 times)

iamasinger

  • Guest
Re: SINGAPORE THREAD PART 5 NA ITO!!!!
« Reply #280 on: March 11, 2010, 02:29:48 pm »
^wala naman akong naging problema sa mga IO kada punta ko sa singapore. pero nagkaron lang kami ng aberya noong nov. last year. sabi ko 2 months post-op na ako from CS aba hinahanapan ba naman ako ng medical clearance from my OB. sabi ko, buntis lang ang ini-issue-han nun (kung pregnant huh) eh hindi naman ako buntis na. ang dami nyang pinagtanungan na kasamahan hanggang sa may tinawagan pa sya then in the end, nalaman nya na hindi na pala kailangan.

pero nung magpunta ako ng indonesia dun ako nagkaroon ng problem sa IO dyan sa NAIA 1. nilagay ko kasi purpose ng travel ko is business trip which is true naman dahil makikipag-meet kami sa client sa Indonesia. hinanapan ako ng papeles. kasi naman hindi kapani-paniwala na may business trip ako dahil i was on my jeans skirt and tshirt ;D nagpanic na ako nun at tinawagan ko mga boss ko sabi ko magfax ng letter pero di ko alam kung saan nila ipapadala ;) buti na lang nakapag-isip ako ng ibang diskarte. nag-fill in ulit ako ng embarkation card at pumila sa ibang line na sa tingin ko ay mukhang mabait na IO tapos nilagay ko na purpose dun sa card ay as a tourist... walang tanong-tanong at pinapasok na ako. sa isip-isip ko, "utakan lang yan."

money changer, madami namang nagkalat dyan sa SG. sa Chinatown nga ang dami ding money changer dun. sa Lucky Plaza madami din. wag kang matakot... mas safe dyan sa SG kumpara dito sa pilipinas. Ingat ka nga lang din kasi may mga manloloko na kapwa pinoy din.

@mami violy, tara sabay tayong magshift ng career.
« Last Edit: March 11, 2010, 06:51:26 pm by iamasinger »

blooming

  • Guest
Re: SINGAPORE THREAD PART 5 NA ITO!!!!
« Reply #281 on: March 11, 2010, 04:45:21 pm »
^ uy ako din! gusto ko nadin magshift!  hehe  kaso di ko lam san ba dapat mag umpisa?

gusto ko nga mag-aral, pero di ko magawa dahil sa trabaho. :(  nakaka email ako these days kasi inuubos ko leave ko from last year. as if naman hindi ako nagw-work.  ::)  so to compensate, internet ako while working, at naka leave naman ako noh! 


pink

  • Guest
Re: SINGAPORE THREAD PART 5 NA ITO!!!!
« Reply #282 on: March 11, 2010, 07:36:40 pm »
@cecilydee, natry ko na rin yung sa clark. same experience eh 5 day tour lang kami nung time na yun. hassle na ngang magpunta sa clark mas lalong hassle ang mga Immigration and Custom officers.

yapeegurl

  • Guest
Re: SINGAPORE THREAD PART 5 NA ITO!!!!
« Reply #283 on: March 11, 2010, 10:51:36 pm »
@cecilydee, grabe nangyari sayo! salbahe yun ah!

last night nakwento ng officemate ko na yung pinay na nakasabay nya sa plane hindi nakapasok ng singapore kasi hindi daw enough ang pocket money na dala.. 10k pesos lang daw ang dala nya tapos may bawas pa.. di daw pinapasok.. as tourist sya at bibisita sa brother.. sayang pamasahe! bat kaya naging strict sila ng bongga? kaloka!

mag aaral ako ng mandarin class. $30/hour.. sa bahay ako tuturuan at my own convenient time.. flexi time din ang teacher ko.. try nyo din sisses.. hehe.. kakatuwa lang siguro pag fluent na ako at para di na makapagsalita ng something against me.. di ko sasabihin sa officemates ko na nagaaral ako at hulihin ko sila.. lol

blooming

  • Guest
Re: SINGAPORE THREAD PART 5 NA ITO!!!!
« Reply #284 on: March 11, 2010, 10:57:41 pm »
^ you know sa mga napapauwi fr the airport?  ang masaklap pa, pinapabayad pa daw sila!  kasi if say promo ang ticket nila, tapos yung return ticket, normally charged sila ng normal full fare!  kaya yung balance daw, nach-charge pa sila! kaya kawawa din yung mga na a-airport to airport, aside from sayang pamasahe, pagod at oras, may dagdag pang pinapabayad!

^ pia, ok yang mandarin lessons mo ah!  good luck  ;)
hirap lang sa mga locals dito, kung magsalita kasi sila, halong mandaring, hokkien at cantonese.  dapat sabihin mo sa teacher mo, turuan ka nung local slang, hindi mainland China terms.


kayesl

  • Guest
Re: SINGAPORE THREAD PART 5 NA ITO!!!!
« Reply #285 on: March 11, 2010, 11:48:08 pm »
^^ uy pia interested ako dyan sa mandarin class. taga-saan ang teacher mo?  feedback after a few sessions nyo ha. :)

yapeegurl

  • Guest
Re: SINGAPORE THREAD PART 5 NA ITO!!!!
« Reply #286 on: March 11, 2010, 11:51:41 pm »
Kaye and Jen, sa monday pa ako mag start.. gagawan daw nya ako ng module this weekend.. dapat bukas ako mag start pero too soon daw..

mag feedback ako after our 1st session.. 2hrs a week lang ako muna kasi busy month itong March.. pero pag nakaluwag sa april, mag 3 sessions a week ako..

cecilydee

  • Guest
Re: SINGAPORE THREAD PART 5 NA ITO!!!!
« Reply #287 on: March 12, 2010, 12:38:47 am »
@yapeegurl naku sis dapat sinabi nalang nya na "visitor" lang siya lalo na if may invitation kasi pag "tourist" ibig sabihin may pera kang pang tour. buti nalang hindi ako pumila don sa masungit kasi less than 10K pa nga ata ang dinala ko eh hahaha lols. ako nga sa kapraningan ko, nanginginig pa kamay ko nung binigay ko return ticket ko. nahimasmasan lang ako nung sinabi, have a nice trip! haha. adik.

sa wakas nakalabas na ako ng lungga ko ang saya saya!! nakakaloka lang kamuntikan ko na sabihin, "manong, sa penang" hahahah kaloka. tsaka pala yung pag tap ko ng EZ link sa mrt nakakaloka din kasi di ko alam natap na. Narinig ko sa likod, "Ok, lah." Pagkarinig ko kasi nung una, "OK, yan" kaya napa tagalog ako sa kanya, "ay talaga?" hahaha. nagpapalit ako sa mga indian sa lucky plaza. 30.5 ata ang palitan PH-SG. nagpunta rin ako sa orchard at sale pala sa tangs. :) pti yung fave ko na sephora napuntahan ko na rin. :)

Ang saya! kasi nakayanan ko mag isa hehe. share ko lang hehe. lalo na sa mga sociophopic like me hehee :)

naku di na ako nakahanap ng trabaho lol.

cucumbermelon

  • Guest
Re: SINGAPORE THREAD PART 5 NA ITO!!!!
« Reply #288 on: March 12, 2010, 01:43:31 am »
mga sis, pwede ko ba kayo invite dito sa singapore we're having a general assembly for Bangon Pilipinas party it will be held at Yishun safra you are welcome to join at the same time mag meet na din tyo mga Girltalkers :) let me know

iamasinger

  • Guest
Re: SINGAPORE THREAD PART 5 NA ITO!!!!
« Reply #289 on: March 12, 2010, 11:39:50 am »
yung na-i-airport to airport ay yung mga kaduda-duda ang itenerary. let's say for example, sasabihin mong as a tourist ang pagpasok mo sa singapore tapos ang date sa return ticket mo ay aabot ng one month or halos one month from the day of your arrival in singapore tapos medyo bata ka pa at wala pang tatak ang passport mo or any history of a previous travel abroad, pagdududahan ka talaga. yung kaibigan ko kasi naharang din sa airport sa may budget terminal kasi sinabi nila na tourist sila. yung ibang kasamahan nila hindi na na-question dahil madami ng previous travels abroad, pero silang first time pa lang na mangingibang bansa ang naharang. hinanapan sila ng credit cards at pocket money. ang ginawa nung ibang hindi na-question, ibinigay muna pansamantala yung mga dala nilang cash dun sa hinarang ng immigration officer at yun ang ipinakita nilang proof na kaya nilang mag-survive as a tourist dun sa singapore.

pink

  • Guest
Re: SINGAPORE THREAD PART 5 NA ITO!!!!
« Reply #290 on: March 12, 2010, 10:06:28 pm »
IT Show na sa Suntec at di pa ako nakakapunta. Wasn't feeling well this afternoon kasi. Sana bukas matuloy na talaga.

alexme

  • Guest
Re: SINGAPORE THREAD PART 5 NA ITO!!!!
« Reply #291 on: March 12, 2010, 10:31:56 pm »
sayang naman yan na harang....na harang sa pinas papasok ng sg? dapat sinabi nya visit lang sya sa sg and sagot sya ng bro nya so regardless na konti pera nya eh ok lang yun. kadalasan ha yung mga immigration officer eh nagtatanong sa mga pasahero yung mga kabado o kaduda duda na magpopokpok or something maslalo na pagbabae. syempre sinabihan na sila ng sg government na maging vigilant coz maraming nagjojobhunting dito and daming nagmimilagro so strict lang talaga sila.

sis pia ang mahal naman ng classes mo ;) gusto ko rin pero sa affordable sana.

dapat pupunta akong suntec for the IT sale pero oty si hubby so baka tom na lang kame punta.

share ko lang mga sis na may Charles & Keith and Pedro Warehouse Sale sa 21 tai seng streeet so kita kits na lang ha ;)

happy weekend!

blooming

  • Guest
Re: SINGAPORE THREAD PART 5 NA ITO!!!!
« Reply #292 on: March 13, 2010, 07:10:06 am »
^ sis, ok na yung S$30/hr, tsaka sa house pa. bihira kasi puntahan ka sa house.

Last na tanong ko sa tuition center eh S$68-70/hr pa!   :-\ 
nagpapatutor anak ko now at S$50/session.
« Last Edit: March 13, 2010, 07:11:50 am by blooming »

tonette815

  • Guest
Re: SINGAPORE THREAD PART 5 NA ITO!!!!
« Reply #293 on: March 13, 2010, 10:22:38 am »
ako rin gusto ko mag aral ng mandarin.. di ba pwede group lesson or 2 at one time? my room mate also wants to learn kasi so baka pwede 2 persons at 30/hour hehe ;)

^ sis hanggang when ang warehouse sale? ng Charles & Keith and Pedro gusto ko sana pumunta...  need more footware kasi. mura kaya talaga

re: IO ako rin na trauma nung huling byahe ko papunta dito eh. kasi di ko pa hawak Pass ko kaya i had to go as  a tourist again eh na question ako kasi na pansin nila na kararating ko pa lang from sg tapos wala pang 1 month eh balik ako uli natanong tuloy ako kung nagtratrabaho pa daw ba talaga ako sa pinas. hay super sa kaba. mga sis kasing higpit din ba ng mga IO sa pinas kung lalaki ang mag tratravel alone ang first time niya lumabas ng bansa. BF ko kasi balak ako bisitahin dito pero worried ako baka di palusutin ng immigration.

yapeegurl

  • Guest
Re: SINGAPORE THREAD PART 5 NA ITO!!!!
« Reply #294 on: March 14, 2010, 11:13:13 am »
@lou, yan na pinaka mababa kong nakita eh.. pero mas mura nga ata pag 2 kayo.. baka lang mas matagal per session kasi mag iintayan kayo na maka pickup ng partner mo..

sayang yung pacquiao fight.. wala ako makitang pay-per-view dito sa singapore.. tapos hindi naman bago [textspeak!] digital setup box namin.. yung lumang version..

alexme

  • Guest
Re: SINGAPORE THREAD PART 5 NA ITO!!!!
« Reply #295 on: March 14, 2010, 12:57:14 pm »
last day today of charles and keith sale and yes super mura sya ;) pero masmaganda yung last year.

im now watching the pacman fight sa channel22  ;D

blooming

  • Guest
Re: SINGAPORE THREAD PART 5 NA ITO!!!!
« Reply #296 on: March 14, 2010, 06:29:35 pm »
IT Show na sa Suntec at di pa ako nakakapunta. Wasn't feeling well this afternoon kasi. Sana bukas matuloy na talaga.

pareho tayo sis. bed rest ako these past 2 days. sayang. :(

blooming

  • Guest
Re: SINGAPORE THREAD PART 5 NA ITO!!!!
« Reply #297 on: March 14, 2010, 06:31:31 pm »
last day today of charles and keith sale and yes super mura sya ;) pero masmaganda yung last year.


nag bilis naman. di ba nags-sale sila over 2 wks?  sayang, di rin ako nakapunta.  :(

pink

  • Guest
Re: SINGAPORE THREAD PART 5 NA ITO!!!!
« Reply #298 on: March 14, 2010, 08:24:43 pm »
pareho tayo sis. bed rest ako these past 2 days. sayang. :(

ok lang yun sis. ang daming tao nakakahilo. di rin naman naglower ng prices. well, on some items maybe pero yung iba parang same pa rin. may mga freebies nga lang.

yapeegurl

  • Guest
Re: SINGAPORE THREAD PART 5 NA ITO!!!!
« Reply #299 on: March 16, 2010, 08:55:51 am »
ang hirap pala ng mandarin!!! para kang nag vo-voice lessons.. buti na lang patient yung tutor ko.. pero ang hirap sobra.. huhu..

 

Latest Stories

Load More Stories
Close