watch now

Author Topic: Is it right to avoid a "friend"?  (Read 61622 times)

may12

  • Guest
Re: Is it right to avoid a "friend"?
« Reply #200 on: July 10, 2015, 11:27:19 pm »
I believe na kung hindi na healthy yung friendship niyo, let go na.

Pero right now, may gusto akong i-let go na friend pero di ko alam kung paano.  :(
She's a co-worker kasi. Kami ang magkasabay ng schedule sa lahat (breaks and lunch) pero ayaw ko na talaga siyang makasama. She's so nega to me. Lagi niya ako nilalait at binu-bully. Di na rin ako natutuwa sa pang-bu-bully niya sa ibang ka-officemate namin. Aaminin ko hindi ako frank na pagkatao. Kaya di ko masabi sa kanya ng diretsahan na naba-badtrip na ako sa kanya (though dati sinabi ko na yun and I don't think she took it seriously).

Ano bang dapat kong gawin mga sis? Everyone in the office knows na rin kasi na kami ang close. So pag iniwasan ko siya, ayaw kong tanungin nila akong lahat kung ano nangyari. Pero promise, I even thought of resigning from this job (kahit super love ko work ko) dahil sa kanya.

blackgreen

  • Guest
Re: Is it right to avoid a "friend"?
« Reply #201 on: July 11, 2015, 12:37:35 pm »
^parehas tayo sis hindi rin ako "frank" pagdating sa friend. If i were in your shoes iiwasan ko na lang siya tapos when people will ask what happened ill just say na its personal. Same din na si bff ganyan palagi ako nalalait or nabubully. Dati tinatawanan ko na lang pero lately siguro napuno na rin ako.

Etong si bff ko mag 2 weeks ko ng hindi kinakausap though hindi kami officemates pero dati halos weekly nagchachat kami sa viber pero ngayun umiiwas na talaga ako. Nung mahospital ako nagtanong isa namin friend if alam ni bff na nahospital ako sabi ko hindi kami naguusap. Di naman na siya nagtanong pero if ever mapagiisip siya kasi kami talaga ang super close ni bff kaya parang imposible na hindi ko masasabi pagkaka hospital ko. Anyway im slowly moving on from her. Ako lang naman nahuhurt kaya ako na lang lalayo.

fibia

  • Guest
Re: Is it right to avoid a "friend"?
« Reply #202 on: July 13, 2015, 08:39:12 am »
I have a friend in the office. close kami for many years. i noticed recently na kapag inaaya ko sya maglunch ayaw daw nya kumain. She said she particularly hates the food in our cafeteria tapos tinatamad naman sya mag lunch out saka gipit din.  So i joined other people for lunch and did that ever since.  then i noticed na she joins another officemate for lunch in the cafeteria. Worse, sya pa ang nag-aya. the issue felt more obvious   when i got promoted and  she didnt. Considering  sheis probably 10 yrs older than me, mas mataas rank ko sa kanya. she would invite people within my hearing to have lunch with her in the basement. Except me. buti na lang a common friend of ours (guy) would still invite me. I feel left out. I didnt do her anything wrong. I even helped her at work - I let her copy my proposals andgive solutions to problems.

Ive decided il just ignore her as well. And whenever she asks inputs abt work, im not gonna exert any effort to  help her.

mikaelavhan

  • Guest
Re: Is it right to avoid a "friend"?
« Reply #203 on: July 14, 2015, 05:23:29 pm »
I believe na kung hindi na healthy yung friendship niyo, let go na.


Ano bang dapat kong gawin mga sis? Everyone in the office knows na rin kasi na kami ang close. So pag iniwasan ko siya, ayaw kong tanungin nila akong lahat kung ano nangyari. Pero promise, I even thought of resigning from this job (kahit super love ko work ko) dahil sa kanya.

^sayang naman sis, kung dahil lang sa knya eh mgreresign ka kahit sabihin mo mang naiisip mo lang  .sayang ang effort sis.kung ako sayo go,  tell her/him kung ano nararamadaman mo toward his actions.total may nabuo at pinagsamahan namn kayo eh bilang naging mgkaibigan diba. para alam niya kung bakit ilelet go mo na yung friendship niyo.mas clear mas maayos ,mas may closure
for me lang huh sis

maging civil nalang ciguro kayo sa isat isa kasi bilang magofficemate.

dara_01

  • Guest
Re: Is it right to avoid a "friend"?
« Reply #204 on: July 23, 2015, 05:16:28 am »
meron din akong ganitong situation mga sisses.  yung saakin naman kase ayaw na ako ipafriend ni hubby sa kanila.  pero kung sa ikakaayos ng relationship namin ni hubby gagawin ko.

para naman saakin if nagalit sila sayo dahil lumayo ka, hindi tunay na friend yun.  pero if they really understand at friend ka talaga para sa kanila, they will respect your decision.

inday101

  • Guest
Re: Is it right to avoid a "friend"?
« Reply #205 on: August 24, 2015, 09:31:30 am »
gusto ko lang mag vent out...

I have this girl friend na in a relationship for more that 4 years w/ her BF...
I know that GF is attracted to lesbians... now we have an office friend na lesbian. GF got super close to Lesbi to the point na they'll go out during office hours to "hang out' i don't know what they do once they step out of the office . I asked her kung meron ba silang "something" ni lesbi, wala naman raw. Lesbi said na may pinagseselos lang raw siyang ex sa fb kaya post post siya ng mga sweet nothings.

napapraning ako, once sabay sila nag leave... hahhaha i don't know what to think. they applied to another company together, although they're asking me to go w/ them medyo doubtful ako sa status ng friendship nila... IDK kung alam ni BF niya na super close si GF at Lesbi. :-X


ang motto ko ngayon. I DON"T CARE and I DON'T give a d*mn kung ano meron sila. I think i've done my part as a friend. ayoko mabaliw at pumangit kakaisip. hhahahha

cosmochick

  • Guest
Re: Is it right to avoid a "friend"?
« Reply #206 on: September 13, 2015, 04:57:56 pm »
Yes, if you have every valid reasons to do so lalo na if that friend is causing you more harm than good.


catherinecaparino

  • Guest
Re: Is it right to avoid a "friend"?
« Reply #207 on: September 17, 2015, 11:24:10 am »
Ofcourse, f he/she is not deserving to be your friend like mga traydor, back fighter, they only nice to you pag kaharap mo pero pag talikod mo dami dami na sinasabi. sayang ang pinag samahan oo pero may mga tao talagang kailangan mong layuan para di na makaapekto ng hindi maganda sa buhay mo.

blackgreen

  • Guest
Re: Is it right to avoid a "friend"?
« Reply #208 on: September 17, 2015, 06:30:29 pm »
Paano kapag yun friend siya pa ang masama ang loob sa iyo kasi di mo ininvite bf niya sa wedding?

mysterioza_me

  • Guest
Re: Is it right to avoid a "friend"?
« Reply #209 on: September 22, 2015, 07:14:53 pm »
I'm currently avoiding a friend right now, mas mabuti na ito kesa makipagplastikan ako sa kanya.

kateguerzon08

  • Guest
Re: Is it right to avoid a "friend"?
« Reply #210 on: October 14, 2015, 03:09:46 am »
hi mga sis, may icconsult lang ako..im currently avoiding another guy bestfriend since hs, for the reason na napaka-insensitive and immature niya..nangyare lang to nun may issue sa religion namen and nakita ko he posted something, syempre naoffend ako, pinalawak ko na lang pagiisip ko thinking na opinyon niya yun e at right niya magpost kung anong gusto niyang ipost, so i didn't confront him, nagdecide nalang ako right then and there na hindi ko na lang siya kakausapin at all, even nun birthday niya i didn't greet him..

then nag-pm siya saken, inviting me sa pool party daw niya, i didn't reply back (inshort seenzoned lang siya), tapos nag-pm ulet na wala siyang panahon sa guessing game at mga kadramahan ito sa kaninomang tao sa lupang ito, offensive db? hindi ko na pinapatulan kase alam ko na ang mga susunod na litanya niya..ang saken lang naman kase knowing na mababasa ko yun post niya sana he did that discreetly, bestfriend ko pa naman siya pero siya ang may number one issue pagdating sa religion ko..at kung makapagsalita siya pa ang laging galit na parang ang laki-laki ng utang na loob ko sa kanya e wala naman, kaya i've decided to avoid him, tutal prevention is better than cure..and i doubt hindi niya alam kung baket, hindi naman siguro siya ganon katanga, insensitive lang talaga siya..

ang problema ko pa, i'll be getting married nextyear and ni-cross out ko na siya sa guestlist ko, kaya lang yun wife niya na tropa din namen im thinking if iinvite ko din, syempre package deal sila..naisip ko na lang to talk to the wife and explain atleast mas matinong kausap yun wife kesa dun sa guy na immature..

mysterioza_me

  • Guest
Re: Is it right to avoid a "friend"?
« Reply #211 on: October 14, 2015, 05:59:52 am »
^Hi sis, no offense meant but don't you think that your reason is too shallow? He's been your friend since HS but just because of a stupid post on fb regarding your religion friendship over na agad. Separate ang religion and friendship, lalo na ang love at religion (di ko magets na bakit need magpaconvert ng isa pagmagkaiba ng religion or else end na ng relationship). Kung na-hurt ka sa nasabi niya about your religion, baka sobrang naapektuhan lang din siya sa kung anuman nagawa ng religion na yun sa buhay niya. Sana pinag-usapan ninyo na naoffend ka sa remark/s niya. Sana nilawakan mo din pang-unawa mo kung tunay kang kaibigan.

Don't you think ikaw ang mas insensitive and immature?
« Last Edit: October 14, 2015, 06:12:36 am by mysterioza_me »

kateguerzon08

  • Guest
Re: Is it right to avoid a "friend"?
« Reply #212 on: October 14, 2015, 06:52:29 pm »
hindi lang naman first time incident to na may issue siya sa religion ko, even with friends ang saya-saya ng kwentuhan tapos out of nowhere bigla siya magsasalita against sa religion ko, and everytime tinatanong ko siya ano sasabihin saken "wala akong panahon para sa mga ganyan bagay, basta ako sinasabi ko ano opinyon ko"

and then nun birthday ko, hindi ko nareceive ang greeting niya, biniro ko lang sabi ko, "o baket di mo ko binabati?" ano sagot saken, "nagtext ako sayo, kung hindi mo nareceive, hindi ko na problema yun"

ikaw ba sis, pag ganyan ikaw na ang nag-aapproach tapos ganyan ang isasagot sayo lagi, hindi ka ba mao-offend sa way ng pagsasalita niya? ikaw na din may sabi friends kame since hs, pero bakit ganon ang pagsasalita niya saken? at alam kong alam niya nao-offend ako, thing is hindi kase ako ang tipo ng tao na ipagpipilitan ko ang sarili ko sa taong ayaw umintindi. so ako pa ba ang insensitive at immature? peace! salamat sa pagbasa at pagcomment mo  ;D

mysterioza_me

  • Guest
Re: Is it right to avoid a "friend"?
« Reply #213 on: October 14, 2015, 08:41:29 pm »
Sis bakit tumagal ang friendship ninyo if you think na mistreated ka or hindi mo gusto ugali niya? Kasi parang lumabas lang ang issue na yun after niya tirahin ang religion mo. Dapat dati pa lang friendship over na kayo kung attitude niya talaga ang problem mo. Now, if you can't stand his attitude anymore might as well avoid him na lang. You can talk to his wife and tell her your dilemma, I understand naman na ayaw mo ng taong bad vibes sa importanteng event ng buhay mo. Kung maiintindihan ka ni wife then she's a true friend but if not, ibaon mo na lang sila sa limot at magmove on ka na. Mahirap kasi na usapin ang religion, hindi nga dapat na pinag-uusapan yan between friends and lovers :).

kateguerzon08

  • Guest
Re: Is it right to avoid a "friend"?
« Reply #214 on: October 14, 2015, 09:11:16 pm »
tumagal friendship namen kase wala naman akong issue sa kanya at sa buhay at ugali niya at hindi naman din niya ako mistreated nun dahil bihira lang kame nagkikita at nakakapagusap..pero nun last 2 years ago ulet na madalas na kame nagkikita ng mga friends namen (we are in a same circle of hs friends), dun ko lang din napansin yun ugali niyang ganon, which is ganon daw talaga siya according to the guys and even his wife minsan nagaaway sila sa harap namen because of his attitude.

tama ka naman na mahirap na usapin ang religion kaya nga as much as possible when im with them i dont talk about it, siya lang talaga ang mahilig magsingit ng ganon topic, wala naman pumapansin sa kanya, kase ayaw nga namen siya patulan dahil alam namen iiral ang pagka-insensitive at immature niya, which might lead to a more heated conversation or argument. ayaw ko din naman magkaron kame ng gap or rather ayaw kong magkaron ng kaaway dahil lang sa misunderstanding, pero kung ganyan naman ka-harsh ang kausap ko e wala na ko magagawa, id rather stay away than have an argument with him, mas madaling paraan na to kesa yun damage ng kung ano-ano pa na pwede namen masabi sa isa't-isa. i know he's not clueless and all, ayaw niya lang siya magumpisa, that's how he is.

anyway, thank you sa advice, ill really talk to the wife kase mukang sa kanya lang nakikinig yun guy friend. thanks again, peace!  ;D
« Last Edit: October 14, 2015, 10:39:01 pm by kateguerzon08 »

onyxwitch09

  • Guest
Re: Is it right to avoid a "friend"?
« Reply #215 on: October 17, 2015, 10:39:37 am »
I don't hesitate to drop 'friends' who don't respect me and who don't bother to change despite the chances given to them. I also don't want to surround myself with negative people who will just suck the positive energy out of me with their constant whining and complaining about everything.

Kung wala ng trust and respect, mahirap yan.


I super agree. I cut some so-called friends from my life before. Naisip ko dati na dapat tanggapin mo sila kung ano sila pero. Na dapat ako mag-pasensya pero may limit din e. Kapag alam mo na sa sarili mo na ginagamit ka lang at wala yung "respect" na dapat meron ang isang kaibigan para sa kaibigan, it's time to let go.

imprincessfiona

  • Guest
Re: Is it right to avoid a "friend"?
« Reply #216 on: October 20, 2015, 12:52:46 pm »
I just did months ago. Kasi I felt na parang hindi na ako masaya sa so called FRIEND ko when she is around kumbaga parang may WALL na sa pagitan namin. It all started when nung nagkaroon kami nang bagong officemate and then she be-friended the NEW officemate and since kasama sya sa group namin isinasama nya din yung NEW officemate pero hindi ko FEEL si NEW kasi she's a BULLY saka akala mo kung sino maka-okray hindi naman ka-GANDAHAN. Saka mabigat talaga ang vibes ko kay NEW officmate eversince and I don't know why. My so called FRIEND and I are so close to the point na minsan ako na lang ang kakampi nya sa group namin. Pero dahil sa NEW FRIEND nya nasira ang lahat kasi parang naging magkaugali silang dalawa ng NEW FRIEND nya. Saka may track record si so called friend na UTANGERA kahit sino inuutangan madalas pa nga nababaon na sa limot sa pagbayad (sa akin may utang binaon na din sa limot, ako pa nahihiyang maningil) kahit yung BOSS namin dati nautangan nya (hindi ko talaga kinaya ang ginawa nyang ito but I stayed at her side that time). Maiintindihan ko sana kung 1 dosena ang anak nya at nangungutang sya pero MAYGAD ka-dalagang tao kabi-kabila ang utang. May pagka-maluho kasi sya. Pag trip nya kumain o bumili ng gamit bibili kahit beyond her means. Impulsive buyer. Dumating sa point na pag makiki-ride kami sa credit card ng isa naming kaibigan (group namin) hindi namin sya isinasama kasi hindi sya marunong magbayad talaga at ang masamang ugali nya is pag may utang sya sa'yo at wala sya pambayad dedeadmahin ka nya, ikaw pa mahihiyang maningil as in (ginawa nya ito sa akin pero nakabalik sya sa group namin dahil sa akin). I forgave her pero nung dumating yung NEW officemate hayun mas lumala ang ugali naging BULLY nahawa na din. Saka ang gusto kasi nya sya lagi ang iintindihin. Pag wala sya sa mood bigla ka na lang nyang dedeadmahin. Syempre magtataka ka kung bakit ganun sya sa'yo. Nung una OK pa sa akin the next day babatiin ko pa din sya kahit deadma nya ako yesterday. Ganun ugali nya. We have been friends since 2009, nag-Baguio pa nga kami year 2010 with another friend (tatlo kami). Pero dumating sa point na sabi ko stop na hindi na ako masaya. Simula nun iniwasan ko na sya. The last time (4 months ago) naging civil pa ako sa kanya pero sinagad nya ako kaya kahit nagkakasalubong kami sa hallway wala lang deadma ko sya at ganun din sya sa akin. Medyo nakakahinayang yung friendship namin pero kung hindi ka naman pinapahalagahan ng so called FRIEND mo bakit ka manghihinayang. At napansin ko din kasi sa kanya may pagka-USER FRIENDLY sya SELF CENTERED pag may kailangan sya saka ka lang maaalala o lalapitan. At hindi na din ako magtataka kung bakit isa lang yung kasa-kasama nya ngayon (THE NEW FRIEND). Actually sa so called FRIEND ko na din nanggaling na ayaw na nya sa akin e. She UN-FRIENDed me sa FB. Dito talaga sumama ang loob ko kahit naman nung time na iniiwasan ko sya at nagkasamaan kami ng loob never ko naisip na i-UNFRIEND sya (pwede namang i-unfollow nya ako kung ayaw nya makita fb post ko) because I know in time magiging OK kami pero sa ginawa nya parang yun na yung naging "go signal" sa akin na i-eliminate na sya ng tuluyan sa buhay ko kaya ngayon deadmahan kami sa office.
« Last Edit: October 20, 2015, 01:33:55 pm by imprincessfiona »

sensi

  • Guest
Re: Is it right to avoid a "friend"?
« Reply #217 on: November 11, 2015, 04:41:01 am »
if that friend doesnt help you grow, then yeah better avoid.

gharz412

  • Guest
Re: Is it right to avoid a "friend"?
« Reply #218 on: November 24, 2015, 06:26:38 pm »
But ofcourse especially kapag puro kanegahan sa buhay nalang ang issue. Si hubby naman doesn't want me to be friends with my mistresses friends.

tudor.rose

  • Guest
Re: Is it right to avoid a "friend"?
« Reply #219 on: December 17, 2015, 07:45:27 am »
Yes. Lalo kung ginagaya ka na lagi. It's creepy.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close