watch now

Author Topic: How do you handle being Single?  (Read 102859 times)

ettevyvi

  • Guest
Re: How do you handle being Single?
« Reply #260 on: April 26, 2012, 11:22:24 pm »
I never had been single for so long for 7 years. After nung isa, may kasunod agad. So I never knew anything about being single, single. Kaya siguro I had poor relationship habits and I always feel jaded.  Now, I think I need to think a break and adjust my boundaries and my deal breakers. Love myself more and if a guy is already hurting me, its my cue to leave. :)

I take it as it is. But I'm handling it better now... siguro it comes with experience? :)

Enjoying in a sense na wala kang kailangang i-prove but only yourself. Adjusting my perspective in men. They're not all pigs! Some are really good guys and we all know a few of them. :)

Iniisip kong buuin ang sarili ko, maging masaya kahit ako lang. I have this attachment issues eh. Im working on that.:)

We should never treat being single as a disease but rather a cure. :)


Serena.

  • Guest
Re: How do you handle being Single?
« Reply #261 on: April 29, 2012, 02:31:31 am »
Hindi naman ako umabot sa point na desperate na to have a partner.

Hindi naman insecure, pero naiingit ako dati sa mga lovers nung single pa ko. ::)

HEHE, Hindi ko din naisip yun na matanda na ko kasi teenager pa lang naman ako nung single pa ko, marami pang pwedeng mangyari. :P


The advantage of being single? Hmm, i guess advantage talaga yung nagkaron ako ng time to find myself. tapos to change na din for the better kung alam kong may mali sa ugali, i took advantage nung single ako sa time na yun, mas naging matured ako. ;) At natuto din ako kung pano imanage ang friends at partner.


xo

blackroseMD

  • Guest
Re: How do you handle being Single?
« Reply #262 on: May 01, 2012, 07:14:39 pm »
Siyempre, Pressure... Lahat ng Friends ko na girls taken, as in taken, kaya nga pag yan ang usapan, tahimik lang ako, and nakikinig.... Buti may mga friends ako na guys na single, kaya may karamay ako pag inaasar ako at pati sila. haha! Pero di ako nagpapadala sa pressure. Anong gagawin ko, wala talaga. I'm just enjoying everyday. Nanood ng sine mag isa.. Namamasyal mag isa...(up side is mas tipid!) Medyo nasanay na din ako... Actually Im kind a scared of what will happen if a guy comes along, parang alien sakin ang pakikipagrelasyon  :-\ ... haha!

v00d00doLL

  • Guest
Re: How do you handle being Single?
« Reply #263 on: May 01, 2012, 10:12:01 pm »
simple lang, i focus on other things life can offer. hindi lang naman sa pagkakaroon ng karelasyon magiging masaya ang tao eh. actually few months ago, sobrang down ako kasi wala pa rin ako boyfriend. most of my friends eh merong either ka KF(kilig factor) or boyfriend. sabi ko bakit ako wala? im sure hindi ako panget.  ;D pero after some time na-notice ko, yung iba kong friend, nagboyfriend lang para masabing may boyfriend sila. ayoko naman ng ganun. so binago ko na ang pilosopiya ko sa buhay. nagset ako ng goals na dapat kong mareach. kung may darating na lalaki for me then fine, kung wala, ok lang din atleast natupad ko yung gusto kong mangyari sa buhay ko.

HoldingOn

  • Guest
Re: How do you handle being Single?
« Reply #264 on: May 03, 2012, 12:33:00 pm »
I can't believe I'm posting at this thread. An I single? NO! Am I single? NO! Am I single..... ummm... errr... YES! A few months ago, my partner since high school broke up with me. I was in a denial since I thought things can still be fixed. Suddenly, I just woke up one day realizing that, I am single!  :'(

Paano nga ba maging single? I never was one since age 16 and I'm already in my thirteeyish! Back read muna ako, it seems I have to jot down a lot of advices from you.  ???

Update about me: I am starting to enjoy being single! May crush na ako! Babae pala ako  :o Dati kasi as in wala akong crush kahit artista kasi kay BF lang ako naka focus. Now ko narealize, marami palang cute sa mundo! Hehe  ;D

Started to learn putting on some makeup. Nagiging conscious na rin with how I look. Pumayat ako! I just got hired yesterday so I'll be having a new job in 2 weeks!

Napansin ko lang, ever since I accepted that I am single mas marami nang new friends na lumalapit sa akin  :)

hazelbrown_eyes27

  • Guest
Re: How do you handle being Single?
« Reply #265 on: May 04, 2012, 04:32:03 pm »
I believe people can sense if we are so desperate to have someone. Dont be! ako, chill lang! Hindi ako tipong papatol na lang para lang ma please ang iba, kahit ako hindi just to please people who are just so ginagalis, binubuni at inaalipunga para magka bf ako!

tipC_shoegal

  • Guest
Re: How do you handle being Single?
« Reply #266 on: May 05, 2012, 01:58:30 am »
^Agree. Desperation is the wrong way to go. Better be content with our disposition. It's not like we're total "pariahs" in our society anyway.

If you hear comments on being single with no partner or you're asked a question like why aren't you married yet, just let it in in one ear then out from the other. Being indifferent and non-reactive would help (sometimes).  ;D

hazelbrown_eyes27

  • Guest
Re: How do you handle being Single?
« Reply #267 on: May 08, 2012, 08:52:21 pm »
^ may naka chat ako na hs na classmate who is a single mom and was  really getting into my nerves when she was already asking uneccessary stuff and was  already saying insensitive comments. I snapped! So bastos! Here's what she told me.

" so, kailan ka pa magkakapartner kung kailan lipas na ganda mo? or kung kailan di ka na magkaka anak?" The nerve! ang sarap niyang sakalin! so sabi ko " ako, boyfriend lang problema ko. ikaw? wala ng tatay anak mo, lipas pa ganda mo! at hirap na hirap pang maghanap ng client para may mapakain sa anak mo, dahil iniwan ka na ng asawa mo!. Pwedeng atupagin mo na lang buhay mo kaysa pinoproblema mo pa ang dapat problema  ko!"

Then she said " may gagawin pa pala ako" barado!:) I left an offline message. " Let this be the last time that you will say something like that to me, or you will also receive the same harshness from me" She answered " ok, gets ko"

Di ako mapang husga sa mga single moms talaga. Pero, ayoko lang talaga na may problem na nga siya sa marraige niya, lakas pa ng loob mag sabi sa akin ng ganoon.Kumpletuhin muna niya pamilya niya bago niya ako sabihan ng ganun. To think, di naman kami close para mag comment siya ng ganon.Actually, hindi talaga ako mapag comment or mapag tanong sa tao since ayokong makasakit sa kapwa at baka ayaw nila pag usapan yun or ayoko mang himasok sa buhay ng iba. Pero, pag ganoon naman ang comment. Talagang tumatalim talaga dila ko, siguradong baon ang punyal sa kanila sa mga sasabihin ko. Tagos na tagos sa buto.
« Last Edit: May 08, 2012, 09:47:46 pm by hazelbrown_eyes27 »

blackgreen

  • Guest
Re: How do you handle being Single?
« Reply #268 on: May 08, 2012, 11:38:22 pm »
^sis i feel for you! May ganyan din ako nakausap dati. Di ko na nga lang pinapansin. Bakit ba kasi sila ang atat na atat lumagay ako sa tahimik?

hazelbrown_eyes27

  • Guest
Re: How do you handle being Single?
« Reply #269 on: May 09, 2012, 12:19:25 am »
^ ang nakakainis pa kung makapag salita as if maganda ang takbo ng family life!There are a lot of things to catch up on, like where are you working now? what keeps you busy nowadays? What racket do you have right now? etc..  kunyari " concerned" pa kuno. Alam mo naman fake lang ang concern kasi alam mo naman na di mo kailangan ng concern niya kasi wala naman akong sakit, di naman ako nag hihikahos sa buhay or naghihirap sa buhay, im not even begging for pity just because Iam single. Ayaw kong kaawaan dahil di ako kawawa dahil lang sa kadahilanang wala akong boyfriend.


dami nga sis gusto lumagay na tayo sa tahimik, ako naman, gusto ko silang patahimikin!:)

Pang 2nd na niya actually na binring up ang topic. the first one, hindi ko pinansin.. pero I think, na willy at nag 2nd round pa! kaya sinupalpal ko na! di kasi makukuha sa " ignore" ang ganyang tao. Masyadong adobe ang kapal ng mukha.. di  magreregister sa kanyang bungo. Kaya need ng matinding sapul sa pagkatao para di na umulit pa.
« Last Edit: May 09, 2012, 12:30:29 am by hazelbrown_eyes27 »

blackgreen

  • Guest
Re: How do you handle being Single?
« Reply #270 on: May 09, 2012, 12:34:04 am »
^buti na lang di na kami nagpapang-abot sa fb. Cool ka lang sis. Let's just enjoy our singlehood :)

hazelbrown_eyes27

  • Guest
Re: How do you handle being Single?
« Reply #271 on: May 09, 2012, 12:38:39 am »
^di na mauulit yun, may kirot na yung sinabi ko eh!:)hahaha! now, lets just enjoy our being single!:) now, she should just pray that we wont cross paths.

tipC_shoegal

  • Guest
Re: How do you handle being Single?
« Reply #272 on: May 09, 2012, 11:58:31 am »
sis hazelbrown_eyes27: I've a HS barkada na mahilig magtanong sa akin kung kailan ako lalagay sa tahimik since almost all of us sa barkada are already married. In fact, the other single gal in our HS barkada is tying the knot this May and technically, I'm the only one left in the group who's single. I hate feeling sensitive about being the only unmarried gal in our group but whenever I'm questioned, I feel the pressure when in fact, I really don't during my ordinary days. I just really hate the feeling that although I know that she (that HS friend who always asks when I'll get married) means well, I get frustrated because I've already said my piece to her yet she kinda keeps bugging me about it every time we'd chat on FB; what more if we'd see each other after many years?! I'm invited to that wedding and I'm dreading seeing all these married HS friends of mine and I somehow feel that they're part of a "cult" since they'd be ultimately nagging me about getting a man to eventually marry! Yikes!

I'm nearing 32 and yes, I do want to have a partner but if it isn't meant yet, I don't want to force it nor do I want to be the talk of the town or the subject of discussion during meet-ups since there are a lot of other things to talk about and catch up on between us girls.

Believe me, I've been keeping my mouth shut about spewing unnecessary comments whenever I feel frustrated about being asked about my disposition and forcing the issue of marriage on me when in fact, I still haven't found the right guy and have seriously opted to take my time.

tipC_shoegal

  • Guest
Re: How do you handle being Single?
« Reply #273 on: May 09, 2012, 12:07:00 pm »
Ladies, I want to share this essay I wrote last January (posted on my FB) since I was really filled with frustration regarding the "stigma" placed on single women. I guess most of you here could related to this. Enjoy reading!  ;)


Kapag ang babae ay nasa trenta na ang edad o higit pa dun, hindi pa kasal o kaya naman ay wala pang kasintahan....

HUWAG NINYONG PAKIALAMAN.

 
Una sa lahat, anong magagawa ninyo kung sa walang kasintahan, katuwang o kung ano pang gusto ninyong itawag. Oo, sige, pihikan na kung pihikan. Hindi ligawin, hindi napapansin. Ayaw makipag-date, ayaw sa blind-date, textmate o kung ano mang basta-bastang "pagme-mate", "choosy", maarte, mataas ang standards. Magulo ang utak, "shattered", "scary and damaged", naloko na ng ilang beses, naging t**** ng kusa sa mga nakaraang relasyon,- lahat ng 'yan totoo. Pero ito pa, basahin ninyo: pinangangalagaan ang sarili - PINAKATOTOO!

 
Pangalawa, ang kasal ay kasal. Lehitimo. Sagrado. Seryoso. Walang "expiration date". Para 'yang tattoo. Kapag nagawa na, hindi na dapat naming naising matanggal pa ito sa katauhan namin. Hindi namin ito dapat tatakbuhan. Hindi dapat lalayasan. Papanindigan. Walang ayawan, walang taguan. Hindi lang buhay namin ang papakialaman namin dito kasi kapag sinuong namin ito eh, may isa nang damay kaya dapat, pinag-iisipan ng todo. Kailangan, ang desisyon nami'y garantisadong hindi magbabago.

 
Pangatlo, lahat mahal na ngayon. Pagkain, gamit panligo, load pang-SMS, sigarilyo, cable TV, kuryente, tubig, sasakyan, damit, gas, internet connection, ang mga delata sa sari-sari store ng kapitbahay namin. Ang hindi lang masisigurong "mahal" ay ang PAGMAMAHAL na dapat ilaan sa'men hanggang sa kami ay bawian na ng hininga.

 
Pang-apat, mahirap makahanap ng saksakan ng tinong lalake't katuwang sa buhay. Ang tiwala ay mahirap ipagkatiwala, 'ika nga. Hindi ito basta-basta ipinamamahagi lamang katulad ng mga baryang ipinapaagaw sa mga parties. Close to extinct na ang mga "faithful" species, yata. Talamak ang tukso.Nagkalat ang malalandi't tuso. Kailangan mong mag-aral ng "self-defense" talaga kung tutuusin - "self-defense" laban sa sakit na maaring ihatid ng pag-ibig. Lintek.

 
Nakakatawa man kung babasahin, huminto ka't mag-isip. Oo, ikaw na hindi pa natatali. Oo, ikaw na tali na sa iyong "partner". Oo, ikaw na pilosopo. Oo, ikaw na walang pakialam. Oo, ikaw na kamag-anak ko na walang sawang nagtatanong bakit ako sukat na ganito. Kayong lahat.

 
Stigma ba sa lipunan ang babaeng hindi pa nalalagay sa tahimik?

 
Pakisabi nga sa'ken kung ang ginagawa naming pagliliwaliw at pagpapaksaya't pag-iisp ng tuwid habang kami'y walang "better-half" ay mali dahil ang nararapat ay matagal na kaming nagsimulang bumuo ng sarili naming unit o basketball team. Pakisabi din kung bakit kailangan naming marinig ang paulit-ulit ninyong mga katanungang sa totoo lang ay nakakakurta na ng utak. Pakisabi din kung bakit ang lalake, kapag binata pa't trenta o mahigit pa ay hindi issue kung nag-iisa pero ang dalaga'y nababansagang "matanda" na.

 
Bakit nga ba?

 
[Tang'_na, kikitid lang ng utak ng iba.]

 

TipC
01072012
« Last Edit: May 09, 2012, 12:09:35 pm by tipC_shoegal »

feelpretty

  • Guest
Re: How do you handle being Single?
« Reply #274 on: May 09, 2012, 12:33:57 pm »
^Wow sisterhood, this is so likey! Nyemas na mga judgmental yan, nakakainis even kapamilya meron noh? Well, bahala sila sa buhay nila. Happy ako, ewan ko lang sila haha!

Ito naman share ko:

If one day, I am blessed with the experience of having a child, I would be overjoyed, but I am not sitting here feeling empty because I haven’t yet, or that I may not. – Cameron Diaz, interview with Harper’s Bazaar UK

tipC_shoegal

  • Guest
Re: How do you handle being Single?
« Reply #275 on: May 09, 2012, 01:34:44 pm »
^Thanks, sis! The quote from Cameron Diaz is also very empowering! Thanks for sharing... ;)

hazelbrown_eyes27

  • Guest
Re: How do you handle being Single?
« Reply #276 on: May 09, 2012, 11:40:38 pm »
May 2 na akong kilala na ENGAGED na, and was already in the process of arranging their marraige papers, and wedding preparation. What happened? Wedding was called off.Nag foo food tasting na. malapit na rin sila magpatahi ng damit. Di ba mas nakakahiya ang lahat ay handa na?Kesa yung single ka pa?Mas okay na mag take our time at di padalos dalos at di habang napapalapit ang takdang araw.. babawiin niyo ang lahat ng imbitasyon at sasabihin niyong di na matutuloy ang kasal? Ako, mas ok na yung sigurado ako sa taong pakakasalan ko. Kahit na ba matagal ang paghihintay ko, basta worth it ba eh! di yung magpapakasal ka lang kasi yun ang gusto ng iba.Ang gusto ko syempre, pag may sinagot na ako na lalake.. yun na! sigurado ako sa kanya na talagang tatanda ako kasama siya. At di lang dahil sa yun ang tinatakda ng iba. Hindi naman nila pakikisamahan ang mapapangasawa mo eh. Ikaw ang makikisama diyan. Pakialam ba nila?


Ako 34 going 35. Di ko iniisip mga gusto ng iba. Wala akong pakialam sa gusto nila.mas mukhang 20+ naman ako eh sila? 20+ pa lang going on 40-50 na sa physical appearance. Di naman porket may anak, may asawa, eh.. MASAYA na.


@tipC_shoegal- True! wag pilitin ang di pa dapat. We know better than the others:) Pero, talagang kurta na lang utak ko sa mga questions na tinatanong sa akin kaya di ko na nakayanan mag pigil. I just had to say my piece in order for them to shut up  and to mind their own business. Iam the type kasi na  verbal ako lalo na pag attacked wrongly.I may not initiate it, but I wont let it pass.Sa first time, baka makapag pigil pa ako,pero I cant guarrantee na the next time the person asks again.. malalaman nila na dapat di na nila binukas mga bibig nila.

Sa akin sis,  if they are really friends, they should know that the topic MIGHT NOT sit well with their single friends na wala pang bf. They should also think na paano kung sila yung nasa place mo, and you are you are the one getting married. Isipin nila, magugustuhan din ba nila ang matanong ng ganun? Kaunting EQ lang naman di ba? :) Do unto others, what you want others to do unto you. I dont believe na " CONCERN" lang din sila. Kasi kung concerned nga sila, di nila tatanungin yun kasi alam nila na baka they might offend you for being so invasive. People may or may not take the topic lightly. Like me! I find people prying on my life if they keep on being invasive.They never know who among their friends might not like being asked. To play safe, I just wait for my friends to open up voluntarily about their lives than me, insisting to get the answer of another why they arent married yet! :)

Eto mga sinasabi ko sa mga taong atat.

Friend:May bf ka na?
Me: wala
Friend: bakit wala pa?(etc, etc..)nagkakaedad na tayo, dapat may asawa ka na.Kailan ka pa magkaka bf? mataas kasi standard mo, sa panahon ngayon we cant afford to be choosy.
Me: eh wala eh! pakialam mo ba? Nangingialam ka diyan?
Friend: concerned lang naman.Wag mong masamain ang concern namin etc.. Asa 30+ ka na mahihirapan ka ng managanak. Ayaw mo bang mag-asawa? etc
Me: di ko kailangan ng concern mo.Wala akong sakit na malubha para mangailangan ng concern, single lang ako, yun lang at di pa ako mamamatay na. Ibaling mo na lang yang concern mo sa sarili mo. Mas  nakaka concern itsura mo kaysa sa pagiging single ko.(walk out)

Goes to fbk.. DELETES person. End of friendship End of STRESS!
« Last Edit: May 10, 2012, 09:21:00 am by hazelbrown_eyes27 »

tipC_shoegal

  • Guest
Re: How do you handle being Single?
« Reply #277 on: May 10, 2012, 09:13:00 am »
^Great input, sis! Tama, EQ should play a huge role when you have a single friend. Unfortunately, some of our friends do not have it that's why our buttons are somehow pushed the wrong way even if we don't want to come out as defensive. They should have proper tact and manners, too. That's my add-on.
« Last Edit: May 10, 2012, 10:14:23 am by tipC_shoegal »

hazelbrown_eyes27

  • Guest
Re: How do you handle being Single?
« Reply #278 on: May 10, 2012, 10:00:01 am »
^ sis, for every action, there is an equal reaction. Pag di kagandahan ang tanong, may karampatang di kagandahang sagot.:)if only those who doesnt have EQ,  swallow loads and loads of EQ diaper for them to acquire the quotient..3 boxes( good for 3 years!) ang bibilhin ko sa kanila.( gawin na lang nilang Gluta.. 3 for every meal) para mas effective ang results! :)

1. To keep their mouths busy with all the diapers from saying insensitive remarks.

2. Para maka absorb ng kaunting EQ sa " nutritional value" ng diaper.
« Last Edit: May 10, 2012, 10:03:52 am by hazelbrown_eyes27 »

HoldingOn

  • Guest
Re: How do you handle being Single?
« Reply #279 on: May 10, 2012, 12:38:25 pm »
May 2 na akong kilala na ENGAGED na, and was already in the process of arranging their marraige papers, and wedding preparation. What happened? Wedding was called off.Nag foo food tasting na. malapit na rin sila magpatahi ng damit. Di ba mas nakakahiya ang lahat ay handa na?Kesa yung single ka pa?Mas okay na mag take our time at di padalos dalos at di habang napapalapit ang takdang araw.. babawiin niyo ang lahat ng imbitasyon at sasabihin niyong di na matutuloy ang kasal? Ako, mas ok na yung sigurado ako sa taong pakakasalan ko. Kahit na ba matagal ang paghihintay ko, basta worth it ba eh! di yung magpapakasal ka lang kasi yun ang gusto ng iba.Ang gusto ko syempre, pag may sinagot na ako na lalake.. yun na! sigurado ako sa kanya na talagang tatanda ako kasama siya. At di lang dahil sa yun ang tinatakda ng iba. Hindi naman nila pakikisamahan ang mapapangasawa mo eh. Ikaw ang makikisama diyan. Pakialam ba nila?
Yes sis, mas nakakahiya kapag lahat ay handa na kesa yung single pa, pero case-to-case basis ito. Minsan, wala tayong magagawa kung iwanan tayo. By the way, hindi kaya friend kita? :P

Back to topic: Little by little, step by step, I'm starting to enjoy being single! Just the other night, I went out with friends and arrived home at around 3:30 AM. First time for me, as a single lady, to go out on my own 'til early morning! Masarap pala.  :o

 

Latest Stories

Load More Stories
Close