watch now

Author Topic: Elemental stories  (Read 40341 times)

BAISANAN

  • Guest
Elemental stories
« on: October 08, 2009, 09:49:45 pm »
wala me kahilig hilig sa hula pero nung nagsimba kami sa quiapo napilitan narin ako magpahula dahil sa sis ko. isang matandang babae na nakapuesto somewhere in quiapo na talaga namang alamat na sya i mean sa hitsura nya na parang hehe... she said meron daw dwende sa bahay namin....na dapat daw ay maging kaibigan ko para hindi maging sakitin ang maga anak ko.....i dunno kung dapat kong paniwalaan pero i just want to know more kuento on this baka may maishare kayo....post it away.....

gorgeouschef

  • Guest
Re: DWENDE IN THE HOUSE (totoo kaya?)
« Reply #1 on: October 08, 2009, 11:58:30 pm »
Sis naniniwala ako sa mga dwarfs.. Unfortunately yung dwarf namen sa house, is Grumpy,,,  ;D I mean salbaheng dwarf, black dwarf.. ganun..

akthung

  • Guest
Re: DWENDE IN THE HOUSE (totoo kaya?)
« Reply #2 on: October 09, 2009, 11:27:04 am »
eh yung presidente natin?

joke

kutingpie

  • Guest
Re: DWENDE IN THE HOUSE (totoo kaya?)
« Reply #3 on: October 09, 2009, 11:31:00 am »
^ibang breed yun bro ;D

ang alam ko, si sis aquacharly, may duwende sa house. gusto pa nga ata nakawin ng friend ata ng mom niya ;D

i hope makita niya etong thread na ito :)

sayang, nawala na yung mala-multo in the house thread sa Home Management.

girlssentials

  • Guest
Re: DWENDE IN THE HOUSE (totoo kaya?)
« Reply #4 on: October 09, 2009, 01:05:55 pm »
Totoo ba 'to? Pano mo malalaman na may dwende sa bahay nyo?

Lynelle

  • Guest
Re: DWENDE IN THE HOUSE (totoo kaya?)
« Reply #5 on: October 09, 2009, 09:10:25 pm »
meron nga dyan nagoofer pa daw ng food sa kanila so nagpapakita ba sila?

Super Nix

  • Guest
Re: DWENDE IN THE HOUSE (totoo kaya?)
« Reply #6 on: October 10, 2009, 08:39:10 am »
May experience nako dito. Kasi bata pa lang ako may 3rd eye na ko. Di ko alam kung anong age ko nun,pero dun sa likod ng dati naming bahay kung san ako madalas maglaro,may friends daw ako na mga dwende. Pinatawas ako ng mom ko nun kasi napapansin nila every 6pm nilalagnat ako. As in sa gabi lang. Yun nga,sabi nung nagtatawas may gusto daw sakin yung anak ng dwende and gusto daw akong kunin para daw may kalaro. Alam ko pinaputol ng tito ko yung mango tree kung san daw sila nakatira. Ayun nawala sila tsaka di nako nagkakasakit nun. Mababait naman daw kasi sila. Di ko na maalala kung ano itsura nila kasi bata pa ko nun e. Yun lang experience ko sa mga dwende..

FOURever

  • Guest
Re: DWENDE IN THE HOUSE (totoo kaya?)
« Reply #7 on: October 10, 2009, 01:03:04 pm »
Totoo. my tito has a pet na dwarf. and he's helping my tito in decision making :D my tito showed us his pet ONCE. :)

choco_mint

  • Guest
Re: DWENDE IN THE HOUSE (totoo kaya?)
« Reply #8 on: October 10, 2009, 08:30:25 pm »
^how did he show his "pet"?  may picture sis?  :)
« Last Edit: October 10, 2009, 11:03:10 pm by choco_mint »

lloydiane

  • Guest
Re: DWENDE IN THE HOUSE (totoo kaya?)
« Reply #9 on: October 10, 2009, 09:14:47 pm »
Ako I believe na totoo. Yung cousin ko, 4 years old pa lang sya that time at nakakalaro nya. One time, yung sister nya nakitang may kinakausap yung itong bulilit kong cousin sa may window ng room nila. Tapos dinedescribe naman nitong bulilit yung itsura. Isinasama daw sya somewhere.

Mula nun, hindi na iniiwan mag-isa yung cousin ko at kung [textspeak!] anung may bracelet na color red pa syang suot para yata di makalapit.

BAISANAN

  • Guest
Re: DWENDE IN THE HOUSE (totoo kaya?)
« Reply #10 on: October 10, 2009, 10:51:39 pm »
magaling naman ang manghuhula sa quiapo kasi nahulaan nya ang dwende isyu dito sa haus at tinanong ko si hubby ay meron nga daw nung pinatatayo pa ang haus nila may nuno sa punso pero nag offer daw sila at nagpaalam....sabi ng manghuhula sa akin hindi na daw namin mapapaalis yon kasi dito na nga sa haus namin nakatira need lang kaibiganin.....sabi ng friend ko naman pag kinaibigan daw at binigyan ng suerte may kapalit na hihingiin yon....how true???

BAISANAN

  • Guest
Re: DWENDE IN THE HOUSE (totoo kaya?)
« Reply #11 on: October 10, 2009, 11:22:18 pm »
talaga sis? pero hindi naman kayo iniistorbo?saka hindi nyo rin napapaalis pa?

Sis naniniwala ako sa mga dwarfs.. Unfortunately yung dwarf namen sa house, is Grumpy,,,  ;D I mean salbaheng dwarf, black dwarf.. ganun..

BAISANAN

  • Guest
Re: DWENDE IN THE HOUSE (totoo kaya?)
« Reply #12 on: October 10, 2009, 11:24:07 pm »
naku, matinding dwarf yon mas malupit pa sa black hehe

eh yung presidente natin?

joke


muahmuahmuah

  • Guest
Re: DWENDE IN THE HOUSE (totoo kaya?)
« Reply #13 on: October 10, 2009, 12:19:45 pm »
kami meron. may time nag alay kami sa kanila. my mom talks to them at sinasama nya kung saan saan . i was scared of them when i was small. madami nagsabi na maswerte location ng house namin kasi daungan raw yun or port area nila.

we had other spirits kicked out and nagpabless rin kami and other stuff para mawala yung ibang elemnts na masasama. my sissy n bro would get sick lagi noon kasi may white lady na dumidikit sa bro ko nung kids kmi. nakikita ko rin daw sila noon and id be scared when my mom would ask di pa ako nagsasalita but i have a faint image siguro nablock ko lang kasi talagang takot na talot ako. so kinakausap ni mama na we can all live together pero sila ang magpasensya sa amin kasi we dont see them so tabi sila pagnadaanan namin sila.

may neighbor naman kami na yung mga itim na dwende laging naka dungaw sa bakod naghihntay na umalis yung nga nagbabantay. sa kanila rin lumalapit si mama if we want a household help fired.

marami happenings sa bahay namin eh nagugulat rin relatives n maids noon na madami nagyayari sa bahay.

awooooooo. :p

 

FOURever

  • Guest
Re: DWENDE IN THE HOUSE (totoo kaya?)
« Reply #14 on: October 11, 2009, 06:47:01 am »
^how did he show his "pet"?  may picture sis?  :)

no, actually he didnt REALLY show us. nasa room kami, then it's time for that thing to eat daw. it was REALLY a secret pero tinawag niya kami so we can ask questions to the dwarf. so my tito turned off the light (he prepared hard boiled egg) tapos he called it. tahimik kami. then may maliit na liwanag (not really nakakasilaw or bright, faded yung light niya, ang gulo no? haha! hirap kasi iexplain).. he/they first ate tapos nung tapos na sila kumain, we ask questions like makakatapos ba kami ng college or maganda bang business to.. sumasagot sila through sound na parang may bumabalibag.. twice kung hindi. once pag oo. tapos after that, binuksan ng tito ko yung ilaw, yung egg, may kagat ng parang daga.

shane_meshiel

  • Guest
Re: DWENDE IN THE HOUSE (totoo kaya?)
« Reply #15 on: October 11, 2009, 08:45:09 am »
yeah, true..dwende exists..dami ko naexperience sa kanila when i was 5 or 6. yun yung pinakaayaw na pinag uusapan ng mother ko about the past, yung naencounter ko about dwarfs. sabi nung mga albularyo dun daw nakatira sa puno ng kaimito yung dwende at inaalagaan daw nila ako.

yung naranasanan ko sa kanila before eh parang di kapani paniwala pero totoong nangyari. nung mga bata pa kc kami lagi kami pinatutulog ng nanay ko after lunch. one time nung pagmulat ko sobrang daming kulay na kumikislap kislap ang nakita ko then sinabi ko kay nanay, di naman nya pinansin, mawawala din daw yun so ang ginawa ko binasa ko ang mata ko then nawala nga naman then after that di ko na alam nangyari. ang kwento sakin nawalan na ako ng malay. ang nanay ko sempre nataranta, nagtawag ng mga kapitbahay, binalot daw ako ng kumot at kumaon ng manggagamot. ganito talaga sa probinsya eh. yun ang sabi nanunu daw ako.

ang highlights ng kwento is 7 days akong walang malay, tulog ba so 7 days din iyak ng iyak si nanay. hiniram DAW ako ng mga dwende. 7 days din sya alay ng alay ng pagkain dun sa puno. nung nagkamalay na ako, normal lang, just wondering why kung bakit si nanay iyak ng iyak tapos niyakap ako. then there is an old man sa paanan ko para nagdadasal ba tapos in between sa mga daliri ko sa paa is merong mga palito ng posporo. ginagamot daw ako. ang gulo nga eh. pero bakit ganon wala naman ako maalala na may pinuntahan ako. gulo nga eh. si nanay naman ayaw sumagot everytime may tanong ako about that, basta ayaw na ayaw nya pinag uusapan yun.

 ???


BSCN

  • Guest
Re: DWENDE IN THE HOUSE (totoo kaya?)
« Reply #16 on: October 11, 2009, 05:21:55 pm »
naniniwala ako sa dwende, may alaga ang tita ko na ganya sa bahay nila sa manila. mababait naman, pero kapag merong tumutuloy sa bahay na hindi nila gusto o alam nilang masama ang ugali o salbahe, ginagawan nila nang hindi maganda. like noong nagpa-renovate sila, may trabahador na kung [textspeak!]-ano ang nae-experience na kakaiba at eto pa, nabagsakan siya ng malaking vase sa paa niya, bigla na lang tumaob sa paa niya iyung vase kaya ayun duguan talaga. ang siste, nagnanakaw pala sa bahay ng tita ko iyung trabahador. mahilig din magbiro iyung alaga ng tita ko, minsan may mawawalang gamit na alam mo naman kung saan mo iniwan. after a while makikita mo din doon. minsan naman na nanonood ako ng tv mag-isa sa kwarto, bigla na lang mamatay iyung tv tapos makakirinig ka ng whispers. doon kami nakatira sa bahay na iyon for several years din, nakita ko na din sila (madami kasi). medyo nakakatakot lang nung una pero nasanay na din ako. halos lahat naman kasi ng bahay na tirhan namin meron kaming "kasama". sumusunod talaga sila.

BAISANAN

  • Guest
Re: DWENDE IN THE HOUSE (totoo kaya?)
« Reply #17 on: October 11, 2009, 10:56:31 pm »
scary naman ang mga kuento hehe...natatakot tuloy ako bumaba para uminom ng water....dalawa daw ang dwarfs dito black and white and never ng mapapaalis....may binabanggit yung matanda na manghuhula yung blue tawas at yung  ano ng sto. nino i forgot na kung ano yon...pero yon daw ang paraan para mapaamo..i wiwisik sa lugar kung asan sila..i dunno naman kung reliable ang sabi ng matanda...iam thinking kasi baka pag ginawa ko yon sila naman ang maistorbo at mainis sa amin...i have 2 kids pre-school at toddler pa naman...

choco_mint

  • Guest
Re: DWENDE IN THE HOUSE (totoo kaya?)
« Reply #18 on: October 11, 2009, 11:39:08 pm »
sis BSCN, yung hitsura ba nila is exactly how they are described in books? is it true na hindi lang daw black and white ang colors nila, meron din daw green, violet, etc...? kung iba ang colors, ano naman ang personality ng dwende if that's the case?

BSCN

  • Guest
Re: DWENDE IN THE HOUSE (totoo kaya?)
« Reply #19 on: October 12, 2009, 06:05:52 am »
^ noong una ko silang nakita, as in iyung sama-sama sila na madami eh nakahiga na ako sa bed, they were lined up doon sa glass section nung pintuan, maliliit sila talaga. madilim nung time na iyon kasi bedtime na pero malinaw talaga iyung porma ng katawan nila, para silang mini soldiers na nakapila, lol. second time naman as usual ako na naman mag-isa sa kwarto, i even told my mom na huwag muna akong iwanan sa taas kasi nga medyo takot pa ako noon. i was preparing for school at that time eh, ayun nung pababa na ako nakita ko sila sa mirror na nakatapat sa bookshelf nung tita ko, nandoon siya (mag-isa lang siya ngayon) sa likod nung mga books, i even looked back sa bookshelf tapos binalikan ko ng tingin iyung mirror, kasi sabi ko pa ah baka reflection lang ng kung ano, eh talagang nandoon siya at nakangisi pa, ayun tumakbo na lang ako pababa. medyo cone-shaped iyung head niya tapos parang pale iyung skin, parang slit lang iyung eyes, i don't know kasi siguro dahil nakangisi siya nung time na iyon. puti iyung sa amin sis, hindi ko lang alam kung ano personality pag ibang kulay, pero mabait naman iyung sa amin, at "lucky"  ;D

 

Latest Stories

Load More Stories
Close