watch now

Author Topic: Gallbladder Flush for Gallstones  (Read 144002 times)

iamasinger

  • Guest
Re: Gallbladder Flush for Gallstones
« Reply #40 on: June 21, 2010, 12:37:29 pm »
kung gusto nyo na matanggal yung gall stones while intact pa din ang gall bladder, it cannot be done through surgery. gallstones flushing lang ang makakagawa noon.

hiPPie_m0mmY

  • Guest
Re: Gallbladder Flush for Gallstones
« Reply #41 on: June 23, 2010, 07:38:32 am »
@ sis pala_boy ako more than 5 stones. too many too count daw sabi ng mga surgeons.


@ sis iamsinger kidney stone puwede i flush pero gall bladder hindi pa pwede daw. surgery lang talaga.

***blizz***

  • Guest
Re: Gallbladder Flush for Gallstones
« Reply #42 on: June 27, 2010, 04:36:29 am »
be careful din sis, not all are safe to do this..may mga individuals na di normal ang conditions pwedeng bumaba yung immune system or yung potassium level during the process kaya better consult ur doctor if ur in the right condition to do this.

iamasinger

  • Guest
Re: Gallbladder Flush for Gallstones
« Reply #43 on: July 05, 2010, 03:58:59 pm »
hippie_mommy, i've flushed several gall stones na. yun nga lang hindi na nasundan kasi it's very uncomfortable. hindi maganda ang pakiramdam ko lalo na noong initial attempt ko. plus the taste of the solution is out of this world. i took pictures pa nga of the stones and posted it in fb.

kim103

  • Guest
Re: Gallbladder Flush for Gallstones
« Reply #44 on: November 14, 2010, 04:25:22 pm »
im looking for kidney stone flush wala po ba nito?

iamasinger

  • Guest
Re: Gallbladder Flush for Gallstones
« Reply #45 on: November 14, 2010, 07:10:39 pm »
yung doctor na nagturo sa akin ng gall stone flush ay nagtuturo din ng kidney stone flushing.

marief2rnurse

  • Guest
Re: Gallbladder Flush for Gallstones
« Reply #46 on: November 28, 2010, 12:32:28 am »
i read online that drinking apple cider vinegar can melt these stones, anyone tried this?

kim103

  • Guest
Re: Gallbladder Flush for Gallstones
« Reply #47 on: November 28, 2010, 01:16:23 pm »
^^ wala bang DIY lang

iamasinger

  • Guest
Re: Gallbladder Flush for Gallstones
« Reply #48 on: December 10, 2010, 01:03:33 pm »
@marief2rnurse, hindi naman kaya ulcer ang abutin mo kapag uminom ka ng apple cider vinegar? ang tapang ng amoy nun at ganun din ang asim. apple juice lang ang alam kong pinapainom sa akin ng doctor to soften the gall stones pero hindi ang apple cider vinegar.

Karrie

  • Guest
Re: Gallbladder Flush for Gallstones
« Reply #49 on: December 14, 2010, 09:23:18 am »
I was advised by my Doctor not to do the gallstone flush.  If the stone gets lodged into a small area, it will cause great pain and you will have to be operated on.  The doctor drew it for me and I got scared.
Sis, be careful when you do this...any pain while flushing the gallstones please go to the ER.

kim103

  • Guest
Re: Gallbladder Flush for Gallstones
« Reply #50 on: December 14, 2010, 11:30:23 pm »
^ sis is 1.1cm small enough to safely pass through? balak ko pa sana yun lemon cleansing para sa kidney stone.

sexybaby

  • Guest
Re: Gallbladder Flush for Gallstones
« Reply #51 on: January 11, 2011, 08:29:38 pm »
mei gallstones ako.. i wanna do the cleansing using the apple juice.. nakakainis kasi napapanganak k pa lang last october tapos biglang sumakit ang sikmura ko nung november.. tapos nasundan ulit 2 times.. sabi ng doctor operation lang daw ang solution to remove the stones.. i'm sad.. CS pa naman ako tapos ooperahan na naman?

iamasinger

  • Guest
Re: Gallbladder Flush for Gallstones
« Reply #52 on: January 12, 2011, 06:58:30 pm »
^same tayo ng situation. last year september ako nanganak through CS then 2 weeks after sumakit sikmura ko dahil napainom ako ng last dose ng antibiotic on an empty stomach. natrigger yung gastritis ko. i was rushed to ER then. nagpa-LGBP ultrasound sila dahil suspetsa ng mga doctor may bumarang stones or namamaga yung bile duct. pero hindi pa natatapos yung ultrasound biglang nawala yung pain. they did not let me take something even water kasi baka daw magtrigger ulit ng pain. so i had no food and water for nearly 2 days. anyway, nakita nila normal naman ang bile duct ko, normal spleen, normal liver, pero may stones na maliliit sa gall bladder. yung gusto ng mga surgeons eh magpa-opera na ako kaagad-agad. eh sabi ko gastritis ang alam kong dahilan ng pagsakit ng sikmura ko at hindi ang gall stones.

nagpa-second opinion naman ako sa ibang hospital and he saw my latest ultrasound. sabi nya, hindi naman daw nakabara yung stones ko atsaka hindi naman ako naninilaw. yung mga cases lang na naninilaw na talaga dahil hindi na nakakadaan yung bile ang dapat inooperahan na talaga.

so sexybaby, try mong magrequest ng endoscopy para masilip ang sikmura mo. sa akin kasi nakita na may gasgas ako sa opening ng sikmura ko at sa end palabas ng sikmura.

natry ko na din mag-gall stone flushing. eweee! ang lasa nun. hindi ko alam kung kakayanin mo. hindi din kasi ganun kadali ang gall stone flushing. may tendency na maisuka mo yung formula kasi unpleasant yung lasa nya.

sexybaby

  • Guest
Re: Gallbladder Flush for Gallstones
« Reply #53 on: January 18, 2011, 08:29:14 pm »
^ thank you sis for replying.. binigyan ako ng chance ng doctor ko na magwait at obserbahan kung sasakin ulit yung tyan ko.. he gave me meds sa acidity dahil baka iyon din ang reason ng pananakit ng tyan ko.. so i'm taking this med once a day before breakfast for two weeks.. sabi niya.. pakiramdaman ko.. haayy.. i'm really praying na wag na siyang sumakit kasi madami rin naman akong nababasa na yung iba nagpapaopera na agad tapos biglang in the end, hindi naman pala yung gallstones ang real cause nung pain..

iamasinger

  • Guest
Re: Gallbladder Flush for Gallstones
« Reply #54 on: January 19, 2011, 07:30:16 pm »
may isang taga-GT na akong nakausap na same situation din sa atin. yun nga lang naoperahan na sya. tumawag pa nga sya sa akin dahil nabanggit ko na nagpa-endoscopy ako. sya kasi after the operation sumakit pa din sikmura nya kaya hindi yung gall stones ang dahilan ng pagsakit ng tiyan nya kundi yung gasgas sa lining ng sikmura.

franxyn

  • Guest
Re: Gallbladder Flush for Gallstones
« Reply #55 on: February 18, 2011, 01:32:08 pm »
mga sis, yung papa bigla nalang sumakit yung tummy tapos when we brought him sa hospital sabi sa ulcer lang. after taking his medications for two weeks sumakit nanaman, binalik namen siya sa hospital and undergo whole abdomen ultrasound. they found out na may mga gallstones siya at madami na daw, his liver is also slightly enlarge. di lang nasabi ng doctor kung malalaki ba at kung may nakabara na sa bile duct. natatakot kasi ako dahil medyo naninilaw na siya. sabi naman hindi daw siya bast basta pwedeng operahan dahil titignan pa daw kung yun lang ba ang sakit niya. i dont know what to do kasi pag sumasakit yung tummy niya natatakot ako. for now nasa bahay lang siya, normal naman yung mga kilos niya but he loose weight talaga as in ang payat niya. nag-iingat lang kami sa mga kinakain niya dahil ang tingin namen kaya sumasakit yung tummy niya ay kapag nakakakain siya ng macholesterol. lahat tuloy ng food niya ngayon purop boiled lang. can you suggest ano anong mga food ang pwede ko iserve sa kanya? pwede ba mga citrus fruits sa kanya since he also has an ulcer? :(

iamasinger

  • Guest
Re: Gallbladder Flush for Gallstones
« Reply #56 on: March 08, 2011, 06:09:34 pm »
^nag-undergo na ba sya ng mga laboratory screening? dun lang masasabi ng doctor kung ano talaga ang cause kung bakit sya naninilaw. i know someone na natanggalan na din ng gall bladder. after na maranasan nya yung intense pain dun na sya nagsimulang manilaw kaya nagpatingin na sila sa doctor. they also thought at first na ulcer lang yun pala gallstones na bumara sa bile duct ang reason kung bakit sya lagi ng sumasakit ang tiyan nya tapos nanilaw na din sya.

Kapag fatty ang meal talagang sasakit ang tiyan ng isang tao na may gallstones pero hindi naman sa lahat ganyan ang symptom. Meron lang iba na talagang kailangan ng operahan kaagad dahil una, palagi ng sumasakit ang tiyan at pangalawa may bumara ng stone sa common duct.

princess_23

  • Guest
Re: Gallbladder Flush for Gallstones
« Reply #57 on: March 26, 2011, 12:10:26 pm »
Hi mga sis pa-join..I started to feel my 1st attack way back 2008,3 months pregnant ako nun..
My tita who also happened to be my OB told me na baka daw gallstones but di sya nag-confirm agad kasi takot sya na ma-stress ako..but what she did was pinag-diet ako ng no-salt,fried and fatty foods kasi if talagang gallstones,nakakatrigger daw [textspeak!] oily foods na mag-move yung stones..at first hindi ako naniwala after having eaten a large fries ng mcdo ayun grabe ang pain...so parang natakot na talaga ako..so fruits and veggies nalang ako I even limited my rice intake kasi grabe..too much oil,salt or fried foods nakakatrigger...pati too much carbs mga sis and watch out even stress can trigger the stones to move and I was pregnant pa nun ha..I was having mga 2-3 attacks per week so bantay sigarado sis ko na nurse kasi pag-in pain nag-cocontract rin yung tummy ko grabe sakripisyo ko nun mga sis..

The pain was so grabe di ko ma-take nag-chichills ako na di ko alam anung position dapat kasi ang sakit talaga..Nagvovomit ako..yung pain nya is parang maglalabor ka pero mas grabe pa..it would take from 2-4 hours then suddenly pag yumuko ako mga minutes lang nawawala na or sometimes oras pa before mawala..minsan nga nakakatulog nalang ako sa ganung position dahil grabe talaga yung pain.. later i found out yun palang position ko or any position na mas madaling nakakadaan yung stone was ok para mawala yung pain..Minsan nawawala na hope ko na magtagal pako ng 9 months buti nalang at sabi ng tita ko grabe yung tolerance ko sa pain tapos preggers pako nun...prayers lang talaga nakakahelp tsaka support ni hubby and family..

Time came na naglalabor nako buti nalang at wala akong gallstones attack(maybe because I visited Mama Mary sa Simala isang milagrosong church dito sa cebu and asked for a safe delivery namin ng baby ko) so I gave birth ng normal and thank GOD healthy yung baby ko...

Akala ko nawala na then mga 2 weeks after biglaan na naman yung pain this time si tita na OB suggested I undergo a whole abdominal ultrasound..and yun nga meron akong 8 small stones sa gallbladder so pinaderecho niya na ako sa isang sikat na surgeon dito sa cebu..
He then told me to underwent surgery asap kahit 2 months palang akong nanganganak nun...
He told me surgery lang talaga ang safest way kasi if mag-wait pako na mag-yellowish ako mas delikado na..mas mabuti if normal yung body mo.

August 1 2009,I underwent a cholecystectomy..and take note Im only 21 nung time nayun sabi nga ng doctors ko ako yung youngest patient nila nung time na yun to undergo surgery tsaka chole pa hehe..they then told me na malaki ring factor yung genes if stone makers kayo..kasi kahit anong limit mo if nasa genes talagang malaki ang chance na magka-stones ka..so yun mga 1 hour lang yung operation ko I was crying pa and they have to make jokes pa pati surgeon ko na everything will be alright then pray lang daw kasi pati gallbladder ko tatanggalin kasi marami nang pasa due to attacks...

After 2 days sa hospital na walang water and food intake for 1 day im back to my normal life again thank GOD..meron akong 2 inches na scar sa stomack ko I was so happy kasi mabait si surgeon...so far wala pang attacks up to now..My surgeon even told me I can eat everything freely now daw hahaha! But disadvantage lang pag-too much oil yung food popoo agad hahaha! But normal lang daw yun now I want to keep in mind talaga na mag-mind na sa foods kasi balik nanaman ako sa junk/fastfoods eh huhuhu...so eto trying to control pa kasi tinatakot ako ni tita na baka maulit nanaman before sa ibang organs huhuhu..wag sana eh may kids panaman ako pati si hubby and family ko...so guys et don't be scared to undergo surgery kasi mas delikado if mag-seself medicate kayo again gallstones can kill if mabara yung stones..my surgeon always tells me mas delikado yung maliliit kaysa malalaki..so don't be afraid magpa-consult kasi they will tell you naman if ok  nalang magsurgery or not...
 ;) ;) ;) ;) ;)

iamasinger

  • Guest
Re: Gallbladder Flush for Gallstones
« Reply #58 on: March 26, 2011, 04:56:50 pm »
thanks for sharing with us your experience. napansin ko lang, parang may similarities ang mga kakilala ko na may gallstones. kung hindi pregnant, kakapanganak lang.

sis, ask ko lang kung saan banda yung pain? ako kasi noong sumakit ang sikmura ko at nagpunta na ako sa ER, whole abdomen ultrasound din ang ginawa sa akin. kinuhaan din ako ng blood sample to check kung may infection. normal naman ang result sa blood pero yung ultrasound nakita nila yung mga stones. natandaan ko din na noong nagpa-check din ako for my stomach noong single pa lang ako, nakita din sa ultrasound na may maliliit akong stones sa gallbladder. pero hindi ako nakakaranas na sakit after eating kahit na oily foods. kahit nga pesto na pasta ang kainin ko wala akong pain. pero once na ma-late ako sa pagkain sa tamang oras ng sunod-sunod na araw, expected ko na ang pangangasim ng sikmura ko.

princess_23

  • Guest
Re: Gallbladder Flush for Gallstones
« Reply #59 on: March 28, 2011, 02:53:23 pm »
thanks for sharing with us your experience. napansin ko lang, parang may similarities ang mga kakilala ko na may gallstones. kung hindi pregnant, kakapanganak lang.

sis, ask ko lang kung saan banda yung pain? ako kasi noong sumakit ang sikmura ko at nagpunta na ako sa ER, whole abdomen ultrasound din ang ginawa sa akin. kinuhaan din ako ng blood sample to check kung may infection. normal naman ang result sa blood pero yung ultrasound nakita nila yung mga stones. natandaan ko din na noong nagpa-check din ako for my stomach noong single pa lang ako, nakita din sa ultrasound na may maliliit akong stones sa gallbladder. pero hindi ako nakakaranas na sakit after eating kahit na oily foods. kahit nga pesto na pasta ang kainin ko wala akong pain. pero once na ma-late ako sa pagkain sa tamang oras ng sunod-sunod na araw, expected ko na ang pangangasim ng sikmura ko.

Yung pain ko sis eh nagstastart sa sikmura then umaabot sa likod..hanggang masusuka kana sa pain im always burping din a lot,bloated talaga yung feeling..talagang may similiraties siya sa hyperacidity tsaka kidney stones. I even thought nga nung first eh ulcer so kahit buntis ako my tita prescribed me kremil-s 3x a day plus zantac 2x a day tsaka nakalimutan ko na yung isa..eh di talaga nakatulong sis may attacks parin..I was so paranoid na nga im thinking of Pancreatitis na kasi similar daw sa hyperacidity/gallstones attack yung symptoms eh...I'm not sure baka nung time na yun masyado pa silang maliliit na hindi pa sila na-cloclog kaya walang pain...

 

Latest Stories

Load More Stories
Close