watch now

Author Topic: Tips on how to start a small business  (Read 124717 times)

yanmae

  • Guest
Re: Tips on how to start a small business
« Reply #100 on: April 12, 2014, 10:59:08 pm »
mga sis, nag wowonder din po ba kayo paano kumikita yung mga wholesalers sa baclaran or divi? nababawi kaya ng mga chinese negosyante yung rent nila saka pang bayad sa tindera? ang dami na kasi nila masyado doon tapos yung mark up nila i think mga 100+ lang if retail and pag wholesale I guess less than 50? Nagtataka lang kasi ako kung nakakabawi ba talaga sila, sa liit kasi ng mark up plus sa dami nilang nagbebenta ng almost similar na products.

assie

  • Guest
Re: Tips on how to start a small business
« Reply #101 on: April 13, 2014, 12:59:13 pm »
^ yes sis kasi tingin ko  marami  naman nagwhowholesale sa kanila  50-100/pc or kahit 10-20 lang profit nila pero by volume naman. Hindi naman retail na paisa isa inaasahan nila, sa tingin ko lang ha ;)

Started small lang din sa current business ko pero nilakihan ko pangaral ko, ngayon ok naman. Nag susupply ako sa supermarket, convenience store, pasalubong centers and canteens. Ng mga repacked goodies. Ok kita  kaya binigay ko sa parents ko at sila na nagmamanage kasi  mas ok ang kita ko sa online business. Magsimula sa maliit na may malaking pangarap,  Sipag, tyaga and tamang diskarte lang talaga.

virt_train

  • Guest
Start Up Enterpreneurs
« Reply #102 on: July 07, 2014, 05:24:17 pm »
Everyone wants to own a business but it takes a lot of struggle, hardship, patience to build one and make it a reality. Let us hear your thoughts on how you were able to make it on top. Your simple information will surely help those aspiring/start-up entrepreneurs  :)

kaiz

  • Guest
Re: Tips on how to start a small business
« Reply #103 on: July 08, 2014, 04:37:00 pm »
ako i admire talaga yung mga nagstart online hanggang sa lumaki ang business

pinklilac

  • Guest
Re: Tips on how to start a small business
« Reply #104 on: July 09, 2015, 08:40:29 am »
Up ko lang

cutemama

  • Guest
Re: Tips on how to start a small business
« Reply #105 on: July 15, 2015, 06:36:17 am »
Hi sa mga sis natin dito ask ko lang nahirapan din ba kayo nung first month ng business niyo?
Kasi kakaopen lang namin ng grill last june, so mag 3 weeks pa lang business namin.. grabe sobrang disappointed ako, napakaliit ng sales namin.. gusto ko na mag give up.. hindi kami lumalagpas ng 1k ang benta per day.  Naglagay na nga rin kami ng tapsilog para mas madami choices.. konti lang kumakain samin na customers. Samantalang yung sa katapat namin na tapsilogan napakalakas, parang turo2 style lang siya, hindi naman din masarap.
Feeling ko kasi nahihiya yung mga tao na pumasok samin kasi akala mahal.. sobrang baba na nga ng mga prices namin. Hays di ko na alam gagawin mga sis.. 10k ang rent namin per month, sahod pa ng mga tindera, super lugi talaga, imagine 600-1k.lang benta namin per day. Mas malaki pa ata kita nung nagbabarbecue sa kalsada eh..

pinklilac

  • Guest
Re: Tips on how to start a small business
« Reply #106 on: July 15, 2015, 07:49:18 am »
Hi sis cutemama baka nga nai intimidate customers sa kainan nyo kala nila.mahal.
May tarp ka ba na mega highlighted prices nyo para makita agad nila na affordable naman pala.
Yung kaharap nyo may mga suki na kase. So need mo isip ng gimik like loyalty card na pag naka nth time na kumain may free (luto ka ng food na ang ingredients ay in season para mura or ibang freebies) ..

or unli rice, unli iced tea..yung free sabaw dapat may lasa..may ibang kainan free sabaw nila parang pinaglabhan ng bimpo wala lasa lol..
Alam mo naman pinoy hilig sa free lol
pinaka importante sa lahat make sure mas masarap luto nyo para bumalik customers not because of freebies but mainly sa food na tinda nyo.

cutemama

  • Guest
Re: Tips on how to start a small business
« Reply #107 on: July 15, 2015, 08:15:57 am »
Oo nga sis eh.. wala kasi kami tarp.. kaya last week nagpagawa kami ng tarp pero medyo hindi pa rin siya kita.. medyo maliit kasi yung mga sulat and nasa loob.. balak ko nga magpagawa ulit and malaki na at ilalagay ko na sa labas.. sana nga mag click na.. nakakapanghina talaga.

Pinaganda rin kasi namin yung place.. pansin ko mas dinadagsa ng mga tao yung simpleng kainan kesa sa maganda.. siguro akala nila mahal.. minsan may sisilip tapos aalis parang naghihiya talaga sila.pumasok.
.sa mga sis natin dito na may food business din, kelan kayo nakabangon? Kelan naging ok yung sales niyo? Hirap pa kasi magpakilala..

Workforce

  • Guest
Re: Tips on how to start a small business
« Reply #108 on: July 15, 2015, 09:38:22 am »
Nahirapan ako in a sense na kulang ako sa tao noong first 2to3 weeks. Pero sales was already coming in. Nakakapagod.
In your case un naman pala may tapsilog na sa harapan niyo why bother na patayin mo sila or hatian mo sa market share e nauna sila sayo? Yan ang problema sa mga pinoy na gaya gaya porke malakas come to think of it ano mararamdaman ng mayari ng tapsilogan?
I suggest you must sell your own niche. Ano specialty mo? Highlight mo. Pasta? Cakes? Dare to be different yan ang tunay na entrepreneur. Un mga nakikihati lang sa exsisting market usually hindi nagtatagal sa biz. Im sure pupuntahan ka ng marami kapag nagoffer ka ng food from your heart. Of course you also need proper marketing gaya ng suggetion na tarps. Cheers

cutemama

  • Guest
Re: Tips on how to start a small business
« Reply #109 on: July 15, 2015, 09:48:47 am »
^actually sis nung nakita yung space for rent na yun tapsilog talaga yung naisip namin na bizz kaso napansin namin na wala pang ihawan dun kaya grill na lang pinatayo namin.. pero yung mga customers namin, nagrerequest na sana daw may tapsilog din kami. Tapos madami naghahanap tapsilog and sabi rin ng mga friends namin kelangan daw dagdagan namin choices kasi parang konti nga puro ihaw lang..  ayaw ko nga sana kasi may tapsilog na malapit samin.. kaso yung ihaw namin dumadagsa lang mga customer pag gabi lang lang, mga 5pm pataas, so nasasayang yung oras namin from 10 am to 5pm.. sayang ng rent walang bumibili.. kaya naglagay kami tapsilog.

Workforce

  • Guest
Re: Tips on how to start a small business
« Reply #110 on: July 16, 2015, 08:17:51 am »
Try this.. open at 7am. Meaning dapat 630am ready na lahat. Then close at 1pm. Then open at 5pm. Two shifts ang need mo na tindera. Half day ang bayad. This should work. Sabi mo naman walang problema sa luto masarap un sa inyo. Let me know after a month kung nagimprove ang sales. God bless

scentswatch

  • Guest
Re: Tips on how to start a small business
« Reply #111 on: July 16, 2015, 09:09:53 am »
Hello mga sis, ask ko lang sana kung saan kayo kumukuha ng tao/staff para sa business nyo? Sa ngayon kasi kami lang ng partner ko ang gumagawa lahat for our business and nageexpand na siya, so kailangan na namin kumuha ng katulong kaya lang hindi ko alam kung saan ako makakahanap. TIA! ;)

vanity fair

  • Guest
I want to sell TUNIC DRESSES
« Reply #112 on: September 06, 2015, 06:45:09 pm »
I found a good seamstress kaya naisip ko magtinda ng Tunic Dresses.  I just don't know hot to start selling it.  I just want to get your opinion on this.  If i price it at 1k, would it be expensive?  I am not active on social media & feel uncomfortable announcing on FB that i am selling.  Is it ok if i just find re-sellers, or sakit sa ulo & singilan pag ganito.  Or just join a bazaar?
« Last Edit: September 06, 2015, 06:57:25 pm by vanity fair »

krabby_patty

  • Guest
Re: Tips on how to start a small business
« Reply #113 on: September 07, 2015, 06:59:29 am »
^ bazaars are a good option. There are a lot of events since malapit na mag Christmas. Ok lang naman siguro no FB or IG but from my experience, social media will help a lot in getting the word out to potential buyers. Ok din humanap ng resellers because stressful din mag man ng booth! :)

ionmom

  • Guest
Re: Tips on how to start a small business
« Reply #114 on: September 07, 2015, 09:04:07 am »
I found a good seamstress kaya naisip ko magtinda ng Tunic Dresses.  I just don't know hot to start selling it.  I just want to get your opinion on this.  If i price it at 1k, would it be expensive?  I am not active on social media & feel uncomfortable announcing on FB that i am selling.  Is it ok if i just find re-sellers, or sakit sa ulo & singilan pag ganito.  Or just join a bazaar?

Hi! Sell it online or join a bazaar, resellers when come to you pag nakita maganda items mo and they want to sell it too.

When it comes to pricing, you have to consider 1.the cost of your goods, 2. other direct costs associated with your goods ex. freight  3. your mark up 4. your competitors price 5. consider your market too.  Don mo malalaman kung yong price mong 1K is just right.  :-)

missreese

  • Guest
Re: Tips on how to start a small business
« Reply #115 on: September 11, 2015, 10:25:37 pm »
nag open kami ng small business nung saturday.. fishball, squid ball, french fries, kikiam, hotdog sandwich, burger. Naka 400-500 kita yung napagbentahan namen araw araw. Pwede na ba yun? Wala naman kami rent kasi sa tapat lang ng bahay namen.

Nag iisip pa ko ng pwede idagdag na pagkain.

super bratinella

  • Guest
Re: Tips on how to start a small business
« Reply #116 on: September 14, 2015, 05:11:31 am »
Hubby and I are planning small business din, may alam po ba kayo kung paano ng diskarte kung makikilagay kami ng hotdog stand sa tapat ng mini mart kung paano ang bayaran sa rent, beside a vocational school kasi at babaan din ng pasahero sa jeep, kanto pa ang location, I am planning to talk to the owner para dun ilagay ang hotdog stand namin  tapos portion lang ng rent ang pay namin.

Sa may idea pwede pa share naman before I talk to the owner para alam kung hindi naman ako lugi sa lease price niya if ever pumayag.

Thanks in advance.

fionaapple

  • Guest
Re: Tips on how to start a small business
« Reply #117 on: September 15, 2015, 09:27:59 am »
nag open kami ng small business nung saturday.. fishball, squid ball, french fries, kikiam, hotdog sandwich, burger. Naka 400-500 kita yung napagbentahan namen araw araw. Pwede na ba yun? Wala naman kami rent kasi sa tapat lang ng bahay namen.

Nag iisip pa ko ng pwede idagdag na pagkain.

NET income na ba yung 400-500? bawas na dito business expenses mo? ok na din ito kasi wala kang renta. dagdagan mo kaya ng loading business/pera padala/ bills payment?

may12

  • Guest
Re: Tips on how to start a small business
« Reply #118 on: November 28, 2015, 05:41:48 am »
^Sis Super Bratinella, natuloy ba business niyo? Gusto ko din kasi sana malaman ano price range ng rent kapag ganun.

Cheesecak3

  • Guest
Re: Tips on how to start a small business
« Reply #119 on: November 29, 2015, 05:13:19 am »
I have small businesses din like spas and travel agency. So far 3 years na ang travel agency ko at 2 years na ang dalawa kong spas. On the first year ng mga businesses ko wala talagang income. Halos nagaabuno lang ako pero later on kumita na rin, nakakabawi na rin. Ang importante sa pagbusiness talaga ay mahaba ang pisi mo. Dapat meron kang pang tapal during low season at dapat hindi lang yong business mo ang aasahan mo agad lalo na kung kakastart mo pa lang.


 

Latest Stories

Load More Stories
Close