Author Topic: Anong GIFT (material) ang na-appreciate talaga ng mga guys?  (Read 171174 times)

three8one

  • Guest
Re: Anong GIFT (material) ang na-appreciate talaga ng mga guys?
« Reply #360 on: October 06, 2015, 03:10:23 pm »
^ pag hindi natuwa sis, isampal mo sa kanya yung gift mo hanggang mapudpod ang swelas. hehe! biro lang. sweet mo naman gf.. ;)

----------

backpack bag na branded pwede rin...

uso ngayon MTB.. kung into sa ganitong sports bf/husband/partner nyo siguro help them on some parts ng mtb nila na need nila i upgrade.
« Last Edit: October 06, 2015, 03:12:15 pm by three8one »

fionaapple

  • Guest
Re: Anong GIFT (material) ang na-appreciate talaga ng mga guys?
« Reply #361 on: October 06, 2015, 03:59:01 pm »
^hindi pangkaraniwan ang husband ko. hindi siya mahilig mag-shopping, hindi rin mahilig sa gadgets. at ayaw ng mga mamahaling regalo. bukod din, maliit lang allowance namin nung nag-aaral pa kami.

palagi ang nireregalo namin sa isa't isa yung mga bagay na kailangan namin talaga. na napapansin kong kailangan niya pero di pa niya nabibili. ganun din siya mag-isip ng regalo sa akin.

8 years kaming mag bf at gf. at ngayon mag-wa-1 year na kaming kasal. eto yung mga nairegalo ko na sa kanya:

1. t-shirts (marami na ito)
2. leather belt
3. leather wallet
4. medyas at panyo
5. pants
6. boardshorts
7. scrapbook of our photos together
8. hopia baboy (yep! kasi paborito niya ito. at ito naisip ko kasi super walang budget nun.)
9. Last gift I gave him: I opened a mutual fund account. Joint ito, pero ito talaga ang gusto niya.

-as you can see, simple lang talaga siya. at madaling pasayahin. yung mga regalo ko sa kanya, mura lang, pero alam niya pinag-isipan kong mabuti. at tuwing bubuksan niya regalo ko: "wow, pano mo nalaman na kelangan ko to?" maluha-luha pa tuwing bubuksan gift ko sa kanya. normally, mura lang ang mga regalo ko pero ginagawa kong combination of 2-3 items kagaya ng suggestion ng isang sis dito. gaya nung time na sinurprise ko siya na nag-open ako ng mutual fund account, may kasamang pants at boardshorts. tapos we had a simple dinner with our parents.

three8one

  • Guest
Re: Anong GIFT (material) ang na-appreciate talaga ng mga guys?
« Reply #362 on: October 06, 2015, 05:48:02 pm »
^ parang pareho kami ng husband mo sis, simpleng bagay and pasok sa needs at hindi sa wants eh sobrang bina value ko talaga.. bigla ko tuloy naalala yung minsan binigyan ako gift ng wife ko, sobrang sama ng loob sakin. haha! kesyo daw imbes maapreciate ko eh nainis pa ko. di kasi ako sanay makareceive ng mga mamahaling gift at stylish kaya nun pag open ko nagandahan talaga ako kaso lang naghiwalay na kami, pauwi sa mga bahay namin at nun naguusap na kami thru text dun ko sinabi sa kanya yung mga sentiments ko na san kesyo ganito kesyo ganyan nalang kasi nga sayang yung ganito at ganyan ang ending away galour... hehe!

-------

@ohcmon

san bansa ba bf mo? depende baka mahirap ang flowers dun, mahal naman masyado. hehe! sayang di ka mahilig mag video kamo, pwede mo rin sya sana i greet and mag message ka for him thru video tapos send mo sa kanya. masarap pakinggan at panoorin ng paulit ulit yung ganun eh. sobrang magustuhan yun ng bf mo lalo pat ofw sya.. o kaya kantahan mo. haha! voice record lang kung ayaw mo ng video.

fionaapple

  • Guest
Re: Anong GIFT (material) ang na-appreciate talaga ng mga guys?
« Reply #363 on: October 06, 2015, 08:34:28 pm »
^three8one, nakakatuwa naman may kapareho pala ang husband ko.

three8one

  • Guest
Re: Anong GIFT (material) ang na-appreciate talaga ng mga guys?
« Reply #364 on: October 07, 2015, 12:44:24 pm »
@fionaapple

siguro sanayan lang din kasi. baka nun time na hindi mo pa sya na mimeet , madalang din sya makareceive ng mga gifts..

----------

@ohcmon

ikaw sis yung uuwi ang bf diba? kelan na nga ulit? o umuwi na ba? around 300SR yun plus iba pang charges.. wow, susyal. super lucky ni bf meron syang sweet na gf. hehe

advance hapi bday sis. ahaha!

Girltalker2

  • Guest
Re: Anong GIFT (material) ang na-appreciate talaga ng mga guys?
« Reply #365 on: October 07, 2015, 08:24:45 pm »

He always appreciates my gifts for him. Ako naman kilig every time kinekwento nya.

I bought him gym membership for 3 years. Most memorable gifts daw nya from me. Then the watch, it's with him wherever he goes. Kahit iwan nya phone nya, lagi nya suot. Lagi rin nababati, kahit boss nya nagtatanong where he bought kasi Mas maganda daw watch nya kesa sa Rolex Ng boss nya hehe :D

happynlove

  • Guest
Re: Anong GIFT (material) ang na-appreciate talaga ng mga guys?
« Reply #366 on: October 07, 2015, 11:05:46 pm »
yung boyfriend ko din practical, mas gusto niyang kung ano kailangan niya ngayon yun yung igift ko. eh ako yung mahilig sa kahit hindi kailangan ireregalo ko kaya nahihirapan ako magisip. & ang taste niya ibang iba sakin.
okay lang ba magregalo ng GC sa boyfriend?
ibabalot ko sana ng TopGear mag para akala niya yun lang. nanghihinayang kasi siya bumili ng shoes kahit gustong gusto niya so lalagyan ko ng note na "I still want you to buy a new pair of shoes, or short or shirts,.." parang ganon na thought tapos GC nalang for since nung nagbbrowse siya sobrang classic ng type niyang design, baka hindi matuwa pag ako pumili. :-\

three8one

  • Guest
Re: Anong GIFT (material) ang na-appreciate talaga ng mga guys?
« Reply #367 on: October 08, 2015, 01:48:06 pm »
^ mas okay sis kung sasamahan mo bf mo bumili ng shoes.. hehe! kahit nabigay mo na yun gc, iba pa rin yung sasamahan mo. yung ex gf ko pag sinasamahan nya ko bumili ng gamit iba ang pakiramdam ko, feeling ko asikasong asikaso nya ko. siya mag aassist sakin pag ask sa sales rep ng size, ibang color way. kyut din yung kokontrahin mo yung taste ng bf mo tapos maiinis sya sayo, ikaw naman tawa tawa lang. pero sa huli yung gusto pa din ng bf masusunod. sa amin sobrang saya nun, masaya na sa shoes, masaya pa sa memory.

 ;)

happynlove

  • Guest
Re: Anong GIFT (material) ang na-appreciate talaga ng mga guys?
« Reply #368 on: October 08, 2015, 05:49:41 pm »
^ actually nagpapasama nga siya bumili ng shoes, hindi niya alam plan ko naman talagang ibili siya :D tamang tama that'll be the day na ibibigay ko yung cake and gc niya. pupuntahan ko siya sa office :D
pano nga pala kung while shopping saka ko lang sasabihin ako na magppay para hindi na ko magbibigay ng gc, okay lang yun? what's the best way to say it?  ;D

naalala ko dati binili ko siya ng shoes nung anniversary namin. epic fail ako, mali yung size na nabili ko so bumalik kami sa store then he chose another design and the right shoe size. ayun tuwang tuwa nga siya. in addition to that sinamahan ko siya sa isang shop na may perfume na super kaamoy ng ginagamit niyang original & binilhan ko din siya nun. ang dami ko daw gifts! :p
tapos ngayon one time na nagmall kami bumalik siya dun sa shop na binilhan namin ng perfume niya dati. katuwa, nagustuhan talaga. dun na siya bumibili hehe


three8one

  • Guest
Re: Anong GIFT (material) ang na-appreciate talaga ng mga guys?
« Reply #369 on: October 08, 2015, 06:16:10 pm »
^ kung ako nasa sitwasyon ng bf mo, mas okay sakin ang gc, kahiya kasi pag pera bibigay kahit pa mag bf/gf na kayo medjo akward ang dating tapos parang ang hirap naman din sabihin sa part mo dun sa bf mo na ikaw mag pay dun sa shoes na mapipili nya as a gift mo baka kasi tumanggi din kasi nga pag shoes talaga sa lalake pricey.

kung puntahan mo sya sa opis nya bigay mo yung cake together with the gc, may konting presentation either lagyan mo ribbon yung envelop ng gc then put small note sabay lambing at yaya ng "tara samahan kita bilhin yung shoes mo" naks! sweet yun dating nun para sa mga boys.

happynlove

  • Guest
Re: Anong GIFT (material) ang na-appreciate talaga ng mga guys?
« Reply #370 on: October 08, 2015, 07:10:45 pm »
thanks three8one!  ;D

imprincessfiona

  • Guest
Re: Anong GIFT (material) ang na-appreciate talaga ng mga guys?
« Reply #371 on: October 09, 2015, 10:17:49 am »
^This Christmas I will give him iphone6 64g kasi yung old phone nya 4s 16g pa. Actually, gift ko na yun sa kanya sa lahat ng ocassion for next year mahal kasi ng gusto nya LOL but it's okay minsan lang naman humiling si husband ng mahal. He will use it for the next 3 years or so haha

happynlove

  • Guest
Re: Anong GIFT (material) ang na-appreciate talaga ng mga guys?
« Reply #372 on: October 09, 2015, 11:43:06 pm »
^ buti ka pa may budget for that  ;D

Girltalker2

  • Guest
Re: Anong GIFT (material) ang na-appreciate talaga ng mga guys?
« Reply #373 on: October 10, 2015, 03:14:34 am »

@happynlove

Parang mas okay ang gifts na ikaw mismo bumili for him. Pero naniniwala ka ba sa pamahiin na bawal daw magregalo ng shoes kasi puede kayo mag away parang 'sinisipa' yung relationship or something.

Kaya parang mas ok nga siguro GC. Though pag GC naman kasi less personalised at magkakaron ka lagi ng butal coz di naman sakto ang price ng shoes sa GC.


happynlove

  • Guest
Re: Anong GIFT (material) ang na-appreciate talaga ng mga guys?
« Reply #374 on: October 10, 2015, 09:51:06 pm »
^ hindi ko alam yang pamahiin sis. Yun nga eh, pag gc parang walang effort. Hay nagiisip pa rin ako ng ibang items.

three8one

  • Guest
Re: Anong GIFT (material) ang na-appreciate talaga ng mga guys?
« Reply #375 on: October 11, 2015, 03:43:31 pm »
^ lagyan mo barya yung shoes sis para makontra yung pamahiin.. ahaha! sa tsinelas ata yun ginagawa?

gusto mo magka effort sis yung gc? i balot mo sa buong katawan mo yung piraso ng mga gc's tapos isa isang aalisin ni bf. pareho kayo mag eeffort nyan.. chos! hehe..


imprincessfiona

  • Guest
Re: Anong GIFT (material) ang na-appreciate talaga ng mga guys?
« Reply #376 on: October 13, 2015, 09:45:51 am »
^ lagyan mo barya yung shoes sis para makontra yung pamahiin.. ahaha! sa tsinelas ata yun ginagawa?

gusto mo magka effort sis yung gc? i balot mo sa buong katawan mo yung piraso ng mga gc's tapos isa isang aalisin ni bf. pareho kayo mag eeffort nyan.. chos! hehe..
^ang alam ko pag barya ang ilalagay mo dapat wallet ang regalo mo hihi

three8one

  • Guest
Re: Anong GIFT (material) ang na-appreciate talaga ng mga guys?
« Reply #377 on: October 13, 2015, 12:25:46 pm »
^ ganun ba sis, dami talaga pamahiin noh? pero mas okay siguro kung dollar bill ang ilalagay sa wallet na maswerte.. hehe! like yung ibang wallet na tinitindi diba? fake na dollar bill ang nakalagay.  ;)

-------

panyo lagi ko mareceive nun eh. ahaha!

imprincessfiona

  • Guest
Re: Anong GIFT (material) ang na-appreciate talaga ng mga guys?
« Reply #378 on: October 13, 2015, 02:03:16 pm »
^pag panyo naman paiiyakin ka nang nagbigay sa'yo. Yun ang pamahiin hehe.

scruffs

  • Guest
Re: Anong GIFT (material) ang na-appreciate talaga ng mga guys?
« Reply #379 on: October 13, 2015, 03:12:57 pm »
Mahirap regaluhan ang boyfriend ko. Kesyo kahit wala na daw at okay na daw na magkasama kami. Minsan naman kapag niregaluhan ng mga hindi branded may tendency na icompare sa mga branded, but in a good way naman. Kaya nga lately sa mga birthdays niya or anniversary namin, nilulutuan ko na lang siya. Kahit may comment din sa pagluluto, oh well. Haha

 

Latest Stories

Load More Stories
Close