watch now

Author Topic: MERGED: My dog is sick :( help!  (Read 348717 times)

sakura_hina

  • Guest
Re: MERGED: My dog is sick :( help!
« Reply #300 on: October 10, 2012, 09:11:55 pm »
hi mga sis!

Ask ko lang kung ano dapat gawin.

Yung labrador retriever  ko kasi, mga 8 months old, nagswallow ng pork skin kagabi.  Medyo malaki yung nalunon nya. 

Kaninang umaga yung stool niya sira. Liquid.  :'(

abuanddiego

  • Guest
Re: MERGED: My dog is sick :( help!
« Reply #301 on: October 11, 2012, 11:00:54 am »
nagcaucause talaga ng loose stools ang fat and skin or kahit anong bagong pagkain. actually maganda ang fats sa kanila as long as raw ibibigay, cooked ang masama for it can cause pancreatitis. Pero kung once lang naman nangyare hindi naman sila magkakasakit, usually ang nagkakasakit ay yung laging may cooked fats sa diet in large quantities.

siguro nabigla lang kaya nasira ang stool pero magiging okay rin yan sa susunod. pag diarrhea kasi walang tigil na liquid poop, pero kung once lang hindi naman ganun kaseryoso, pwedeng stomach upset lang. naulit pa ba yung liquidy poop nya or once lang nangyare? stick lang kayo sa usual diet nya at wag magbibigay ng kahit ano para mabuo ulit ang poop. Maganda rin ang boiled kalabasa for diarrhea and constipation, yogurt pwede rin.

sakura_hina

  • Guest
Re: MERGED: My dog is sick :( help!
« Reply #302 on: October 11, 2012, 09:26:23 pm »
^ thanks sis :)

medyo malambot pa rin poo poo niya kninang umaga. nag worry lang talaga ako.Naisip ko kasi baka hindi matunaw sa tiyan niya sa sobrang laki nang nalulunon niya .Kaya nahihirapan siya mag poo poo. First time lang yun nangyari (dahil sa kakulitan niya). Siguro observe ko muna din siya kasi, usually twice siya nag poo poo. Ngayon at kahapon once lang.



abuanddiego

  • Guest
Re: MERGED: My dog is sick :( help!
« Reply #303 on: October 12, 2012, 01:07:35 pm »
wag ka magalala sis, dogs are carnovires, kaya nila tunawin ang mga meat products even bones, actually mas hirap sila sa plant products kaya mapapansin mo pag binigyan mo ng kanin, veggies and fruits madami ang poop at nandon pa rin ang prutas at gulay. ano ba yung pork skin na nilunok, luto or hilaw? pag hindi kasi sanay sa ibat ibang food or sensitive ang tyan, mas matagal na malambot ang poop. pero kung masigla, may appetite, normal naman sya di naman ganun kaseryoso babalik din yan sa normal.

bugs

  • Guest
Re: MERGED: My dog is sick :( help!
« Reply #304 on: October 12, 2012, 04:17:39 pm »
dont worry,  sis.   yung rottweiler namin,   nakaswallow din dati yung dogbone na made of hide. cowhide ba yun?  malaking part din yun.  Yung buong buhol sa tip na parang buto,  pag gising namin nung umaga,  wala na sa cage nya.  so nakain nya.

ayun,  sa awa naman ng dios,  wala namang masamang nangyari.   tama si sis abuandiego.   kayang tunawin ng gastric juices nila yung hide and skin.

yung lab ng friend ko,   yun ang naoperahan,  kasi naman,  towel yung kinain.   tsk tsk tsk. 

sakura_hina

  • Guest
Re: MERGED: My dog is sick :( help!
« Reply #305 on: October 12, 2012, 04:26:07 pm »
^ Thanks ulet sis :) :)

First time dog owner kasi kaya worry much ako..hehe.. So far super kulit at maligalig pa rin siya. At super ganado pa rin.hehe..Luto yung nalunok niya sis, yung balat na may taba sa ground pork (pang spaghetti).


elagirly

  • Guest
Re: MERGED: My dog is sick :( help!
« Reply #306 on: October 24, 2012, 06:26:27 pm »
Hi Sisses,

My baby fluffy is sick. Mixed breed siya ng Lhasa Apso & Japanese Spitz. 5 months old.

2 weeks ago, pinavaccine ko siya 5 in 1. After lang nun, saka ko niswitch food niya from dog food, Beef pro to rice and cooked liver. [textspeak!] Liver Inadobo namin, para somehow magkaroon ng lasa. For a day, gusto niya after wards ayan na ng kanin so liver na lang. Tapos, [textspeak!] fiancee ko, binilhan siya ng canned dog food, [textspeak!] Bow-Wow na beef. ayun, nagustuhan. Pagkatapos nun, ayaw na niya ng beef pro na dog food, un na [textspeak!] hinahanap hanap. kaso lately, mga 1 week na siguro ayaw na rin niya nun. Kaya nitry na ng sisters ko na pakainin ng human food. Hindi kasi siya sa amin nakatira , nagaapartment lang kasi kami sa mandaluyong and yung land lady namin, galit sa mundo so eventually lahat bawa including dogs. Paminsan, pinadadala ko [textspeak!] baby ko sa apartment, di nila napapansin kasi super bait ng baby ko na un. Hindi halos tumatahol, kaya hindi nila namamalayan na nasa apartment pala namin. Anyway, ayun nga. Ayaw na din niya ng human food, kahit kanin na may sauce ayaw na niya. kaya pinadala ko na sa Vet. Though, makulit at masigla pa rin naman siya kaso nagwoworry ako kasi walang kinakain. Pero, tubig malakas naman siya uminom.

Nung dinala sa vet, binigyan lang sia ng dietary canned dog food (I forgot the name) and dextrose. [textspeak!] canned dietary dog food kinain nia, pero paunti unti. Hindi naman siya ganon. Nung naubos na niya [textspeak!] canned dietary dog food, tinanong ko sa vet kung pwede ko nang ibalik sa usual na pagkain. pwede naman daw. Kaya ginawa ko, binilan ko ng pedigree na dog food baka kasi gusto niya ibang brand naman. Kaso, ayaw pa din. Yesterday, 3x siyang sumuka. Sinuka lang niya [textspeak!] pedigree na finorce feed ng sister ko sa kanya. Pinadala ko ulit sa vet, same result. binigyan lang ng dog food and dextrose, normal naman daw kasi [textspeak!] poop at ihi at masigla naman. Problema ko lang talaga is ayaw niya kumain.

Nagwoworry na ko, and hindi ako makapagwork ng maayos. Every hour tumatawag ako sa house namin to check if anong bagong observation sa baby ko. To think na dalawa pa [textspeak!] vitamins nun 2x a day, isang vit-c and isang B complex. Nagwoworry lang ako talaga, kasi wala siyang kinakain. Puro dextrose lang, water with sugar laman ng stomach niya. Super love ko un , kasi un ang first ever dog ko. Sa bahay namin, spoiled un. Katabi namin sa kama un natutulog. And mahal na mahal namin un ng fiancee ko, kapag natawag ako sa bahay sa pasay, kinakausap ko un sa cellphone. Parang tao talaga, kasi kapag naririnig niya [textspeak!] tawag ko kahol siya ng kahol. saka super lambing pa nun.

Help mga sisters, ilang araw na kong hindi makatulog sa kalagayan niya.

abuanddiego

  • Guest
Re: MERGED: My dog is sick :( help!
« Reply #307 on: October 24, 2012, 10:40:39 pm »
^hi sis! congrats on having your first dog and welcome to dog parenthood! don't worry, marami tayong dumaan sa situation mo ngayon ;D

based from your story, parang psychological ang problem ng dog mo since wala naman makitang sakit. ganyan talaga mga small dogs, very picky sa pagkain. Try mo magswitch sa better brand kung hindi kaya ang homecooked (pag homecooked hindi lang basta rice and liver, dapat variety or meats, organs, source of calcium important yan for growing puppies, and other supplements to make it a balanced meal). Kung dogfood bibigay mo, check mo ang best dry dogfood thread, kahit yung last page, may mga tips dun how to choose a good brand. Yung mga brands na sinabi mo kasi have poor ingredients, kahit yung prescription diet, hindi sila ganun kaganda.

Pag ganyang ayaw kumain binibigyan na ng appetite stimulant, pizotifen maleate yung binigay samin nung ayaw kumain ng shih tzu ko. Actually last resort na to, binibigay lang sya for recovering dogs or pag psychological ang problema. ganyan din yung dog ko nung maliit, madali magsawa sa pagkain. Kahit ipagluto ko madali magsawa. Then Raffavit gamit kong vitamin sa kanya, dun sya lumakas kumain, until now very effective sa kanya to, 2yo na sya ngayon. Try mo sa kanya baka sakaling magwork.

elagirly

  • Guest
Re: MERGED: My dog is sick :( help!
« Reply #308 on: October 29, 2012, 05:54:46 pm »
Thank you for the suggestion sis abuanddiego. I try ko yang raffavit na yan. Sorry puro textspeak nakita ko sa post ko.

Anyway, my baby is now fine and fortunately back to her old self. Hindi din namin talaga alam kung anong nangyari sa kanya. Pero just last saturday, kumakain na ulit siya. And lumakas na daw ulit kumain. Na praning lang ako sa baby ko! Hahaha.

Buti na lang din. Kasi nakaka-worry [textspeak!] sis kapag hindi siya kumakain. Siyempre manghihina siya. Ayaw ko naman mangyari sa kanya yun kasi super active dog un eh. Pero itry ko sa knya [textspeak!] Raffavit. Tinanong ko sa vet niya, ok lang naman daw na ipa-try ko un and check if ano mas hiyang sa kanya.

sakura_hina

  • Guest
Re: MERGED: My dog is sick :( help!
« Reply #309 on: October 30, 2012, 04:37:20 pm »
 hi sisters..help pls.

ask ko lang if ano kaya problem sa puppy ng sister ko. mag 3 months old, mixed breed ng japanese spitz and chow chow. ayaw niya kumain start kagabi. sira ang poop nya at ngayon nagsusuka na siya.kagabi super init ng katawan nya. di na rin siya naglalaro :'(

abuanddiego

  • Guest
Re: MERGED: My dog is sick :( help!
« Reply #310 on: October 30, 2012, 11:51:53 pm »
^hindi normal pag ganyang nagtatae, nagsusuka, matamlay at mainit, yan ang mga signs na may sakit ang isang aso. mas maganda kung dalin nyo sa vet para malaman sakit nya. mabuti ng maagapan kesa manghina sya. lagyan nyo ng dextrose powder or asukal ang tubig para hindi madehydrate.

sakura_hina

  • Guest
Re: MERGED: My dog is sick :( help!
« Reply #311 on: October 31, 2012, 04:01:13 pm »
^ tnx sis.

dinala namin sya sis kanina. ayun, naconfine.. :'(

sana gumaling sya.. :(

bebeloo

  • Guest
Re: MERGED: My dog is sick :( help!
« Reply #312 on: December 24, 2012, 06:50:52 pm »
sisses help!!!! nagpoop ang dog ko ng blood ngayon lang :'( last 2 wks dinala ko sya sa vet para ipa summer cut and vaccine ng anti rabies at for parvo-distemper. mula nun, di na makapaglakad ng maayos ang shih tzu ko. parang may inaabot sya lagi sa pwet nya. tumawag kami sa vet at sabi, normal daw yun. wait lang daw ng ilang araw at okay na sya. tapos lately nakita namin may sugat yung isang leg nya. nllgyan namin ng betadine. bukas dadalhin namin siya sa vet. pinainom ko na rin siya ng water with sugar kasi yung dila nya grabe ang pale na, natakot ako nung nakita ko. ;(

Almond982

  • Guest
Re: MERGED: My dog is sick :( help!
« Reply #313 on: December 24, 2012, 07:22:13 pm »
sabay ang anti rabies at parvo distemper shot?  :o

bring na sa vet agad  :o

bebeloo

  • Guest
Re: MERGED: My dog is sick :( help!
« Reply #314 on: December 24, 2012, 09:30:14 pm »
^ sis ito yung ininject sa baby ko :'(

EURICAN DHPPi-LR for active protection against distemper, hepatitis, parvovirus and parainfluenza, against two types of leptospirosis (Leptospira canicola and Leptospira icterohaemorraghiae) and rabies.

how much usually ang addt'l payment ba 'pag nacoconfine ang dog?

Almond982

  • Guest
Re: MERGED: My dog is sick :( help!
« Reply #315 on: December 24, 2012, 09:49:21 pm »
^ ah booster shot at anti-rabies  vaccination pala. Ako kasi hindi ko pinasasabay one at a time ako. At 4 months old na mga kids ko bago ko ipa anti-rabies at that time ok na yung booster shots nila. Para kasing nakaka stress sa aso yan. Mas maganda dalhin mona siya sa vet. Hindi ko rin gusto yung nagpe-pale ang aso saka yung mag popoo ng blood. :-[

abuanddiego

  • Guest
Re: MERGED: My dog is sick :( help!
« Reply #316 on: December 26, 2012, 01:17:55 am »
sis bebeloo, di kaya nasugatan sya habang ginogroom? may naiba ba sa activity, diet nya? ano yung itsura ng dugo? madami ba? liquid? may amoy? active naman ba sya at may appetite? may fever ba? baka anemic yung dog mo, pacheck mo ang blood nya para makasiguro kayo. Pwede ring magsuggest ang vet ng kung ano-anong test para malaman ang sakit nila. Ang rates naman ng confinement depende sa clinic.

aoshi_01

  • Guest
Re: MERGED: My dog is sick :( help!
« Reply #317 on: January 27, 2013, 11:21:14 am »
Just sharing sisses, as much as possible avoid letting your canine babies sleep outside especially with how our weather is lately. One of my dogs has a hoarse voice, paos tumahol and eventually namayat. I also noticed that his hind legs seem weak and nag-mumuta yung eyes niya.

According to our vet, yung pamamaos sa dogs is due to colds. While yung nag-mumuta yung eyes and mahina ang hind legs could be due to us missing his de-worming this year. Ayun, naka 3 shots siya sa vet kahapon plus he'll be on medication for 7 days for his colds. Tapos after non de-worming na. Overtime pay ko sa kanya lang napunta HAHA but it's worth it.

abuanddiego

  • Guest
Re: MERGED: My dog is sick :( help!
« Reply #318 on: January 27, 2013, 03:15:51 pm »
^my dogs experienced cough and colds din pagdating ng jan. pero mild lang naman, vet adviced to give vitamin c, tapos bumili ako ng broncure, para kung sakali lumala may first aid ako, natural antibiotic sya. yan din ginamit nila nung nagkaron sila before, mabilis naman gumaling 3rd day lang laki na ng improvement. Be careful din pag may ubo sipon sila kasi mabilis makahawa sa ibang dogs. Wait sis, dineworm ba sya despite his condition? Keep in mind na healthy dogs lang dinedeworm, stressful kasi sa system nila yan.

snove_12

  • Guest
Re: MERGED: My dog is sick :( help!
« Reply #319 on: January 28, 2013, 10:19:25 pm »
^sis yung doggie ko din may cough and colds nahawa dun sa isang  askal na dog dito sa haus..what vitamin c pinainom mo sis? And San mabibili yung broncure? Parang Tao umubo Kawawa Naman :(
« Last Edit: January 28, 2013, 10:25:25 pm by snove_12 »

 

Latest Stories

Load More Stories
Close