I've read all comments above, simula sa simula up to the last entry.
Maraming wives ang nagkaron ng affair sa iba at ganyon din naman sa mga husbands.
Sa totoo lang im not in this situation yet, pero i care to comment just to say a big
THANK YOU dun sa mga ga ka GT natin na nagshare, kung bakit, pano at kung ano-anong consequence ba ang nangyayari kapag nasa ganito kang sitwasyon.
Napadpad ako dito sa thread na ito why? cause im a wife too.
At curious akong malaman kung ano ano ang mga dahilan kung bakit nangyayari ito.
Marami akong natutunan dito.
*Una kapag married ka na wag nang makipagclose o mag entertain kahit na bestfriend mo pa sya dati.
kasi may tendency nga namang ma fall.
*Pangalawa Maging open sa asawa at sikaping maging close ang bonding para kung may problema, madali nyong masasabi at masosulusyunan nyong magkatuwang pa rin.
*Pangatlo kung na fall out of love ke mister, kung may anak, sa anak na lang ibuhos ang pagmamahal. kung walang anak, makipaghiwalay muna bago makipag relasyon sa iba.Para walang sisihan sa huli.
Wala ako sa pwesto para mag advice kasi di ko pa nararanasan to.
Pero dahil babae ako maraming lalakeng umaaligid ligid kahit na married na ako at may isang anak.
Ako ay
SNOB - Suplada, pag hindi kita kilala at makikita mo ako sa personal maiilang kang bumati saken o mag hi man lang,so bawas lapit points na yun sa mga boys.
BAHAY-TRABAHO lang ang ruta ko pag magisa ako, grocery, mallings and other activities sa labas si hubby at baby ang kasama ko.
HINDI AKO MABARKADA/MAGIMIK pag may lakad kasama ang girlfriends sa bahay nila or namen ang meeting place, dun kami mag chichikahan to the max.
YUNG MGA KILALA LANG NI HUBBY ang kinakausap kong lalake. at formal ang dating kaya kahit na naglolokohan sila sa inuman at kasali ang mga misis o girlfriends ako lang ang hindi nila mabiro ng medyo me pagka bastos. (respeto kung baga)
CELLPHONE number? pag kailangan kong ibigay ang number ko as requirements or para sa kahit ano man yan, number ni hubby ang binibigay ko. kasi yun lang ang saulado kong number. CP ko? nakatambak sa bag ko. inoopen ko lang yun pag magkahiwalay kami ni hubby nag wowork lang kasi kame sa isang company. kaya palage ko syang nakikita sa working area nya. were both IT.
BONDING? marami kaming bonding time araw araw, pag uwe sa bahay manonood kame ng series (Korean Rom-Com,Anime, Movies) tapos maguusap ng kahit ano ano at masaya naman kame.
Para kameng bestfriends lovers at nanay/tatay magalaga sa isat isa.
MONTHSARIES / ANNIVERSARIES Palage nameng sinecelebrate yan, kahit na 7 years na kameng magkasama sa isang bubong palageng may special buwan buwan ipagluluto ko sya ng mga gusto nyang kainin na pagkain, every sunday gala, araw araw me chocolate kahit na m&ms lang na nasa malit na pack it gives me happiness talaga.
PROMISES palge kameng me promise sa isat isa. Nagloko na rin sya dati nung mag bf/gf kame. At nakipagaway ako ke girl hahah kahiya hiya para sa isang graduating na babae ang sumugod sa place nung girl nya.pero napatawad ko yun kasi nga MAHAL ko sya at pag nagaaway kami kahit na kating kati na akong sumbatan sya dun sa nagawa nya dati hindi ko na binabangit kasi past is past, tsaka masaya naman na kame ngayon, why ungkatin pa yung past? Promise na kame na lang ng anak nya ang babae sa buhay nya at sya lang ang lalake sa buhay ko forever.
AWAY oo palage araw araw pa nga minsan, pero natural na lang yun sa amin kasi after ng maatikabong awayan lambingan naman ang kasunod at alam nyo na kung saan makakarating ang lambingan na yan.
HINDI KO ITO PINOST PARA INGITIN YUNG MGA MAY PROBLEMA SA MARRIAGE LIFE,
I pinost ko to para maging advice rin sa inyo mga sisses, hindi ko man masasabi kung darating ako sa point na mag CHEAT, Maibahagi ko naman ang secret naming magasawa para atleast makaiwas sa TUKSO na walang pinipili na kahit na sino.
ISIPIN NATIN NA MASAYA tayo araw araw....
me kasabihan nga na:
"MIND OVER BODY"
kung ano ang nasa isip mo yan ang magaganap...
BE HAPPY and more power sa lahat!!
Ang HABA ng post ko pasensya po..
