generally, i like the SAs at rustan's kasi maasikaso sila, lalo na yung SA ng melissa at yung mga SAs sa kids clothes section.
but i've had one not so nice experience at jill in rustan's makati. simple lang naman, hawak ko yugn isang blouse, sabi ko patingin ng size XL. matanda na yung SA at parang tinatamad siya pero pumunta sa stockroom para kumuha ng stock. pagbalik, mali na yung style, mali pa yung size tapos parang ayaw niya na bumalik sa stockroom para kumuha ng tamang item. umalis na lang ako.
sa apple & eve sa galleria naman, there was this SA attending to a customer standing beside me. humingi ng size yung customer, sabi ng SA, ma'am di kasya sa inyo yan. iniwan ko na sila, nagtingin-tingin pa ako around the store.
medyo madami na din akong pieces from apple & eve kasi maganda yung fit sakin ng XXL nila. i was holding on to a few pieces na that i wanted to try on tapos nakita ko na this dress i had came in another color pala so i asked for my size. di ko napansin na yung napaghingian ko pala was the same SA na kausap nung customer sa tabi ko earlier. aba, ang sagot sakin pareho ng sagot niya don sa isa - di kasya yan sa inyo ma'am.
eh meron akong ganon eh, ibang kulay lang, so alam ko kasya sakin yon pero nagi-insist siya na di daw kasya. nagalit ako sa kanya, sabi ko ayaw niya ba makabenta kasi lahat ng tao sinasabihan niya hindi kasya yung mga damit nila etc etc. tapos sabi niya ich-check daw niya kung may size XXL pa. sabi ko never mind tapos nilaglag ko sa floor lahat yung hawak kong damit at umalis ako.
but the SAs at apple & eve are are nice naman, very attentive and matiyaga. pero siguro kasi namumukhaan na nila ako kasi madalas ako pumunta don.
i also generally like the SAs at m&s, la senza, nine west, janylin, dorothy perkins, kate spade, gucci, lv, mix, powerbooks, fully booked, and madami pang iba.
i noticed though that if i'm carrying a designer, mas attentive ang mga SAs kesa pag naka generic bag ako. and mas attentive din sila pag madami na akong bitbit na pinamili kesa pag wala.