watch now

Author Topic: MERGED: My dog is sick :( help!  (Read 348406 times)

Pink_Sugar

  • Guest
Re: MERGED: My dog is sick :( help!
« Reply #240 on: February 26, 2012, 03:41:54 pm »
^nung una sis, ang iniisip ko talaga ay ipatanggal na buong uterus nya since diko naman sya for breeding at lagi syang matagal mag menstruation parang minsan inaabot ng 3-4 weeks kaya nagtutulo sa bahay, pakawala lang kasi sa loob ng bahay. pero sabi ni doc medyo malaki daw kasi uterus ngayon kasi nag memenstruation kaya prone sa bleeding. mas maganda daw alisin ay kapag di na nag menstruation kasi para maliit lang uterus. kaso nga lang ay medyo nakalabas na ng kasing laki ng kamatis yung dulo ng matris kaya kelangan alisin kasi mag cause ng infection kung hintayin ko pa na matapos menstruation. 4 days post op na sya, at naka-dalawang repair na ng suture kasi lagi nya nadidilaan. wala kasi dito sa province nabibilhan ng E-collar, meron akong E-collar pero pang shih tzu size lang, kaya abot pa din nya pempem nya. wala syang hiwa sa tyan, sa vagina ang hiwa nya.

abuanddiego

  • Guest
Re: MERGED: My dog is sick :( help!
« Reply #241 on: February 26, 2012, 04:01:39 pm »
^sis try mo maghanap ng online sellers, baka pwede sila magship sa inyo para di nya na maabot yung area. pag females talaga mas complicated ano, get well soon sa kanya

newbie_po2

  • Guest
Re: MERGED: My dog is sick :( help!
« Reply #242 on: March 12, 2012, 10:25:18 pm »
hi mga sis! need help please. parang may asthma or reverse sneezing kasi mga anak ko. hindi ko sigurado kung ano tawag. basta parang may bara sa ilong kaya parang nag-sneeze sila na nahihirapan huminga. it happens 3-4x a day. saglit lang naman pero nag-aalala kasi ako. hindi naman sila ganyan dati. nung una yung bunso ko lang, ngayon pati panganay ko. i just rub their throat para guminhawa pero minsan hindi nakakatulong e. any moms na na-experience na ng babies nila ito? salamat! :(
« Last Edit: March 12, 2012, 10:38:35 pm by newbie_po2 »

abuanddiego

  • Guest
Re: MERGED: My dog is sick :( help!
« Reply #243 on: March 12, 2012, 11:54:45 pm »
^yan ba yung parang may honking sound? tapos steady lang sila for few seconds at parang may air na gustong pumasok na kala mo aatakihin na? Kung healthy naman sila, at walang ubo, baka yan na nga yung reverse sneezing.

Check mo to sis:
http://gvdt57.home.xs4all.nl/usa/doc_sneezing.html
http://www.youtube.com/watch?v=U3L4v0W2_Sw&feature=related
http://www.youtube.com/watch?v=T1fLVOL9WcA&feature=related

Yung sa beagle yung nangyayare sa tzu at bulldog ko. Ang alam ko kasi sa reverse sneezing, normal lang sya lalo na sa mga snub noses. Di naman daw siya serious condition kahit medyo nakakatakot pag nangyayare. Yung tzu ko dati madalas din siya magkaganyan lalo na pag may bagong dating tapos magtatahol dahil exited sya sumasalubong, pero pag normal activities di naman nangyayare. Narealize ko na excitement yung nagcacause ng reverse sneezing niya kaya no reaction na ako pag dating ng bahay. Pero ilang months pa rin tumagal yung reverse sneezing niya, ngayon minsan ko na lang naririnig. Minsan din pag mabilis kumain or uminom nagkakaganyan siya pero nawawala agad. Ganun din ginagawa ko, hinihimas ko ang throat at cover ko ang nostrils. Pero dahil halos araw-araw nagkaganyan siya, nasanay na rin ako kaya hinahayaan ko na lang hanggang sa mawala.

newbie_po2

  • Guest
Re: MERGED: My dog is sick :( help!
« Reply #244 on: March 13, 2012, 12:14:57 pm »
^ thanks sis. mukhang ganyan na nga nangyayari sa mga anak ko. kagabi pagkauwi ko, sinalubong naman nila ko at sabay sila inatake. kaya ayun, imbis na halik halikan at yakap yakapin ko sila e pinag-hihimas ko na lang yung throat. sa umaga rin inaatake sila e. nagtataka lang ako kung bakit ngayon lang nangyari tapos sabay pa sila. sige check ko yung links sis. ganun rin pala bunso mo, wawa naman sila :(.

abuanddiego

  • Guest
Re: MERGED: My dog is sick :( help!
« Reply #245 on: March 13, 2012, 02:15:33 pm »
^Minsan yung tzu ko di siya tatahol pag nakita kaming dumating, pero kitang kita sa body language na excited, paglapit sakin saka na magkakaganyan. May mga times din na bigla siyang magreverse sneeze ng walang dahilan pero sandali lang. Yung bulldog ko rin nakikita ko paminsan kahit nakaupo or nakatayo lang sa isang corner bigla sya aatakihin, nung di ko pa alam ano yung tawag kinabahan ako. pero nung nalaman ko sa ibang owners na nangyayare din yun sa tzus nila, hindi na ako masyado nagworry. Eversince nakuha ko yung tzu ganun na siya, kelan lang din nawala yung pagreverse sneeze niya pag sumasalubong samin.

Sabi sa link minsan pwede ding allergic reaction, baka naiba yung simoy ng hangin at mga pollens ng halaman nyo kasi summer na eh.


twelve5

  • Guest
Re: MERGED: My dog is sick :( help!
« Reply #246 on: March 13, 2012, 02:17:58 pm »
Hello twelve5! that's good to hear sana tuloy tuloy na. Ano na yung food nya ngayon?

Hi sis! Sorry sa super late reply. I dont get to go online as frequent as i used to, kasi busy.

Anyway, same pa rin diet nya. Home cooked na low phosphorus. Yung royal canin renal nya di nya eat regularly. Minsan minsan lang talaga when he asks for it... Then pet tabs for vitamins.

Also, we stopped giving him jerhigh soft sticks muna... Not to be an alarmist, may "concern" kasi sa US about chicken treats na made in china. Although made in thailand ang jerhigh, medyo nag iingat lang kami. Sayang nga kasi we have P3-4k worth ng jerhigh treats at home.

More info on made in china treats here:

http://www.dogaware.com/recall.html

abuanddiego

  • Guest
Re: MERGED: My dog is sick :( help!
« Reply #247 on: March 14, 2012, 12:23:35 am »
^okay lang sis. i'm always ol naman, machecheck ko lagi ang responses dito.

nabalik nyo na sya for blood tests? Pag vital organs ba, okay na kahit bloodworks lang ang gawin? Malalaman na agad kung may problema or kailangan pa ng ibangs tests? Balak ko kasi ipatest yung panganay ko, gusto ko macheck kamusta ang liver and kidneys nya. Okay lang ba gawin yun kahit wala namang problema, gusto ko lang makasiguro na okay ang vital organs niya hehe.

Naalala ko yung glycol ekek na yan, nabanggit yan nung vet na okay with raw feeding, isa nga daw yan sa mga dapat iavoid na ingredients. May sinabi siya na ingredients yan sa antifreeze during winter season. Buti na lang matagal na akong hindi bumibili ng commercial treats, parang ang artificial kasi ng itsura nila. Puro flour lang ang laman usually tapos kakaunting protein. Mas okay pa kung totoong food ang ibigay. Try mo na lang sis gumawa ng treats niya, strips of chicken, pork or beef tapos oven mo lang jerky na rin yun. Kahit yung mismong food, okay na rin yun as treats.

twelve5

  • Guest
Re: MERGED: My dog is sick :( help!
« Reply #248 on: March 14, 2012, 01:34:20 am »
^ sis, this weekend next vet appointment nya. Haay, sana ok uli results nya. Im so worried.

I guess a (comprehensive) blood test would do. Ok lang pa-test maski no symptoms... Actually wala naman symptoms yung pup ko when i requested for the test. Kaya thankful ako it was caught early. Better pa nga to have it done annually, sabay sa annual PE.

Sa treats nila, i continue to give biscuits. Wheat lang yun mostly. I dont know if tama thinking ko. Medyo empty calories (parang chippy/potato chips natin) but given just for the "crunch" factor. Hehe... Di naman kasi sila gutom. ( Pag gutom, they ask for food eh. They cry or scratch the ref.) Pang chichirya lang talaga nila. Hehe

abuanddiego

  • Guest
Re: MERGED: My dog is sick :( help!
« Reply #249 on: March 14, 2012, 01:50:52 am »
^sana nga okay ulit. Basta stick ka lang sa healthy diet, I'm sure may progress na mangyayare.

One of these days, magrerequest ako sa vet for a bloodtest. Yung maliit ko iniisip ko din kung papa-test ko siya. Pero dahil sa sinabi mo sige silang dalawa na hehe.

Yung ibang treats ganyan nga, parang aliw factor lang sa kanila, basta lang may manguya hehe. Ako naman, umiiwas ako magbigay ng ibang food, madali kasi masira tiyan ng mga to, minsan kahit maliit na serving lang, nagiging loose na agad ang stool. Kahit nga ngayon na nakaraw, may mga times na loose ang stools, pag nagpoop tuloy siya, parati ako nakaabang ;D


empress

  • Guest
Re: MERGED: My dog is sick :( help!
« Reply #250 on: March 18, 2012, 08:45:18 pm »
My dog is very sick right now. Di sya kumakain for the past week Pero umiinom naman ng tubig. Today, I found him very weak. Naninilaw din gums Nya. Wala naman vet clinic na bukas ngayon Buti na Lang may vet near our house so pumpunta sya. He injected something na pampababa ng lagnat, binigyan din ng electrolite. Pero after he was given that, I thought he will get better Pero as of now, nandun sa nakasiksik sa halamanan at naka tayo lang.

What should I do?? I'm very worried :(

bugs

  • Guest
Re: MERGED: My dog is sick :( help!
« Reply #251 on: March 18, 2012, 10:33:22 pm »
sis,   i hope your dog recovers fast.   mahirap talaga pag ayaw nila kumain...  ano pala sabi nung vet? di ba sinuggest na ipaconfine?  or sana man lang nag IV sha para marehydrate si doggie mo...

will pray that he gets well soonest...

abuanddiego

  • Guest
Re: MERGED: My dog is sick :( help!
« Reply #252 on: March 18, 2012, 11:42:22 pm »
^^same question and answer ano ang diagnosis ng vet? at anong medication ang binigay? Dapat noon mo pa siya pinatignan at di na pinaabot ng one week. Two days lang na kakaiba ang aso, kabahan na tayo. If you feel na hinang-hina na sya, only you can save him by bringing him to a competent vet, always keep in mind na time ang kalaban natin pag may sakit sila, mas maagang napatignan, mas malaki ang chance for survival. I won't advise you to feed him kasi di yan kakain kahit anong pilit, baka isuka pa, ganyan ang mga asong may sakit, at IV fluids ang kailangan nila. Dahil emergency na ito, wala akong ibang masuggest kundi dalhin sya sa magaling na vet and pray.

empress

  • Guest
Re: MERGED: My dog is sick :( help!
« Reply #253 on: March 19, 2012, 04:54:24 am »
My dog died na after being administered with electrolytes & pampababa ng lagnat. There were no open clinics near my place, only a vet nearby came. Sabi Nya, it was due to climate change. But I suspect something else. I noticed my dog had yellow gums which I searched online. He could have acquired jaundice & this might be the cause of his death.

Since he died late at night, I just put a blanket on him & lit candles. I'm waiting for the sun to come out & will bury him then.

I had my Prince for 4 years & he was one of the best dogs I've ever had.

newbie_po2

  • Guest
Re: MERGED: My dog is sick :( help!
« Reply #254 on: March 19, 2012, 01:18:57 pm »
^ sorry for your loss sis empress :(. nandun ba yung vet nung namatay si prince? tama sila sis, time talaga kalaban kapag may sakit ang mga anak natin. prayers for you and your baby prince.

x-y

  • Guest
Re: MERGED: My dog is sick :( help!
« Reply #255 on: March 20, 2012, 02:30:09 pm »
my 3 month-old puppy is diagnosed with respiratory infection. ayaw niya kumain or uminom ng tubig. we do forced feeding. ganun rin ba sa inyo? meds niya antibiotic and antiexpectorant...

abuanddiego

  • Guest
Re: MERGED: My dog is sick :( help!
« Reply #256 on: March 20, 2012, 02:40:27 pm »
nung inubo shih tzu ko (nanibago sa gupit kaya nilamig sa aircon ng kwarto at mali siguro pagpapaligo ng groomer) antibiotic and cough syrup din binigay, broncure yung binigay ng vet, organic sya. Pero may appetite naman kaya no need na for forced feeding. bigyan mo sis ng vitamins para ganahan at para lumakas ang immune system. vitamin c din pala binigyan sya. Pwedeng makahawa yan so wag nyo muna siya ilabas. 2 aso namin nahawa sa kanya kaya hirap na hirap ako magpainom ng gamot noon.

balik ka sis sa page 10-11 napagusapan namin dun yung tungkol sa cough.

Taken from Philippine Pet Haven:

"Dog's don't catch colds like humans. It is not possible.

They do get upper respiratory infections, that cause runny nose, sneezing, watery eyes, and lethargic behavior. It is especially common in flat faced breeds like Shih Tzu, Pugs, English Bulldogs, French Bulldogs, etc.

This is usually caused by the owner not bathing the dog properly. When water is poured in such a manner that the dog inhales the water droplets down it's nose, it enters the lungs and causes it to fill with mucus. Hence, upper respiratory infection.

Extra special care should be used when washing the face of flat breed. When grooming any of my flat faced dogs...I use my hands to distribute water gingerly on the face...and depending on the breed, I just use a hand wash cloth to wash the face clean. Avoiding any problems like this.

Also making sure to ALWAYS put cotton in the ears of the dog during a bath to avoid nasty, smelly ear infections. Where they are scratching and shaking their head in pain.

For upper respiratory infection you would need to give cephalexin suspension (human medicine), or Broncure (dog medicine).
"-ChubbyCheek
« Last Edit: March 20, 2012, 02:55:41 pm by abuanddiego »

x-y

  • Guest
Re: MERGED: My dog is sick :( help!
« Reply #257 on: March 20, 2012, 04:55:55 pm »
Thanks sis. Sige mag back read ako.

ETA:
Saan ba sis nakakabili nung broncure and raffavit? Mabilis ba umepekto yun? Lagundi syrup kase yung prinescribe sa kanya...
« Last Edit: March 20, 2012, 05:07:16 pm by x-y »

abuanddiego

  • Guest
Re: MERGED: My dog is sick :( help!
« Reply #258 on: March 20, 2012, 05:26:51 pm »
^sis sa vet ko kasi nakukuha, actually sya nagprescribe sakin ng mga yan, dami pa siyang ibang organic products, soaps, wound sprays, etc. isa lang ata yung manufacturer eh. Ask your vet baka masupplyan ka nya. Saan ka ba sis?

Sa case namin, mabilis ang epekto, ilang days lang may improvement na, makikita mo yung details sa past posts ko. Kahit yung raffavit, yan lang talaga nagpagana kumain sa shih tzu ko, dati hirap na hirap ako pakainin sya pero sa Raffavit laging magana at ang laki ng binigat nya.

link lang ng raffavit yung nakuha ko
http://www.vetmatefarma.com/rafavit/
« Last Edit: March 20, 2012, 05:32:05 pm by abuanddiego »

x-y

  • Guest
Re: MERGED: My dog is sick :( help!
« Reply #259 on: March 20, 2012, 06:00:09 pm »
Sis sa may QC ako. yun vet namin sa congressonal

 

Latest Stories

Load More Stories
Close