watch now

Author Topic: oDesk Family  (Read 125475 times)

tiggerlily

  • Guest
Re: oDesk Family
« Reply #360 on: January 31, 2012, 10:23:25 pm »
^ & ^^ may baby na ba kayo? i used to think i'd die of boredom at home and i can't imagine being SAHM. all of those changed when i had my kid. and then i can't leave my kid anymore - pwede naman, nagi-guilty lang ako iwanan sya sa yaya or sa lola.

and then, i found odesk. aba, keri pala. sabi ko tutal naman gusto ko laging nakababad sa computer e pagkakitaan ko na.

then medyo inggit si husband kasi lagi kami magkasama ni baby. kaya nun medyo naging malabo na sa ofis nila, yun bang nakakatamad na pasukan kahit mas stable ang kita, nagquit na rin sya. ayan, parehas na kami nasa bahay now. 1 year na.

seTHer

  • Guest
Re: oDesk Family
« Reply #361 on: January 31, 2012, 10:40:19 pm »
^yup ako sis magdadalawa na this coming May. Nagresign lang ako last year kasi grade 1 na anak ko, kumbaga no choice ako kasi asawa ko ilang years din walang work nung nasa manila kami so nagdecide kami umuwi dito sa province nila. Ngayon ko nga pinagsisisihang nag ofis work pa ako kasi lumaki sa lola tong daughter ko, ngayon medyo mahirap na pasunurin sa mga pinapagawa ko sa kanya, masyado na spoiled sa lola. Di kami naghire ng yaya, masyado ata akong mabait sa katulong based sa experience ko nung may laundry shop pa si mother in law. Last year pa ako nagpopost dito sa Odesk threads, nagregister na din ako sa site kaso parang ayaw mag sink in sa utak ko ng details sabayan pa ng paglilihi ko that time  ;D Pag medyo nagamay ko na yung pagwowork at pag aalaga sa anak ko, isa na yung matatawag na success story ko dito  ;D

Natatawa nga ako sa asawa ko kasi nabibigla sya sa mga rate ng pagbibid ko kasi medyo mababa pa syempre kailangan ng "pretty points" para sa good feedback.
« Last Edit: January 31, 2012, 10:41:55 pm by seTHer »

heavensent

  • Guest
Re: oDesk Family
« Reply #362 on: January 31, 2012, 11:17:48 pm »
ngaun ko lang navisit tong thread na to

nagmember ako sa odesk ng 2009 pero august last year lang talaga ako naging active, swerte ko lang kasi october last year nakakuha ako ng full time na job and sana naman magtagal ang contract ko with them

seTHer

  • Guest
Re: oDesk Family
« Reply #363 on: January 31, 2012, 11:22:37 pm »
in two months lang yun sis ha, sana kami din pero medyo ok din ako now sa fixed rate habang nagbubuild pa ng experience at feedbacks, sana next time may maghire naman sakin ng hourly ng masubukan din ano feeling  :)

heavensent

  • Guest
Re: oDesk Family
« Reply #364 on: February 01, 2012, 12:26:53 am »
^sis, super kinarir ko talaga ang pag apply nun as in..

anziaski

  • Guest
Re: oDesk Family
« Reply #365 on: February 01, 2012, 01:08:49 am »

cherryblossone

  • Guest
Re: oDesk Family
« Reply #366 on: February 01, 2012, 07:09:33 am »
@dda - ang galing mo naman sis nakaka 60+ hours a week ka sa odesk!  Ako parang di ko pa carry na ganun. After I give birth siguro baka pwede pa..kaso the first few months after giving birth medyo mahirap ata hehe!  :D

@tigerlily - hi sis! ako din mahina sa time management pero talagang sinusubukan ko maging focused sa ginagawa ko para matapos ko agad. Feeling ko minsan eh may ADHD ako, ang dali kong madistract. -Gusto ko lagi akong may ginagawa na iba-iba.  ;D  Nag-start din ako mag-oDesk nung naging malabo na sa work and sobrang nakakatamad na pumasok.  Forever thankful ako at nadiscover ko ang oDesk dito din sa GirlTalk kaya now full time freelancer na ko.

Sa other sisses, try lang ng try sa pag-apply. Dapat talaga karirin lalo na pag starting pa lang. When I was starting kahit mababa ang offer kinuha ko pa din para lang makakuha ng experience. $1.5 first rate ko. Then after that job ended, tinaasan ko na rate ko, then after another job ended, tinaasan ko ulit. 

Ngayon pansin ko grabe paminsan yung ibang employers, lowest bid wins. Di naman makatarungan yung $0.20 kahit ba data entry lang yan. Sana magawan ng paraan ng oDesk yung mga ganung klaseng employers.

dda

  • Guest
Re: oDesk Family
« Reply #367 on: February 01, 2012, 09:14:48 am »
^ ;) oo sis grabe kasi ang dami ko tinatapos na work sa isang employer kaya yung isang employer ku na marami ding work humingi muna ako ng break, mabait naman at pumayag. Yung isa naman pakonti konti lang yung load.

Sa e-commerce website kasi ako nalinya puro admin support at puro long term projects.

Grabe nga yung iba na tumatanggap ng sobrang baba na rate..

Good Morning!!! silip sa GT while working  ;)  ;D

blueflame

  • Guest
Re: oDesk Family
« Reply #368 on: February 01, 2012, 09:38:49 am »
hey sisses! i started my account with oDesk 2 months ago pero wala pa akong naging client. di rin kasi ako nag-login, busy with wedding preps. Now na tapos na and back to work na rin ako sa office, hopefully makakuha na rin ako ng client sa odesk para makatulong financially.  ;D

honey_iya

  • Guest
Re: oDesk Family
« Reply #369 on: February 01, 2012, 10:44:40 am »
Sisses,ano ba ok hourly or fixed? TIA :)

hunny_ally

  • Guest
Re: oDesk Family
« Reply #370 on: February 01, 2012, 10:48:39 am »
^as much as possible i only get hourly jobs. kasi if fixed, walang assurance coming from odesk na mababayaran ka.

you can see here the advantages and disadvatanges https://www.odesk.com/help/help/learning-center/contractors/terms_comparison2

honey_iya

  • Guest
Re: oDesk Family
« Reply #371 on: February 01, 2012, 10:51:09 am »
^Thanks sis :)

seTHer

  • Guest
Re: oDesk Family
« Reply #372 on: February 01, 2012, 10:57:59 am »
@heavensent: ako din kinakarir ko na kasi limited ang internet ko now pero naghahanap na ng way para mabayaran yung huling bill ng dsl internet ko at makapagpareconnect na. enjoy din pala magwork sa Odesk lalo at may mga job candidacy na  ;D

@cherryblossone: hehe tinamaan ata ako sa mababang rate kasi $1 lang ang rate ko as of now pag hourly altho wala pa naman naghahire ng hourly sakin puro fixed rate ;D pwede na din for newbies like me. pero if medyo ok na ako sa time management at yung work eh nasasanay na ako, tataasan ko na din :) preggy ka din ba now? sana nga din matuloy tuloy ko work dito after I gave birth.

@hunny_ally: kahit ba payment verified ang employer mo sa Odesk pag fixed rate, wala pa ding assurance?



cherryblossone

  • Guest
Re: oDesk Family
« Reply #373 on: February 01, 2012, 02:21:40 pm »
^ yup sis preggy din ako. Going 4 months this Feb. Ok lang yan sis $1 kasi nag-uumpisa ka pa lang naman. Pwede mo na taasan yan sa next job mo. Ako din dati $1.5 nung nag-umpisa.  Yung ibang employers ang abusado and taking advantage ng mga newbies.

Ako din as much as possible hourly rate ang kinukuha ko. Kasi mas may assurance na mababayaran dahil naka-log ang time. Once pa lang ako kumuha ng fixed-rate na job. Nabayaran naman ako for 2 weeks, pero nung 3rd week, di ako binayaran kasi wala naman daw sila inassign sa akin pero naku noh, nasubmit ko na yung trabaho nun kaya luging lugi talaga ako. Never getting a fixed-rate job again. :(

tiggerlily

  • Guest
Re: oDesk Family
« Reply #374 on: February 01, 2012, 02:55:55 pm »
i was lucky enough to have a first job that is not flat rate na $1. $1 sya pero with commission. may quota ako na dapat malampasan para makuha yun commission. mabilis naman ako gumawa kaya nakakakuha naman ako ng commission usually. lately ko lang narealize na ang bait nun employer ko na yun sobra kasi ang dami kong feedback from him kasi everytime na nagbabago yung usapan namin, sa rate or sa job description, kino-close nya yung contract. there was a time kasi na nagcalls ako for him. tapos binalik ako ulit sa data entry. kaya papalit palit ng rate and contract. so everytime may bagong feedback ako. same client, madaming contracts - madaming feedbacks din. usapan na namin yun palaging feedback na maganda.

naging busy na nun nagpagawa kami ng house tapos nilayasan pa ko ng hh namin, kaya i have to let go of him. that was after ondoy pa. super dami ng ligpitin! atsaka that time, medyo kumonti rin ang leads - meaning mawawalan na ako ng commission. gusto ko bumalik pero feeling ko wala akong growth. wala akong natutunang bago from them. gusto ko may natututunan ako na magagamit ko in the future. tamad kasi ako mag-aral on my own. mas natututo ako kapag kasama sa job ang kailangan ko aralin. meron nga job na upon application ko inaral - madali lang naman. pero ang point, may natutunan ako at pwede ko magamit sa iba pang job.

heavensent

  • Guest
Re: oDesk Family
« Reply #375 on: February 01, 2012, 03:04:05 pm »
^i can relate, tamad din ako matuto on my own.. so hindi ko gagawin kung hindi naman kailangan or for the sake na matutunan ko lang..

what i love most about odesk is that hindi importante kung college grad ka or hindi (since undergrad ako) basta you can do the task ok na yun.. :D

seTHer

  • Guest
Re: oDesk Family
« Reply #376 on: February 01, 2012, 03:10:20 pm »
^^ sayang naman yung client mo na yun sis pero ok lang kasi di naman porke't homebased ka di ka na maghahanap ng career growth di ba :) makatagpo din sana kami ng employer na mahilig magbigay ng extra sa kayamanan nya :D

odesker

  • Guest
Re: oDesk Family
« Reply #377 on: February 02, 2012, 09:13:33 am »
Hi! I've been working on oDesk for a few months now. The pay is great, but it's sooo lonely! I miss the social interaction of having a "normal" job. Na-experience niyo din ba ito mga sis?

cherryblossone

  • Guest
Re: oDesk Family
« Reply #378 on: February 02, 2012, 10:55:46 am »
^hi! naexperience ko din pero very seldom lang. I love working at home kasi eh. Minsan namimiss ko mga lunch outs and chikka with my officemates, pero nakakausap ko pa rin naman sila and nakakalabas naman ako kaya ok lang. :)

odesker

  • Guest
Re: oDesk Family
« Reply #379 on: February 02, 2012, 02:30:37 pm »
Buti ka pa sis. In my case parang exact opposite ang oDesk sa previous kong work. Dati it was fun at madaming makulit, kaya lang super baba ng sweldo. Ngayon boring, pero masaya basta sweldo.

Speaking of, I didn't withdraw my earnings yesterday. Gosh ang baba ng exchange rate ha!

I go for both hourly and fixed rate jobs. Pero pag fixed rate na hindi oDesk verified ang payment method ng employer, hindi ako nagaapply.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close