natutuwa siya kapag naaasar ako.. 
sis, ok lang ba ito sa iyo, kasi dati may nabasa akong book about child development,parang hindi maganda ang ibig sabihin pag ganito ang attitude ng bata,kasi parang wala daw compassion sa iyo, as in hindi sya naaawa.
sis jelly, bakit naging ganon ang ugali ng daughter mo na hindi nakikinig sa iyo, working ka ba?tama ka, tell your husband na mali ang pagsigaw sa anak nyo lalo na at ang early age, nakakababa yan ng kanilang self confident.
yung 2 kong anak naman, magkaiba, sa panganay nag work ang time out, pero sa bunso, medyo pahirapan,diplomasya talaga ang kailangan,kapag umiiyak sya, tatanungin ko sya if he want me to cry with him at ayaw nya na umiiyak ako,kaya hinto na sya.Pag may ginawa syang hindi maganda, tinatanong ko sya kung good ba iyon or bad, parang i let him judge, pag sinabi nya na bad, kusa na rin sya titigil. kapag naman nangungulit, tatanungin ko rin sya if he's trying to irritate me, pag sagot nya ng hindi, tigil na rin.
Yung mga bagay naman ng gusto kunwari nilang hawakan, kapag sinabi namin na hindi pwede, we take time to explain bakit hindi pwede, ganon kasi sila, hindi sila kuntento lang sa word na "huwag", kaya yung 2 ko lumaki sila na alam nilang they are not allowed to touch knife, scissors or anything na sinabi namin sa kanila na dangerous. I can leave it on the table all day and I'm more than 100% sure na hindi nila yan gagalawin,I tested them so many times, ngayon kapag ako ang may naiwan sa table na alam nilang important, they call me but never touch it, kapag nakita nila ang knife sa table na alanganin ang pwesto, sabihin nila sa akin, na "mom,there's a knife here".Same din with my personal stuff, kahit itong computer ko, iwanan ko all day na nakabukas, hindi nila ginagalaw,kasi never din nila akong nakitang gumalaw ng gamit nila without asking.
pero no spank policy talaga kami, not bec bawal dito or something, we both grew up na hindi napalo, so ganon din gusto namin sa anak namin,my boys turn 8 & 4 this year, btw.