Author Topic: on wife who cheat...  (Read 237690 times)

chamfy

  • Guest
Re: on wife who cheat...
« Reply #260 on: February 19, 2011, 11:24:52 pm »
^
Sige nga po mam sumbatan mo ako kung ano mali ko at bakit nangyari to sa akin based on my two posts above.

Matagal ko na din tanong sa sarili ko yan bakit nangyari to sa akin and if I deserve this.  Maybe you know the answer kasi mismo wife ko hinde alam kung ano sagot eh or ayaw lang sabihin ang sagot sa akin.  Secret siguro yung sagot.

Please enlighten me.

wag_alamin

  • Guest
Re: on wife who cheat...
« Reply #261 on: February 21, 2011, 08:16:34 am »
^
Sige nga po mam sumbatan mo ako kung ano mali ko at bakit nangyari to sa akin based on my two posts above.

Matagal ko na din tanong sa sarili ko yan bakit nangyari to sa akin and if I deserve this.  Maybe you know the answer kasi mismo wife ko hinde alam kung ano sagot eh or ayaw lang sabihin ang sagot sa akin.  Secret siguro yung sagot.

Please enlighten me.

kuya chamfy, yan din po ang hindi ko masagot sa hubby ko kung bakit ko nagawa ang alam kong mali. kahit ilan beses ko tanungin ang sarili ko, hindi ko talaga alam kung bakit.. siguro dahil lagi ko kasama yung guy sa office, siguro sobrang bait ng asawa ko na hindi ko inisip na masasaktan sya, siguro dahil tao lang ako... hindi ko alam..basta isa lang alam ko, yun ay ang sobrang pagsisis sa nagawa ko.

everyday tinatanong ko sarili ko at sinusumbatan. pero wala na akong magawa dahil ako ang may gawa nun.. kaya i need to accept all the consequences. i admit nahihirapan po ako kasi every hour ako sinusumbatan ng asawa ko. every day ganito kami. bagi sya pumasok sa office, ang sweet nya, pero pag nasa office na sya, todo text sakin ng panunumbat, mura, sinira ko daw ang buhay nya, then text nman na sasabihin na miss nya ko. bago sya umuwi, text na nman ng sumbat. pipilitin na naman nya ako aminin ang mga bagay na hindi ko naman ginawa. ang mahirap pa, sinabi ko na lahat ng totoo sa kanya kahit hindi nya ko tinatanong. pero hindi parin nya ko magawang paniwalaan. then pag dating nya ng bahay, galit sya sakin. pero gusto nya pag galit sya, halikan ko daw sya, yakapin ko daw sya.. hindi ko rin maintindihan ang asawa ko ngayon.. pero alam ko ako ang may kasalan kung bakit sya ganun..

sis lheia, nagbago na nman ang isip ni hubby ayaw na nman nyang magpacounselling. ganito sya palagi. pabago pabago ng isip. sana nga maging maayos na ang lahat..

j a n i z

  • Guest
Re: on wife who cheat...
« Reply #262 on: February 21, 2011, 02:15:28 pm »
hay ang sakit basahin ng mga posts nyo. for a man na nacheat ng wife like bro chamfy, ang hirap ng situation and for a girl who cheat lang sis wag alamin, ang hirap din ng situation. im praying for both of you n time will come maging at peace kayo and bumalik yun dating saya ng marriage nyo. mahirap mabuhay everyday na inuungkat lagi yan pero d naman natin masisi un naloko kase ang hirap kalimutan.

 :(

bravo86

  • Guest
Re: on wife who cheat...
« Reply #263 on: February 21, 2011, 02:26:55 pm »
^^sira na self-esteem mo sis. kita mo, kahit wala na sa ayos ang hubby mo, tanggap ka na lang nang tanggap ng mura at jumbag? di ka makalaban kasi wala kang just-cause, nakatatak na sa isip mo na "kasalanan ko kasi" eh. parang bata who was caught with his hand inside the cookie jar.

but hey! gisiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing!
ano ka ba?! tama na nga yang pang-aabuso. ano ba, hanggang sa ikamamatay mo yang panunumbat?
pustahan tayo, sa ganyang lagay mo, you won't live to witness ang paggunaw ng mundo sa 2012.

eto pa, pag nagkaanak kayo, you won't be a good example to your kids, ganung makikita nila ang magulang nilang nagmumurahan at nag-uumbagan.

i bet, one day, kahit na magloko si hubby; at kahit na mag-uwi ng poooootah ang asawa mo at ipagtabi pa kayong dalawa sa kama, wala kang magagawa at iiyak-iyak na lang sa tabi... at sisihin mo pa rin ang sarili mo. (may true story ako about this, saka ko na ikwento)

Quote
pero un ang hindi ko kaya. hindi ko kaya mag isa sa bahay. alam ni hubby un. hindi ko talaga kayang wala sya.. almost 8 years ko na syang kasama sa buhay ko..
www.chariiiiiiiiing.com.gt.ph
ang arteh mo ate ha? ;D
pero hindi mo naisip yon nung... wag na! baka sabihin mong sinusumbatan kita. ;D
wala ba kayong anak?
i may give my piece of advice here, gawin mo man o hindi bago ka mamatay sa umbag ni hubby, bahala ka. at least di ako gagambalain ng konsensya ko. ;D

take a leave. the longest you can do. think of a place ng kamag-anak outside the Metro. sa bundok o sa tabing-dagat, mas maganda kung walang signal ng cellphones/wifi (after all, bihira ka naman mag log dito sa GT) :)
mag-araro ka o mangisda para magkapera ka rin ;D
dalhin mo na mga pocketbooks mo. mag cross stitch ka. kung gusto mo ng pirated dibidis, marami ako dito.
iwasan ang alcohol ha? pahamak yang si San Miguel eh, nagtatanggal ng saplot sa katawan. ;D
but before you leave, write him a very, very, very, Looooooooooooooooooooooooooooong letter.
lahat-lahat sasabihin mo dun. as in LAHAT!!!
WRITE ha? as in sulat-kamay ha? di typewritten o thru email ha?
i bet, nung nasa ligawan stage pa lang kayo, never nyong gumawa ng love letters, puro na lang short notes/texts/chat/emails kayo.
now's your chance.
you may start how you got to know each other.
pwede mong i-draft sa PC kasi siguradong maraming revisions yan, but pag final copy na, dapat sulat-kamay. ;)

pustahan tayo! (sensya na, sugarol ako eh, kaya puro "bet")
ganung 8yrs kayong laging magkasama?
nakows! 1 week pa lang di na mapakali yan. after two weeks, nau-ulol na yan sa pangungulila sa yo... pag di pa sya nag-exert ng effort para hanapin ka, tanggapin mo na sis, kaya ka nyang tiisin, he's letting you go na talaga. di ka na love. beeeeeeeeeh! :P

there's NO POINT in fighting.

wag nang ipagsiksikan ang sarili sa taong ayaw at nandidiri na sa yo. ;)

chamfy

  • Guest
Re: on wife who cheat...
« Reply #264 on: February 21, 2011, 03:33:41 pm »
ate wag_alamin, thanks for your reply.  ganyan na ganyan ang nararamdaman ko tulad ng nararamdaman ng husband mo.  minsan ok, minsan hinde.  pansin mo ba na pag malayo ka sa kanya saka ka lang nya tinetext ng sumbat at kung ano-ano pa, pero pag pauwi na sya miss ka na nya?  at pag nag-away kayo sa bahay gusto nya yakapin mo sya at halikan mo sya.  dito mo napapatunayan na kahit nagawa mo yung kasalanan na yun sa kanya mahal na mahal ka pa din ng asawa mo at ayaw nya na mawala ka sa piling nya.  lumalabas lang talaga ang mga insecurities nya pag malayo sya sayo kasi nga the trust has been broken.

masakit lang talaga tanggapin ang mga nangyari kaya nagkakaganyan sya, pero alam ko tinatanong mo sa sarili mo hanggang kelan ka magtititiis, hanggang kelan ka magsasakripisyo...sabi mo nga tao ka lang mahina, at lalong may hangganan.  pero konting tiis lang kasi [textspeak!] naman namin ginusto tong paghihirap na nararamdaman namin at kung nahihirapan ka, mas mahirap sa amin ang nangyayari dahil masakit ang maloko ng taong mahal mo lalo na at [textspeak!] ka naman nagkulang sa kanya.

ang galit may expiration yan, naniniwala ako dyan.  ako din galit na galit ako sa asawa ko dati ng nalaman ko at pasalamat din ako [textspeak!] pa sya bumibitaw at pinagtyatiyagaan talaga nya ang situation namin ngayon.  aaminin ko [textspeak!] na ganun kalaki galit ko sa asawa ko at unti-unti ko na natatanggap ang nangyari pero andun pa din ang galit ko dun sa naging boylet ng asawa ko.  andun pa din minsan na nagtatanong pa din ako sa kanya ng mga totoong nangyari kahit na nakwento na nya sa akin ng paulit-ulit at para na akong sirang plaka.  siguro yun ang healing process ko to the point na maging manhid na ako.  Sige nga subukan mo panoorin ang mara clara paulit-ulit ewan ko lang kung di ka manawa.  hehe. :D

regarding naman dun sa pipilitin ka aminin yung mga bagay na hindi mo naman ginawa, naiintindihan ko din yan kasi ganyan din ginawa sa akin ng asawa ko.  katulad mo nagsinungaling ka nung umamin ka dahil sa takot at nag-imbento ng kwento.  ganyan din ginawa ng asawa ko, pinalabas nya nagka affair sya pero walang nangyari sa kanila at nalabanan daw nya yung temptation at lumabas ng kwarto nung hinalikan na sya ng boylet nya sa labi.  pinanghawakan ko yun for more than 2-weeks at kala ko ok na kami, till madiskubre ko sa fb ng wife ko yung usapan nila ng bestfriend nya na nasa middle east na may nangyari sa kanila. yung mga kwento na companionship lang daw at walang relasyon, yung mga walang sexual encounter at lahat ng kwento nya, [textspeak!] ko na mapanghawakan kasi napakalaking kasinungalingan pala.  humingi sya ng tawad base sa kasinungalingan para lang mapatawad ko sya...kung alam mo lang kung gaano lalo kasakit yun.  para kang sinaksak ng kutsilyo tapos inikot-ikot pa yung kutsilyo habang nakabaon.  ganun kasakit yun o higit pa!  kaya di ko din masisi husband mo kasi ganyan din ako baka nga mas worst pa kasi after nyan pinatawad ko pa ulit yung wife ko only to find out na may mga information na naman pala syang tinago sa akin like nagtapos na daw relasyon nila before christmas kasi nga pauwi na ako to spend christmas and new year with them only to find out na nag uusap at nag tetext pa sila nung boylet nya till january which is a day lang after makabalik ako dito sa abroad.  ika nga wala na ako, so tuloy ang ligaya!

actually swerte pa ang husband mo dahil ganyan lang ang nangyari sa part mo at alam mo na yung lalaki is sex lang ang habol sayo, mas mabigat sa situation ko kasi [textspeak!] lang basta one night stand at talagang may relasyon after nung sexual encounter nila at lalo pa lumalim ang relasyon nila kahit alam nila sa sarili nila na may masisirang pamilya para lang maging masaya sila.  mas masakit na aminin pa sayo ng wife mo na in-love sya dun sa boylet nya kaya ganun na lang ang sakit sa akin. at kung iisipin mo pa na andito ako sa abroad, nagtitiis na kahit sabaw na lang i-ulam ko makapag padala lang ng pera sa pang-araw araw nila.  isa pang dagdag sakit na wala naipon ang wife ko sa sobrang pera na pinapadala ko kasi naubos niya at nung boylet nya kaka labas niya/nila.

despite lahat ng sakit na yan, sabihin na nating t**** at bobo ako.  pero [textspeak!] ko makakaila na mahal na mahal ko ang asawa ko at [textspeak!] ko din alam mangyayari sa buhay ko pag nawala sya sa piling ko at hiwalayan ko sya.  pero sana pagtyagaan mo ang asawa mo kasi alam ko na mahal na mahal ka din ng asawa mo, lilipas din yan at matatanggap nya din yan.  ako tanggap ko na ang nangyari kelangan ko na lang ng psychologist para magamot ako ng tuluyan at mawala ang trauma ng pangyayari kasi kahit madaling araw nagigising ako dahil napapaniginipan ko yung pagtataksil ng asawa ko sa akin na nakakadagdag pasakit imbes na tuluyang maging ok na kami ng wife ko.

ate wag_alamin, eto pabaon ko sayo.  lilipas din yan, it's just a matter of time... :)
« Last Edit: February 21, 2011, 05:41:50 pm by chamfy »

wag_alamin

  • Guest
Re: on wife who cheat...
« Reply #265 on: February 22, 2011, 10:58:43 am »

www.chariiiiiiiiing.com.gt.ph
ang arteh mo ate ha? ;D
pero hindi mo naisip yon nung... wag na! baka sabihin mong sinusumbatan kita. ;D
wala ba kayong anak?


thank sis bravo.. natawa nman ako sa reply mo.. ;D anywa, yes its true, kaya nga hindi ko kayang pigilan na sumbatan ang sarili ko bakit ko nagawa yung. na alam ko naman na hindi ko kayang wala si hubby.. yes wala pa kaming anak sis.. sana nga mavisahan ako kasi magaaply ako ulit ng tourist visa papunta sa mom ko.. last year kasi nadeny ako.. sabi din ni hubby na mas ok na umalis muna ako para mamiss nya ko.. pero natatakot lang ako umalis kasi baka bigla kung anung gawin nya sa sarili nya. he hurt himself pag nagiisa sya at naiisip nya yung nangyari.

@ kuya chamfy, thanks kuya wala ko ibang hinangad ngayon kundi maging maayos ang lahat.. maiayos ang mga nasira ko. alam ko hindi madali. wiling akong maghintay. alam ko sa sarili ko na hindi ako susuko. lagi kong sinasabi sa asawa ko yan. hindi ako magsasawang alagaan sya, sundin lahat ng gusto nya habang nabubuhay ako na magkasama kami. Pray lang tayo kuya, hindi naman ibibigay ni god ang pagsubok na to ng walang dahilan..

yesterday hindi once lang nya ko sinumbatan. then pinaghatid ko sya ng lunch sa office nila.. pag nasa office nila, pinagmamalaki nya ko. nakakataba ng puso..  :D then pag alis ko he kissed me sa lips at sabay text ako ng miss ko na sya and miss narin daw niya ako.. then pag uwi nya, feeling ko ok sya kasi nakasmile. nagpa massage pa kami last night dito sa bahay.. habang minamasahe sya, nakahiga ako sa tabi nya while he's holding my hands.. sobrang sweet namin last night. natatawa nga yung nagmamasahe.. hehe sana hindi na natapos yung oras na yun. then before kami natulog, he asked me again kung totoong once lang na may nangyari samin nung guy, and i answered him yes! tapos un na, we watched tv together, sabay natulog.. pag gising kanina, everyday routine, i prepared our breakfast, plantsa ng uniform nya, inayos ko yung gamit nya.. sana start na to na maayos..

thanks gt!

bravo86

  • Guest
Re: on wife who cheat...
« Reply #266 on: February 22, 2011, 01:52:42 pm »
^^i'm a "bro" sis... LALAKI ako! Grrrrroooowl! ;D

good news yan sis, sana it would be that way everyday.
basta wag na wag mo nang hayaan ang mga abuses ha?

snowyice

  • Guest
Re: on wife who cheat...
« Reply #267 on: February 22, 2011, 02:12:19 pm »
bravo86 you are so so right.  Hindi porket nagkamali kang minsan pwede ka na niyang sumbatan forever

wag_alamin

  • Guest
Re: on wife who cheat...
« Reply #268 on: February 22, 2011, 03:30:57 pm »
^^i'm a "bro" sis... LALAKI ako! Grrrrroooowl! ;D

ay sorry kuya bravo.. hehe
sana nga start na to.. im really praying na magiging maayos din ang lahat..

sis snowyice, oo sis ang hirap kasi na gusto mo ng lumimot sa pagkakamaling nagawa mo, pero hindi mo magawa dahil sa paulit ulit na panunumbat.

sis cristeen yan nga din iniisip ko.. lagi ko sinasabi sa kanya na hindi kami mabubuhay sa nakaraan. nandito kami ngayon magkasama parin pero puro nakaraan ang pinaguusapan namin..

fegloria1954

  • Guest
Re: on wife who cheat...
« Reply #269 on: February 22, 2011, 03:31:19 pm »
wag_alamin,

Infidelity - committed by my husband - was also one of many hurting actions that caused our marriage to experience hurt and turmoil.  It was like going down to hell, and since we had children, bringing them along down there - all of us burning and hurting.  Several times we tried to climb out of that abyss where it was all just hurt and hurt-back, but each time, we failed.

Until we learned about the Retrouvaille Program.  It was as if God's hand was guiding us, because I read about it in a newspaper, on a day that I opened one - when I don't really like reading the newspaper, because I figured that I had more than enough "bad news" to contend with in my life already and I did not want to have to hear of more.

When I read that it was a program for hurting couples, I mustered enough nerve to request my husband that we go.  It was fortunate that he agreed that we should go do the program.  I then realized he too, like me, was pining for a loving and harmonious marriage relationship.

We learned a lot of things through the Retrouvaille Program:
- that commitment, love, trust and forgiveness are all decisions one makes each and every day
- that our family is like the domestic church where we practice all the sacraments in our daily life - reconciliation when we forgive each other, confirmation when we affirm and love each other, making firm our vocation of being married as was God's plan for us to be husband and wife
and most of all
- that when we got married, in the presence of our peers and ascendants, and before God, we had promised to love and cherish each other for better or for worse, for richer or for poorer,  in sickness and in health, till death do us part
and that my husband had given me his body - and I have given him my body - and that meant that my husband can no longer give it to anyone else but to me, and that I too can no longer give my body to anyone else but to my husband...
That last one was the most crucial lesson delivered as it jolted my husband awake and realized that indeed that was true and for him to have done otherwise was not in essence living within the sacrament of marriage.

We have re-discovered each other and our love and commitment for each other have deepened even as we walk together the road of forgiveness, making amends and healing.  What is even more beautiful is that we have brought along our children with us through that road of forgiveness, and they are now re-discovering how it is to love and be loved in a committed relationship based on trust.

I can not thank the Retrouvaille Program enough for the beautiful things that are happening to me and my husband now.  Because of this deep sense of gratitude, we have chosen to be active in the Program in disseminating information about it, and have even told our story for publication in a web-based magazine (a sister magazine of Female Network:  Smart Parenting feature last Feb. 14) in the hope that couples who are hurting in their marriages will get to know that the Retrouvaille Program is available for them, and can help them if and when they want to be helped and to work the Program so that they too can get to the road of forgiveness, making amends and healing.

Mommy Fe
<helpyourmarriage@gmail.com>

december

  • Guest
Re: on wife who cheat...
« Reply #270 on: February 22, 2011, 03:43:00 pm »

@chamfy Were you in Singapore when you're wife did the "unacceptable"? Well if you were, no matter how loving and caring you are, a wife needs physical affection. That's wired in our physiology. Neurons in our brain always emit requests for hugs, kisses & caressing.  Of course it's the husband's sole responsibility. Ang mga babae, kahit hindi sila aware, subconsciously, pag kulang na sa touch, mabilis ang reaksyon niya sa mga demonyong mga kabit diyan na nambibikitima. You know what happens next. That's why LDR, is not a good idea for a healthy marriage. After all, kaya nga kayo pinag-isang laman eh. Iisa. Should not be separated.

depende din yan sa babae.  LDR din kami ni hubby ng ilang years pero ni minsan di sumagip sa isip ko na maghanap ng iba.  oo nakaka-miss ang mga yakap and everything pero di ko maisip na sa ibang lalaki ko yun gagawin.

@sis wag_alamin, i am sad for you sis.  oo nga nagkasala ka sa kanya pero kung ganyan naman palagi set-up nyo ni hubby baka mabaliw kalang.  kung ako ang nasa sitwasyon mo sis, hihiwalay nalang ako.  share ko kwento ng brother ng husband ko na niloko minsan ng wife nya.  binugbog nya wife nya nung nalaman nya na niloko sya, sabi nga ng mom-in-law ko mas mabuti pang maghiwalay nalang baka mapatay pa nya wife nya.  pati kabit ng wife nya binugbog nya sa ospital ang bagsak.  7years na ang nagdaan pero kwento sa akin ni bilas hanggang ngayon sinusumbatan pa din daw sya at minsan daw pang nagsi-s_x sila tinatanong sa kanya ni brother in law kung ganito ba din daw ang ginagawa sa kanya nung lalaki at kung minsan di daw natatapos ang s_x nila kasi naiisip daw ni bro in law yung ginawa nya.  at pagnalalasing daw si bro in law tinatawag daw sya minsan ng puta, malandi, malibog at kung ano-ano pang masasakit na salita.  sabi nga ni bilas matagal nya ng pinagsisihan ang ginawa nya pero bakit daw hanggang ngayon nagbabayad pa sya sa kasalanan nya.  oo kasalanan ni bilas kung bakit din sya napunta sa ganung sitwasyon pero naaawa talaga ako sa kanya.  buo nga family nila pero pagkatao nya wasak na.  siguro nga talaga ang lalaki matagal makalimot pag sila ang niloko

wag_alamin

  • Guest
Re: on wife who cheat...
« Reply #271 on: February 22, 2011, 04:38:40 pm »
@ mommy fe, ill ask hubby na itry [textspeak!] Retrouvaille Program. email kita kung ano mapagusapan namin.. thanks po..

@decemer ang hirap sis ng pinagdadaanan ko ngayon. wala na akong respeto sa sarili ko dahil sa nagawa ko. sana nga makayanan ko pa. wala na nga kami masyadong oras magkasama dahil sa work, habang nasa work pa sya, ayun text sya ng sumbat, tanong na paulit ulit, na pag hindi mo sinagot nagagalit sya, at sinagot mo naman uulitin na naman ang tanong, tapos pag napataas na ang boses ko dahil rinding rindi na ang utak ko, ayun away na naman. so far after nung last na sinaktan nya ako, hindi pa nauulit.. (wag naman na sana) ang kinakatakot ko lang baka katawan at utak ko ang bumigay sa tindi ng stress na nararanasan ko ngayon..

wag_alamin

  • Guest
Re: on wife who cheat...
« Reply #272 on: February 23, 2011, 08:15:15 am »
thanks sa mga reply mga sises. heto na naman kami pag gising kanina, hindi nya ako kinakausap. i prepared breakfast (bacon and egg w/hot coffee  ;D) pero ganun hindi din ako nakakain masyado dahil he's accusing me again na hindi lang iisa yung naging lalake ko. sinabi ko naman sa kanya na i had a guy friend( he knows na may asawa ako.. pero hindi nya alam na may bf ako) na pinalabas namin (girl friends from my former job) na nanliligaw sakin para pagselosin yung guy na nakarelasyon ko.. sinabi ko kay hubby yun. pero ayun, lalo nya inisip na hindi lang isa yung nakarelasyon ko. ang hirap kasi nagsasabi ka na ng totoo, kung ano ano pang kwento sa isip nya ang gusto nyang aminin ko. meron yung kinausap ko daw yung guy na nakarelasyon ko at kung if ever na magusap sila ng asawa ko, sabihin lang daw na 1 beses yung nangyari samin. hello? ano ako tan-gga? (nagpakatang-gga na nga ako dati) eh pano kung binlack mail ako nung guy? at sabihin na kinausap ko sya? eh di lalong nagulo kami? heto pa ang gusto ni hubby, kausapin ko daw yung asawa nung guy, at sabihin na ako yung naging kabit ng asaw nya. pag ginawa ko daw yung, baka sakaling maging ok na ang utak nya. at mapaniwalaan ako. haller? bakit ko gagawin yun? gulong gulo na nga ang buhay at pagkatao ko, gagawin ko pa yun? eh di nagiskandalo yung asawa nung guy.
buti nalang meron ganitong forum. kahit papano meron nakakapagbigay ng advise. alam ko din mahirap kay hubby dahil wala syang mapagsabihan kasi lahat ng galit pinaparamdam nya sakin. honestly, pag nagaaway kami at talagan umiiyak nalang ako sa sakit ng mga salitang sinasabi nya sakin, sya ang kusang hihinto at magsosorry. pero hanggang kailan kami ganito? minsan naiisip ko na try ko ulit mag suicide (pero hindi sna matutuluyan  ;D) para matakot at maisip nya na hirap na ako sa nangyayari..
« Last Edit: February 23, 2011, 03:29:05 pm by wag_alamin »

snowyice

  • Guest
Re: on wife who cheat...
« Reply #273 on: February 23, 2011, 09:43:40 pm »
thanks sa mga reply mga sises. heto na naman kami pag gising kanina, hindi nya ako kinakausap. i prepared breakfast (bacon and egg w/hot coffee  ;D) pero ganun hindi din ako nakakain masyado dahil he's accusing me again na hindi lang iisa yung naging lalake ko. sinabi ko naman sa kanya na i had a guy friend( he knows na may asawa ako.. pero hindi nya alam na may bf ako) na pinalabas namin (girl friends from my former job) na nanliligaw sakin para pagselosin yung guy na nakarelasyon ko.. sinabi ko kay hubby yun. pero ayun, lalo nya inisip na hindi lang isa yung nakarelasyon ko. ang hirap kasi nagsasabi ka na ng totoo, kung ano ano pang kwento sa isip nya ang gusto nyang aminin ko. meron yung kinausap ko daw yung guy na nakarelasyon ko at kung if ever na magusap sila ng asawa ko, sabihin lang daw na 1 beses yung nangyari samin. hello? ano ako tan-gga? (nagpakatang-gga na nga ako dati) eh pano kung binlack mail ako nung guy? at sabihin na kinausap ko sya? eh di lalong nagulo kami? heto pa ang gusto ni hubby, kausapin ko daw yung asawa nung guy, at sabihin na ako yung naging kabit ng asaw nya. pag ginawa ko daw yung, baka sakaling maging ok na ang utak nya. at mapaniwalaan ako. haller? bakit ko gagawin yun? gulong gulo na nga ang buhay at pagkatao ko, gagawin ko pa yun? eh di nagiskandalo yung asawa nung guy.
buti nalang meron ganitong forum. kahit papano meron nakakapagbigay ng advise. alam ko din mahirap kay hubby dahil wala syang mapagsabihan kasi lahat ng galit pinaparamdam nya sakin. honestly, pag nagaaway kami at talagan umiiyak nalang ako sa sakit ng mga salitang sinasabi nya sakin, sya ang kusang hihinto at magsosorry. pero hanggang kailan kami ganito? minsan naiisip ko na try ko ulit mag suicide (pero hindi sna matutuluyan  ;D) para matakot at maisip nya na hirap na ako sa nangyayari..

sis kung ako sa'yo layasan mo na siya tutal may work ka naman mabubuhay ka without him.  ;D

wag_alamin

  • Guest
Re: on wife who cheat...
« Reply #274 on: February 24, 2011, 07:45:16 am »
sis snowyice, wala na ko work mula nung nahuli nya ko.. nagresign na ko.. sa house lang ako at may maliit na tindahan. para hindi daw ako alis na alis..

justified

  • Guest
Re: on wife who cheat...
« Reply #275 on: February 24, 2011, 10:20:50 am »
@wag_alamin

you have to face the fact na kahit kailan hindi na magiging maganda ang relasyon nyong mag-asawa...malabo nang bumalik sa masaya at normal ang pagsasama nyong dalawa...kahit na ano pa gawin mong maganda sa hubby mo...dahil nakatatak na sa utak ng mister mo [textspeak!] kataksilang ginawa mo and it will haunt him for the rest of his miserable life.... just being honest and straight to the point  8)

.... but with God, nothing is impossible... miracles do happen  ;)

december

  • Guest
Re: on wife who cheat...
« Reply #276 on: February 24, 2011, 12:50:41 pm »
i agree with sis justified, may lamat na talaga ang relasyon nyong mag-asawa gaya ng nangyari sa bro in law ko at asawa nya 7 years na nakaraan mula nanlalaki wife nya pero gang ngayon sinusumbat pa rin :(

mommy_irene

  • Guest
Re: on wife who cheat...
« Reply #277 on: February 24, 2011, 01:45:52 pm »
sis, mahirap yung situation mo ngayon eh.. maybe sa part ng mister mo, napatawad ka na niya PERO hindi siya makalimot.. kasi everytime na nakikita ka niya, he still remember everything.. i think, space ang kelangan niyo to know kung talagang need niyo pa ang isat isa.. mahirap mag advise na gawin mo ito, gawin mo yan pero i think, space will make both of you realize each others worth..

or if kaya niyo pa, go to counseling.. may mga churches/ groups na nag ooffer ng free service nila.. try that, baka from there, mag kaintindihan kayo, if hindi man maibalik yung love niyo at tiwala, at least self respect na lang kasi sooner or later your children will witness your fight, mas mahirap.. mag sa-suffer sila..


Mr.Punch

  • Guest
Re: on wife who cheat...
« Reply #278 on: February 24, 2011, 01:58:12 pm »
@cristeen - Ang galing mo ah.  Binaligtad ng logic mo yung pangyayari.  Kasalanan pa tuloy ng asawa ni wag_alamin kung bakit siya kinaliwa.

Mr.Punch

  • Guest
Re: on wife who cheat...
« Reply #279 on: February 27, 2011, 03:57:19 pm »
^ Ah, but you seem to have forgotten the circumstances prior[/] to the cheating. Mag-backread ka nga.

(By the way, if you're aware of my reputation here, you'll know that I have no need for subtlety if I really want to insult someone.)

- - - - -

@wag_alamin - do you agree with cristeen?

 

Latest Stories

Load More Stories
Close