watch now

Author Topic: Bakit ka Depress? [Thread 2]  (Read 61479 times)

samsung

  • Guest
Re: Bakit ka Depress? [Thread 2]
« Reply #260 on: November 03, 2012, 05:06:08 pm »
^sis, hold on. God is in control and He loves you so much!

tey_roch19

  • Guest
Re: Bakit ka Depress? [Thread 2]
« Reply #261 on: November 03, 2012, 05:08:09 pm »
naiisip ko nang magpakamatay. pero maling mali.  nakakalungkot ang mag isa. ang pakiramdam na walang nagmamahal sayo. walang nagaalala sayo. yung feeling mo wala kang kwenta. na ang bobo mo. di gumagana ang utak. tapos nagpapatalo pa sa tawag ng masama. tinatamad.walang direksyon.magulo ang utak. ayoko ng ganito ako. lagi na lang.  gusto ko ng may nakakausap lagi at napagsasabihan ng aking problema. para na akong sasabog. nakakaiyak na talaga. pano na ako nito. saan ako huhugot ng lakas para mabuhay. masyado na akong nega. ano ba to. tulong.. tulong..
~sis di ka nagiisa. ganyang ganyan din ako.  :-\

zuttokirei

  • Guest
Re: Bakit ka Depress? [Thread 2]
« Reply #262 on: November 03, 2012, 08:08:00 pm »
i'm not actually depressed but I do get depressed when I'm not busy or nothing to do. I love being active. :P

Filipinasadhart

  • Guest
Re: Bakit ka Depress? [Thread 2]
« Reply #263 on: April 19, 2018, 01:22:25 pm »
I'm so depressed right now... makaroon ka ng makulit at matigas na ulo magulang. Na ayaw sumunod may sakit na nga matigas pa din ulo. Makaroon ka ng malaking bahay  na may puno ng mangga na araw araw nag-wawalis ka. Tapos may mga alam nyo na basta ... Tapos lalaba ka, luto. Bantay sa tindahan.

Napapagod din ako hindi ko na malaman kung ano uunahin ko. Nastress na ko sa totoo lang. Maghirap mag -isa. Wala ka pa maasahan na tao.  Uunahin mo magbukas ng tindahan kase yun ang source of income mo o un gawain sa bahay.  Tapos matigas pa ulo ng kasama mo sa bahay ayaw sumunod. 

Hindi ko na alam kung san ako lulugar. Sarili ko hindi ko na maasikaso. Sa sobrang pagod.



nataliaesperon2000

  • Guest
Re: Bakit ka Depress? [Thread 2]
« Reply #264 on: April 19, 2018, 05:29:25 pm »
ilan araw na ako depress bukod sa magisa lang ako sa buhay walang asawa at anak inshort matandang dalaga. namatay yun 7 months na aso ko nasasad ako kasi sya pinakamakulit na aso ko kahit nanira sya ng gamit mahal ko sya... makalipas ng ilan araw namatay naman yun kapatid nya malaking dagok sa akin ang pagkamatay nya kasi sobrang liit nya pinanganak masakitin nung bata nakasurvive sya nung lumaki naman narape di nya kinayanan ang CS secction 8 kasi ang anak mas maigi pa natangap ko kung naturl na lang pinanganak natakot lang kasi yun nagdala . napakasakit gabi gabi umiiyak ako  wala ng sasalubong sa akin .. sa trabaho panay inis sa akin kasi daw mataray ako ano magagawa ko kung yun ang personalidad ko . me nawawalan pa ng paper work ako pa din me kasalanan minsan gusto ko ng kunin na lang ako para tapos na tutal magisa lang ako wala nagmamahal

airish_2

  • Guest
Re: Bakit ka Depress? [Thread 2]
« Reply #265 on: April 21, 2018, 08:15:14 pm »
I also do the same lalo na before sobrang down, depress and yung people around me worried kasi I locked myself sa kwarto tapos one day ginawa kong busy sarili ko, i know it depends pa rin sa mga tao pero I suggest this to anyone na nalukungkot to give it a try.

Rory_Lorelie_Gilmore

  • Guest
Re: Bakit ka Depress? [Thread 2]
« Reply #266 on: April 21, 2018, 09:50:24 pm »
Been there, tho not clinically depressed. I never thought darating yung araw na gugustuhin ko na magpa-assess, I didn't tho. I learned to work out, it helped me A LOT.

alice_alice

  • Guest
Re: Bakit ka Depress? [Thread 2]
« Reply #267 on: April 22, 2018, 09:32:22 am »
It can be a lot of things. Di naman ako diagnosed with depression but I feel so depressed all the time if not that angry. Yan lang salitan lage depressed or galit ako. Ugh.

super bratinella

  • Guest
Re: Bakit ka Depress? [Thread 2]
« Reply #268 on: April 28, 2018, 06:06:10 am »
so depressed ang hirap humanap ng yaya..

Carlasoul

  • Guest
Re: Bakit ka Depress? [Thread 2]
« Reply #269 on: April 29, 2018, 05:54:02 am »
Sa mga chances na pinalagpas. Hindi naman ko inghit pero parang napakadali ng buhay ng ibang kakilala ko while I had to struggle big time

DalagangPinay

  • Guest
Re: Bakit ka Depress? [Thread 2]
« Reply #270 on: May 03, 2018, 02:51:53 pm »
my father died last march lang... Ang hirap maka get over lalo na biglaan yung nangyari... pakiramdam ko wala na akong gana pag dating sa work, feeling ko pagod ang isip ko at gusto ko lang matulog..  Gusto kong may makausap kaso wala naman..  Gusto kong humanap ng ibang company na mapapasukan para makapagstart ulit ng bago lalo na ililipat ako sa batangas na which is hindi muna pwede dahil maiiwan ko sila mama at kapatid sa bahay lang at bihira na ako makakauwi sa amin kaso nahihiya ako sa company ko dahil pinag aral nila ako tsaka tumulong sila nung namatay si Papa.  Baka sabihin wala akong utang na loob pag nilayasan ko sila.

Carlasoul

  • Guest
Re: Bakit ka Depress? [Thread 2]
« Reply #271 on: May 08, 2018, 07:40:56 pm »
Walang nangyayari sa buhay ko.

tey_roch19

  • Guest
Re: Bakit ka Depress? [Thread 2]
« Reply #272 on: May 15, 2018, 12:38:00 pm »
Walang nangyayari sa buhay ko.
^ sa akin din naman feeling ko ang bagal ng phasing pagdating sa akin

three8one

  • Guest
Re: Bakit ka Depress? [Thread 2]
« Reply #273 on: May 15, 2018, 02:53:47 pm »
^
^^
try to compare yourselves sa mga mas unfortunate pa sa inyo and you will see how blessed kayo. baka kathang isip nyo na lang yan.

--------------

yung gumagawa kasi samin ang hina sa diskarte...  :-\

young_maiden

  • Guest
Re: Bakit ka Depress? [Thread 2]
« Reply #274 on: May 16, 2018, 11:10:24 am »
Meron kasi akong problem na more than one year ko na karga. Nanalo na ako sa una pero mukhang hindi titigil ang kalaban eh. Sobrang depressed ko na dumating na ako sa point na gusto ko na mamatay. Hindi ko alam ano naging kasalanan ko bakit ko kailangan pagdaanan ito. Hindi naman ako perfect na tao pero itong problema ko sobra-sobra naman para ipataw sa akin. Ang bata ko pa para maranasan ito. Sana isang araw masagasaan ako ng isang sasakyan at hindi na mabuhay pa. :-(

three8one

  • Guest
Re: Bakit ka Depress? [Thread 2]
« Reply #275 on: May 16, 2018, 03:20:21 pm »
^ wag naman ganun ma'am na I wiwish nyo ma aksidente kayo.. alalahanin mo sis, kahit ga Titanic na barko ang laki ng problema wag kalang bibitaw sa Diyos dahil bibigyan ka Niya ng kasing laki ng karagatan na solutions... kaya mo yan! ditto lang kami pag need mo kausap.

young_maiden

  • Guest
Re: Bakit ka Depress? [Thread 2]
« Reply #276 on: May 16, 2018, 03:34:24 pm »
^ Thanks, bro. Napaka-unfair lang kasi. Marami pa ibang tao dyan na mas masama pa sa akin pero ako pa ang binigyan ng mabigat na pagsubok. I miss my old, positive self. I miss my former self na palangiti. :-(

three8one

  • Guest
Re: Bakit ka Depress? [Thread 2]
« Reply #277 on: May 16, 2018, 03:57:20 pm »
^ ngiti naman jan.. sampol nga??? haha! biro lang..   :P

isa lang alam ko reason bat na aallow sa buhay natin ang mga sa tingin natin na mabigat na pag subok. yan eh para mahayag ang kapangyarihan ng Diyos. kung ano man mga break through mo sa buhay, considered detour lang  yan. Ask God for courage para maharap mo ang problema mo at strength para mapag tagumpayan mo. im sure yung mga sinasabi mong mas masasama pa sayo may sari sarili din silang pinag dadaanan sa buhay. wag mong hayaan ang sarili mo na matulad sa sinasabi mong mas masasama.

kvandenhaak

  • Guest
Re: Bakit ka Depress? [Thread 2]
« Reply #278 on: May 16, 2018, 10:41:22 pm »
Meron kasi akong problem na more than one year ko na karga. Nanalo na ako sa una pero mukhang hindi titigil ang kalaban eh. Sobrang depressed ko na dumating na ako sa point na gusto ko na mamatay. Hindi ko alam ano naging kasalanan ko bakit ko kailangan pagdaanan ito. Hindi naman ako perfect na tao pero itong problema ko sobra-sobra naman para ipataw sa akin. Ang bata ko pa para maranasan ito. Sana isang araw masagasaan ako ng isang sasakyan at hindi na mabuhay pa. :-(

Wow, ganon ba kalala ang issue? I hope and pray na ma-settle yan the soonest possible time. Just don't hurt yourself.

nataliaesperon2000

  • Guest
Re: Bakit ka Depress? [Thread 2]
« Reply #279 on: May 17, 2018, 06:40:53 am »
una depress ako kasi wala ako asawa or anak then namatay magkasunod yun 2 aso ko matindi dagok dun sa isa kasi paborito ko yun madami din kami pinagdaanan. sa trabaho ko ngayon pressure ako although sa iba akala nia madali work ko kasi taga chek kaso yun checking na yun ang dami problema me mga technicalities na maaring ikulong ko kung hindi ko alam kung tama ... alam ko mababaw lang ito sa iba .. pero talagang depress ako ngayon tumatawa ako pero pagdating sa gabi iyak ako ng iyak ..

 

Latest Stories

Load More Stories
Close