watch now

Author Topic: MERGED: My dog is sick :( help!  (Read 348670 times)

twelve5

  • Guest
Re: MERGED: My dog is sick :( help!
« Reply #400 on: April 19, 2013, 01:04:24 am »
^ sana nga tuloy-tuloy na pag galing nya. =)

bleucharmz22

  • Guest
Re: MERGED: My dog is sick :( help!
« Reply #401 on: April 24, 2013, 01:07:11 pm »
mga sis, ano usually ang causes ng pagsusuka at pagLBM ng dogs?

minnie99

  • Guest
Re: MERGED: My dog is sick :( help!
« Reply #402 on: April 24, 2013, 01:27:01 pm »
^dinala niyo na ba sa vet? hindi ko alam causes pero kung nagsusuka AT nagLBM ang dog I think dapat dalhin ito sa vet. lethargic ba siya o masigla naman?

bleucharmz22

  • Guest
Re: MERGED: My dog is sick :( help!
« Reply #403 on: April 24, 2013, 01:36:04 pm »
di pa namin nadala sa vet sis. masigla naman sya...may times lang na parang pagod sya or baka dahil sa sobrang laro. 3 days pa lang siya sa amin. 2 months old. tapos ibiniyahe na namin siya from qc to makati. naisip ko baka napagod sa biyahe. pagkarating kasi namin pinakain namin siya pero after a while isinuka rin niya. yellowish yung poopoo niya and watery.


abuanddiego

  • Guest
Re: MERGED: My dog is sick :( help!
« Reply #404 on: April 24, 2013, 01:47:36 pm »
^ilang beses na sya nagsuka/poop? baka nabigla yan, keep in mind na bawal uminom at kumain before and after a trip. before the trip at least 4hours, pagdating rest muna for an hour bago magbigay ng water and food. give him dextrose powder or sugar, add nyo sa water nya to avoid dehydration. observe nyo mabuti, kung magtuloy pa yan pacheck nyo na sa vet

minnie99

  • Guest
Re: MERGED: My dog is sick :( help!
« Reply #405 on: April 24, 2013, 02:22:57 pm »
also, nakita mo ba yung place nung breeder? baka mamaya galing doon pala ang sakit. Pa-checkup niyo na rin sa vet para sure, and para maadvise din kayo kung ano magandang food na ibigay sa kanya.

Baka naman naninibago lang din sa food, binago niyo ba from the breeder?

bleucharmz22

  • Guest
Re: MERGED: My dog is sick :( help!
« Reply #406 on: April 24, 2013, 03:33:17 pm »
@abuanddiego sis, siguro mga 3x na. minsan naman may buo sa poop nya. nung pagkauwi namin pinakain namin siya un [textspeak!] nagsuka siya, tapos kinagabihan parang masama na yung timpla ng tiyan niya, nag LBM siya. kahapon whole day di naman siya nagsuka. pero watery pa rin poop niya. nung paggising ko lang ng umaga nakita ko nagsuka ulit.
 
@minnie99, di na namin na-meet ang breeder. sabi lang nung pinagbilhan namin yung food na binibigay nila ay mix ng dog food saka kanin.

rinapie

  • Guest
Re: MERGED: My dog is sick :( help!
« Reply #407 on: April 24, 2013, 04:04:20 pm »
^hm...baka naman iba yung dog food na pinakain ninyo sa dog food na binibigay nung breeder kaya nasira yung tyan. gaya nang sabi ni sis abuandiego, painumin ng water with sugar para di ma dehydrate. hmm...try ninyo muna kaya na rice lang muna? usually kasi kapag nasisira yung tyan, rice and boiled chicken lang pinakakain ko kaso puppy pa yan kaya di ko alam kung paano yan.

bleucharmz22

  • Guest
Re: MERGED: My dog is sick :( help!
« Reply #408 on: April 24, 2013, 04:37:57 pm »
^thank you sis. will try yung water with sugar. sana umokey na siya

abuanddiego

  • Guest
Re: MERGED: My dog is sick :( help!
« Reply #409 on: April 24, 2013, 05:42:29 pm »
^yung suka nya anong itsura? kung di pa rin sya umokay dalin nyo na sa vet baka kasi manghina, mahirap na. pwede ka rin magdala ng sample ng poop para maexamine. baka may worms din sya, nadeworm na daw ba? pero wag nyo idedeworm until sumigla at magnormalize ang poop.

ano ba yung pinakain nyo sa kanya? baka pwede nyong tanungin sa binilhin para di maupset ang tummy. yung rice and boiled chicken meat okay naman ibigay kahit anong age.

bleucharmz22

  • Guest
Re: MERGED: My dog is sick :( help!
« Reply #410 on: April 24, 2013, 06:19:43 pm »
^sis, buo naman yung suka niya...yung dog food na binili namin sinuka niya. naisip ko nga baka dahil sa worms, mejo malaki din kasi yung tiyan niya. masigla naman siya at malikot, will try the boiled chicken also baka mas okay.

mahirap din pala mag alaga ng dog especially kapag first timer, pero very rewarding. nakakatanggal ng pagod kapag nakikita mong excited siya kapag dumarating ka.

abuanddiego

  • Guest
Re: MERGED: My dog is sick :( help!
« Reply #411 on: April 24, 2013, 10:14:56 pm »
^baka nabigla sa byahe at food. wala naman syang fever? wait nyo muna umokay ang poop at mawala ang pagsusuka b4 magdeworm.

oo mahirap talaga at nakakainis din minsan haha pero as long as andyan ang passion, di ka magsasawa mag-alaga. sa umpisa mas mahirap kasi nangangapa ka pa and puro trial and error, pero once malaman mo na kung san sya hiyang madali na yan ;)

minnie99

  • Guest
Re: MERGED: My dog is sick :( help!
« Reply #412 on: April 25, 2013, 08:40:13 am »
^^sana umokay na yung puppy mo sis!

alala ko, 3 weeks na samin yung new puppy namin (shih tzu). nung una alalang alala ako kasi 3 months na siya nung dumating samin, nagworry ako na baka mahirapan na siya mag adjust (kaya kasi advisable na 8 weeks i-rehome ang puppy kasi yun ang age kung kailan curious siya sa environment). Pero ayun, pagkadating na pagkadating pa lang, at home na siya, wala kaming naging problem sa health nya (lol).

So sana nasa adjusting phase pa lang yung puppy mo. Good luck sa pet-parenthood :)

ms.messed_up*

  • Guest
Re: MERGED: My dog is sick :( help!
« Reply #413 on: April 26, 2013, 09:57:54 am »
hello sisses. i forgot to post an update here. Ok na yung doggy ko, check up lang ng vet, then 24hr observation. pagbalik dito sa amin sobrang bibo na ulit parang walang nangyari. nagpaalaga lang. LOL
TLC lang ang katapat niya! ahahaha

thanks again! ;)

bleucharmz22

  • Guest
Re: MERGED: My dog is sick :( help!
« Reply #414 on: April 26, 2013, 10:05:58 am »
mga sis, ok na puppy namin. di na watery yung stool nya at di na rin nagsusuka. baka nga naninibago lang sa environment, pero pa-check up pa rin namin bukas baka need pa rin i-deworm.

thanks sa help mga sis!

angeLven

  • Guest
Re: MERGED: My dog is sick :( help!
« Reply #415 on: June 17, 2013, 10:46:38 am »
anybody here na naexperience na ng baby nila na magkaCherry Eye? ano mga ginawa nyo? thanks in advance mga sis

abuanddiego

  • Guest
Re: MERGED: My dog is sick :( help!
« Reply #416 on: June 17, 2013, 08:16:07 pm »
^sis here are some helpful links:
http://canidaepetfood.blogspot.com/2010/06/what-causes-cherry-eye-in-dogs-and-how.html
http://healthypets.mercola.com/sites/healthypets/archive/2011/01/04/how-to-recognize-and-treat-cherry-eye-in-your-dog.aspx
http://www.zimfamilycockers.com/CherryEye.html
http://selfhelpdogtraining.com/wordpress/?p=153

ilang mos na ba sya? ask mo ang vet baka makuha pa sa meds, pero pag hindi na, surgery na talaga kailangan. di naman daw kailangan alisin yung buong eyelid, parang ipupush/tuck lang para bumalik sa normal.

angeLven

  • Guest
Re: MERGED: My dog is sick :( help!
« Reply #417 on: June 17, 2013, 10:17:58 pm »
Thanks sis!

yung 4 month old beagle ko, sya din sis yung nagkaworms. napapansin ko kapag ma out of town trip ako at hindi ko sya kasama ayung nagkakadiperensya sya.

nabasa ko nga din na hindi dapat tanggalin buong 3rd eyelid kaya i wanted to ask the vet. tatanggalin lang daw yung part na may cherry eye tapos ibabalik sa dati at tatahiin para maiwasan ng "lumabas" although may 20% chance pa rin daw na bumalik. almost 1 week na yung cherry eye nya , june 12 nila napansin. naisip ko baka nasobrahan sa laro nung lab mix namin kasi pagbuka ng bibig nya sakmal na agad buong mukha ni radley e. nilalagyan nila ng Eye Wash, mukhang lumiit naman daw compared sa dati pero ipapasurgery ko na sya bukas, sabay na neuter para 1 anesthesia-han na lang.

here is how his eye looks like:
https://www.facebook.com/photo.php?fbid=10151637278458187&l=98e4b8c02d

abuanddiego

  • Guest
Re: MERGED: My dog is sick :( help!
« Reply #418 on: June 17, 2013, 11:04:02 pm »
^compared sa mga nakita ko, milder yung sa inyo. i have a feeling na baka nga rough play ang dahilan ng cherry eye nya. meron din akong nabasa about bulldogs naman at sabi ng owners, sa paglalaro din nagsimula yung prolapse. good thing di naman sya ganun kadelikado, dapat lang maagapan to avoid infection.

note lang on neutering, sa latest na nabasa ko, hindi nila inaadvice ang early neutering (puppy stage) kasi mataas yung chance na hindi magfully develop ang body nila kasi nga tatanggalin agad ang hormones responsible for alot development. go with the eyelid surgery muna para di rin ganun kastressful sa kanya, wait nyo sya maging adult (around 2yrs) bago magpaneuter. Hinahanap ko yung link about this, di ko matandaan kung nasa bookmarks ko, post ko pag nakita ko.

twelve5

  • Guest
Re: MERGED: My dog is sick :( help!
« Reply #419 on: June 18, 2013, 02:34:04 am »
^ sis abu, baka ito yung article about neutering ?

http://www.dogsnaturallymagazine.com/your-dog-needs-to-be-spayed-or-neutered-right/


angeLven, if i were you, i'll seek a 2nd opinion. something invasive like surgery and with risks and permanent effects would warrant it, imo lang ha. and im with sis abu on NOT having 2 procedures at once.. but should you opt to, please discuss with your vet the + and -. i hope your doggie gets well soon.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close