halos same lang daw ang shedding stage ng distemper and parvo virus. kahit makasurvive nakakahawa pa rin sila within 2-6months. pwede yan makuha sa poop, wiwi, airborne, or pag nagsneeze yung dog, saliva, or via contact gaya nung sa damit, shoes or pag may hinawakan kang infected dog. So wag tayo basta-basta hahawak ng dogs sa clinics, grooming centers, malls, neighborhood. always disinfect at paguwi sa bahay practice safety precautions.
I treat my dogs as my own kids. Lalo na dun sa nainfect, super ingat ako sa kanya kasi dream dog ko sya eh, nagiisa pa lang din sya nun kaya babyng baby ko. lagi kami magkasama, pinagluluto ko, karga, kiss, hug lagi. toothbrush, groom, basta lahat na ng pwedeng gawin ginawa ko. hindi ko rin nilalabas kasi nga ingat na ingat ako pero ayun nahawa pa rin. Dun ko narealize na wala talagang safe sa sakit na to, kung may chance ang virus, kakapit talaga sya sa host. Wala ako masyadong nabalitaan na nainfect sa neighborhood during that time but after some months ayun may nagkwento sakin na nagkasakit daw dog nya pero nakasurvive din.
Actually parang hopeless na mapuksa yung virus kahit super ingat natin kasi vaccines are not 100% guaranteed naman. nakakapraning talaga pag may outbreak pero nandyan na yan, all we can do is make them fight the virus. that's why I'm always stressing on giving the right diet and care kasi ito ang defense nila if ever magkasakit. Kung healthy ang dog, mas mataas ang chance for survival.
with regards to behavior and learning, wala naman akong napansing kakaiba. matakaw pa rin yung alaga ko and aside from the usual commands like sit and down, naturuan ko din sya ng high-five, shake, spin. food ang naging motivation nya. but i can't say too much on this kasi hindi considered easily trainable ang bulldogs, stubborn sila pero obedient pag may hawak kang food. ang alam kong common problem is yung muscle twitchings especially sa legs and chewing gum fit, ito daw yung matagal bago mawala e. pero lahat naman nakukuha sa tyaga and treats, i think kahit maapektuhan sila mentally and physically, kung aaraw-arawin ang training, matututo pa rin sila. treats and consistency lang katapat nyan.
basta whatever happens, do your best para no regrets. wag kayo basta-basta susuko, our dogs' love and loyalty is eternal and unmatched, they deserve to get the same from us
