watch now

Author Topic: MERGED: My dog is sick :( help!  (Read 348502 times)

abuanddiego

  • Guest
Re: MERGED: My dog is sick :( help!
« Reply #540 on: February 16, 2014, 04:07:36 pm »
pink_sugar, im so sorry sis :'(  :'( :'(

Pink_Sugar

  • Guest
Re: MERGED: My dog is sick :( help!
« Reply #541 on: February 16, 2014, 06:01:06 pm »
Thank you mga sis, hanggang ngayon ang weird ng feeling ko na wala na pala sya sa buhay namin, parang iniisip ko na andyan lang sya pero wala na pala talaga sya pag tinawag ko sya... Sa lahat kasi ng aso namin sa bahay sya ang pinaka attentive kapag tinawag eh lapit agad at yung ramdam na ramdam ko na masaya sya kapag nakikita nya ako na dadaan o uupo malapit sa place nya. Hindi talaga ako makapaniwala, parang kelangan pa ng may sumampal sa akin para maliwanagan ako... Na wala na talaga ang alaga ko.

almostalice

  • Guest
Re: MERGED: My dog is sick :( help!
« Reply #542 on: February 16, 2014, 09:21:55 pm »
Thank you mga sis, hanggang ngayon ang weird ng feeling ko na wala na pala sya sa buhay namin, parang iniisip ko na andyan lang sya pero wala na pala talaga sya pag tinawag ko sya... Sa lahat kasi ng aso namin sa bahay sya ang pinaka attentive kapag tinawag eh lapit agad at yung ramdam na ramdam ko na masaya sya kapag nakikita nya ako na dadaan o uupo malapit sa place nya. Hindi talaga ako makapaniwala, parang kelangan pa ng may sumampal sa akin para maliwanagan ako... Na wala na talaga ang alaga ko.

:( Nakakalungkot naman yan sis. For sure nalungkot din yung iba niyong aso na nawala si Nikita. I-comfort niyo yung mga aso niyo na iba. Ganyan kasi nangyari samin nung namatay yung old dog namin si Dalaginding. Yung playmate niya na si Kulit. Tumamlay at nagkasakit din :(

rinapie

  • Guest
Re: MERGED: My dog is sick :( help!
« Reply #543 on: February 17, 2014, 10:56:17 am »
so sorry Pink_sugar...

dr.smile, how's your dog? lumalaban yung aso mo ah..so far seizures na lang ba yung symptom ng distemper?

dr.smile

  • Guest
Re: MERGED: My dog is sick :( help!
« Reply #544 on: February 17, 2014, 02:21:20 pm »
@pink_sugar, im sorry for your loss..

@rinapie, sis naka phenobarb sya ngyon so far d pa nageseizure ulit. Sabi ng doc she cnt take it for long kc kawawa ang liver nya. 7days lang.  We noticed malaki [textspeak!] tyan nya, need mag take ng blood test to see kung mayproblem, she cries herself to sleep for the past 2 days siguro masakit ang tyan.. Binigyan ulit ng antibiotics and pain meds.. She eats well, fairly active naman..

rinapie

  • Guest
Re: MERGED: My dog is sick :( help!
« Reply #545 on: February 17, 2014, 02:50:31 pm »
^kung hindi na nag seizure ulit, good. sana tuloy tuloy lang. paano siya matulog? kung nakadapa lagi, malamang masakit nga tyan niya. sana wala namang seryoso.

shshshsh

  • Guest
Re: MERGED: My dog is sick :( help!
« Reply #546 on: February 20, 2014, 11:47:01 am »
Yung doggie namin na nahawa namatay din. :'( di niya kinaya ang distemper. Pero yung unang nagkasakit okay okay na siya nakakalakad na ng matuwid pero medyo tabingi eh. Tapos parang naapektohan ata isip niya eh. She seems different. Pag tinatawag namin hindi na siya lumilingon. tapos isa na lang facial expression niya. Sana bumalik siya unti unti eventually.

Kaialan ba lalabas yung symptom na seizure sa distemper? kasi parang wala ko napansin na ganon sa aso namin pero ok ok na siya ngayon nakaktayo na. I'm worried kasi eh baka kung kelan complacent na kami biglang lumabas na lang yung symptom na yun. 20days na since na diagnose siya na may distemper. Tapos na din antibiotics niya puro na lang vitamins ngayon.
 
Pink_Sugar: My condolences sis.


rinapie

  • Guest
Re: MERGED: My dog is sick :( help!
« Reply #547 on: February 20, 2014, 01:05:57 pm »
^dog ko din, hindi umabot sa neurological symptom. sana na-overcome talaga ng katawan nila yung virus at hindi na umabot sa nervous system. alagaan ninyo lang...baka medyo matagal lang recovery niya, baka too weak or nagco-conserve lang ng energy kaya hindi masyado naggagalaw.

so, either na-over come nga ng katawan or nakatago or dormat lang yung virus. may nabasa ako na yung neurological symptoms lumalabas 3 weeks to 6 months after mawala yung respiratory signs. hindi naman lahat nag si-seizure. meron na twitching lang ng leg or head bob, yung iba paralyzed, depende kung paano naapektuhan yung nervous system. iba-iba din kung kailan talaga lalabas yung neurological symptom, yung iba halos sabay-sabay, meron na after maging okay, biglang magsi-seizure.

dr.smile

  • Guest
Re: MERGED: My dog is sick :( help!
« Reply #548 on: February 20, 2014, 09:08:47 pm »
@rinapie. Sis. Pag nakadapa yes masakit siguro tyan.. Mas matagal sya umiyak ngayon.. Im starting to taper anti seizure meds, sana d na ulit magseizure.

@shshshsh. Hopefully d mag progress to seizures yung pet mo kc nakakaawa talaga sila. Minsan habang inaatake nagpoop din oo umiihi ng involuntary..



rinapie

  • Guest
Re: MERGED: My dog is sick :( help!
« Reply #549 on: February 21, 2014, 10:40:56 am »
^nag diarrhea pa ba? napa blood chem na ba ulit? yung dog ko kasi nung may sakit naka dapa lang lagi and maririnig na kumukulo yung tyan niya.

hindi ko pa rin napapa-check ulit yung dog ko pero one month nang distemper symptom free. bilugan na ulit yung katawan pero yung head and legs niya medyo mabuto pa rin. sana maging maayos na ang mga aso natin.

dr.smile

  • Guest
Re: MERGED: My dog is sick :( help!
« Reply #550 on: February 21, 2014, 04:45:00 pm »
Wala na syang diarrhea sis.. Pero mas grabe ang iyak nya ngayon :( last night d kme nakatulog halos. Im confused if i should give her iterax since naka phenobarb sya. Prescribed ng isang vet, but i asked [textspeak!] vet nya sa VIP he said dont give it..

argento

  • Guest
Re: MERGED: My dog is sick :( help!
« Reply #551 on: February 22, 2014, 12:25:07 am »
^i think your dog is in pain kaya umiiyak.

i've lost some dogs before and mahirap talaga. lalo na pag tumagal sa yo. i have a senior dog now at malabo na mga mata niya. dami na rin gray hairs sa face. i just wanna be there when the time comes

dr.smile

  • Guest
Re: MERGED: My dog is sick :( help!
« Reply #552 on: February 22, 2014, 01:56:05 pm »
She must be in pain :( i can see her legs gettin wobly and head twitching :(

shshshsh

  • Guest
Re: MERGED: My dog is sick :( help!
« Reply #553 on: February 22, 2014, 02:09:03 pm »
^katakot naman mag seizure. Sana nga wag na umabot sa point na ganon! Walang binigay na pain kilers like tramadol? Yan sana ibbigay ng vet s dog ko kaso buti di umabot sa point na umiiyak siya. Sinet narin naman expectation namin nun na pwedeng after few days iiyak yan sa sobrang sakit pero buti naman hindi diya nagkaganon at sana wag na.  Ask mo sis sa vet bakit ganon at ano magandang gawin.

sis rinapie: Sana nga maovercome nila yung virus! Medyo okay na talaga siya ngayon kasi tumatakbo takbo na siya kaso parang minsan parang spaced out pa rin siya tsaka medyo mayproblem sa pag balance ng katawan niya. Sabi ng vet kapag nasa recovery period na,nangyayari pa din na lumalabas yung neurological symptom pero very rare daw yun but it happens but super rare daw. At sana wag naman na talaga!

dr.smile

  • Guest
Re: MERGED: My dog is sick :( help!
« Reply #554 on: February 23, 2014, 02:25:52 am »
Shshshsh. I think almost the same time na diagnose pets natin. Mine was diagnosed on jan 30.. Kamusta na doggie mo?


shshshsh

  • Guest
Re: MERGED: My dog is sick :( help!
« Reply #555 on: February 24, 2014, 12:50:48 am »
^sis jan.30 din kami nag pa check-up. Okay naman na siya. Before kasi di talaga siya nakakalakad as in bed ridden nagkabed sore pa nga siya eh kasi walang nkkapagturn sakanya. Pero ngayon nakakalakad na siya kaso parang nagaaral pa din maglakad parang bata. Tas naghheal na din yung bed sore niya. Pero yun nga lang di na siya masyado nagrrespond pag tinatawag namin siya.
Actually nag negative siya nung tinest sa distemper pero kasi yung mga symptoms niya pang distemper talaga. Kaya tinreat siya as distemper kaya ganun mga gamot niya.

Sayo sis, how's your doggie na?? In pain pa din ba? Itawag mo kaya sa vet niya kasi kami sabi tawag daw kami pag umiiyak na because of pain so they can prescribe pain killers like tramadol.

dr.smile

  • Guest
Re: MERGED: My dog is sick :( help!
« Reply #556 on: February 25, 2014, 01:32:42 am »
Gabapentin prescribed sa kanya pero iyak pa din. Im also noticing shes getting weaker.. How bad did ur pet get? Nakakain ba sya? Its so difficult. Medyo draining and heartbreaking..

shshshsh

  • Guest
Re: MERGED: My dog is sick :( help!
« Reply #557 on: February 25, 2014, 06:58:35 am »
^sobra sis! lagi ako late sa work niyan and nakakapagod din siya talaga!
sis ihiga mo siya sa kuchon basta something na malambot kasi kami may extra kuchon kami tapos dun namin siya pinahiga. para malambot di siya masaktan. Kasi bed ridden na siya eh. Di na siya makalakad kasi masakit legs niya tas pagkain niya sini-syringe ko na lang may prescribed diet kasi siya high protein dapat, de lata yun binili namin sa vet.  Or nagbblender kami ng liver kasi high in protein din yun. Tas tiis lang sa pagpapakain minsan ayaw pa lunukin yung sinusubo mo maski liquid na pero tiis pa din at tiyaga sa pagpapakain kasi ang mahalaga daw eh yung kumakain siya.

Nako dr. smile akala namin di na niya kakayanin kaya 3days after check-up niya pumunta na ko sa vet we decided kasi na ipa euthanasia na lang kasi nga we know she's in pain pero di naman yung umiiyak na. Tapos buti na lang wala dun yung vet balik na lang daw ako then when I got home much better na yung doggie namin. Kaya inalagaan na lang namin. nagkabedsore yun sa shoulders niya both sides ah. Ganun lumala condition niya.

almostalice

  • Guest
Re: MERGED: My dog is sick :( help!
« Reply #558 on: February 25, 2014, 02:54:03 pm »
^ Mabuti nalang sis wala yung vet nung nagpunta ka. Blessing in disguise nga yon.

Meron akong nabasa sa tumblr na everytime gusto ko mag give up (di lang about sa pet) naiisip ko and i-share ko sainyo baka magwork din sainyo :)

Never give up. Miracles happen everyday  ;)

shshshsh

  • Guest
Re: MERGED: My dog is sick :( help!
« Reply #559 on: February 26, 2014, 05:06:43 am »
^ Oo sis! Binilin ko na lang sa assistant na ganun gusto namin mangayari then when I got home okay na yung pag hinga niya. Before kasi parang hirap siya huminga eh. tas medyo lumakas na kumain. Kaya napaisip ako din nun nung pag uwi ko nakita ko siyang ganon, blessing in disguise nga. Lumalaban siya so yun we took care of her na lang ng sobra kahit mahirap

Tama ka diyan. NEVER GIVE UP! mahirap lang talaga. Just have faith! :))

 

Latest Stories

Load More Stories
Close