watch now

Author Topic: MERGED: My dog is sick :( help!  (Read 348615 times)

newbie_po2

  • Guest
Re: MERGED: My dog is sick :( help!
« Reply #180 on: December 13, 2011, 01:54:49 pm »
salamat sis abuanddiego!
na-confine kasi sya isang gabi lang sa maliit na clinic just a block away from our house kaya nadadalaw ko every now and then.
pero ngayon sa makati dog & cat hospital ko na sya dinala kasi mas confident ako dun kahit na ba-byahe pa. kaya lang hindi ko sya madadalaw naman ng madalas if ever i-confine dun.
nababantayan ko lang sya kapag gising at kapag uwi ko galing opisina.
pagna-confine kasi ikukulong tapos swero kaya ayaw ko.
babalik kami for follow up check up ulit this thursday.
siguro kapag sinabi ulit na-i-confine, baka pumayag na 'ko. kahit na malungkot.

abuanddiego

  • Guest
Re: MERGED: My dog is sick :( help!
« Reply #181 on: December 13, 2011, 02:41:37 pm »
You're welcome. Kung wala talagang improvement I suggest na ipaconfine mo na lang sya, since hindi mo rin sya mababantayan 24/7 because of your work. Kung kinakailangan talaga idextrose gawin nyo na kasi manghihina talaga sya dahil di sya kumakain. Mas malungkot sis mawalan totally ng alaga kesa yung ilang days lang na mawawala sya sayo. Isipin mo na lang para sa ikabubuti nya kaya kayo maghihiwalay. Wala bang ibang magbabantay sa kanya sa bahay?

Naalala ko dati nung nagkadistemper yung bulldog ko, ang sabi ng vet kailangan iconfine para mamonitor syang mabuti. Ang bungad agad ng mother ko, "Naku Doc, hindi yan papayag na malayo sa kanya yang alaga nya." ;D So sinuggest na lang ng vet na sya na lang pupunta samin for the meds na kailangan iinject tapos may oral meds din for 1 week na ako ang magbibigay. Hindi na dinextrose kasi kumakain naman paunti-unti, minsan sinusubuan ko rin. For 3 days nagpunta ang vet for the injectables tapos mayat maya sinisilip ko sya at pinapainom ng antibiotics and vitamins, wala pang 3 days umokay naman sya. Akala ko nga mawawala na sya kasi ayaw na nyang gumalaw, kahit paglabas sa cage di nya magawa. Buti na lang home based ang business namin, kaya ko sya bantayan 24/7 at di na kailangan iconfine. Pero kung walang magpapainom ng gamot sa kanila kasi walang tao sa bahay, I suggest na ipaconfine talaga. Pwede lang yung ganito sis pag may maiiwan sa bahay at kayang sundin yung pagadminister ng oral medications.

Usually, gagaling naman sila as long as naagapan ang sakit, ang importante parating minomonitor, nabibigyan ng meds at napapakain para di sila manghina.

newbie_po2

  • Guest
Re: MERGED: My dog is sick :( help!
« Reply #182 on: December 13, 2011, 03:44:24 pm »
Very motivating sis :).
May improvement naman si Shiro. Last week, yung mata nya maraming veins, mapula at cloudy (symptoms nga raw ng sakit). Pero ngayon, medyo clear na yung mata although medyo cloudy pa rin. Tsaka medyo naglalakad na rin sya. Nakakaawa lang pag na-ubo. Hindi naman kasi nila kaya ilabas plema nila :(.

Twice a day after meal yung medicines nya. Kaya natututukan ko tuwing umaga at sa gabi. Sinusubuan ko rin. May bantay naman sa bahay pero ako lang nakakapagpakain at painom ng gamot. Kaya ayaw ko rin ipa-confine kasi may nakikita ako na improvements kahit minimal lang. Pero yung blood tests nya, hindi pa rin maganda. Although may professional care sa mga pet clinics/hospitals, iba pa rin kasi yung genuine love na galing sa 'tin mga fur mommies.

Naku, I'm still confused if I should confine him or not.  :-\

Sis saan ba yung clinic nyo ng fur baby mo? Buti pwede home service yung vet.

abuanddiego

  • Guest
Re: MERGED: My dog is sick :( help!
« Reply #183 on: December 13, 2011, 05:44:37 pm »
Yung vet namin na yun sis, di na sya ang vet namin ngayon. Actually pangatlo na yung vet namin ngayon, sya lang yung pinakamalapit na vet sa amin kaya dun ako nagpunta, maliit at luma at ang init ng clinic kaya di rin ako pumayag na iwanan dog ko haha! Bulldogs kasi are prone to heatstroke, my eb is on fan 24/7, feeling ko lalo lang sya mastress kung iwanan ko sya dun, ang liliit din kasi ng cage mahihirapan sya humiga. Pero magaling yung vet na yun kasi isang tingin nya lang sa alaga ko, without any tests, may feeling na syang distemper yung sakit. Tapos after one shot of antibiotics and vitamin b ata yun, may nakita agad akong improvement lumilikot na yung dog ko. Marami namang nagooffer sis ng home service, may additional fee lang pero sa tingin ko this is better na rin kung walang time at ayaw talaga ipaconfine ang dog. Ang importante lang dito may maiiwan pa rin sa bahay at magmomonitor sa kanila at may alam sa mga aso so if evey may emergency masasabihan tayo kaagad.

Yung tzu ko pala, inuubo rin ngayon. Di kami makatulog sa gabi kasi walang tigil pagubo nya, parang may gustong iluwa pero walang lumalabas. According to our vet, nagsisimulang ubo kumbaga dry cough. Ang binigay lang muna is Bron Cure, organic med sya for respiratory ailments at vitamin C. Observe muna namin kung magiimprove. Anong binigay na med sa inyo? I suggest na bigyan mo sya ng vitamin c and multivitamins, gandahan nyo ang food nya, kung kaya nyo maghomecooked, yun muna para ganahan. Boiled meat, veggies and few amounts of rice and a bit of stock ang isusuggest kong ibigay sa kanya for now. Tapos sis ask mo rin kung pwede sya bigyan ng iron supplement.

newbie_po2

  • Guest
Re: MERGED: My dog is sick :( help!
« Reply #184 on: December 13, 2011, 06:19:01 pm »
Yun nga sis, ma-stress lang sila kapag na-confine at nalayo sa 'tin. Nadala na 'ko nung na-confine sya dun sa clinic na maliit dati. Pero yung clinic nya ngayon, much better than before pero ayaw ko lang talaga malayo sya sa 'kin. Buti magaling na bulldog mo. Paano nakuha yung distemper nya?

Parehas pala ng sakit yung tzu natin. Parang nagsusuka rin na wala naman nalabas. Hindi rin sya makatahol ng buo. Ang reseta ng vet ay Asmasocol (pero wala na nito sa mercury, kaya theophylline na lang daw - available pero less 5mg yung tablet kaya 'di ko muna binili). Tsaka Baytril by Bayopet. Worried nga 'ko kasi yung Baytril lang napapainom ko sa kanya.

Sa food naman sis, favorite nya liver pero hindi naman pwede araw araw yun 'di ba? Chicken sya araw araw pero konti lang nauubos nya. I also feed him 'recovery' as advised by the vet. Hinahaluan ko nga ng apple cider vinegar tsaka VCO. Ano vitamins na gamit mo sis? Nutriplus yung sa 'kin.

Ilang araw na pala ubo ng tzu mo? Nag-improve ba sa Bron Cure? Syrup yan sis? Ano dosage?  :)

abuanddiego

  • Guest
Re: MERGED: My dog is sick :( help!
« Reply #185 on: December 13, 2011, 07:20:35 pm »
Yes sis, marami na rin ako narinig na lalo lang lumala yung dog nung pinaconfine, yung iba nga nadeds pa dahil incompetent ang vet at may mga asong nakaconfine na malala na. Parang miracle nga yung nangyare sa panganay ko, buong akala namin nasa katawan nya yung virus at never na mawawala, yan din kasi sabi ng past vet, pero with the latest vet natest na sya and it turns out na wala na yung virus. I've posted our story under the thread:vet says it could be distemper, medyo mahaba kasi at off topic na pag shinare ko ulit dito haha.

Liver kasi is rich in vitamin a, too much can lead to toxicity. Though I've read an article na wala pa daw narereport regarding liver toxicity, lahat naman dapat in moderation talaga so ang intake ng liver everyday is pakurot kurot lang hehe. Marami rin kasing sources ang vitamin a, and usually yan ang marami sa multivitamins so hinay hinay lang sa pagbigay.

Sa vitamins, Raffavit gamit namin, organic sya, nakaraw pala ngayon yung tzu. May appetite pa rin kahit may ubo. Nagstart yung pagubo nya last Saturday evening, akala ko nasamid lang pero the whole night til we wake up the next day may pagubo, pero naglessen naman. Sunday, ginabi na ako umuwi, inuubo na naman sya ng walang tigil as in di na kami makatulog sa ubo nya. Yesterday lang kami nagpacheck sa vet. Syrup sis yung bron cure, natural antibiotic sya, Papi yung manufacturer, sila yung gumagawa ng dog soaps. Ingredients: Ginger-garlic fermented extracts, oregano plant, sambong myristic acid. Dosage: 3ml 2x/day for 10-14 days. Pansin ko may improvement naman kasi naglessen na yung pagubo nya. Last time kasi as in mayat maya uubo, ngayon may mga moments na lang na umuubo sya. Update kita from time time, sana gumaling na si Shiro  :)

twelve5

  • Guest
Re: MERGED: My dog is sick :( help!
« Reply #186 on: December 13, 2011, 08:14:59 pm »
abuanddiego, thanks sa insights mo ha. VIP naman yung clinic, i trust them... its the anesthesia that i dont trust kasi. haay.

abuanddiego

  • Guest
Re: MERGED: My dog is sick :( help!
« Reply #187 on: December 13, 2011, 09:16:15 pm »
^you're welcome. Sa pagkakatanda ko, VIP has the latest form of a safer anesthesia, I forgot ano yung term, pero nalaman ko yan sa isang eb owner who planned on having her dog fixed. Ask mo na lang ang VIP about the procedure.

newbie_po2

  • Guest
Re: MERGED: My dog is sick :( help!
« Reply #188 on: December 14, 2011, 11:28:06 am »
Salamat ulit sis abuanddiego! Bought Bron Cure last night. Agad e no? Hehe... Kahit hindi naman nireseta ng vet namin. Pero organic medicine yun kaya siguro safe naman. Yung dosage, ginaya ko na lang yung sinabi mo, 3ml - 2x a day. Tomorrow follow up checkup ni Shiro. I still see some improvements kaya baka hindi na lang pa-confine kapag sinabi ng doctor ulit. How about low blood platelet sis, familiar ka rin dun? Parang dengue 'pag sa tao yun 'di ba? Pwede kaya gatarode sa tzu? Anyway, bumili na lang din ako ng dextrose powder. Sana gumaling na babies natin. :)

abuanddiego

  • Guest
Re: MERGED: My dog is sick :( help!
« Reply #189 on: December 14, 2011, 02:10:20 pm »
Walang anuman :) Sana makatulong yung bron chure sa kanya, ang napapansin ko sa tzu ko, nawawala yung ubo sa afternoon hanggang sa matulog kami, pero sa gabi madalas pagubo nya hanggang sa paggising namin, malamig kasi siguro dahil sa ac tapos nawawala rin pag medyo pahapon na.

Ang alam ko lang na cause ng low blood platelet sis, either may injury, infection, organ failure, Erlichiosis (caused by ticks), heartworm. Nabanggit ba sayo yang mga yan ng vet?  Ilang taon na si Shiro sis? Dextrose powder na lang gamitin nyo sis kasi yung gatorade, ang ingredients nya similar sa human fluids diba, since magkaiba naman tayo ng bodily fluids sa mga dogs, I think hindi yan magiging compatible sa kanila.

newbie_po2

  • Guest
Re: MERGED: My dog is sick :( help!
« Reply #190 on: December 14, 2011, 02:46:04 pm »
Two years old na sya sis. Medyo nakakatahol na rin. 2x ko pa lang naman napainom ng bron cure, kagabi at kanina umaga. Medyo nabawasan na rin ang ubo. Pero tulad sa baby mo, sa gabi sinusumpong din.

Yung sa low blood platelet, sabi nung dating vet, dahil daw yun kasi sa liver problem (high SGPT in blood). Sabi naman ng vet namin ngayon, dahil sa ticks (kasi may record na si Shiro last year dun sa hospital) at hindi raw sya gaano nag-aalala sa high SGPT. Mas nag-aalala sya sa low blood platelet kasi pwede mag-cause ng internal bleeding :(.

Dextrose powder na ginamit ko sis. Sa gabi pinapainom ko sya ng gatas na may halong fish oil (500mg). Sa 'kin yung isang 500mg. 1000mg kasi yung capsule. Lansa nga e. Haha...

Sis paano pala kapag nagsuka ng parang yellow liquid, yung medyo foamy? Yung sa isang mixed tzu ko naman ito.

abuanddiego

  • Guest
Re: MERGED: My dog is sick :( help!
« Reply #191 on: December 14, 2011, 03:09:05 pm »
Di kaya Erlichiosis ang sakit nya? Yan kasi yung sakit na galing sa ticks eh. Alam ko may test na para malaman kung positive sila, ELISA test ata yun. Try to ask your vet pag nagpunta kayo ulit kasi delikado ang sakit na yan. Binabasa ko yung causes ng low platelet counts, parang ang sabi pwedeng magkaroon ng complications ang Erlichiosis, like organ failure etc., so iniisip ko, di kaya ang nagcause sa organ failure nya ay yung Erlichiosis?

Usually pag nagvomit ng yellow liquid, ibig sabihin wala ng laman tiyan nila. Kumbaga nagiging acidic na yung tummy. Ganyan din yung tzu ko pati yung tzu ng ibang members dito. Nangyayare yan usually pag kagising or pag matagal na yung last meal nila. Painumin mo ng water then wait for few minutes bago pakainin.
« Last Edit: December 15, 2011, 02:12:37 am by abuanddiego »

newbie_po2

  • Guest
Re: MERGED: My dog is sick :( help!
« Reply #192 on: December 14, 2011, 03:32:26 pm »
Waa... Baka nga sis. Ni-search ko talaga bigla ang Ehrlichiosis. Kinabahan naman ako sa "delikado" :(. Sige, tanong ko bukas sa follow up check up. Baka sinabi na dati pero hindi ko lang narinig siguro sa sobrang pag-aalala kay Shiro. Kaya pala nireseta sa kanya yung doxycycline tsaka prednisone (early treatment for ehrlichiosis based sa google).

Thanks sis, dami mo knowledge about fur babies. Kala ko nahawa na yung isang baby ko sa kuya Shiro nya.

newbie_po2

  • Guest
Re: MERGED: My dog is sick :( help!
« Reply #193 on: December 15, 2011, 01:13:31 pm »
Sharing... Shiro is infected with Ehrlichiosis. Thank You God he is recovering. He's still under medication though. Early Christmas gift na yun para sa 'min. Yey!  ;D

abuanddiego

  • Guest
Re: MERGED: My dog is sick :( help!
« Reply #194 on: December 15, 2011, 05:30:45 pm »
Sis, pwede maask ano medication para sa Ehrlichiosis? Buti naman at nakakarecover sya.

Yung bulldog ko naman, pagsilip ko sa kanya kanina, inuubo na rin, tapos sinusuka yung kinain nya kagabi. Nagpa home service kami kanina, ang daming ininject sa kanya ni Doc, antibiotic, vitamin c, anti-mucolitic. yung first shot antibiotic, napaiyak sya talaga, first time ko sya nakita nasaktan ng ganun :( ilang beses sya tinurukan ng kung ano-ano pero no reaction sya, napapakislot lang, pero kanina ang lakas ng iyak nya. Yung second vit c, kalmado naman sya, tapos yung last pagtusok pa lang ng syringe umiyak na nahugot tuloy, tapos nung tinusok ulit nagiiyak na naman  :( Dalawa ko na sila pinapainom ng gamot ngayon dyuskoday nakakastress sabay pa nagkasakit! :P

newbie_po2

  • Guest
Re: MERGED: My dog is sick :( help!
« Reply #195 on: December 15, 2011, 08:51:58 pm »
Sis, medication ng ehrlichiosis is doxycycline (1/2 tablet every morning after meal for 1 month) tsaka prednisone 5mg (1 tablet every 12 hrs, after meal din for 7 days). Pero first medication talaga ay i-rule out yung ticks. Tatlo kasi stages ng sakit na yan. Buti acute stage lang sa kanya. Thank You Lord. From now on, every month ko na i-frontline mga babies ko.

Hala sis, bakit umiyak? Baka mali ng tusok? Naku nakaka-stress nga yan kapag parehas sila may sakit. Buti yung bunso ko hindi nahawa sa kuya nya. Ilang taon na pala tzu mo sis? Tsaka ano weight? Biglang gaan kasi si Shiro nung nagkasakit. Goal ngayon ay ibalik ang dating timbang. Hay...

abuanddiego

  • Guest
Re: MERGED: My dog is sick :( help!
« Reply #196 on: December 15, 2011, 11:12:16 pm »
so parang antibiotics lang din pala ang meds. kasi may nakausap din ako dati nagkaroon ng ehrlichiosis yung dog nya tapos may sinabi sya tungkol sa maintenance ng blood platelets, parang forever ng compromised yung platelets ng infected dog tapos hindi na ata pwede mastress/magkasakit kasi once magkasakit, possible na bumaba ang platelet counts at magkaroon ng complication. So dapat ingatan talaga at palakasin ang immune system para makaiwas sa sakit. Di ko lang alam yung stage ng sakit ng dog nya, wala kasi syang nabanggit sakin.

Usually medyo pumapayat nga sila pag nagkasakit kasi di masyado nakakakain. May vitamins ba sya? Kung meron tuloy nyo lang kasi yung iba appetite stimulant na rin para ganahan kumain kahit may sakit. Yung dextrose powder okay din yun. Tapos sis magadd ka ng boiled meat,veggies sa food para ganahan sya kumain. Sis ang technique ko sa frontline, I buy the biggest dose tapos transfer ko sa maliit na vial, .5ml lang dosage ng tzu ko, 5.25 kilos sya. 2.68ml yung biggest dose, so divide ko lang by .5ml, 4months ko nagagamit instead yung smallest dose na isang gamitan lang.

Sabi ng vet, masakit daw kasi pag antibiotic, feeling ko masama pakiramdam nya kasi groggy itsura nya kanina, ang baba ng ulo tapos papikit pikit, steady lang sya ayaw gumalaw. Tapos sinabayan pa ng antibiotic, ayun ngumawa kanina hehe. Yung aso ko pa naman na yun kahit ang laking bulas ang ugali parang lapdog, ang bait bait na matatakutin, naawa talaga ako kanina kasi sa more than 3 years namin pagsasama, first time ko sya narinig na nasaktan at umiyak ng ganun, so nung inulit ng vet paginject umupo na lang ako beside him tapos yakap ko face nya habang umiiyak sya, bondying na bondying talaga ;D
 

newbie_po2

  • Guest
Re: MERGED: My dog is sick :( help!
« Reply #197 on: December 16, 2011, 12:21:31 pm »
Ok naman na yung baby nung kakilala mo sis? Yup, ganun na nga :(, kelangan lagi bantayan yung blood platelet count. Tumaas ng konti yung kay shiro pero under normal count pa rin. Pero at least tumataas. Next week ulit blood test nya. Sana maging normal na. Yung ubo naman nya, pawala na. Medyo clear na ang plema pero 1 week ko pa rin daw painumin ng bron cure. E yung tzu mo sis, ok na?

Parehas na pala weight ng tzu natin sis, 5.25kg pero 6kg kasi sya bago magkasakit. Medyo nakakapa ko yung ribs nya e, kaya payat pa rin. Yung vitamins nya yung nutriplus. Boiled chicken madalas ang food nya, rib and thigh part ang gusto. Veggies hindi masyado. Maarte kasi e. Hay...

Effective naman kahit .5ml lang sis? Kasi yung small dosage, may nakikita pa rin ako na ticks/fleas after a week of application.

Na-i-imagine ko yung itsura ng pagka-bondying ng baby mo sis  ;D. Tama, lambing lang katapat nyan.  ;)

abuanddiego

  • Guest
Re: MERGED: My dog is sick :( help!
« Reply #198 on: December 16, 2011, 05:12:32 pm »
Last na usap na namin yun, medyo di ko kasi nagustuhan inasal niya one time kaya di na ako nagpunta ulit sa shop nila. May petshop sila, sa kanila kami dati nagpapagroom, pero ngayon bye bye na haha! Tuloy nyo lang yung meds, vitamins at pakainin ng healthy mabilis naman sila makarecover basta nababantayn ng mabuti. Yung tzu ko mas masigla na sya ngayon kaso may pagubo pa rin, pero di na kagaya ng dati na mayat maya.

Yung weight ng sakin, hindi pa nagreach ng 6kgs, nung mahaba pa coat nya nasa 5.5kg lang, yung katawan nya parang slim kasi. Yan muna pakain nyo hanggang makarecover sya, para ganado sya kumain ng makabawi. Si abu naman mahilig sa veggies like sayote, carrots, kalabasa, sitaw, potatoes, yan kasi nilalagay ko pag homecooked plus chicken and onting rice or oatmeal.

Nung first-two months pa lang namin sa frontline, may nakikita pa rin akong ticks, pero paisa-isa lang naman. Tapos patagal ng tagal wala na talaga ako nakita. Hindi ko lang alam kung dahil nasa bahay lang sya, pero pinagroom ko na twice, di naman sya nahawa. Ilang months na kayo nagfrontline? Ang sabi rin kasi, hindi naman mawawala in one application, wait for 2-4months daw bago makita yung full effects. Ang maganda kasi sa frontline kahit kapitan sila ng tick and fleas, safe pa rin kasi mapaparalyze na once dumikit sa kanila, tapos madededs na rin after a while.

Naku, kailangan ko pa bumalik sa vet mamaya, nagsusuka pa rin kasi sya, sabi ng vet kung nagsusuka may bibigay silang gamot. Ano ba naman tong mga alaga ko, hindi na ako nakaattend ng christmas parties, ginawa akong nurse  ;D

newbie_po2

  • Guest
Re: MERGED: My dog is sick :( help!
« Reply #199 on: December 18, 2011, 10:14:58 pm »
Buti ok na tzu mo sis. Gagaling din sila soon. Si shiro, mga 2-3 times na lang ang ubo per day. Minsan nga wala na. Pero continuous pa rin bron cure nya. Paubos ko na lang siguro. Girl ba tzu mo sis? Buti pa sya mahilig sa vegies. Minsan ampalaya tsaka kalabasa kumakain naman babies ko. Minsan nga lang, haha.

Yung frontline, every other month kasi application ko sa kanila. Kaya siguro 'di ganun ka-epektibo. Gagawin ko na every month. Subukan ko yung ginagawa mo sis, bibili ng malaking dosage tapos hatiin na lang.

Sinusuka ba nya yung kinakain nya sis? Ano gamot binigay ng vet? Sya raw kasi muna bago parties.  ;D

 

Latest Stories

Load More Stories
Close