watch now

Author Topic: Potipot Thread  (Read 107440 times)

shegothim

  • Guest
Re: Potipot Thread
« Reply #240 on: April 20, 2010, 06:30:20 pm »
di ko masabi, as of now hindi. kasi naliliitan ako sa iikutan sa potipot. nakapunta na rin kasi ako dyan kaya di ako masyadong excited. pero infairness nagandahan naman ako nung pumunta ako.

menice

  • Guest
Re: Potipot Thread
« Reply #241 on: April 20, 2010, 06:34:25 pm »
^ hehe :D ayun lang. gusto kase ng mga kapatid ko so isama ko sila. hehe

sleepy_me

  • Guest
Re: Potipot Thread
« Reply #242 on: April 21, 2010, 01:00:35 pm »
^ bro hindi din ako sure dito  :-[

tinapay

  • Guest
Re: Potipot Thread
« Reply #243 on: April 21, 2010, 04:46:06 pm »
menice: kala ko isasama rito yung island na sinasabi ni blew_crush na malapit lang sa potipot?

shegothim

  • Guest
Re: Potipot Thread
« Reply #244 on: April 21, 2010, 04:59:57 pm »
may kalayuan din iyon sis. sa sta. cruz ang sakayan papunta dun sa island.

tinapay

  • Guest
Re: Potipot Thread
« Reply #245 on: April 21, 2010, 05:01:47 pm »
northern part of candelaria pa yun, di ba? mga ilang oras kaya yun?

shegothim

  • Guest
Re: Potipot Thread
« Reply #246 on: April 21, 2010, 05:22:00 pm »
mga isang oras na lang siguro. magkasunod lang kasi ang candelaria at sta. cruz eh.

menice

  • Guest
Re: Potipot Thread
« Reply #247 on: April 21, 2010, 05:25:33 pm »
yung ms universe island? ang alam ko + 1000 ata kaya parang wag na lang. hehe :P

shegothim

  • Guest
Re: Potipot Thread
« Reply #248 on: April 21, 2010, 05:43:24 pm »
+1000 per boat? oks na rin iyon. malayo layo rin iyon sa potipot ah, kasi sa sta. cruz pa iyon.

tinapay

  • Guest
Re: Potipot Thread
« Reply #249 on: April 21, 2010, 05:53:45 pm »
1k per boat? baka pwede na rin. sama mo na sa IT para makasama ko, hehe :D

shegothim

  • Guest
Re: Potipot Thread
« Reply #250 on: April 21, 2010, 05:56:01 pm »
yun oh. sama mo na kasi menice para makasama si tina at para madagdagan ang joiners dito. pahiram ko tent ko pag kinulang kayo.

menice

  • Guest
Re: Potipot Thread
« Reply #251 on: April 21, 2010, 06:01:28 pm »
^ sige aalamin ko kung magkano talaga yung dagdag sa bayad. hehe :P oks oks?

sleepy_me

  • Guest
Re: Potipot Thread
« Reply #252 on: April 21, 2010, 09:56:19 pm »
oo nga para naman may thrill yung potipot sama na din yun daddy  8)

lakwatsa

  • Guest
Re: Potipot Thread
« Reply #253 on: April 22, 2010, 11:37:05 am »
makakalimutin na talaga tong c mark o.  :P

mga sis, 1k per pax po ang singil ni aling minda kung pupunta dun sa hermana menor. yun hermana mayor ang ms. universe island.

kung gusto nyo punta talaga dun, eto ang naisip ko. instead na baba kayo sa candelaria, dumiretso na kayo dun sa sta. cruz. tapos from there saka kayo maghire ng boat going to hermana menor. mura na lang din siguro yun kasi abot tanaw na rin yun island dun e.

tapos saka na lang kayo travel back to potipot sa afternoon tutal 5min boat ride lang naman sya. di kayo matatakot sa alon. :)

shegothim

  • Guest
Re: Potipot Thread
« Reply #254 on: April 22, 2010, 11:56:44 am »
kahit nga gabi na sis di nakakatakot ang alon sa potipot. 7pm kami noon sumakay ng boat from dawal to potipot. super dilim na, mabuti na lang tinulungan kami ng bantay doon na magpitch ng tent at binigyan pa kami ng gasera kasi wala kaming ilaw.

qt_ben17

  • Guest
Re: Potipot Thread
« Reply #255 on: April 22, 2010, 12:52:46 pm »
biglang sumulpot yung hermana mayor island na yan ah. hehe. may pics ba kayo niyan..

menice

  • Guest
Re: Potipot Thread
« Reply #256 on: April 22, 2010, 12:52:51 pm »
oh ayun naman pala eh. ano sama natin hermana mayor? ahaha ang layo kase. LOL baka nasa bundok na tayo non :)

serena06

  • Guest
Re: Potipot Thread
« Reply #257 on: April 22, 2010, 01:29:06 pm »
sinu-sino na kayo dito?kapag di ako nakasama sa pulag hanap ako ng isa pang trip na pwede aside dun sa cagbalete :)

foxy_6518

  • Guest
Re: Potipot Thread
« Reply #258 on: April 22, 2010, 03:04:16 pm »
100 na ang entrance per person
100 for table

as of feb 2010

Thanks for the update!

Ang tagal ko din bago nakadalaw dito.  Daming nangyari.  Pero syempre, itutuloy ko pa din ang Potipot plan. hehe..

lakwatsa

  • Guest
Re: Potipot Thread
« Reply #259 on: April 22, 2010, 03:35:17 pm »
again again. konting kwento tungkol sa Hermana Menor at Hermana Mayor..

o listen kids, ayon sa aking pagsasaliksik (naks parang totoo hehe), sister islands sila.

yun Hermana Mayor ay tinawag na Ms Universe island kasi dito daw nag photo shoot yun mga contestants ng ms universe noong araw. mga 1970s yata. tapos part sya ng mapapanalunan ng tatanghaling ms universe for which ang nanalo ay si Amparo Munoz (sya din yun nakapag asawa ng pinoy).

yun Hermana Menor naman, mas maliit sa Hermana Mayor, ang tawag naman dito ay cursed island yata tipong ganun. kasi daw dati ayon sa alamat, maunlad na pamayanan sya kaso may isang matandang babae na napadpad dun. may sakit yata or something pero mayaman tapos nanghihingi siya ng tulong sa mga tao doon. pero instead tulungan e ninakawan pa sya and they left her for dead. so bago sya matigok e sinumpa nya yun island. naghirap yun island and mga tao dun. that is why daw makikita nyo yun isang side ng hermana menor is maganda while yun other side is pangit. so sa ngayon, even daw yun mga naging successor/owners ng island e nababankrupt at naghihirap. ewan ko kung sino na owner ng island na yun ngayon.

bow.

malapit lang yata yun Sta Cruz from Potipot. kasi kami lumagpas kami noon tapos nakita na agad namin yun arko na nagsasabing nasa Sta Cruz na kami (kaya nalaman kong lagpas na) hehe.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close