watch now

Author Topic: Irritating SAs & Other bad shopping experiences  (Read 52251 times)

landrexi

  • Guest
Re: Irritating SAs & Other bad shopping experiences
« Reply #60 on: December 28, 2009, 03:22:09 am »
This always happens.

SA :  "Sale po kami ngayon."

Me:  "I can read, you don't have to tell me."

cherry*coke

  • Guest
Re: Irritating SAs & Other bad shopping experiences
« Reply #61 on: December 28, 2009, 04:21:22 am »
^same experience sis! yung lalake sa may customer service..nilagay lang sa isang scratch paper yung info ko..tawagan nalang daw nila ako if ever ma-recover kahit yung mga id's ko lang..i doubt naman na mai-tabi niya pa yung scratch paper na yun! hindi man lang i-log sa maayos na record book! kaasar!

letters_to_cleo

  • Guest
Re: Irritating SAs & Other bad shopping experiences
« Reply #62 on: January 09, 2010, 12:51:00 am »
haaay sa pinas talaga may problema minsan ang customer service. alam nyo yun..minsan kitang kita sa mga SA na bagot na bagot sila sa work nila..tama ba naman yun?!  ang rule ko sa ganyang mapang-asar na shopping experiences, unless provoked, be kind and idaan sa charm. Pero pag nainis na ako, sige tawagin nyo ang manager nyo! *tigress mode na!*

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Irritating SAs & Other bad shopping experiences
« Reply #63 on: January 12, 2010, 07:45:50 pm »
OK the SAs in Nine West High Street. They left me alone to inspect bags after bags and when I called on one of them to ask questions, dun sila lumapit and they were able to answer me very well.

momai

  • Guest
Re: Irritating SAs & Other bad shopping experiences
« Reply #64 on: February 01, 2010, 02:06:23 pm »
kwento ko lang yung nagyari sa amin ni hubby sa sm department store, sm centerpoint. bumili kami ng mga damit ng anak ko, may dala kaming cart. siguro 4 tshirts at 4 na shorts. tapos nung tumitingin pa kami, bigla siyan glumapit sa cart namin at pinagtitingnan yung mga binili namin at sinasabi iya yung mga price nung bawat damit. ask nihubby sa akin kung ano ang problem nung SA..sabi ko hindi ko alam. tapos nung bumalik yung SA, ganun ulit ang ginawa niya, nakatingin ako sa kanya tapos ask ko siya kung ano ang problema..kung ano ang tinitingnan niya sa mga binili namin....bakit hindi siya nagpapaalam na kailangan niyang tingnan yung mga yun. hindi siya nakasalit tapos biglang umalis. uminit talaga ang ulo ko sa kanya. ano yun? feeling niya hindi namin bibilhin yung mga pinagkukuha namin? ang labo talaga...

mystella

  • Guest
Re: Irritating SAs & Other bad shopping experiences
« Reply #65 on: February 01, 2010, 02:12:17 pm »
nakaka-irritate kapag yung SA buntot ng buntot sa yo. tanong ng tanong.

kettlekorn28

  • Guest
Re: Irritating SAs & Other bad shopping experiences
« Reply #66 on: February 01, 2010, 02:35:25 pm »
Bakit karamihan ng mga SAs sa SM parang walang modo? Majority of the posts here parang tungkol sa kanila. Last December, namimili kami ni hubby ng Christmas presents for my family tsaka sa family ni hubby. Sa SM Sta. Rosa ito, sa dept store. Si hubby nasa 2nd floor, ako nasa GF sa mga Watsons products naghahanap ng para sa mga girls. Aba this girl na SA ng Watsons, sobrang makatingin sa akin. At first, di nya ko sinusundan. Pero in my peripheral vision, I know, sinusundan nya ako ng tingin. Ako pa naman, masyado matagal pumili ng gifts. When I went near her, do you know what she did? Tiningnan nya ako mula ulo hanggang paa, tapos pataas ulit. Nung makita nya na nakatingin ako, tinaasan nya ako ng kilay at umirap. Tama ba yun? Porke ba naka-short, shirt at flipflops lang ako, wala na akong karapatan tumingin dun. Di naman kasi nangyayari ang ganito sa akin sa Ayala or Shang. Then napansin ko, sinusundan na nya ako at lumapit pa sa akin. Lahat ng hawakan ko, pag ibinaba ko, hahawakan agad nya at iaayos agad na para bang ayaw ipatingin yung mga products. Di naman ako magnanakaw noh! Sa inis ko, pinasunod ko si hubby. Nung andun na si hubby, sabi ko "Dapat pala pag magsa-shopping ako dito, di dapat ganito ang ayos ko. Mukha ba akong shoplifter? Mukha ba akong walang pambayad? Dapat tinuturuan ang mga SA dito ng tamang asal". I made sure na narinig yun nung malditang SA na yun. Grabe. 

maribeth

  • Guest
Re: Irritating SAs & Other bad shopping experiences
« Reply #67 on: February 07, 2010, 11:45:01 pm »
Just last week, naghahanap ako ng bagong black boots. Pumasok ako sa isang shop, tapos since maraming sale, nagtingin muna doon. Malay mo, makamura pa ako. Too bad, wala akong nakita. So punta ako sa New Collection, tpaos meron akong nagustuhan, so nagsukat ako. Pinuntahan ba naman ako no'ng isang SA at sinabihang, di daw sale iyong sinusukat ko na shoes. Akala siguro, di ko afford ang new collection nila....tsura lang...di nga ako bumili..in fairness, mura nga lang ang new collection nila noh...magkano lang naman ang 150 euro's...

sweety_paige

  • Guest
Re: Irritating SAs & Other bad shopping experiences
« Reply #68 on: February 07, 2010, 11:59:02 pm »
Sa Tyler kahit na hindi bagay sayo sasabihin na bagay sayo makabenta lang.

greyish

  • Guest
Re: Irritating SAs & Other bad shopping experiences
« Reply #69 on: February 09, 2010, 12:44:46 pm »
sa sm centerpoint din me kadalasan mamili kasi 5 mions away lang sa amin..

merong ibang ok..pag nag iba tono ng boses ko na medyo mataray na, umaayos na...

meron talgang isang babae sa centerpoint sa heartstrings sya assigned, kaasar! hindi ako inentertain...so sa inis ko, sa sm manila at megamall ako bumili kasi madami buy ko na pang regalo noon...

kasi kadalasan, simpleng damit lang na pambahay suot ko kasi nga hello!!! ang lapit ko lang...gusto ata mag gown ako para ientertain

babypowder99

  • Guest
Re: Irritating SAs & Other bad shopping experiences
« Reply #70 on: February 10, 2010, 01:25:59 am »
nakaka-irritate kapag yung SA buntot ng buntot sa yo. tanong ng tanong.

ako din madalas ganyan maencounter ko na SA, parang aso nabuntot ng buntot! haleeeerrr pwede ba tantatanan ako pag need ko sila at may itatanong ako obviously tatwagan ko sila kakabweset kaya di ako nagtatagal sa ganung scenario

charmed30

  • Guest
Re: Irritating SAs & Other bad shopping experiences
« Reply #71 on: February 12, 2010, 12:05:07 am »
wala pa naman ako bad experiences with SA's. Usually yung mga kinaiinisan ko is yung mga nasa cashier. lalong lalo na sa sm. inuuna pa lagi ang kwentuhan nila. nabbwiset tuloy ako at nakakapagtaray ng wala sa oras.

i had an experience naman with a cashier from rob supermarket in tagaytay. pwede kasi magbayad using your atm card basta bancnet kaya i opted to use na lang my metrobank atm instead of credit card para walang utang. nung inabot ko na yung atm ko, sabi ba naman psbank atm lang daw tinatanggap nila. tinanong ko kung tumatanggap sila ng bancnet, oo daw. pero psbank lang. then i told her ilang beses na ko nagbayad using my atm eh bancnet din naman yun. ang tigas ng ulo ayaw pa maniwala sa kin. ginawa ko pumunta ako sa kabilang counter, i presented my atm paid for my stuff. then nagparinig ako sa cashier, "kala ko ba hindi pwede. mas marunong ka pa sa kin!"

MigMaxMatt

  • Guest
Re: Irritating SAs & Other bad shopping experiences
« Reply #72 on: March 04, 2010, 12:24:59 pm »
Ganyan nga ata sila sa Beauty Bar.  Even sa MOA, panay ang dikit ng SA.  Marami na sigurong nag-shoplift sa kanila, kaya ganon na lang ang training sa kanila.  Very irritating lang talaga, kaya nakakatamad bumili sa kanila.

mharickar

  • Guest
Re: Irritating SAs & Other bad shopping experiences
« Reply #73 on: March 07, 2010, 12:38:10 pm »
sa 168 nun, kasi di nagkasya yung short sa sis ko, sabi nya miss yung medium po.. ang pangit nung naging reaction nung sales lady nun.. nakakairita..kaya un di na bumili yung sis ko..eh diba trabaho naman nya un?? nakakaasar talaga..

sa mall naman, ayoko din nun yung dikit ng dikit yung SA, kasi parang di ka makapamili ng maayos eh..hehe.. if yung store walang customer/s, di na kami pumapasok..wahaha... ;D

silverlilac

  • Guest
Re: Irritating SAs & Other bad shopping experiences
« Reply #74 on: March 08, 2010, 02:42:48 pm »
irritating talaga pag laging may nakabuntot na SAs while you're browsing products in a shop. minsan lalong nakakairita when the product you looked at and touched, as soon as ibaba mo e aayusin nila  - as if naman super gumulo yung setup nila or mas mabibili if they touch it again?! :o

ginagawa ko din yung aimlessly i go round and round the aisles para mapagod kakasunod yung SAs; pag nagsawa na sila sa kakasunod, that's when i'd really start shopping. sometimes what i'd do is i'd aimlessly wander, then very suddenly stop in the middle of an aisle - dami na bumanggang SA sa likod ko with this way, nakakatawa and kinda evil but effective because after that, iiwan na nila ako  ;D (they don't get hurt naman, nagugulantang lang LOL)

i'd like to share my recent bad experience in SM Southmall   >:(

gilenn

  • Guest
Re: Irritating SAs & Other bad shopping experiences
« Reply #75 on: March 19, 2010, 10:55:10 am »
I can totally relate to this topic!!

It is very annoying when they follow you around and look at you as if guards sila. They would make suggestions pero ang totoo lang they will make you more confused. Kapag ganyang nilalapitan na ko ng saleslady nawawalan na rin ako ng gana. It's either mapapabili ako sa pressure ng andiyan siya or aalis ako ng store.

I had bad experiences sa St. Francis Square, hindi ko alam if it's just me or bastos mga sales lady dun. I've had about two bad experiences there. First one was I fitted a blouse and the button wouldn't close sa breast part so I told her I wouldn't buy it. When I walked away from the stall dinig ko yun saleslady nagdadabog and I swear she said something in a different dialect about me. The second one was yesterday, I was looking for a knee length like jogging pants for aerobics, I saw some and I looked for sizes. They were eating at the time, yun size ko is about third from the first jogging pants in display. I did not ruin the way it was displayed and I had second thoughts of buying cause when I got to see it merong print sa gilid na made it look cheap. I asked her how much it was and I said thank you hindi ako bibili. When I left the stall same thing happened, she said in a very LOUD voice halukay ng halukay hindi naman bibili. I wanted to go back and smack her in the face. Bastos talaga, hindi ko nga ginulo yun display and that's HER JOB!!

Gusto ko sana sa St. Francis Square kaso ayoko ng bumalik dahil sa mga tao. Nasira talaga araw ko sa kanila.  >:(
« Last Edit: March 19, 2010, 11:03:11 am by gilenn »

ellenmitchie

  • Guest
Re: Irritating SAs & Other bad shopping experiences
« Reply #76 on: April 20, 2010, 08:42:49 pm »
Naku! Finally I found a thread like this.. Grabe nitong last week lang super bad experience ako dun sa Kipling sa SM North.

Share ko na lang din.. Since I'm an avid fan of Kipling, madalas akong tumingin dun sa branch na yun since yung lang yung SM na malapit lapit samin. I bought 4 pa nga dun sa branch (on different occasions) na yun. I have 13 pero yung iba SM Mega and MoA ko nabili. Eh syempre madalas ako bumisita dun pag nagma-mall ako. Tapos medyo nakilala ko yung isang SA dun. Kilala ko sya sa mukha kasi matagal na ako pumupunta dun eh (Since 2008-2010) so talagang pati ako maalala nya mukha ko. Tumitingin lang ako and mostly kasi yung ibang type ko walang color na available whereas sa Mega/MoA meron so the tendency is dun ako bumibili. Eh naalala ko nung nabili ko yung 4 bags na yun sa The Block napansin ko wala yung girl na yun dun. Or siguro once lang na andun sya nung bumili ako.

Then recently lang, nakita ko yung type kong kipling bag sa dept. store dala ng girl, eh favorite color ko pa naman yun and I was thinking of buying a bag nalang as a gift for my self, ayun we headed to Kipling sa The Block, I was hoping may discount sya para mabili ko na kahit ibang color pa, tapos ayun medyo nagtaas, tapos wala din yung color na gusto ko.. Tapos di ko sinasadya napatingin ako and andun pala sya sa may counter. Ang sama sama ng tingin sakin. Parang yung look na "Why you're here you're not going to buy anyway" look. Grabe talaga. Kaya sabi ko nalang, "Ah ok" then we headed out of the shop na. Tapos, worse, narinig ko nagsalita sya, "kilala ko na yan eh. di naman bibili yan" Grabe, kung may confident lang akong bumalik sa boutique na yun, aawayin ko talaga sya.  >:(

Since hindi pa ako sanay sa ganitong incident, nag report nalang ako sa manager nila through email. Pasalamat nalang kabisado ko na ichura nya. Mabilis naman nag respond yung manager, nag apologize. Pero nag promise ako na I will never ever go back to that shop. At hindi na din ako bibili dun.

Grabe, up to now, di ko pa rin makalimutan yun.  >:(

gilenn

  • Guest
Re: Irritating SAs & Other bad shopping experiences
« Reply #77 on: April 20, 2010, 10:56:21 pm »
^ grabeh sis when SA attack you like that. dapat nga accomodating sila sa customers kaso ang nangyayari they drive away the customers.

Antigone

  • Guest
Re: Irritating SAs & Other bad shopping experiences
« Reply #78 on: April 21, 2010, 08:40:49 am »
Hay nakakaasar naman experiences ninyo mga sis. Kaya ako, madalas ko nirereklamo kapag may SA na ganun. Yun nga lang minsan, nakakalimutan ko na pag walang time at nagmamadali ako.

Yung last ko na ganyan, sa Maybelline Philippines. Nireklamo ko talaga kasi yung Beauty Adviser sa Shangrila supermarket, walang manners.

gilenn

  • Guest
Re: Irritating SAs & Other bad shopping experiences
« Reply #79 on: April 21, 2010, 09:17:32 am »
^^ oo nga buti pa mga guards very friendly, yun iba lang hindi lahat. iba kaseng SA parang bwisit sa ginagawa nila. naalala ko tuloy hubby ko. I forgot what he was looking for, gadget yata, that time sobrang casual lang talaga ng suot niya. he was looking for assistance but nobody seems to notice hanggang sa meh lumapit na SA sa kanya, he said she was looking at him na parang head to toe. high blood hubby ko kase he was judged sa suot niya. ayun syempre kahit interesado si hubby bumili napa-walk out ng store.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close