watch now

Author Topic: Irritating SAs & Other bad shopping experiences  (Read 52206 times)

kwinchesters

  • Guest
Re: Irritating SAs & Other bad shopping experiences
« Reply #80 on: April 30, 2010, 04:34:55 pm »
Lalo ng mas bastos ang mga tindera sa 168 o Divi Mall. Talagang masama tingin nila sayo kung di ka bumili o panay tanong. Pag kasama ko si hubby, pinapatulan nya talaga yung mga tindera sinasabi nyang 'O wag na tayo dito bumili,di naman tayo inaasikaso,parang ayaw nila magbenta!'

Sa mga boutique ng mall, karamihan talaga dyan mga astig mga SA. Pag talikod mo,iirapan ka o pagtatawanan. Dapat binibigyan ng leksyon. Ako I dont care kung matanggal sila sa trabaho because of my complaint, they deserve that anyway. Yung ASUS store sa SM Annex North EDSA, nireklamo talaga ng hubby ko yan kasi bastos makipagusap yung SA na lalaki, pinarating talaga ng hubby ko yung complaint hanggang sa management ng ASUS Asia. Kaylangan daw kasi matuto ng GMRC klung hinde marami pang magiging biktima.

sweety_paige

  • Guest
Re: Irritating SAs & Other bad shopping experiences
« Reply #81 on: April 30, 2010, 05:20:39 pm »
Agree ako sa mga tindera ng 168 at divi mall, grabe maka asta yan, then hindi ka papansinin niyan pag hindi maayos yung suot mo.

gilenn

  • Guest
Re: Irritating SAs & Other bad shopping experiences
« Reply #82 on: May 01, 2010, 02:22:17 pm »
^ grabe naman yan sis. sa 168 and divi mall? hindi ba tiangge type na dun tapos ganun sila? ang sikip naman sa 168 at divi para magbihis ng sobra.

PINKAHOLIC

  • Guest
LOVE MY HUB =]
« Reply #83 on: January 14, 2011, 11:54:15 pm »
GOOD ' watsons ' - smiling face sila at di buntot ng buntot.

BAD ' robinsons ' - Grabe, last time nung nasa counter ako di ibinigay sukli ko tapos i asked kung naibigay na ba nya, mga 2 minutes nya akong tinitigan ng walang kakurap kurap sabay sabing oo,
halata namang di sigurado.,
grrr hinayaan ko nalang.

kewlit

  • Guest
Re: Irritating SAs & Other bad shopping experiences
« Reply #84 on: March 14, 2011, 01:12:30 pm »
Bad - isang fashion store sa Market!Market! Celest ata name nun. I was looking for a blouse na pedeng office uniform. Okey naman yung displays nila, so I asked for my size para ma fit ko. Aba, ang bibigay ba naman eh size XL. Sabi ko, "Miss medium ako." and she replied na , Ma'am try nyo po, maliliit po sizes namin. So try naman ako. Eh malaki sya, so binalik ko. May inabot ulit, eh malaki pa rin, when, I checked, large pala binigay. Sa inis ko, binalik ko yung blouse without folding it with. Paghagis ko sa kanya, i told her " sabi ng medium ako! Sayang madami pa naman akong bibilhin dahil gagawing naming uniform! " sabay walk out. >:( kase naman inuuna pa pakikipag usap sa telephone kesa sa customers.

Good -  Giordano sa Festival Mall. Mababait SA, hindi sunod ng sunod na parang aso.  :D

momai

  • Guest
Re: Irritating SAs & Other bad shopping experiences
« Reply #85 on: March 14, 2011, 04:13:26 pm »
naalala ko nung xmas season, sa tiangge sa greenhills. dun ito sa may night market nila. naghahanap kasi ako ng leggings at malaking tshirt na pwede ko masuot. buntis kasi ako. tapos sabi ko sa tindera patingin ng dark blue na leggings. habang naghahanap siya, naghahanap na din ako ng tshirt/blouse. tapos nagustuhan ko naman yung tshirt so tinggal ko na sa hanger at tiniklop ko. binigay niya yung leggings sa akin, pero light blue naman. sabi ko yung dark blue po. sumagot ba naman ng " ito ang kaparahas niyan o" sabay turo dun sa nakadisplay na leggings. sabi ng kapatid kko, ang sabi namin yung dark blue, light ang binibigay mo. tapos iba naman ang binigay niya, sabi ko ulit, " miss, yung dark blue sabi eh".. sabi niya "sorry na"...binalik ko s akanya, sabi ko, "ok na"...magbabayad na ako, ang siningil lang sa kain ay 150 na dapat ay 300. tapos pati yung leggings bibilhin. nag sorry siya ulit. tapos pagkuha ko ng sukli ko, napaharap ako sa kanya, nakita ko yung bibig niya nagsabi siya ng sh*t... di ko na napigil sarili ko, sabi ko sa kanya:

me: anong sabi mo?
tindera: wala
me: meron kang sinabi..ano yun?
tindera: wala nga
me: wag mo kong mumurahin ha..wala kang karapatang murahin ako.
tindera: bakit nadinig mo ba akong nagmura?
me: hindi. pero nakita ko yang bibig mo
tindera: ang sabi ko masyado
me: hindi masyado ang sinabi..wag kang sinungaling, bigla akong naglakad na dal ko yung mga binili ko

pero napaisip ako na pag binili ko pa yun, ay talo ako. so bumalik ako para isauli yung mga binili at bawiin yung binayad ko. tapos sabi ko sa kanya na ayusin niya yung buhay niya...

sobrang nakakgigil talaga yun. buntis pa naman ako.

evilwoman

  • Guest
Re: Irritating SAs & Other bad shopping experiences
« Reply #86 on: March 14, 2011, 04:28:07 pm »
di ko naman matatawag na bad service pero medyo taklesa ang dating - hurt na hurt ako pag may SA na pinapangunahan ang size ko. kunwari nagtitingin pa lang ako ng damit, sasabat agad ng "ma'am may large po tayo nyan.." nakuu.. nakakawalang gana bumili. hehe..

bad experience ko talaga sa mothercare greenbelt - may tinatanong ako sa SA, bigla akong nilayasan, dire-diretso lang para iapproach ang isang expat na customer. abot talaga sya ng shopping bag. di ba entertain muna ang customer na may kailangan. tsk! samantalang sa stride rite, wala pa ako nabibili pero very accomodating ang nagtitinda.

sa landmark makati asar na asar akong sa mga cashier na talagang taking their time sa pagppunch ng item. kwentuhan to the max pa.

Jockey sa SM makati - super like ko yung nakaassign dun. very accomodating kahit sale item at konti lang bibilhin ko. matyaga pa akong ihanap ng size at style. :)

sa experience ko sa healthy options greenbelt, mababait naman yung mga tao dun. effort talaga pag may pinapakisuyo ako.

un1z

  • Guest
Re: Irritating SAs & Other bad shopping experiences
« Reply #87 on: March 15, 2011, 07:14:26 am »
ako, nung one time sa grocery, bata pa ako nun, kasama ko lola ko. nagpabili ako ng ice cream, then pag dating sa counter kinulang ang pera namin so kinailangan ng lola ko na alisin ang ibang items like shampoos sa basket, sabi ba naman ng isang tindera na nakiki masid dun eh "pa-gold label gold label pa ng ice cream eh" i really felt bad :( buti nalang di narinig ng lola ko kundi ma high blood yun.

then one time i was 3rd year high nagusthan ko yung bag sa guess, kinuha ko yung bag ang dinala ko sa cashier, hindi pa napupunch ng cashie sabi ba naman sa akin "900 yan!" with facial expressions pa ng pagmamaliit. sabi ko nalang "oo nga po" then sabay bigay ng 900.

feeling ko tuloy mukha talaga akong poor.

liyapot

  • Guest
Re: Irritating SAs & Other bad shopping experiences
« Reply #88 on: March 24, 2011, 12:49:14 pm »
momai..
kung sa akin nangyari yan gyera patani inabot nung tindera sa akin...

ako pag tinotopak..lahat ng SA kaaway ko..hahaha!! minsan sa SM ok ako na kulang ang change.. pero pag tinopak ako.. magaantay talaga ako ng sukli..

sa shopwise sucat.. laging panget ang experience ko jan..
from chismosang cashiers, to mabagal mag punch, ganun ako lage kaya iwas ako lagi sa tindahan na yan eh...

landmark ok ako sa grocery..

pansin ko din yan sa mothercare... inuuna expats..or yung feeling nila bibili..kaya nga ayaw ko nag-gagala sa greenbelt pag naka office uniform eh..

promod ok ang service jan...

dorothy perkins sa glorietta.. the best! may suki akong SA jan.. pagpasok ko pa lang nagha-Hi na sa akin..then turo sa bago.. pag wala akong nabili ok lang sa kanya.. pag meron akong nagustuhan tuwang tuwa..kaya minsan nagpapaloko ako sa kanya eh..pero sad to say nalipat na sya ng ibang branch..

beauty bar asar ako dun...lagi may naka buntot!

yung Sa ng wacoal sa SM makati...ok sya.. matulungin..

reb_woods072683

  • Guest
Re: Irritating SAs & Other bad shopping experiences
« Reply #89 on: March 26, 2011, 02:35:21 am »
joining.

I also hate it kapag may buntot ng buntot na SA sa likod ko at tinatanong ako. Nappressure tuloy akong bumili at hindi ako makapag window shop ng maayos.

supertears

  • Guest
Re: Irritating SAs & Other bad shopping experiences
« Reply #90 on: May 10, 2011, 03:39:02 pm »
bad experience namin sa sm cubao, 9 years old ako non at kasama ko family ko. sa age kong yon mahilig pa rin kami ng kapatid ko sa toys. natatandaan ko [textspeak!] saleslady, panay ang simangot pag nagrerequest lolo namin ng iba pang toys tapos parang nakaismid pa. nito ko na lang naisip na siguro dahil sa suot namin na nakapambahay nga lang, pero di naman yung pambahay na nakadaster ng bulaklakin, naka tshirt kami at pants kaya lang mukang luma na. tapos yung huling ni-request namin nung kapatid ko, ang tagal-tagal dumating nung saleslady, tapos nakita na lang namin ng kapatid ko nandun sya sa me sulok nakikipagtawanan sa mga kasamahan nya,tinanong nung lolo ko kung meron pa ba sila nung item na hinihingi,sabi wala na. nainis ako kasi naman kanina pa kami nakatanga dun yun pala wala naman kami dapat intayin. nagsumbong ako kay mama sabi ko bakit ganun yung saleslady ang sungit sungit samin tapos pinag-intay kami yun pala wala namang nung hinihingi namin. e amasona mama namin, sabi nya, sino dito? sino dito? habang lumalakad sya, malakas ang boses kaya nakatawag atensyon na sa ibang mamimili tapos tinuro namin, diko na maalala [textspeak!] ibang sinabi ng mama ko dun sa saleslady tapos nakita na lang namin na lumabas [textspeak!] manager tapos sabi ni mama sa kanila "kung di sya marunong ngumiti at magserbisyo sa mga mamimili e dalin nyo sa bodega dun yan dapat!"
tapos mayisang mother pa nun na karga [textspeak!] anak sabi nya, sumingit sya sa usapan editor daw sya sa Philippine Inquirer baka daw gusto nung saleslady na masulat nya to sa newspaper. sabi pa nung mother dun sa saleslady mali ang ginagawa nyong yan. namimili kayo ng customer.
« Last Edit: May 10, 2011, 06:51:37 pm by supertears »

freelancebuddy

  • Guest
Re: Irritating SAs & Other bad shopping experiences
« Reply #91 on: August 01, 2011, 02:00:18 pm »
Ako ayoko talaga nung mga SA na buntot ng buntot! yung kala mo eh shoplifter ka kung makapagbantay. Ang hirap tuloy mamili. Kaya pag feeling ko binubuntutan na ko ng SA, umaalis ako. Nakakabwisit kasi eh.

17arci

  • Guest
Re: Irritating SAs & Other bad shopping experiences
« Reply #92 on: August 01, 2011, 02:49:33 pm »
Bad:

Seen EO SM North The Block

I asked the SA if they had a eyeglass frame similar to the ones I was wearing. Aba kung ano-ano na pinakita saken, cateye yung frame ko pero it's either oval or rectangular yung binibigay, at puro mamahalin pa. Lahat ng pinakita saken 8k pataas. To think that I bought my eyeglasses from EO, sa ibang branch nga lang. What's worse nakikipagkwentuhan sya sa fellow SA nya habang sine-serve ako.

Payless Shoe Source - Trinoma

Two SAs na nagkwekwentuhan nakasunod saken habang tumitingin ako ng shoes. Yung isa tuwing hahawak ako ng shoes, "yes mam?" Naka-shirt, shorts and flipflops lang ako nun. Hindi na ako dumadaan dun kahit na gusto ko tumingin ng shoes nila at kahit sale. Buti pa sa Payless sa Galleria, hihintayin ka nila tawagin mo sila. Kaya nga ganun yung ayos ng store nila e (warehouse style where shoes are arranged already according to size, para magsusukat ka na lang). Actually di ko magets kung bakit may SA pa dun.

Nakakaasar talaga yung mga sunod nang sunod, ginagawa ko nilalayasan ko sila tapos di na ako bumabalik sa store nila.


freelancebuddy

  • Guest
Re: Irritating SAs & Other bad shopping experiences
« Reply #93 on: August 01, 2011, 11:38:41 pm »
Also, yung mga SA na tumitingin ka pa eh, lahat ng hawakan mo nililigpit. Sana hintayin man lang muna nila makaalis yung tao bago sila magligpit. Para tuloy ayaw nila ibenta yung mga tinda nila.

snowflakes

  • Guest
Re: Irritating SAs & Other bad shopping experiences
« Reply #94 on: August 24, 2011, 07:04:29 am »
dito sa US di naman ganyan, na experienced ko rin sa pinas yan at sobrang nakakaines. pero dito, tatanungin ka lang nila if you need anything. tapos iiwan ka na nila. atleast may freedom ka to look around and mag try ng damit diba? tingin ko kase wala silang magawa yung mga SA jan sa atin kundi humabol sa customer. tsaka when i was working as MT sa isang shop jan sa makati may kota kase bawat SA na kelangan maka 10 silang customer per day or benta. you know, kaya sila tutok sa customer.

babyjapnurse01

  • Guest
Re: Irritating SAs & Other bad shopping experiences
« Reply #95 on: August 24, 2011, 09:06:09 pm »
In general, I dont like SAs that follow me around, I would ask naman for their assistance kapag kailangan eh, pero yung susundan ka talaga around the store, nakaka-walang gana talaga, di mo maintindihan if pinaghihinalaan ka bang shoplifter o ano e haha! :D

Whenever I encounter SAs na ganun, Ive learned to tell them agad na I dont wanna be followed kasi mas na-wawala concentration ko sa pag-pili. Hehe!

badcoverversion

  • Guest
Re: Irritating SAs & Other bad shopping experiences
« Reply #96 on: September 11, 2011, 01:59:03 pm »
Overzealous SA Award goes to HBC, All Branches.
Hays, kahit anong glowing reviews binibigay ng mga Gters sa Beauty thread, naiinis akong pumunta sa HBC. Kahit sale pa. My mom and step-daughter pa naman me gustong ipabili run. Binibilisan ko na lang pagkuha without testing the product, pero di talaga maiwasan yung ooperan ka ng kung ano-ano or pag mag pinili kang item, "yan ma'am maganda yan nakakaputi". I do not want to hurt their feelings, they're just doing their job naman pero yun nga nakakailang, lalo na kung hindi naman ako flawless tapos ooperan ako ng anti-aging or acne products, nakaka-conscious. Tapos pag yun lang kukunin mo, "paabutin nyo na ng P250 para may free facial. Sayang naman." No, thanks. Tapos kukulitin ka sa ibang brands.

1choi_ko9

  • Guest
Re: Irritating SAs & Other bad shopping experiences
« Reply #97 on: September 24, 2011, 11:51:00 am »
sana nalalaman ng mga SA na yan, wala sa pananamit nakikita kung may pera ang tao o wala.

Kwento nga ng friend ko na nagwowork sa isang clinic sa isang hospital sa qc. Ang mga nakapambahay at mukhang walang pera yun ang hindi humihingi ng discount at nagbabayad agad agad. Pag nag labas ng pera walang wallet wallet naka rubber band lang. Parang they know na once na sa hospital ka medyo pricey ang bayarin. Samantalang, yung mga mukhang mayayaman talaga na todo alahas at designer bags, minsan may body guards pa sila ang humihingi discount. Minsan naman sasabihin babalik magwiwithdraw lang, tpaos hindi na babalik pala. Tapos karamihan pa na artista, TY lang palagi kahit na pinreshohan ng doctor sasabihin babalik kukuha lang ng pera. Or ang babayaran conltation fee lang yung gamot hindi kukunin. Aysus!

RiverSong

  • Guest
Re: Irritating SAs & Other bad shopping experiences
« Reply #98 on: September 24, 2011, 12:19:46 pm »
Generally, I'm very patient with SA's. Di ko rin naman alam pinagdadaanan nila, kaya I'm usually nice to them. Pag nagmamaganda sila minsan sa kin, deadma lang.

Pero there's this one incident, dito sa mall malapit sa amin. My youngest sister is eyeing a pair of Jag jeans on sale, 700 lang. Pero sabi ko sa kapatid ko, mahal te wag yan. Siempre naman, student pa lang siya sinasanay ko lang na wag maluho, kung hindi afford, 'wag bilhin. Biglang si ateng saleslady humirit ng "Eh JAG naman to noh!." Talagang ang condescending ng tono ng lola niyo, feeling niya designer binebenta niya! Nagpanting tenga ko, pinatulan ko. Sabi ko "eh ano ngayon? Jag lang yan!" At dahil sa department store yun, pumunta kami sa tabing booth Lee, pinapili ko kapatid ko, bumili kami. Asar na asar talaga ako, kaya pati sa fitting room, sa cashier nai-kuwento ko talaga sa. Echosera si ate!

LOL. Napa-shopping talaga ako ng wala sa lugar nung time na yun sa asar. At tuwang-tuwa ang sis ko kasi siya ang nakinabang :P

mystella

  • Guest
Re: Irritating SAs & Other bad shopping experiences
« Reply #99 on: September 24, 2011, 06:00:34 pm »
ayoko talaga yung buntot ng buntot lalo na pag make-up shop at nagte-test ako ng mga products sa face ko. naco-conscious ako habang naglalagay ako ng eyeshadow or lipstick or foundation. pag pangit or mali pagka lagay ko, tapos nagmamasid pa rin. shempre nag-e-experiment ako kung paano ba gamitin yung certain cosmetic, so trial and error, may tendency talaga na hindi perfect pagka-apply ko sa face ko.  tapos may nano-nood na SA!! dalawa pa sila. di ba nakaka-conscious???? GRRRRRRRRRRRRRRR!!!! Ano ba!! back off!!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close