watch now

Author Topic: SHOPLIFTING or KLEPTO  (Read 48018 times)

loveavenue

  • Guest
Re: SHOPLIFTING or KLEPTO
« Reply #20 on: February 11, 2010, 05:32:26 pm »
^ grabe naman. sale na nga, na-sikmura pa nilang mag-nakaw.

i had a bad experience. sale noon sa SM din. meron akong brand new louis vuitton na wallet. original siya, regalo sa akin yun ng special someone, so may sentimental value din. pinag-ipunang bilhin nung taong nag-regalo sa akin, hindi naman siya kasi mayaman talaga.

anyway, dahil madaming tao sa SM, nadukot sa bag ko. may nagnakaw. madali kasi mabuksan bag ko. nawala pati mga ID ko sa loob ng wallet. i felt sooooooooooo bad!! bakit may mga taong walang konsensiya?

rics

  • Guest
Re: SHOPLIFTING or KLEPTO
« Reply #21 on: March 02, 2010, 10:46:55 am »
Minsan teenagers do shoplift bec its a dare, peer pressure plays a part.

I remember quite a number of times already that when we do grocery or go shopping, I sometimes put items on top/under my of son's trolley, nakalabas na kami ng store when i see it and would rush back the store to return the items, ok lang naman sa kanila. Minsan my son would be holding on to an item and only be aware of it pag paalis na kami, minsan hindi na talaga nababayaran. But in these instances, we never thought of shoplifting.

kettlekorn28

  • Guest
Re: SHOPLIFTING or KLEPTO
« Reply #22 on: March 04, 2010, 12:49:34 pm »
I've seen 2 shoplifters in a big supermarket. Maayos ang itsura nila at maporma kaya di mo iisipin na gagawa ng ganun. I saw them at the beauty products isle, paikot-ikot. Then nagsilid na sila sa bulsa ng mga baby cologne, Pond's, small soaps, etc. I was really shocked pati na yung father & son na nag-grocery din. Ganun pala yun, matutulala ka at manlalamig. Pero naisip ko lang ha. Anlaki-anlaki nung mall/grocery na yun, wala bang CCTV? Dun din kami nabiktima ng pandurukot ng pitaka na may laman worth 1k. Siguro nga wala kasi di nila inaksyunan yung nangyari sa amin eh. Madami na rin nabiktima dun na naggo-grocery, pagdating sa counter wala na ang wallet. Buti may CC si hubby sa wallet nya.

loveavenue

  • Guest
Re: SHOPLIFTING or KLEPTO
« Reply #23 on: March 04, 2010, 01:05:15 pm »
^ maganda siguro i-report mo yan sa manager ng supermarket para maiwasan ang iba pang pagnanakaw na pwedeng mangyari in the future. u can also help other customers to save their wallets from getting stolen by reporting.

ako naman may nakita ako student siya, naka-uniform pa. high school student ito ha? ng isang prestigious school sa makati. nag-nakaw ng mga bathing suits. sinuot sa dressing room tapos yung iba nilagay sa bag. tumunog yung censor kaya nahuli sya. nakakahiya, naka-uniform pa naman! and according to the sales ladies, hindi daw ito first time, matagal na daw siyang napapansin na pabalik-balik doon para mag-nakaw, inoobserbahan lang tapos ayun, nahuli din!

laey

  • Guest
Re: SHOPLIFTING or KLEPTO
« Reply #24 on: March 05, 2010, 02:08:16 am »
When I was in Highschool, yung kaklase ko dati, mahilig magrefill sa 7/11 ng gulp. O kaya kukunin niya yung used cup ng tropa niya, irerefill niya ulet. Pero nahuli siya once. 

Yung hs classmate ko din, nahuli sa Glorietta, pero trip lang, at yung katropa niya lang yung mismong nahulihan ng item. Nung "picture-taking" nakangiti pa. ;D

College classmates naman, magkakatropa sila, nahuli sa fastfood chain, yung number lang pag inaantay mo yung food mo i-serve, ewan ko kung anong tawag dun. Dinala pa sila sa presinto.

myralmedo

  • Guest
Re: SHOPLIFTING or KLEPTO
« Reply #25 on: March 05, 2010, 03:34:02 am »
halu GTs :)

i remember one instance highschool days pa yun, national bookstore din. Indi naman sadya hehe...Magsastart na ata yung classes so bili ng school supplies, when am scanning yung mga shelves bitbit ko yung ibang things tas may hawak din akong ballpens eh nakakangawit na tas tamad na kong kumuha ng basket (though onti lang naman yung bibilhin ko kasi iilang notebooks and pads lang naman essentials lang talaga) para derecho na ko counter. Yung ballpens na hawak ko kasi small lang siya so pinatong ko sa bag ko, eh si manong guard pala nag may i roam around nakita ako sa wall mirrors nila diba may mga ganun. Tas lakad na ko after kasi magbabayad na sabi, excuse po Ma'am ano yung nasa bag nio, ciempre ako kinabahan bat ako sinisita sabi ko ay manong guard pinatong ko lang mabigat na kasi yung dala ko babayran ko naman... That time kasama ko rin parents ko nilapitan ako tas sabi bakit daw, eh aksidente naman nangyari (pro kinabahan ako kasi 1st time na nangyari hehe :-\) sabi tuloy ng mudra ko we'll pay for it naman, indi sadya ng anak ko. >:( ;D eh para kasing pinagbibintangan eh neneng nene pa ko nun hehe :D
« Last Edit: March 05, 2010, 03:36:46 am by myralmedo »

bella123

  • Guest
Re: SHOPLIFTING or KLEPTO
« Reply #26 on: March 05, 2010, 10:48:31 pm »
college days 3 kami ng gal friends ko  from megamall nag bus us papuntang guadalupe punuan so nakatayo us not knowing na ninanakawan na pala sila one of my friend nakuha ang brand new walkman nya [textspeak!] isa  naman friend ko wallet nya pero di yun ang ikinasama ng loob nya kasi to get the wallet kaylangan pa i slash yung bag eh branded yung bag nya at bago rin samantalang wala naman daw laman yung wala niya

illumine.db

  • Guest
Re: SHOPLIFTING or KLEPTO
« Reply #27 on: March 11, 2010, 01:00:39 pm »
Sa sm watson in sta. mesa may na witnessed nakong ganito, yung mga pang hot-oil na big sizes grabeh nilalagay nila sa plastic ng sm(blue) parang nagshopping lang napansin ko lang sila kasi naririnig ko yung plastic nila tas nagsasalita sila ng pabulong nagmamadali pero rinig ko kasi nasa kabila lang ako ng shelf then sinilip ko ah  yun confirmed!, kinabahan ako kaya umalis nalang ako agad 3 kasi sila yung isa lalaki pa.

kettlekorn28

  • Guest
Re: SHOPLIFTING or KLEPTO
« Reply #28 on: March 11, 2010, 02:01:54 pm »
@ loveavenue: nagreport kami sa isang SA nila pati sa guard ng supermarket pero wala silang aksyon. They just logged the incident in their log book. FYI, sa SM din ito.
 
Bakit ganun sa mga SM malls? Wala ba silang mga CCTV? Maraming nananakawan ng wallet sa supermarket at department store nila. Marami din nagsa-shoplift ng items nila. Big deal ba sa kanila ang magpurchase ng ilang unit ng CCTV para maprotect naman mga customers nila? Wala rin yata kahit sensor. My golly!

antagonist

  • Guest
Re: SHOPLIFTING or KLEPTO
« Reply #29 on: March 11, 2010, 02:06:04 pm »
naku manlalamig siguro ako pag nakakita ano ng shoplifter. e maki-share nga lang ng bottomless drinks kinakabahan na ako eh  :D

noong high school i have friends na klepto, dalawa sila. goodbye agad sa kanila nung nalaman ko. syempre baka ma-influence pa nila ako. or baka isipin ng iba klepto din ako kasi i hang out with them.

loveavenue

  • Guest
Re: SHOPLIFTING or KLEPTO
« Reply #30 on: March 12, 2010, 11:39:21 am »
@ loveavenue: nagreport kami sa isang SA nila pati sa guard ng supermarket pero wala silang aksyon. They just logged the incident in their log book. FYI, sa SM din ito.
 
Bakit ganun sa mga SM malls? Wala ba silang mga CCTV? Maraming nananakawan ng wallet sa supermarket at department store nila. Marami din nagsa-shoplift ng items nila. Big deal ba sa kanila ang magpurchase ng ilang unit ng CCTV para maprotect naman mga customers nila? Wala rin yata kahit sensor. My golly!

bakit naman walang aksyon? nag-sulat lang sa log book? that's it? nakakalungkot isipin, pero hindi sapat yung pagsuslat lang sa logbook.  dapat bumili sila ng CCTV. haaay...

Marquita

  • Guest
Re: SHOPLIFTING or KLEPTO
« Reply #31 on: October 23, 2011, 10:02:31 am »
Okay so here's one memorable moment shoplifted with my bestfriend back in college

We tried getting nail polish in a department store in a mall.
We got caught hahaha payed 800
It was crazy.

We were supposed to look funny or strong and not cry but i just broke down into tears for the humiliation.

rics

  • Guest
Re: SHOPLIFTING or KLEPTO
« Reply #32 on: October 25, 2011, 10:07:50 am »
years ago, i saw a girl shoplifting at the baby department of landmark. i was looking for a gift then nakita ko itong girl na mukhang tbird, ikot lang din siya ng ikot, then pag lingon ko, may sinilid sya big bottle of baby lotion or cologne sa bulsa nya tapos sabay alis. hindi ako nakagalaw kasi nagulat ako. wala naman ako nakita na sales person na pwede ko pagsabihan so pinalagpas ko na lang din.

Kady_14

  • Guest
Re: SHOPLIFTING or KLEPTO
« Reply #33 on: October 27, 2011, 06:23:55 pm »
Nun bata pa ako, like 5-6 years old, may neighbor-playmate ako na when i went home during playtime, I left some of my toys since babalik pa naman ako in a bit. When I got back, kulang-kulang na toys ko, sabi ni playmate and her cousin, ganun na daw yun, wala naman kulang baka daw naiuwi ko or di ko naman dinala dun. (ako naman bata, naniwala) years after, padalaga na ata kami they admitted (na-guilty siguro) na pinaghatian nila yung mga nawala kong toys.

Fast forward... wala pang five years ago, i learned from my mom (who still lives in the same village) na one these girls (ang tatanda na namin ah!) nahuli sa mall "we've got it all for you" kasi she bagged so many items. as in sobrang inikot ang per department, even the stationary section sa dept. store. She even got mga "thank you cards" i know it's bad pero my mom said baka daw kasi she was planning on "thanking" the store after.  ::)

From what I was told she got like 10K worth of stuff from diff depts. and talagang minomonitor na sya pero hinuli lang nun nakalabas na ng mall, and that they had to pay 4x or 10x ata. Ganun ata yun eh, and she had to sleep sa presinto hanggang di nabayaran.

So lumaki syang klepto. :(  Hindi sila well off pero i don't think that's a reason why she's that way, kulang din kasi ng pangaral from parents then, madami kasi sila magkakapatid, dad worked abroad and mom worked din to help ends meet. Nakakahiya lang din.
« Last Edit: October 27, 2011, 06:28:11 pm by Kady_14 »

sexy_maldita0089

  • Guest
Re: SHOPLIFTING or KLEPTO
« Reply #34 on: October 27, 2011, 06:53:14 pm »
Mga dati kong friends ganun, 3 silang magpipinsan. Nagnanakaw sila sa mga grocery stores nang kung [textspeak!]-ano. Nilalagay lang nila sa loob ng undies nila para di mahuli. tsk.. tsk ..

mishmish

  • Guest
Re: SHOPLIFTING or KLEPTO
« Reply #35 on: October 29, 2011, 02:29:44 pm »
Dati nung college pa ako, my barkada and I saw a shoplifter sa Bench store ng SM Sta. Mesa. Nagtataka kami bakit itong taong ito, andun sa may mga naka-plastic pa na new stocks naka-tambay eh ang kalat-kalat dun. Tapos super luwag ng pants niya as in mukha ng sako, tapos ayun, lagay lang ng lagay sa loob ng pants niya. Medyo kinabahan kami ng barkada ko, kasi naka-uniform kami, kung magsumbong kami, baka matandaan kami, kaya hinayaan na lang namin...

myleia27

  • Guest
Re: SHOPLIFTING or KLEPTO
« Reply #36 on: November 01, 2011, 05:42:21 am »

when I was in HS, pumasok kami sa isang store then paglabas namin, pinakita sa akin ng classmate ko na may na shoplift na siya na hair clips at jewelry na naka display. sobrang awkward feeling ko nun kasi first time ko ma experience. naging uncomfortable ako sa kanya.

nung college, our blockmate klepto rin. ninanakawan nya ng gamit mga barkada rin nya. umabot na ni raid yung dorm na pinag stay nya at ang daming na recover na gamit. plus yung SIM cards ng mga ninakaw nya na cellphone narecover na nasa ziplock sa closet. mga blockmates rin namin nag sampa ng case at nagpa raid sa kanya.

when first work ko, nagkaka nakawan na sa office so lahat suspects. then may 1 akong officemate na girl, pinahawak ko sa kanya bag ko when I have to order drinks sa foodcourt ng Glorietta. I only got a 50 peso bill and left my wallet inside the bag. When going home, I checked my wallet nawawala na yung 500 bill. Natira na lang a couple of 20 peso bills. I immediately reported it to our boss and pinamanmanan na nila siya. After 2 days, nagkakagulo sa locker room dahil nahuli na siya. May ninakaw siya na cellphone tapos sa pagsara nya ng locker naipit sa locker door yung cellphone charm/tag. Napadaan yung may ari ng cellphone, nakita nya na nakalawit yung tag. pina force open nila, true enough andun nga cellphone nya.

sa 2nd work ko, may trainee kami, 3 days pa lang siya, nakapag nakaw na siya ng 8 memories sa mga PCs dito. Sa operations floor at training rooms pa. Naibenta nya na lahat sa tipidPC. ayun pinatulog sa presinto ng company, kinasuhan ng theft. Kapag tinanong namin kung bakit nya ninakaw, di naman daw nya need ng pera. basta lang raw gusto nya kunin. I think yan ang standard na sagot ng mga klepto.


sonncza

  • Guest
Re: SHOPLIFTING or KLEPTO
« Reply #37 on: November 01, 2011, 08:15:36 am »
sa sm alam ko kasi sa SA ipapabayad yun pag inventory pag nagkulang ( napanuod ko sa tv sabi nung mga magnanakaw ) kaya si sm walang pakialam siguro gastos pa yan cctv at bayad sa surveillance people?! pero meron silang CIVILIAN GUARDS- nanotice ko pag pumupunta ako sa sm sanlazaro may girl ako palaging nakikita, every punta ko, andun sya parang nagshoshopping lang, ikot ng ikot, civilian guards pala yun! di nyo siya manonotice siguro sa malaking dept store.


RiverSong

  • Guest
Re: SHOPLIFTING or KLEPTO
« Reply #38 on: November 09, 2011, 01:04:47 pm »
dati sa Watson's di ko napansin di ko pala nabayaran yung TicTac na binili ko, madami kasi akong dala non. Nung nasa taxi na ko pauwi merong TicTac sa bulsa ko, nakahiwalay sa ibang binili ko, nanlamig ako nun!

Nung grade school kami, meron ata kaming kleptong kaklase kasi laging me nawawala. Me duda din kami kung sino.

Sa dati ko ring work nawalan ako ng cellphone at brandnew na digital camera. Pero ang duda ang kumuha mga cleaning crew pag gabi. Bawal kasi CCTV sa area natin, highly confidential yung client.

Sa bago kong work, magiwan ka ng kahit anong mamahalin na gamit mababalikan mo pa kinabukasan, magiwan ka ng kahit anong pagkain sigurado wala ka ng babalikan hahaha  :P

sonncza

  • Guest
Re: SHOPLIFTING or KLEPTO
« Reply #39 on: November 09, 2011, 10:21:50 pm »
yung worker na hinire ko pala snatcher! kapatid sya ng nirefer sakin ng high school friend ko! klepto din ata ang ganun eh, pero nawalan ng phone yung ibang tao samen, nawawalan ako ng gamit, wires, etc! kakatakot

 

Latest Stories

Load More Stories
Close