Author Topic: I am freshly widowed and would like to share this to all married women out there  (Read 69922 times)

rainy066

  • Guest
thanks 4 sharing sis. you are a very strong woman  ;)

mompj1029

  • Guest
habang binabasa ko yung post mo sis gab hanggang sa matapos akong mgbackread naiiyak pa rin ako.. namiss ko tuloy bigla si hubby.. gagawin ko rin yang ginawa mo at pag uwi ko sasabihin ko sa kanya gaano ko sya kamahal with matching hugs and kisses pa :)

thanks for sharing :)

Gabrielle Andre

  • Guest
ui buhay pa pala to :D
salamat din for appreciating this post...somehow it inspires me too, makes me feel that he did not die in vain.

malapit na yung 2nd death anniversary niya, and Im proud to say Im a survivor!!! Oh yes I still miss him every moment, pero salamat din at marami akong beautiful memories na pwede i recall every now and then, kaya mga sis make the most out of your marriages, make each day with your partners beautiful din

God bless

mompj1029

  • Guest
thanks! feeling ko babalik balikan ko ang topic na ito :)

minikeyklush

  • Guest
ui buhay pa pala to :D
salamat din for appreciating this post...somehow it inspires me too, makes me feel that he did not die in vain.

malapit na yung 2nd death anniversary niya, and Im proud to say Im a survivor!!! Oh yes I still miss him every moment, pero salamat din at marami akong beautiful memories na pwede i recall every now and then, kaya mga sis make the most out of your marriages, make each day with your partners beautiful din

God bless

Hi Sis Gabrielle Andre --> ask ko lang sis, have you moved on na? nakikipagdate kanaba ulit? hehe just curious sis.. :D Godbless! :)

Gabrielle Andre

  • Guest
^minikeyklush,

    hindi ko alam. Every guy I meet parating naikukumpara sa kanya and lumalabas ang asawa ko na parang santo. I cannot imagine myself marrying another guy, and being as intimate emotionally, spiritually and socially with another person as I was with my late husband. A lot of people tell me na dapat mag-asawa ako ulit, and I only tell them " you didn't know my hubby, you never saw the kind of marriage we had"... ang mga friends ko who saw the kind of man he was to me, they never tell me that. Ive had a few proposals, manliligaw, but they all look like a$$holes to me compared to hubby =))  Ive tried "dating" a man who was committed to someone else, and sabi ko sa kanya from the start he can never replace or come close to my husband in my life. Rebound relationship, panakip-butas, whatever. Pero magkakaibigan pa rin kami until now, kaya lang naman ako nakipagdate sa kanya dahil nga long time friend ko and alam kong "safe" siya.
In love kasi, you never downgrade. In time siguro, mag-aasawa ako ulit for companionship, but only when Im around 45-50 na (Im 32 now) kasi naisip ko by that time college or baka grad na anak ko, and she will have her own life, ayoko naman maging pabigat sa kanya.

cindylulu

  • Guest
^i feel for you sis. ngayon ko lang to nabasa and i'm really moved. you're such a strong woman. i want to cry for you and your kid. between my hubby and i, gusto kong mauna. coz i know he can stand on his own when i'm gone. pero pag sya, di ko yata kaya...i'll die of a broken heart. God bless you always sis  :-* 

kiz_me1109

  • Guest
I can't help but cry after while reading this. I can really feel how much you love each other.

Malapit na pala yung 2nd death anniv sis? I hope everything is fine now and you've moved on. Malapit narin ang father's day... I can see that he is a good father to your daughter.

Smile always. :)

minikeyklush

  • Guest
^minikeyklush,

    hindi ko alam. Every guy I meet parating naikukumpara sa kanya and lumalabas ang asawa ko na parang santo. I cannot imagine myself marrying another guy, and being as intimate emotionally, spiritually and socially with another person as I was with my late husband. A lot of people tell me na dapat mag-asawa ako ulit, and I only tell them " you didn't know my hubby, you never saw the kind of marriage we had"... ang mga friends ko who saw the kind of man he was to me, they never tell me that. Ive had a few proposals, manliligaw, but they all look like a$$holes to me compared to hubby =))  Ive tried "dating" a man who was committed to someone else, and sabi ko sa kanya from the start he can never replace or come close to my husband in my life. Rebound relationship, panakip-butas, whatever. Pero magkakaibigan pa rin kami until now, kaya lang naman ako nakipagdate sa kanya dahil nga long time friend ko and alam kong "safe" siya.
In love kasi, you never downgrade. In time siguro, mag-aasawa ako ulit for companionship, but only when Im around 45-50 na (Im 32 now) kasi naisip ko by that time college or baka grad na anak ko, and she will have her own life, ayoko naman maging pabigat sa kanya.

Ang sad naman sis  :-[ pero parang hindi ba yun unfair sa'yo kasi its almost 2years na since your husband died?  :-\ wala paba talagang nakakapagpatibok ng puso mo sis? hehe you're so young pa..  :P nway, im asking you kasi i happened to know someone na namatayan din. I like this guy, the difference lang fiancee pa lang nya. They are planning to get married this year sana until this girl died in an accident last year. To be exact 1year na din since nangyare yun. We go out a couple of times, even though sinasabi nya na okay na sya. Alamku di ganun kadali yun.. So un.. just sharing it lang sis.

I hope sis someday you'll gonna find someone who will be equally or even ka-level ng husband mo.. :D I believe that we never stop loving the people who left in our lives, but we're just get used of the thought na they're gone. It's only you who can decide kung makakapagmahal ka pa ulet and sana piliin mo magmahal ulet sis.. Godbless you!  ;D

Gabrielle Andre

  • Guest
^sis, siguro merong lalakeng magpapatibok ulit ng puso ko, baka hindi pa right time to meet him din kasi until now Im still in mourning. Next week na ang 2nd death anniv niya actually. with regards naman sa situation mo, i think it would be safe to say na go ahead and date that guy who lost his fiance, i think its different with us women kasi when we lose someone, pag lalake kasi, i guess kelangan nila ng bago para mas madaling makapag move on, and who knows you might just be that girl who'll make his heart live again.

Im not just saying this kasi patay asawa ko, pero yes, talagang minahal ako nun, dati pa man nung buhay pa siya, minsan I would make kulit and ask him kung mahal ba niya ako talaga, but the truth is I felt it, I knew it and was assured of it, minsan lang gusto kong marinig parang lambing din.  We NEVER quarreled about issues in life, yung mga tipong about money issues, or about kung saan kami titira or on sharing chores and responsibilities, kasi from the day na naging kami, we both knew kung ano direction naming 2, and that hindi kami magkaaway, kundi magkakampi sa lahat ng bagay. The only thing na pinag-aawayan namin (or make that, pang-aaway ko sa kanya hahaha) , is yung selos ko. Feeling ko kasi lahat ng babae gusto siyang agawin sa akin kasi lapitin siya ng girls, hindi naman siya guapo, sa totoo lang, he's short, mataba, malaki tyan, balding, makapal salamin, maraming peklat sa mukha...pero ang daming lumalapit na babae sa kanya dahil sa ugali niya...

He really loved me, kaya mahirap maghanap ng new love. Its not everyday you find a man who loves his inlaws like they were his own family, who would send money from his own pocket para may pangshopping c mom-in-law..or may pambili ng shoes or pambayad tuition yung kapatid ng asawa niya. My man, when we did our grocery, he would never forget to buy for my siblings, or para sa mga pamangkin ko din. Kaya alam kong mahal niya ako, kasi lahat ng mahal ko sa buhay, gusto niyang maging masaya para maging masaya din daw ako. And he was the type na kahit nasa loob na ng tyan niya, pag hiningi ko, kahit isuka pa niya maibigay lang sa akin. Its not everyday you find a man who would gladly do all the household chores for you, na para ikaw na housewife lang, would have time to relax(duh! as if ganun ka toxic yung work sa bahay) and watch tv or surf the net. Na kahit he was the one working fulltime, on weekends, when he was supposed to be the one resting, aba eh, pag gising ako, ako yung may breakfast in bed na. Or find a man who would give you every cent of what he's earning (kaya sure ako walang kabit, di naman siya pwede humingi saken ng pera para pang date sa ibang babae hahaha),,,or find a man na gusto kang dalhin sa office parati para makilala mo officemares, maging friends with them, so you would be able to empathize more with hubby pag may kwento siya about the office..or find a man who would ask u to go out with him pag may field work siya, para daw hindi niya maramdaman ang pagod kasi kasama ka niya and your baby...


haaay marami pang iba...kaya i doubt if I find another man who will love me like that =)) ...pag hindi kasing mapagmahal, wag nalang :D mas unfair kasi pumasok sa isang relationship na sa puso mo, yung bagong love mo will never come close to being half the man your husband was in your life...

minikeyklush

  • Guest

haaay marami pang iba...kaya i doubt if I find another man who will love me like that =)) ...pag hindi kasing mapagmahal, wag nalang :D mas unfair kasi pumasok sa isang relationship na sa puso mo, yung bagong love mo will never come close to being half the man your husband was in your life...


Hay sis, *hugs siguro nga in your own time you'll find another person na pwedeng mahalin. Basta sis masasabi ko lang, just be open dun sa thought at fact na siguro wala ka man makitang kagaya ng pagmamahal na binigay ng late hubby mo alamung someone out there na me magmamahal pa din sayo equally as he loved you. HINDI man same way kasi diba we cant categorized naman dahil unique tayo in our own way, na hindi porket di ganun yung pinapakita nya doesnt mean na hindi ka na nya kayang mahalin. So there sis, I wish you well. Sana in God's time you will be able to get through with that. :D

Nway, bout dun guy na nashare ko sa'yo.. Nakakatakot din kasi hehe pero as you've said, sumasama naman ako lumabas with him once in a while pero yun nga walang too much expectations. Sana nga in due time maging okay kame and sana makita nya ko as a person na pwede nya magustuhan the way na nagustuhan nya yung late girl nya hehe so yun.. I'm really praying for it sis coz I really like him..  ;D

prettyliciousme

  • Guest
wow sis gabrielle andre ang swerte mo sa hubby mo..nakakainggit ka [textspeak!]..sna [textspeak!] magiging hubby ko ganyan din..bihira na [textspeak!] [textspeak!] [textspeak!] mga ganyang lalaki eh..kumbaga endangered species na yung mga ganyang lalaki..

Gabrielle Andre

  • Guest
^thanks sis...

oo endangered species na nga =)) biro nga ng friends namin eh  kaya daw siya kinuha ng
maaga ni Lord dahil sobrang bait daw. I never heard him raise his voice at me sa lahat ng 7 years ng
pagsasama namin. I know he would sometimes get angry at me for being so childish (He's 11yrs older
than me but that's no excuse for me to act like a teenager), pero he would just keep
quiet and play CS sa pc..after an hour, he would invite me out for a walk, we would talk and make me
understand kung bakit mali ginawa ko.

I still miss him so much though, and kahit na sabihin ko man wala ako regrets sa  pagsasama namin
kasi it was all so beautiful, and kung may tampuhan man, it resulted into something good sa relationship
namin kasi napag-uusapan namin lahat eh. I still wish na sana hindi nalang ako naging ganoon ka selosa,
kahit it was only for the first half of our marriage and naging okay na ako towards the end
na sana mas naging mabuting asawa pa ako .

Kaya kung pwede resolve all your issues before going to bed, ...better wag nang patagalin. If you can talk
about your issues immediately mas maganda. Kasi a lot can happen in an hour,
pwedeng kunin siya ni Lord and you would never get that chance to say sorry or I love you.
Spend more quality time with him, and your kids.

Siguro nga I am just one of the lucky ones na nagkaroon ng time.I mean I was the type na
parang hindi kayang mabuhay pag hindi kio naririnig boses niya,
..and hindi ako makatulog talaga nang hindi ko siya katabi (kaya nung nasa pinas pa ako and sa UAE siya for a
year, tawag nalang ako para lang makatulog). So yung nasa ICU siya for a month, nakapag adjust na rin ako,
nakauwi siya sa akin for 1 day and 1 night, we had that one last night together, we talked about everything we
could possibly think of, we spent one whole day just saying I love you to each other and telling each other
how blessed we were with each other..and BOOM! The next night his aneurysm totally ruptured, leaving him brain dead.
And I AM  STILL BLESSED NA yung last words we heard from him while everybody in the house was in our bedroom na
kasi we were doing CPR and etc, eh ' I LOVE YOU, 'BEY'.


pinkpotato

  • Guest
^ sis, i cant find your blog na. do you still update it? i want to follow you sana. :)

Patuloy kang samahan ng Diyos.

chastee8

  • Guest
@Gabrielle Andre- nakakatouch po yung sinabi niyo dito, kamamatay lang din po kasi ng asawa ko last year lang, november,it was a sudden death. im 23 palang po and he died at the age of 24. super sakit po talaga kasi ang bata-bata ko pa, hindi biro ang six years na pagsasama pero hindi tulad niyo ang naging relayon namin, nagaasikaso na kasi siya ng papers papuntang singapore non so nagadjust kami na mas mainam hiwalay kami sa lahat ultimo sa bahay,nagkakaroon pa kami ng pagtatalo. napakarami kong regrets sis. bata pa kasi ako so medyo impulsive din pag nagagalit. sana noon ko pa nabasa to, nagusap lang kami sa phone bago siya namatay. and then my inlaw said namatay na nga siya,naramdaman kong nanginig yung buong katawan ko at tiningnan ko agad anak ko. alam mo sis,kahit hirap ako magadjust sa piling niya tinatry ko best ko para lang sa anak namin dahil iba ang saya ng anak ko pag kasama niya ama niya. at alam kong hindi ko kayang tapatan yon. so  nung namatay siya, sobrang sakit kasi naalala ko noon na sinabi ko sa asawa ko na " kaya kong mabuhay ng wala ka pero hindi ko kayang makita ang anak ko nang walang ama" at ngayon eto na ko sa sitwasyong ito, fresh pa rin lahat. parang kahapon lang nangyari. napakabait din niya, ako lang nakakasagad sa pasensya niya. marami nagsasabi na napakaswete ko at alam ko naman yun. nakakainis lang kasi dahil nagbibilang na lang pala kami ng oras kasama siya eh hindi ko pa alam. wala kasi siyang sinasabing masakit sa kanya so wala kaming idea bakit nagkaganoon siya. DOA siya nug tinry siya irevive sa hospital.

chastee8

  • Guest
super iyak ko talaga sis while reading your post.. ang swerte mo naman dahil namatay siyang nakapgpaalam sayo,nabigyan kayo ng chance maisettle lahat ng bagay..

Gabrielle Andre

  • Guest
^^ sis pinkpotato, thanks!...it's -fromsinnertosaint.blogspot.com- ... last time i posted was a month or two ago..
nasa stage kasi ako ngayon na kahit yung pain gusto ko munang itago sa sarili ko kasi i feel that if i write about
pain, mababawasan yun, and sabi nga ng kanta "let the pain remain forever in my heart, for every throb it brings
is one more moment spent with you..." hehe corny ano.

pinkpotato

  • Guest
^ haaha. :) nice nice. salamat

wala lang follow option. :) pero tatandaan ko na sya. salamat.

Gabrielle Andre

  • Guest
sis chastee,

im sorry for your loss. ano ba cause of death niya sis?  i can really relate sa yo, kasi since I was just 22 nung naging kami na ng mister ko
ganun din ako sa kanya, super pala-away. And i can feel your pain, kasi a few months ago, I opened his email (alam ko kasi lahat ng passwords niya)
and meron pala akong sinend sa kanya around 3yrs before he died, nagtampo yata ako and I said sa email, "kaya kong buhayin ang anak natin
kahit wala ka na, I can be happy without you, kasi strong ako"... which nasabi ko kasi di ba normal sa atin mga babae
na gusto natin marinig sa mga partners natin na tayo lang ang happiness nila. and he told me "bakit parang ayaw mong maging masaya ako,
masama ba ang lumabas with friends just to forget the homesickness I feel kasi malayo ako sa mag-ina ko?".... and until now sis,
kahit sabihin natin na naayos namin lahat sa marriage namin, I still feel a twinge when I remember it, kasi sana hindi ko nalang sinabi,
Sana lahat ng sinabi ko ay puro magagandang words...pero impossible naman yun, wala namang marriage na ganun, at kung meron man,
aba hindi perfect yun, kasi ibig sabihin PLASTIC kayo hahaha.

 Ang mahalaga ay, dapat alam ninyo na petty issues are not worth fighting for,
kahit big issues actually. Kasi i really remember what my husband said to me one time inaway ko siya about my selos. "Di ba
katuwang kita sa buhay, why do I feel like I have to compete with you, that I have to prove myself to you pa?  Hindi ba dapat
sa lahat ng bagay ikaw ang kakampi ko, na ikaw ang tao na unang uunawa sa akin at susuporta sa lahat kasi wala naman akong ginagawang mali,
at kung lumalabas man ako with friends eh dapat ikaw ang unang makaintindi na homesick ako"... yun natauhan ako dun. and yun nga ang sinulat ko dun sa 1st post dito,
about making your husband feel na siya ang pinaka importante sa buhay mo, making him feel na no matter what, maasahan ka niya,
na binigay mo buhay mo sa kanya, with all your love and trust...and dahil naramdaman niya yun, in return, he will want to prove himself worthy
of that love and trust, na in return he will also make you feel that you are the center of his world, kasi alam niya ikaw ang kakampi niya
at katuwang sa lahat ng bagay..he doesnt have to be on the defensive side palagi,kasi wala namang asawa na nang-aaway/ nag sa kanya eh.

sis chastee, forgive yourself. merong reason why all these happened to you. masakit, but trust that the Lord has bigger plans for you.
hanggang doon nalang ang buhay ng asawa mo, he has fulfilled his purpose on this life na. Naiyak din ako nung nabasa ko yung post/reply
kasi alam ko talaga ang pain that you're going thru. Forgive yourself sis, be strong for your baby. And in everything you do from this point on,
you entrust it to the Lord, do it as unto the Lord. If doing things which you think would have made your husband happy will make you happy, then do it,
but don't let it be a burden to you.  For now sis, just grieve, let it all out. Dont mind what other people say na 'move on', kasi sa totoo lang
yung emptiness and pain nating mga widows, is something of a different level. Other half mo ang nawala, ang taong inakala mong
makakasama mo habang buhay...and Biblically di ba, widows are precious to God's eye. dahin nga sa Bible nung unang panahon,pag widow ka,
wala kang "protector", kaya marami promises si God para sa atin na mga widows, because He is now our defender.
Basta respect your emotions, if you want to wail, then do it. Wag mo lang kalimutan yung obligasyon mo sa anak mo, kasi honestly,
sila ang magbibigay sa atin ng lakas ng loob to go on. sa ngayon you are experiencing pain na hindi ma explain, na parang wala kang
direction sa buhay... but in time sis, that throbbing pain will become a dull ache. Masakit pa rin, but it will no longer be the kind
of pain na halos mamamatay ka sa sakit, and dahil yun sa mga anak natin, na kelangan maging strong tayo for them, so it will be them
who will save us from this excruciating pain. God bless you sis, and kung ano man, if u need someone to talk to , Im just here, you can PM me anytime.
*hugs*

chastee8

  • Guest
sis gabrielle andre binangungot siya sis eh, ang pinagtataka lang namin ay galing siya sa duty non then sa sobrang pagod niya nagchange lang siya ng damit na pangtulog..3am siya nakauwi galing hospital (nurse po siya) then umuungol na siya around 4am at hindi na siya magising gising ng mga inlwas ko, buti na lang mababaw lang tulog ng father in law ko at narinig niya agad na umuungol asawa ko pero sad to say after ng 2 ungol naihi na mister ko then tinakbo siya sa hospital agad-agad. no bp,no pulse,no heartbeat...wala na daw talaga. lahat na ginawa eh.. usually reviving time daw ay 30minutes lang pero hindi isinuko ng mother in law ko yung anak niya,tinawag nila yung pinakahead na doctor kasi hindi din siya makapaniwala then syempre siguro dahil sa awa nila nirevive ulit for another 15 minutes, may tinurok na gamot then may pinasok na tubo sa bibig niya at kung ano-ano pa pero wala na talaga. naghintay pa sila ng ilang minuto,sabi ng mga nurses and doctors dalhin na daw sa morgue, nagmakaawa yung mga byenan ko wag naman,maghihintay pa raw sila kahit ilang minuto pa raw, panay ang tawag ng MIL ko sa name ng asawa ko, pinipilit gisingin, sabi paulit-ulit " Panginoon, kung gusto mo kunin mo na agad ako ora mismo sa kinatatayuan ko ngayon ibalik mo lang ang buhay ng anak ko" sobra awa ng mga nurses na friend din ng hubby ko.. umiiyak din silang lahat. then around 5:10am tumawag na sa akin yung MIL ko tapos bigla bigla niya sinabi "anak may nangyari sa asawa mo, pumunta na agad kayo dito sa hospital ngayon na, then sa kakulitan ko sinabi niya nga na patay na daw.. " pano po kako nangyari? "hindi na niya ko masagot so nagmadali na ako,sinama ko anak ko. pagdating ko sa hospital,nasa funeral na daw. so ako naman sa sobrang panghihina ko umuwi ako sa bahay ng mga byenan ko,wala akong nadatnang tao. don ako umiiyak ng umiyak. nakita ko lahat ng mga uniform niya na nakasampay sa garahe nila. pati medyas na dati ako ang naglalaba, mga alaga naming aso, punong mangga na inaakyat niya maikuha niya lang ako ng mangga, upuan kung saan madalas kami magharutan, yung gate nila kung saan madalas kong tanawin pag naghihintay ako sa paguwi niya. lahat ng bagay.. hindi ako makapaniwala na bigla na lang mawawala lahat ng nakasanayan ko dahil wala naman siyang sakit eh. then at around lunch time tinext ako ng byenan ko kung gusto ko daw bang makita hubby ko bago ilagay sa kabaong,so ako naman tumalilis na ng alis. nung nagpunta ako don at nakita ko siyang nakahiga,walang hininga na parang natutulog lang, yung iyak na never ko pa naranasan sa talang buhay ko ay naranasan ko. yung iyak na never ko pinapkita sa ibang tao ay naipakita ko. wala na kong alam kung sino nagtatap sa likod ko sis. wala akong ibang pinapakinggan. wala akong ibang masabi kundi "BAKIT" niyakap ko yung leeg niya kung saan madalas ko siya yakapin everytime natutulog kaming magkatabi, ginawa ko lahat,hinawakan yung panga,braso ,inalis ko buong kumot na nakabalot sa buo niyang katawan,iniisip ko baka naman kamukha niya lang ito,baka hindi talaga siya yung asawa ko. niyakap ko siya ng mahigpit,hinalikan at sinabi kong "paano na yung mga pangako mo,yung pangarap nating dalawa?"inamoy ko siya,inuunat ko yung mga palad niya,para akong baliw. then kinausap na kami na we need to choose kabaong,my GOd, i never imagine myself doing that. sobrang sakit.. pati paglilinis sa katawan niya tiningnan ko,lahat lahat hanggang sa ayon,nung may nakita na akong mga dugo, lalo akong umiyak kasi that time alam kong wala na talaga, patay na talaga.. hindi ako makatulog, nilagnat ako, ngkainfection ako sa ihi at lahat. ayaw ko ng kumain. tapos ang dalas dalas ko siya mapanaginipan. nagligpit ako ng room niya,nakita ko yung pasalubong niya dapat sa aming magina ,toys for our son at saka kape for me.. nkaready na lahat. uuwi kasi siya nung araw na yun kung hindi siya namatay nung madaling araw. napakarami naming oras na nasayang..sobrang dami. hindi na namin siya pina-autopsy pa,wala ng nakaisp sa aming gawin yun. 3 lang silang magkakapatid sis tapos yung asawa ko yung nandito lang sa pilipinas. so ngayon yung mga byenan ko sila na lang magasawa yung magkasama. napakasakit . yung iniisip kong makakasama ko habang ako'y nabubuhay ay iiwan ako,ng wala ng balikan pa. yung hininga niya na madalas ko pakinggan dahil parang pumapswit namimiss ko at yung pagtulog niya ng walang kalikot-likot, na bigla na lang dadantay sa akin sobrang namimiss ko. ocotber 30 kmi huling nagkita, november 15 siya namatay. yung huling paalam niya sa aming magina " wag ka na iyak anak, babalik agad ako. diba gusto mong jollibee? car and burger?dadalhin ko lahat yun okay" tapos yung anak ko umupo,pinigilang umiyak kahit nanginginig na yung baba at tumutulo na luha, ako naman sa sobrang awa ko sa anak ko,naiyak ako. sabi ko "sige ingat ka" tapos bago siya sumakay nagwave pa siya ng kamay sa aming magina,so kaming magina asang asa naman kami na uuwi siya. hindi na pala mangyayari yun.. hay,umiiyak ako sis habang tinatype ko ang post ko..

 

Latest Stories

Load More Stories
Close