watch now

Author Topic: Potipot Thread  (Read 107098 times)

shegothim

  • Guest
Potipot Thread
« on: October 07, 2009, 12:17:42 am »
sayang at nabura na ang old thread. plan ko pa namang i-up ang old thread para di sana mabura.

kaya eto gumawa na lang ako ng bagong thread.

sa mga sis na nakapunta na.. kwento naman kayo.

sa mga may balak pumunta (pero as of now medyo malabo kasi mahirap puntahan dahil sa nasirang bridge sa botolan), ask na rin kayo dito.

post away mga sis  ;D

freelancer517

  • Guest
Re: Potipot Thread
« Reply #1 on: October 07, 2009, 01:53:33 pm »
ang masasabi ko lang parang wala katapusan yung daan papuntang candelaria lol! ang landmark kasi namin Iglesia ni Cristo raw, eh ang dami palang Iglesia dun haha

anyway, maliit lang ang potipot island at pwede mo ikutin in minutes I think. we were there last march, medyo marami na ring tao ang pumupunta. water is clear and white ang sand

kikay iska

  • Guest
Re: Potipot Thread
« Reply #2 on: January 29, 2010, 05:18:20 pm »
any tips, recommendations? 

we're planning to go here on Apr 9-11. thanks!

shegothim

  • Guest
Re: Potipot Thread
« Reply #3 on: January 29, 2010, 06:38:35 pm »
kami noon sa island lang nagstay. may baon na rin kaming de lata at bigas. may pwesto din dun kung saan pwedeng magluto. dala na rin kayo ng maliit na kaldero para may mapaglulutuan, magsasaingan at mapagiinitan kayo ng tubig. nung pumunta kami 100 pesos ang overnight rate per pax. 20 naman pag day trip lang. 400 naman ang rent ng boat back and forth na iyon. sa dawal kami kumuha ng bangka. 5-10 minutes lang ang boat ride from mainland to potipot island.

may mga resort din sa mainland na pwedeng pag-overnightan.

sa uacon, candelaria, zambales nga pala ang potipot. 6-8 hours ang byahe kung commute. sta. cruz ang sasakyan nyong bus. merong victory liner na bumabyahe deretsong sta. cruz sa manila at sa caloocan. if pasay manggagaling, sakay kayo ng bus papuntang iba then sakay ulit ng bus pa sta. cruz tapos sabihin nyo bababa kayo sa may dawal sa uacon.
« Last Edit: January 29, 2010, 06:40:50 pm by shegothim »

kikay iska

  • Guest
Re: Potipot Thread
« Reply #4 on: January 29, 2010, 07:07:32 pm »
thanks sis.  will research more then i'll post again if i have questions pa.  malamang marami pang tanong yan hehe.

sayang yung dating thread on this topic :(

naalala ko, may mga post dun dati re: panloloko thru text. tama ba?  basta may ganung gulo dati..

tas may good at bad reviews an re: dawal dati.

too bad i cant remember the best place to stay overnight sa mainland. :(

shegothim

  • Guest
Re: Potipot Thread
« Reply #5 on: January 29, 2010, 07:20:15 pm »
oo sis nabasa ko nga rin iyon. alta niña ata iyong tungkol sa text. nabasa ko rin iyong bad reviews sa dawal. though ok naman ang service nila sa amin kahit na boat lang ang inavail namin sa kanila.

gabi na kami dumating doon pero may naghatid pa sa amin sa potipot. tapos on-time pa ang boat na sumundo sa amin.

qt_ben17

  • Guest
Re: Potipot Thread
« Reply #6 on: February 01, 2010, 02:01:07 pm »
pwede ba itong i-day tour?  tipong alis ng madaling araw, tapos before 5 or 6pm uuwi na rin..   

kikay iska

  • Guest
Re: Potipot Thread
« Reply #7 on: February 01, 2010, 02:12:34 pm »
^ pwede naman sis pero sayang ang mahabang byahe.  malayo kasi yung candelaria from m.mla.  nakakapagod din.

qt_ben17

  • Guest
Re: Potipot Thread
« Reply #8 on: February 01, 2010, 02:16:10 pm »
sa bagay, 6-8 hours via commute? parang baguio na yun a..

shegothim

  • Guest
Re: Potipot Thread
« Reply #9 on: February 01, 2010, 03:22:57 pm »
malayo nga sis. nainip din ako noon sa byahe nung pauwi na kami galing potipot. considering sanay akong bumyahe pa-baguio.

di ko rin sure kung ganito pa rin ang tagal ng byahe. dadaan kasi ang botolan bridge na nasira noon ng bagyo. dati daw umiikot pa ng pangasinan pero ngayon madadaanan, di ko lang sure kung maayos na rin ang byahe.

tinapay

  • Guest
Re: Potipot Thread
« Reply #10 on: February 03, 2010, 11:22:59 am »
day tour lang kami sa Potipot last year. pero meron kaming pinag-stay-an somewhere in zambales (San Felipe ata yun). dun kami natulog via tent :) basta 3d/2n yung stay namin sa Zambales that time.

maliit lang ang Potipot Island. mga 20mins lang ata maiikot mo na sya. wala kang gagawin dun kundi magbabad sa beach.  may ilang mga small cottage dun (last year pa 'to) for rent. i think they plan na dagdagan yun.  you have to bring your own food, lutuan, tent if plan mong matulog dun.  wala naman bayad.  may accommodation din sa may candelaria kung saan nandun yung mga boat na maghahatid sayo sa potipot.  5mins lang ata ang travel time.  super R&R dito, wala ka talagang gagawin.  dito ko super nangitim, hehe.

qt_ben17

  • Guest
Re: Potipot Thread
« Reply #11 on: February 03, 2010, 01:54:01 pm »
^ just in case na magdala kami ng sariling tent, ala camping, pano naman maliligo as in yung may shampoo at sabon? o  sa dagat na rin yun? LOL

shegothim

  • Guest
Re: Potipot Thread
« Reply #12 on: February 03, 2010, 01:59:22 pm »
merong poso doon sis na pwedeng paliguan. pwede rin sa resort na pinagkuhanan nyo ng boat makiligo for a fee syempre.

qt_ben17

  • Guest
Re: Potipot Thread
« Reply #13 on: February 03, 2010, 02:09:31 pm »
^ ah talaga? virgin island pala talaga noh..

itry naming i day tour na lang, tipong 11pm or 12 mn ang sasakyan naming bus para by 5-6am andun na. sana lang gawa na yung bridge na sinasabi mo sis.

2k budget for two keri na no?

shegothim

  • Guest
Re: Potipot Thread
« Reply #14 on: February 03, 2010, 02:18:08 pm »
tingnan mo rin kung anong oras ang last trip sa caloocan o sa manila papuntang sta. cruz ha.

gawin mong 2500 sis para sa 2pax kasya na iyan.

qt_ben17

  • Guest
Re: Potipot Thread
« Reply #15 on: February 03, 2010, 02:25:39 pm »
^ hindi na masama for a tampisaw sa magandang beach.. graduate na kasi ako sa mga pools haha

thanks sis!

kikay iska

  • Guest
Re: Potipot Thread
« Reply #16 on: February 03, 2010, 03:03:35 pm »
^ sis, pa-share ng kwento mo pagbalik mo ha?  plan ko yan for April 9-11 pr kahit April 9-10 lang . thanks!

btw, i suggest, sa mainland na lang maligo para di rin ma-pollute ng soap/shampoo etc yung surroundings ng potipot :)

shegothim

  • Guest
Re: Potipot Thread
« Reply #17 on: February 03, 2010, 03:13:05 pm »
eto sis ang breakdown ng expenses
437*2 = 874 ang pamasahe caloocan-sta. cruz                  (www.victoryliner.com)
            874 ang pamasahe sta. cruz- caloocan
            400 boat mainland to potipot island
              40 entrance potipot (as of nov 2008)
total =  2188

tinapay

  • Guest
Re: Potipot Thread
« Reply #18 on: February 03, 2010, 05:36:34 pm »
sis qt_ben17: oo may poso naman dun. kaso nung time na nandun kami, di gumagana poso. kaya naki-banlaw kami (paa nga lang) sa kalapit na resort. tapos bandang san felipe na kami naligo. layo, hehe.

qt_ben17

  • Guest
Re: Potipot Thread
« Reply #19 on: February 03, 2010, 08:26:06 pm »
ganun ba, magd-day tour entrance na lang kami sa resort sa mainland. para naman matino tino ang banlaw.

btw, may naka try na bang iboat ang potipot, tapos capones,camera, anawangin?

 

Latest Stories

Load More Stories
Close