watch now

Author Topic: how do you discipline your kids?  (Read 63700 times)

twelvth_goddess

  • Guest
Re: how do you discipline your kids?
« Reply #220 on: December 21, 2014, 05:13:08 pm »
^I get what you mean sis. And it's really difficult for us parents cus most of the grandparents are really enablers. Yan madalas na kinaiinis ko sa mother ko and Minsan dumadating sa point na nagagalit ako talaga.

oreo08

  • Guest
Re: how do you discipline your kids?
« Reply #221 on: December 21, 2014, 07:09:04 pm »
My mum has been living with us and since my husband and I work during the day, sa umaga silang dalawa ng 16 month old daughter ko ang magkasama. BIGAY HILIG! Pag umiyak, umiikot na ang pwet ng lola ::) nabbwiset ako at kahit ayokong magalit sa mommy ko, nagsasawa na ako ng pagdidisiplina sa KANILANG DALAWA. Imagine, dapat anak ko lang didisiplinahin ko, pati nanay ko nasasama ng di oras.

Pag nasa high chair sya during dinner time and ayaw kumain kahit gutom dahil gusto nya karga karga sya, grabeng iyak ginagawa na hindi pa makahinga. Etong si Lola naman nagpapanic agad kakargahin na lang daw nya samantalang kami ni hubby na katabi ni baby (she sits in between us) eh kalmado lang and iniignore sya.

Anyway, pag nagiiyak at ayaw tumigil tapos kahit anong distraction eh hindi nagwowork sa kanya, nilalagay namin sya sa crib nya for some time out. Ilabas nya lahat ng frustration at inis nya dun. Pag kinuha namin sya, agad agad kinikiss nya kami sa lips kahit di naman kami nagpapakiss lol :D

wifey_mommy

  • Guest
Re: how do you discipline your kids?
« Reply #222 on: December 21, 2014, 07:25:18 pm »
Ang hirap talaga pag kasama mga lola sa house kaya talagang looking forward na ko next year sa paglipat namin sa sarili naming house at finally mag stay at home na ko. Nangsspoiled din ako pero I do it mostly pagnakakagawa sila ng mabuti. I really hate it na pag nagsusumpong mga anak ko, tinatanong pa kung anong gusto. Pag di sumagot magooffer ng kung ano ano -new toys, chocolates, sqimming, malling etc.. hay kakastress. 2boys pa nama ying saken, nakakatakot baka paglaki nila ngwawala din sila once na di makuha ang gusto nila. Hay!!!

twelvth_goddess

  • Guest
Re: how do you discipline your kids?
« Reply #223 on: December 21, 2014, 08:37:07 pm »
My mom naman nagi-give in sa not good food list ko. With us, never nakatikim ng soda anak ko tapos malalaman ko pinainom nya. Pinapakain din ng chips eh we stopped buying chips nga kase hinde ako nagpapakain sa anak ko nyan. Tapos magrereklamo sya saken mahirap na daw control. I got upset and told her na kung hinde nya kase pinagbigyan ehdi walang problema. My mom is always with us kaya yan ang issue namin. Pati the way my mom treats helpers nakukuha ng anak ko kaya my daughter is so dominant sa helpers which I really don't like.

wifey_mommy

  • Guest
Re: how do you discipline your kids?
« Reply #224 on: December 21, 2014, 08:47:31 pm »
Mahirap nga yan sis :( kase syempre mom mo yun kaya ayaw mo naman ipa feel sa kanya na parang di mo na appreciate mga nagagawa nya for your baby kaso ewan ko ba sa mga grand parents, hilig talaga mang spoiled :( I guess we'll know why pag lola na tayo LOL ^^ for the mean time, remind mo na lang sya constantly and also si baby, paulit ulit lang. For sure they will get it..sooner or later (hopefully :D)

bluish_mommy

  • Guest
Re: how do you discipline your kids?
« Reply #225 on: December 22, 2014, 10:25:33 am »
^^halos same tayo sis. ang pinagkaiba lang is MIL ko ang naiiwan sa anak ko. mas ok pa ang situation mo in a way na pwede mong sabihan directly ang mother mo, unlike sa akin, madalang ko masabihan syempre alam mo naman ang mga in-laws, ikaw pa rin masama kahit sila ang may kasalanan... pasaway ang MIL ko, kaya ang anak ko nagiging pasaway din, kung ano magustuhan yun ang dapat masunod.

I must admit na may mga times na in-laws ko ang dahilan ng pag-iinit ng ulo ko, unfair with my child, nabubuntunan ko ng galit minsan. pagod na pagod na ako sa trabaho, plus pag-uwi mo walang lutong pagkain, tapos pasaway ang attitude ng anak mo, may mga times na di ko na talaga kayang control-lin ang init ng ulo ko, nasisigawan ko ang anak ko. after that nare-realize ko mali eh, at nagagalit ako sa sarili ko for doing that.
« Last Edit: December 22, 2014, 10:27:38 am by bluish_mommy »

twelvth_goddess

  • Guest
Re: how do you discipline your kids?
« Reply #226 on: December 22, 2014, 11:45:39 am »
^Kaya mahirap talaga kasama parents/in laws sa house. By February, we're moving to our condo na and I hope things will get better. My daughter isn't hard headed naman, yun lang mga na-mention ko ang issues. And of course, kapag dini-discipline mo at makita ang grandparents nya, ayan nakakahanap ng kakampi. Which is why everytime  discipline her, kelangan nasa room kame na walang ibang tao, not even her Dad. We make sure na it's only one of us at a time ang magdi-discipline cus I dont want her to feel like she's being ganged up on. Hirap lang pag meron hinde calibrated sa discipline style diba?

bluish_mommy

  • Guest
Re: how do you discipline your kids?
« Reply #227 on: December 22, 2014, 04:03:05 pm »
^true. kapag na-a-align ang bata sa iyo, tapos pinasukan ng mga pasaway na ugali ng in-laws/parents. eto na nade-derail na ang bata ulit.

feeling ko minsan parang nananadya na eh (in-laws), di naman mahirap intindihin ang rules ko sa bahay, like hindi pwedeng kumain sa ibang lugar sa bahay except sa dining table. wala naman mahirap dun di ba, ang jologs lang talaga ng ugali.. kainis!

wifey_mommy

  • Guest
Re: how do you discipline your kids?
« Reply #228 on: December 22, 2014, 04:37:51 pm »
big check sis! mahirap talaga pag naki epal na ang inlaws. ako kasi di naman sa nagsaside ako sa mama ko pero never nya ko pinakelaman sa pagdiscipline ko sa mga anak ko. yung MIL ko, naku akala mo aatakihin sa puso pag pinagalitan ko na mga anak ko. sabi ko nga kay hubby sabihin sa mother nya na mag ampon ng batang palalakihin LOL at wag yung mga anak ko hehe

tiggerlily

  • Guest
Re: how do you discipline your kids?
« Reply #229 on: December 25, 2014, 08:07:18 pm »
spoilers talaga ang mga lolo at lola. pati na rin tito at tita. maayos naman sumunod ang anak ko basta kami kami lang. nagiging mas mahirap disiplinahin kapag nakakasama namin sila kasi right in front ng anak mo pagagalitan ka sa pagdidisiplina mo. ipagtatanggol nila.

mas mahirap disiplinahin yung matatanda. inis na inis pa ako dun sa bilas ng mama ko. kasi pinatitigil ko na nga ang anak ko dahil hinaharot nila na sa kakaharot nila e nalampaso na sa sahig at nadudumihan na (although masaya naman ang anak ko) kaso naiinis ako na ganun ang ginagawa nya. so pinagagalitan ko na ang anak ko na tumigil na. aba. ang lolo mo hindi pa rin tumigil sa kakakiliti. paano ba kung yung matanda na ang sasawayin. wala akong maisip na ipangsaway kahit pabiro e. for sure mao-offend sya sa akin - i think mas madali pa yata sawayin ang nanay ko. grr talaga.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close