almost 3 yrs old na si ava, alam nya when to say sorry, thank you,and she uses po and opo na din.
pero minsan nakakawala ng pasensya talaga sa sobrang kulit, halimbawa pag dinner, gusto nya kasama nya yung mga dolls nya sa dining table, sabi nya eat Doya and Baybie. tapos pag ayaw na nya, di mo talaga mapipilit kumain, minsan papaluin nya pa yung spoon kasi sinusubuan pa din sya ni yaya minsan, so kakalat yung food, tapos sasabihin nya , ate kalat oh!
pag sasabihan mo naman sya minsan, she'll act like tampu tampuhan effect, yung mag tu turn back sa u then naka mukmuk lang dun.
minsan pa pag di mo agad nasunod yung gusto nya halimbawa, yung cd nya na barney di na gumagana kasi sobrang over played na yung CD na yun, paulit ulit nyang sasabihin na i want bayney I want!
pero all in all, i find her smart, ang lawak ng imagination ni ava, mag isa lang kasi sya, so ang ginagawa nyang patient nya is si patrick and papap(spongebob)kunwari may sakit sila so she'll asked them to drink na the loviscol, sasabihin nya sarap, ummh! oyange to oh!
pati sila barbie, pag gabi na pag bed time na, tatabi nya sa kanya yun then she'll say, teys!(stay), sleep na, gabi na oh! sabay close ng window namin sa room.
sabi ni pedia, yung age daw ni ava ang NO STAGE! yung ayaw ng ayaw, so sa food ang ginagawa namin pag ayaw nya ng ulam, sasabihin namin na wala ng ibang food yan lang, she'll ask for sabaw eh wala nga, so mapipilitan sya kumain ng ulam sa mesa, ganundaw dapat consistency lang for disipilina sa kids. so far nagagawa o gumagana naman kay ava kaya lang minsan, makulit talaga, kaya may sigaw minsan na kasama.