watch now

Author Topic: MERGED: My dog is sick :( help!  (Read 348878 times)

abuanddiego

  • Guest
Re: MERGED: My dog is sick :( help!
« Reply #380 on: April 11, 2013, 04:57:41 pm »
hanson, zonrox is really toxic to dogs, I've read na merong chemical na sobrang masama sa lungs nila pero di ako sure kung didirecho sa kidneys. Nagblood and urine test kayo? Meron daw bang stones or infection lang? what are you feeding him? I'm also thinking na baka food ang dahilan and not the zonrox alone. Ano ang gamot na binigay? Perhaps you can make meals for him, bland diet lang like chicken or pork meat with some rice, minsan a change in the diet can help in clearing the toxins. Give him supplements for faster recovery.

msmessedup, madalas ba yung pagubo nya? if madalas baka kennel cough nga yan. pero nung nagkaron mga alaga ko, walang lumalabas, dry cough siya. pwede ring stress sa weather, bring him to vet na kasi manghihina sya pag di kumakain.

hanson15

  • Guest
Re: MERGED: My dog is sick :( help!
« Reply #381 on: April 11, 2013, 05:02:38 pm »
yung amoy zonrox yung moist nun dumadaan sa liver at sinasala sa kidney. Hindi kami nagpa blood test kasi mahal din 1k. Plus nagsusuka aso namin pag dinala dun papunta. Tapos pag inuwi nagsusuka ulit.

May binigay na food diet talaga for kidney hinahalo namin sa rice yung ulam plus gamot. Under observation pa siya. mga 1 month na ganun. So far may improvement naman siya pero mahina pa rin. Pero unlike the other day na walang gana kumain. May pinapainom na gamot na ihi siya ng ihi. Tapos yun nga less salt siya. Sana gumaling na dog ko para happy na ulit. will update you sis :) Thanks po

abuanddiego

  • Guest
Re: MERGED: My dog is sick :( help!
« Reply #382 on: April 11, 2013, 05:36:57 pm »
^mas maganda kung kuhanan ng blood at urine sample para malaman ang tunay na condition ng kidney. May point yung zonrox to lungs to liver then kidney, pero pwedeng may iba pang dahilan. At kung hindi nyo madetect ngayon, maraming pwedeng mangyare. parang ang mahal masyado ng 1k para sa blood test, samin nasa 600 lang pero complete blood analysis na. Try nyo UP vet, mura services nila.

Prescription diets ba binigay yung nasa can?

rinapie

  • Guest
Re: MERGED: My dog is sick :( help!
« Reply #383 on: April 11, 2013, 05:38:45 pm »
^^hmm... medyo duda ako kung hindi napa-blood test. at medyo mahal nga ah..sa vet ko 600 lang, baka may mas mura pa. anyway, sana pa-blood test niyo din. yun kasi ang alam ko na mas makaka-identify kung saan nagkakaproblema.

anyway, change diet mo nga and siguro check mo din water intake niya. nakaka-apekto din kasi kung konti lang sila uminom.

abuanddiego

  • Guest
Re: MERGED: My dog is sick :( help!
« Reply #384 on: April 11, 2013, 06:20:39 pm »
oo nga eh speculations pa lang kasi yung sa zonrox, hindi natin masasabing yun nga ang dahilan until walang proof. don't worry sis hanson, marami kayong makikita sa blood test, masasabi nya ang tunay na condition/problem ng dog nyo so wag kayo manghinayang sa fee. actually dapat yearly daw yan ginagawa para maagapan ang mga sakit nila

ms.messed_up*

  • Guest
Re: MERGED: My dog is sick :( help!
« Reply #385 on: April 11, 2013, 08:01:28 pm »
abuanddiego and minnie99 thanks for the replies!

well be visiting a vet tomorrow.. sure na kasi yung kennel cough aaand ngayon,few mins ago lang nakita ng sister ko na may genital sores with pus na, and may discharge na yung genitals. susko na stress na ako!  all the symptoms i googled em, and its canine herpes! 
nakakatawa pero mas nabadtrip ako. ang landi kasi..LOL
nakakalabas kasi eto ng bahay.
kaya bukas super mag disinfect ako, kawawa naman kung mahawa yung pup. :(

abuanddiego

  • Guest
Re: MERGED: My dog is sick :( help!
« Reply #386 on: April 11, 2013, 11:32:05 pm »
^walang anuman sis. Nabasa ko na isa sa symptoms ng CHV ang kennel cough, kaya siguro sya inuubo. get well soon sa alaga mo, update mo lang kami

twelve5

  • Guest
Re: MERGED: My dog is sick :( help!
« Reply #387 on: April 12, 2013, 05:15:19 am »
hanson15, were you able to ask the vet kung anong safe na pang linis pwede gamitin?


hanson15

  • Guest
Re: MERGED: My dog is sick :( help!
« Reply #388 on: April 12, 2013, 11:12:52 am »
ang advice niya is yung ginamit na sabon sa pangalaba. kahit yun daw ang ibuhos ok daw yun. Tapos maraming bawal sa dog ko na kainin. For one month yung medicine niya. Sabi kasi ng doctor sigurado daw siya na yun ang sakit eh kidney. Tinanong niya kung mataba ba dati yung dog namin. Sabi namin oo.

Kinukulit ko mom ko about sa blood extraction ayaw niya pumayag. Kasi raw may improvement naman daw yung dog namin kahit papano. Eh syempre bilang amo gusto ko magaling na kagad. 1month na gamutan siya. So far hindi naman siya nawawalan ng gana kumain. Usually sa umaga alive siya saka gabi before kumain. Tapos after na niya kumain matamlay ulit.

twelve5

  • Guest
Re: MERGED: My dog is sick :( help!
« Reply #389 on: April 12, 2013, 04:01:31 pm »
^ hanson15, anong meds and diet ang prescribed- nefrotec + antacid, and  low phosphorus diet?

mas ok sana kung magpa blood test sya para alam nyo ang level ng creatinine nya now... and then another blood test after 1 month, para alam nyo talaga if working yung meds and diet nya, or need to tweak pa.


abuanddiego

  • Guest
Re: MERGED: My dog is sick :( help!
« Reply #390 on: April 13, 2013, 03:36:30 am »
sis twelve, may nakita akong page sa fb about kidney diet check mo baka makatulong sa inyo: http://www.facebook.com/K9kidneydiet?fref=ts

hanson, usually a series of bloodtests nga ang kailangan para malaman kung effective yung treatment. Yun lang talaga ang way para makita natin ang condition ng organs nila. May mga dogs kasi na sobrang fighter, mukhang walang sakit pero deep inside may problema, built kasi ang dogs to be survivors kaya madalas late na lumalabas ang symptoms, usually pag grabe na yung damage. So mas mabuti talaga kung maaga madedetect yung sakit nila.

Don't worry sis, dumaan din kami sa ganito, pero yung sakin sa liver naman. Nung second exam, medyo umokay na daw pero need pa rin ituloy yung mga supplements. Hindi kasi common ang blood testing sa dogs kaya ang weird ng feeling pag ito ang topic. Dadating pa dyan yung point na magsasawa ka kakapainom ng meds lalo kung madami at mahirap painumin. tapos kabado ka lagi pag blood exam. Pero mas matimbang pa rin yung hope na gumaling sila kaya kahit ano gagawin natin.

Hmm, kampante naman ata masyado yung vet para sabihin na sigurado syang kidney ang problema kahit wala syang test na ginawa. Kung ako makarinig nyan, lilipat ako ng vet lol. Do we still have to remind him/her that veterinary medicine is part of science, at kailangan ng process to come up with a conlusion and solution? Che, di sila basta pwedeng magassume lalo na't di naman nakakapagsalita pasyente nila, eh pano kung mali diagnosis nya at mas lalong makasama? Naku, naalala ko sabi nga pala ni Doc wala daw vet malpractice satin, so wala tayong habol :'( Ah basta, they should all be competent enough since malaking part ng buhay ng mga alaga natin ang nakasalalay sa kanila. Lol! Sorry kung mukhang mataray nako, madali lang talaga ako magreact ;D Sa haba ng sinabi ang point ko talaga is, try nyo humingi ng second opinion haha! saan loc. nyo sis?

twelve5

  • Guest
Re: MERGED: My dog is sick :( help!
« Reply #391 on: April 13, 2013, 08:09:44 am »
^ thanks, sis abu, for the link. that will be of great help.

for now "stable" naman condition ng mokong ko. the meds and low-phosphorus diet are working. nasa normal level na uli creatinine. last feb we were advised na hindi na kami monthly blood test. try daw namin quarterly nalang. so sa may na next punta sa vet.

so lesser trip to the vet = lesser gastos... BUT lesser peace of mind din sakin. baka kasi in 3 months madaming pwedeng mangyari. praning ako.  :'(

parang gusto ko monthly blood test nalang tutal sa gastos manhid na ako... meds, blood test, x-ray... sige lang!  ;D

thankful nalang ako that we caught it early. he didnt have any symptoms. active and macho nga sya. di mo talaga aakalain na may tama na pala sa kidneys... ang kulet kulet pa.  ;D






abuanddiego

  • Guest
Re: MERGED: My dog is sick :( help!
« Reply #392 on: April 13, 2013, 04:18:00 pm »
^okay lang naman to be praning, guilty din ako dyan hehe pero isipin mo din na baka mas okay na talaga sya ngayon at ito na siguro ang result ng lahat ng efforts mo. try your best to balance your feelings para di ka masyado mastress, this might be his way of saying "Thank you, I feel better now, hinga ka munang malalim and try to relax" ;) pag sinabi nya sayo yan, ayan maloka ka na talaga! haha!

Naranasan ko rin na magkaron ng dogs na mukhang okay naman then all of a sudden kinukuha ni Lord. Yan sa lahat yung kinakatakutan ko at ayoko ng mangyare ulit. Inborn na ata sakin ang pagiging praning pero sabi nga nila "Dogs do not care about the past nor the future, for they live at the moment." But despite the "I don't care attitude", they are the ones who can give the best unconditional love, parang ironic and very difficult to do pero ganun talaga sila. And this is one of the best values that we should all learn from them ;)

hanson15

  • Guest
Re: MERGED: My dog is sick :( help!
« Reply #393 on: April 13, 2013, 10:46:15 pm »
thanks sis @abu for that. Very helpful. Yung pag transport namin ng dog papunta sa vet hindi siya sanay sa sasakyan kaya nagsusuka. So ang choice ko is magpapunta ng doctor. Si mother ko ayaw niya magpapunta ng doctor since may improvement na raw 4 days na kasi since then. First day kumakain na siya. 2nd day nakain at nalibot pero matamlay pa rin. 3rd day natahol na raw pero isang beses ko lang narinig. 4th day dumami na tahol na beses mga 3 times na. Yung tamlay look nabawasan though medyo gloomy pa siya. Strict observation lang.

Sis @twelve kahit masigla at macho ang dog hindi malalaman na may tama ang kidney? Oh no iniisip ko nga ipa bloodtest after ng 30 days healing period ng dog ko. Medyo napapraning nga rin ako.

rinapie

  • Guest
Re: MERGED: My dog is sick :( help!
« Reply #394 on: April 15, 2013, 11:34:06 am »
dumating din ako sa point na manhid na ako sa gastos sa blood test, urine test, xray, skin scrape. hahaha! pero kapag naging okay na feel na feel ko naman yung ginhawa sa akin at sa alaga ko. nagkaroon ng kidney problem din aso ko dati. ngayon okay na pero recommended pa din nang vet na ituloy yung gamot, maintenance ba.

yes, kahit masigla ang alaga e healthy. usually, kapag humina na yan, ibig sabihin, malala na talaga. i believe ang recommended once a year pinaka annual exam nila is blood test.

minnie99

  • Guest
Re: MERGED: My dog is sick :( help!
« Reply #395 on: April 16, 2013, 09:34:32 am »
Tama sila sis, better to seek second opinion, pa-blood-test niyo sana siya. :( Or kung di talaga kaya, watch mo na lang siya mabuti sis ah.

Taga-saan ba kayo sis? Baka may marecommend kami na vet na malapit.

twelve5

  • Guest
Re: MERGED: My dog is sick :( help!
« Reply #396 on: April 18, 2013, 02:18:15 am »
hanson15, yup my dog did not show (and still does not show) any signs of kidneys problems. nakita lang talaga sa blood test. beyond the normal level yung creatinine nya. buti nga ngayon within normal level na. yun nga lang nasa high normal kaya we need to monitor consistently.

i dont want to scare you. pero normally the symptoms show pag mejo advance or late stage na yung kidney issues. im really praying thats its not the case with your dog.  sana nothing serious yung sa kanya and reversible pa.

blood work is really necessary maski 100% sure yung vet mo. kelangan kasi makita if what you're doing with his meds and diet are working.

hanson15

  • Guest
Re: MERGED: My dog is sick :( help!
« Reply #397 on: April 18, 2013, 03:14:40 pm »
papacheckup ko after 40 days ng treatment niya para makita ko yung status nung dog. So far back to normal na yung dog namin pero basa ang poopoo pero ok naman.  Thanks sis!

abuanddiego

  • Guest
Re: MERGED: My dog is sick :( help!
« Reply #398 on: April 18, 2013, 04:12:07 pm »
^ano yung mga meds na binigay? sana mapabloodtest nyo sya asap kasi matagal ang 40 days, maraming pwedeng mangyare. pano kung may iba pa palang issue na kailangan iaddress, 40 days pa yun maghihintay bago mapansin. prevention is always better than cure ;)

hanson15

  • Guest
Re: MERGED: My dog is sick :( help!
« Reply #399 on: April 18, 2013, 04:24:12 pm »
kidney tone na tablet. Bale hinahalo namin sa food niya yun. So far habang tumatagal nagigigng normal na siya since then. Ngayon normal na talaga siya.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close