watch now

Author Topic: SHOPLIFTING or KLEPTO  (Read 47965 times)

FayeP

  • Guest
Re: SHOPLIFTING or KLEPTO
« Reply #40 on: November 30, 2011, 06:33:19 pm »
nun grade six ako sa library namin, isa lang ang librarian.  one time, wala kami room sa journalism class, kaya dun kami nag room muna. katabi ko un istante ng mga cookbooks, as in madaming madami cookbooks at aliw na aliw ako, may binabasa akong isang pinoy cookbook nun dumating si teacher, so nilapag ko sa table ko un book at naglesson na...

nakalimutan ko un tungkol sa book hanggang sa uwian...pagdating samin, naykopo! andun un cookbook sa loob ng bag ko kasama un mga textbooks kong iba...takot na takot ako....

sinamahan pa ako ni nanay bumalik ng school para isoli...kasi baka sabihin magnenenok ako eh

ecnarfoj

  • Guest
Re: SHOPLIFTING or KLEPTO
« Reply #41 on: December 09, 2011, 02:19:24 pm »
I have a cousin na klepto talaga.
Dati akala ko inggitera lang siya kaya niya kinukuha yung mga gamit namen sa bahay.

Pero na-observe namen na sakit kasi hindi niya na-re-realize kung kanino niya kinuha yung mga bagay. Tapos makikita mo gamit niya yung gamit mong nawawala?

lage ako nabibiktima sa mga damit. Pag may bago akong damit palagi akong nawawalan kapag pumunta siya ng bahay. (wala kasing lock yung mga pinto ng kwarto nameng magkakapatid.)
Tapos pag pumunta ulit siya, wag ka, suot niya yung mga damit ko.

Kaya pag pupunta siya samen, hindi namen siya iniiwan mag-isa. Pag pupunta siya sa taas (room namen) tatanungin talaga namen kung bakit siya aakyat eh nasa baba kami lahat.

rheinfall18

  • Guest
Re: SHOPLIFTING or KLEPTO
« Reply #42 on: May 19, 2012, 07:19:36 pm »
ginawa ko to when i was in grade 6..nag-tour kami sa tagaytay tapos sa souvenir shop may nakita ako bracelet worth 20+ yata..that time mahal na un 20 pesos, e sobrang wala akong dalang money kasi naubos sa binili kong pinya kaya binulsa ko na lang haha thankfully di naman ako nakarma o wala lang ako maalala na bad na nangyari after nun..pero promise di ko na inulit yun! ^^

@.@

hazelbrown_eyes27

  • Guest
Re: SHOPLIFTING or KLEPTO
« Reply #43 on: May 24, 2012, 10:42:07 am »
may classmate akong klepto or maybe magnanakaw talaga. Nung may nawalan, lahat kami, pinag kakapkapan, bags and all. Di ko na kinausap yung classmate ko na yun after na siya yung kumukupit. Baka,sabihing friend ko pa siya.

Canon071

  • Guest
Re: SHOPLIFTING or KLEPTO
« Reply #44 on: July 05, 2012, 07:42:10 am »
Hahah naalala ko nung HS pa ako, bago ako umuwi sa bahay pumupunta muna ako sa supermarket para maghanap ng pwedeng bilihin.. eh minsan kasama ko yung friend ko sabi nya gusto daw nya bilihin yung hair leave-on (di ko na lang sabihin ang brand) bagong labas lang sya that time. Tapos ayun sabi ko eh di bilihin mo na, eh wala daw syang pera sabi ko "kunin mo na" sabay ngisi ;D medyo matagal kaming nag-asaran ng ganun hanggang sabi nya "hindi nga?" sabi ko " hindi ko ipagsasabi" sabi nya sige ikaw bahala saka nya kinuha at nilagay sa bulsa. Hahah pagkalagay nya sobrang nerbyos namin dahil baka mamaya may nakakita.

Pero nakakatakot namang ibalik baka lalong may makakita, basta nerbyos na nerbyos kami,pero medyo natatawa rin kami kasi first time naming ginawa yun hindi naman akalain na magagawa namin yun haha buti na lang walang nakakita. Medyo matagal kaming hindi bumalik dun. Tapos sabi ko sa sarili ko hindi ko na uulitin yun. Nag-promise kami na hinding-hindi namin ipagsasabi kahit sa parents namin.

Hanggang ngayon na nag-wo-work na ako wala pa akong pinagsabihan dito pa lang, pero sabi nya nung naka chat ko sya na naisabi daw nya sa kapit bahay nya.

Tapos minsan namimili kami ng kapatid ko sa mall, eh ang bigat nung basket tapos ang bigat pa nung dala kong plastic kasi may binili din ako eh. Tapos ayun nilagay ko yung plastik sa basket para isang bitbitan lang tapos lagay lang ako ng lagay ng binili ko, pag-uwi ko sa bahay nung binuksan ko yung isang plastik sobrang nagulat ako dahil may face powder pala. Hindi ko akalaing na-shoot pala dun. Buti na lang hindi nakita ng guard, sobrang natakot ako.. sabi din ng mama ko buti at hindi chineck nung guard dahil kung hindi lagot kami.

tomatostellar

  • Guest
Re: SHOPLIFTING or KLEPTO
« Reply #45 on: July 28, 2012, 06:02:41 am »
nanguha ako ng spoon and fork sa SM foodcourt nung hs syempre ganon lang iniisip "for fun"
pero nung nakita ng mommy ko, sabe nag shoplift daw ako, ayun di na ko nag ganon ulet,
madami ako friends, trip trip lang ganon ginagawa, sa mga foodchain ekek

pero ilang beses na din ako nanakawan! my goodness dun sa isang school ko, maganda pa man din may pangalan, uso pala nakawan! 1st day of school,transferee ako, nawalan ako ng walkman!
tapos few months after, celphone naman!

queendi

  • Guest
Re: SHOPLIFTING or KLEPTO
« Reply #46 on: July 28, 2012, 08:55:37 pm »
when i was in elementary, may classmate kami na "magna". pinaka memorable eh yung nung grade 5 ako. mag ffield trip kami. nawala yung pangbayad ng classmate ko. so nagpanic kami lahat. talaga namang galit ang teacher at buong klase ay hinalughog ang mga bag but hindi nahanap.
kinabukasan, pa secret nyang isinoli dun sa classmate namin na kinuhanan nya ng money. natakot na rin siguro.

ngayon, kapag nakikita ko sya, mostly sa FB, yun pagka klepto nya ang unang naiisip ko. grabe ang pangit na image kahit pa nga ba super tagal na yun, tumatak na talaga for sure sa isipan ng classmates namin yun.

yung isa naman, niece ko na inampon namin para may kasama ang parents ko sa bahay. 10yrs old sya and talagang hirap sa buhay. yung bag ko pakalat kalat lang sa rm ng parents ko. kaya pala itong bagets, madami lagi pera, kumukuha pala sa wallet ko. hindi ko kasi binibilang yung laman nun. one time, bigla ko naisip yung feeling ko lucky charm na money na pinakakatago tago ko at lo! nawawala. yun pala sya ang kumukuha and hindi na rin mabilang kung magkano ang nakuha nya. grabe, first time ko nanakawan ng ganun kaya naman ang galit ko ay halos ihambalos ko yung bagets sa bed. inampon na nga at pinakain, pagnanakawan pa ako.

magmula noon, siguro nagtanda na sya at na build ang takot nya sa akin which is dapat lang.

tomatostellar

  • Guest
Re: SHOPLIFTING or KLEPTO
« Reply #47 on: July 29, 2012, 01:58:26 am »
^ uh oh, ingrata naman si bagets

lonelymiss28

  • Guest
Re: SHOPLIFTING or KLEPTO
« Reply #48 on: July 29, 2012, 05:04:29 am »
it happen to me sa store na di ko napansin na di ko nalagay yung isang item (cereal) sa cash so paglabas ko at nilalagay ko na sa kotse pinamili ko napansin ko yung cereal so ni check ko kung nabayaran ko yun and hindi nga so bumalik ako at binayaran ko parang di kaya ng kunsensya ko na manloko ng dahil lang sa isang cereal tapos pagkain pa.

khayzee

  • Guest
Re: SHOPLIFTING or KLEPTO
« Reply #49 on: July 29, 2012, 06:15:17 am »
mga 2 yrs ago, we have 2 yaya, magpinsan. nagpaalam umalis kasi gusto daw mag aral. so ok, sked ng alis nila is hapon sa house, yung sister ko sabi sakin, masama daw kutob nya, parang may nakuha sa kanya. that morning, sabi namin mag mall muna sila, (malapit lang yung mall and sarili lang dala nila), so ayun nagkalkal kami ng gamit nila.. yaya ni sis, ayun nakita nya nakabalot sa pants ( sa loob ha) andun mga damit nya, pati panty walang patawad. ang galing lang magtago, kasi pag dmo ipapagpag yung pants, d mahuhulog yung damit.. other yaya, na yaya ng son ko, siguro tinuruan ng pinsan, i saw 1 shirt ng son ko sa bag nya.. after a few hrs pag uwi nila, pinalabas namin gamit.. si yaya naibalik na ang shirt at umamin sakin. kaya ayun umiyak sila ng bongga kasi galit na galit kami. u treated them nice, as in nice ha.. tapos ganon gagawin.. sana hiningi na lang nila

brokenphobia

  • Guest
Re: SHOPLIFTING or KLEPTO
« Reply #50 on: August 15, 2012, 04:11:38 am »
naalala ko dito yung monthsary namin ng ex ko nung college.

dahil medyo bata pa kami non, sentimental kami sa mga bagay. after lunch nagsabay kaming kumain sa fastfood na malapit lang sa school. pag order namin, binigyan muna kami ng pending number na nagkataon naman na 7. saya lang nun kasi 7th monthsary namin, tapos august 7. ang ending inuwi namin yung pending number at kumain nalang kami sa school canteen ;D ngayon pag naaalala ko nanghihinayang nalang ako dun sa food. LOL!

quinone

  • Guest
Re: SHOPLIFTING or KLEPTO
« Reply #51 on: February 20, 2013, 07:48:40 pm »
wala pa akong nakilalang klepto, pero nakaka awa sila kasi they are sick.

para naman dun sa mga teenagers na feeling cool at nagkakatuwaan mag shoplift, di nila siguro nare-realize na kapag nag-inventory at kulang ang items, maaring ibawas yun sa pay ng tindera. kawawa naman yung mga tao na pilit nagta-trabaho for a decent living diba?

lonelymiss28

  • Guest
Re: SHOPLIFTING or KLEPTO
« Reply #52 on: February 20, 2013, 09:32:24 pm »
nung nagwo-work ako sa pinas may inampon si dad ko na taga probinsya mga 10 ang age nya na babae. napansin ko one time nawawala yung relo ko na swatch, so ang tagal kong hinahanap akala ko nalagay ko lang kung saan, but one day nakita ko sya sa sahig. so tinanong ko paano napunta yun dun, good thing may nakakita na sya naglagay sa floor. it turns out dami pala nyang nakuha sa akin mga clip (kakikayan), then sinusuot nya lang yun sa school pang porma then pag sawa na sya ilalagay sa floor or somewhere and that is her way of pagsosoli. so i told my mom na pauwiin na lang sya dahil mahirap may kasamang di mo mapapagkatiwalaan. yung is ako namang pinsan mga dmait ko naman at socks na bench, esprit, or mga ganong brands ang ginagamit then lalabhan saka isosoli sa cabinet ko. di ko sya pinauwi kasi pinsan ko naman.

cruxito

  • Guest
Re: SHOPLIFTING or KLEPTO
« Reply #53 on: April 03, 2013, 09:38:58 am »
actually ako natatakot sa mga ganito kasama kasi alam mong damay ka sa kahihiyan.

brendzy

  • Guest
Re: SHOPLIFTING or KLEPTO
« Reply #54 on: April 07, 2013, 07:38:54 pm »
Not me pero back in college sa boardinghouse, may incident na nawawalan kami ng pera...eventually, andami ng nawawala, one time, my bf sent me some remittance money, at the same day na nakuha ko yu, nawalan yung isang boardmate namin, in the end ako pala pinagbintangan nila. they harassed me para umamin, panu ako aamin sa something na di ko ginawa? i told my family at pina-blotter namin yung mga classmates ko na nangharass sa akin. then I moved out of the boarding house, wala nako pakialam sa kanila. >:(

cheezecake

  • Guest
Re: SHOPLIFTING or KLEPTO
« Reply #55 on: April 07, 2013, 08:19:14 pm »
I have a friend na klepto kasi naman yung hubby niya lahat hindi pwede kapag mga wants niya kaya ayun ang hilig kumuha ng gamit ko.  Kapag hinihingi ko tumatawa lang at sinasabi pa sa aking nasa bodega lang daw nila sa galit ko sinugod ko nag-away kami pati ng asawa niya sabi ko sana turuan niya asawa niya huwag maging malikot ang kamay at sumigaw ako sa building nila sa may magnanakaw sa Rm ###.  Ayun so far hindi na naulit  ;D

Miss Charcoal

  • Guest
Re: SHOPLIFTING or KLEPTO
« Reply #56 on: April 22, 2013, 08:31:54 pm »
May classmate kami na malikot kamay. Kinuha niya yung mumurahing cologne ng isa ko pang classmate na halos paubos na. Tuwing naaalala ko, natatawa na naaawa ako. Haha.

may12

  • Guest
Re: SHOPLIFTING or KLEPTO
« Reply #57 on: June 04, 2013, 12:43:07 am »
Not me pero back in college sa boardinghouse, may incident na nawawalan kami ng pera...eventually, andami ng nawawala, one time, my bf sent me some remittance money, at the same day na nakuha ko yu, nawalan yung isang boardmate namin, in the end ako pala pinagbintangan nila. they harassed me para umamin, panu ako aamin sa something na di ko ginawa? i told my family at pina-blotter namin yung mga classmates ko na nangharass sa akin. then I moved out of the boarding house, wala nako pakialam sa kanila. >:(

Sis, hindi mo ba pinakita sa kanila receipt nung remittance money?

Noong college ako, pumunta kami ng isang classmate ko sa bookstore para bumili ng school supplies. Nagkukuwentuhan kami ng kung [textspeak!]-ano. Nung pumila na kami sa cashier, tinanong ko siya kung saan na 'yong hawak niya. Nalagay niya pala sa bag nang hindi niya namamalayan dahil sa pagkukuwentuhan namin. Grabe, tawa lang kami ng tawa pero natakot din siya kasi baka sabihin nung cashier intensiyon niya talagang nakawin 'yon.  :P

'Nung bata din ako naalala ko may kiwenento tita ko nun. Pumunta daw sila ng mall ng anak niyang babae. Bata pa pinsan ko nun. Tapos may nagustuhang sapatos. Pinipilit niya tita ko na bilhin 'yon, pero ayaw talaga ng tita ko. Hanggang sa umuwi na sila. Nagulat nalang tita ko kasi hawak-hawak pa rin pala nung pinsan ko yung sapatos. Haha. Until now, nagtataka pa rin ako kung bakit wala man lang sumita sa kanila.  ::) Sabagay, sa probinsiya 'yon na mall. At mga 1995 pa ata 'yon, so di pa uso cctv.

Nung grade six naman ako, nawalan ng 1k 'yong English teacher namin. Hindi niya talaga pinauwi 'yong klase niya. Lahat ng kasuluk-sulukan ng katawan, kinapkap niya. Nahanap niya sa puwet nung estudyanteng lalaki. Inipit doon.  ::)
« Last Edit: June 04, 2013, 02:32:02 am by may12 »

lisse

  • Guest
Re: SHOPLIFTING or KLEPTO
« Reply #58 on: June 04, 2013, 01:11:43 am »
^yikes! ang tindi naman non sis!

sa flat namin before when I was still working in Dubai may magnanakaw ng pagkain sa fridge LOL! Nung una nakakatawa pero syempre minsan yung nilalantakan niya eh mejo mamahalin na and ang punto kasi namin umaasa kami na pag-uwi namin na pagod galing work meron kaming dadatnan na pagkain. tapos hala nawawala na lang bigla. ultimong sinaing namin ng roommate ko pagdating namin rice cooker nalang eh. Natatawa na lang ako pag naaalala ko pero back then halos maiyak kami sa frustration. alam naman namin kung sino, yung isang girl na mejo "healthy" ang katawan, pati appetite sumobra sa ka-healthy-han. pwede namang manghingi pero wala hindi talaga nahihiya. we just moved out, tutal hindi din namin gusto yung landlady namin.

molybdenumstudios

  • Guest
Re: SHOPLIFTING or KLEPTO
« Reply #59 on: June 28, 2013, 03:36:05 pm »
Nung high school ako, stealing is inevitable, kaya the lost and found system was not reliable at all. In DLSU, however, the lost and found section is more reliable. Well, that's it.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close