yiiiipeee

got my Visa just today, 3 days lang delivered na agad ...10years ulit yyahhooo, until 2022

this is my 4th visa na, thank u Lord..
ngayon na lang me ulit nakapag GT

hindi na ren ako nakapag backread, nung nag prepare me bago nung interview ko, nung January 4 (baka meron ako mga sissy's na nakasabay, sayang hindi ako nakapag post here) =) i just wanna share my experience na pwede den maka-help sa ating mga sissy's...
for my past visa's since i was a kid puros drop-ship for renewal, kaya i really have no idea kung pano ang process talaga sa luob kasi parents ko usually ang gumagawa lahat

nung nag ka-anak na kame ni hubby, i applied for her visa nung 2009 (she was 6yrs old), tapos na tapat saken that time yung pinag uusapan here sa GT na medyo masungit raw na consul na guy, madali lang naman mga question niya, buti na lang nasa good mood siya hehe... but this time all by myself ang preparation, as in ako lang haharap....
dameng naging aberya nung Jan. 4 na flattan kame, sobrang traffic pa going to Manila, kasi coming from Cavite pa...buti na lang ang bait ni Lord he made a way na makadating kame on time saktong 7:35am

kasi ang sched time ko 7:30am, hindi pwedeng ma-late ng matagal kundi hindi na papa-pasukin...the reason kung bakit hindi na nag papasok pag medyo late na, kasi pag pasok ng embassy dun sa waiting area, pag may na nagtawag na ng # na by batch at hindi ka nakasama dun...sorry na lang...
oo nga pala..bago ako makapasok sa embassy...sa sobrang pag mamadali, takbo agad ako sa entrance...saktong nakaalis na den sasakyan ni hub, bawal nga pala ang cellphone sa luob, yariii na hindi ko tuloy alam kung saan iiwan ang phone koh...kaya make sure na wala kayong dalang gadgets and electronics... meron nag alok saken sa lbas na 2 matanda nag papatago daw sila ng phone, so no choice na ako kasi malalate na talaga ako, pikit mata na lang sige iniwan kuna sa kanila, pinahawak na lang yung stub nila saken, aabangan na lang daw ako sa labas, pag labas ko... bawal den pala ang cologne inside, kaso nasa luob naman ng bag ko yung perfume ko, pina spray lang saken tapos pinapasok na ako hindi naman kinuha...
while waiting inside, para sa pre-screening...nung turn kuna bigay ng passport at yung form...ask nung lalake:
* anung name? birthdate? may visa na dati? kailang mag expire? ....then.... may other pictures po ba? "eh wala akong dalang pic na pang US Visa" sabi niya sige pa picture po kayo sa labas sa may Kodak (inside the embassy) ...then balik na lang po kayo, wag na pumila....
ayun pa pic naman ako, may goodness ang haba ng pila, almost 1hr ata ang na consume ko ron...medyo strict kasi sila sa pictures, dapat walang teeth and facial expression, bawal den may hikaw sa pic and dapat clear...kaya to make sure dala na den ng picture na pang US Visa...
eh di nung pag balik ko sa luob, nag finger scanning...den diretcho agad sa consul..natuwa ako, kasi natapat saken yung consul na nag tatagalog...mukha siyang mabait at naka smile parati...nahiya naman ako mag english kasi tagalog tanong niya kaya tagalog den sagot koh...
- Magandang Umaga

(get niya nang passport and form) ..Magandang Umaga po =)
- Anung rason bakit pupunta ng Amerika?? ... for Vacation po
- Ilan beses na nag punta ng Amerka?? ...4 times na po
- Gaano katagal nag sstay?? ... 1month lang po
- Pwedeng makita ang visa mo?? (bigay ko ang mga old passports koh, sabay tatak niya sa recent visa) ....Sige ok na, paki antay na lang yung visa sa bahay niyo

....Thank You po

===============================
Tips:
- magandang makuhang sched for interview is maaga (if possible)
- at least 30mins before the interview makapasok na ng embassy
- dont bring electronics, perfumes, cellphone, camera and food (di ko lang alam for the baby's)
- prepare needed papers for proofs: old passport, bank certificates and bank book, land titles (if u have) , vehicle registration (if u have) , business proof ...
- ID picture for US Visa
- kung anung tanong, yun lang ang sagot (wag na mag elaborate)
- kung ano lang hinihinge ng consul na documents, yun lang ang ibbigay
** and always put a smiling face

natural lang kabahan pero we have to be alert and attentive... and never forget to pray for his guidance and give thanks to our Lord...
alam ko may reason bakit dameng nangyari saken

para mapunta ako sa mabait na I.O, thank you Lord, he made a way para makarating ako ng maayos at nalayo sa kapahamakan

meron den kasi ibang mga I.O dun na medyo strict nakikita ko na meron den na dedeny

and isa lang ata nakita kong nag tatagalog, swerte talaga...
=============================
about sa cellphone ko pag labas?? ayuuuunnn thank God at hindi naman na 1-2-3 hehe...mababait naman sila manang...nag bayad ako ng P150

...sa mga sissy's naten kaya niyo yan
