watch now

Author Topic: dakak, dapitan city, dipolog city  (Read 61682 times)

two_zero

  • Guest
dakak, dapitan city, dipolog city
« on: September 21, 2009, 06:45:05 pm »
mga sis, sino na dito nakapunta ng dakak, dipolog city and dapitan city? need help pupunta kasi kami dito this weekend eh, we want sana overnight sa dakak tapos overnight din sa dipolog. meron ba dito nakatry ng casa jose pension, moninas pension or mibang hotel and top plaza hotel, which one is better? ano mga malalapit na place na pwede puntahan,

gusto din namin itry yung river cruise nila, maganda ba dito para bang loboc river in bohol?

what about sa transpo? madali lang din ba? or need pa talaga magrent ng van?

kasama ko kasi mom ko and tita ko medyo napepressure na ko,although may idea na ko, kaya lang wala kasi ko mapagtanungan eh, gusto ko kasi plantsado ang lakad namin kasi mom ko ang kasama ko.

sana meron ng nakapunta dito need help talaga...ako kasi masisisi nito eh hehe..

salamat sa mga magrereply :)
« Last Edit: September 21, 2009, 06:53:18 pm by two_zero »

hotchick_19

  • Guest
Re: dakak, dapitan city, dipolog city
« Reply #1 on: January 27, 2010, 11:48:01 am »
hi sis, alam ko late na ata tong reply ko for your post. ive just been ther last jan3-4, 2010. pero nagstay kami sa dakak. i love dakak. they have 3 swimming pools and a very nice beach.. sa dakak they have tour packages if you want to tour the dapitan shrine, city tour and river cruise.. marami silang package.. just google their website.. andun na lahat.. also naghahatid at sundo sila sa dipolog.. namiss ko na nga eh..  ;)

two_zero

  • Guest
Re: dakak, dapitan city, dipolog city
« Reply #2 on: January 27, 2010, 09:16:45 pm »
hehe sis okay lang po, nakarating na din kami, maganda nga sa dakak saka private sya noh? ang lalim nga lang ng mga swimming pool nila hindi pa naman ako marunong magswim.

riandrew

  • Guest
Re: dakak, dapitan city, dipolog city
« Reply #3 on: January 28, 2010, 04:34:41 am »
Aha! Leidy andami mong gala, Di kita kinakaya. Uwian mo ko magnet ha!  ;)

Patingin ng pics pagbalik nyo. Have fun!

hotchick_19

  • Guest
Re: dakak, dapitan city, dipolog city
« Reply #4 on: January 28, 2010, 09:26:25 am »
hehe sis okay lang po, nakarating na din kami, maganda nga sa dakak saka private sya noh? ang lalim nga lang ng mga swimming pool nila hindi pa naman ako marunong magswim.

naku sis, uu nga.. kung papipiliin ako boracay o dakak.. dakak nlng ako.. kasi parang sayong sayo yung resort.. hehe  ;) uu nga medyo malalim nga [textspeak!] swimming pool..ako sa gilid gilid lang.. kc backstroke lang alam ko.. hehe  ;D namimiss ko na nga pumunta uli dun.. hehe

two_zero

  • Guest
Re: dakak, dapitan city, dipolog city
« Reply #5 on: January 31, 2010, 01:22:18 am »
sis chyng ano ka ba last october 2009 pa kami nagpunta dito.

sis hotchick oo nga sobrang lalim sa gilid gilid lang din ako kasama ko pinsan ko, mom and tita ko lang kasi maruong magswim samin hehe...

iggypop

  • Guest
Re: dakak, dapitan city, dipolog city
« Reply #6 on: February 17, 2010, 01:46:28 pm »
mga sis how were you able to reserve a room for dakak beach resort? i called the resort mismo and they said parang 5k for 2 nights. pero when i called their manila office, 3300/pax daw for 3d/2n, 3 adults  and 2 kids kami, parang ang mahal pag sa manila office nagpa quote  :-\

please enlighten me :)

frankikay

  • Guest
Re: dakak, dapitan city, dipolog city
« Reply #7 on: February 20, 2010, 03:29:27 am »
sis, safe ba ang dakak? wala bang kidnapping??

yikee

  • Guest
Re: dakak, dapitan city, dipolog city
« Reply #8 on: February 22, 2010, 05:07:41 pm »
ako din mga sis, pa enlighten din naman ako  ;D nagbu-book din sana ako.. i called the resort mismo since gabi na and close na ang manila office nila, mas mura din bigay na rates pero ang sabi sakin sa manila office na lang nila ako magbook para mas madali daw.. kinabukasan tumawag na ko sa manila office, iba na ulit rates na binigay sakin.. mas mahal.. then sabi pa iba pa daw yung rate ng fantasyland whereas nung nagtanng ako sa resort mismo, free na daw yun pati yung shuttle service to and from.. which is which kaya..

lakwatsa

  • Guest
Re: dakak, dapitan city, dipolog city
« Reply #9 on: February 23, 2010, 05:25:21 pm »
isasama ko nga ito sa aking 2010 travel plan hehe. sana makapunta this year.

sis two_zero, penge naman iti at expenses report if meron ka nagawa dyan. hehe. :D

yikee

  • Guest
Re: dakak, dapitan city, dipolog city
« Reply #10 on: February 26, 2010, 12:07:57 pm »
mamaya sa trip na trip dito sila, can't wait mapanood!  :)

iggypop

  • Guest
Re: dakak, dapitan city, dipolog city
« Reply #11 on: February 26, 2010, 12:22:33 pm »
^ what time sis? anong channel?

yikee

  • Guest
Re: dakak, dapitan city, dipolog city
« Reply #12 on: February 26, 2010, 12:27:16 pm »
sa abs-cbn sis.. after soco pa siya e.. usually mga 12am na..

iggypop

  • Guest
Re: dakak, dapitan city, dipolog city
« Reply #13 on: February 26, 2010, 12:55:21 pm »
ok thanks sis! we'll be there kase end of march kaya gusto ko makita :)

yikee

  • Guest
Re: dakak, dapitan city, dipolog city
« Reply #14 on: February 26, 2010, 01:48:59 pm »
ay talaga sis, balitaan mo ko sis ha kung kamusta naman.. kami matagal pa, sa sept pa naman.. pero as usual, mega nagreresearch lang din kase gusto ko yung may city tour din saka yung sa fantasyland.. wala pa ko nakikita na ok na tour guide, pag no choice baka yung provided ng resort na lang.. plus yun nga, hanggang ngayon naguguluhan ako sa rates na binibigay nila samin kase magkaba yung sa manila office and yung sa resort mismo.. san kayo nagpareserve sis?

iggypop

  • Guest
Re: dakak, dapitan city, dipolog city
« Reply #15 on: February 26, 2010, 03:30:07 pm »
sige sis balitaan kita. sis i called directly sa dakak beach resort and talked to a girl named elvie. nagpareserve ako sa kanya, was asking if i need to deposit pero wag na daw, pagdating na lang daw namin. naku sana naman sure yon! :D

two_zero

  • Guest
Re: dakak, dapitan city, dipolog city
« Reply #16 on: February 27, 2010, 12:11:47 am »
mga sis sorry late reply ko, fantasy island is free na po pati shuttle service nila roundtrip by bus and van na yun from dakak its about 30min travel time papunta ng fantasy island aalis kayo sa daka after dinner mga 830pm after ng cultural show tapos ibabalik din kayo sa resort around 1130pm, maliit lang ang fantasy island pero puntahan nyo kasi free naman sya saka yun lang din ang night life dun eh. fantasy island is located in gloria de dapitan po.

about sa rates naman po visit www.dakakdapitan.com mas ok kung 4pax lang kayo just like us barkadahan package ang kinuha namin its 2550 saming apat na yun all inclusion walang lang food how cheap diba?! pero kung 3pax or 5pax kayo mas mahal talaga dapat 4pax lang talaga ang pwede magavail nito.

sis need ng 50% deposit dito hindi pwedeng walang deposit baka magkaron ka ng problem nyan mas ok kung sa manila office na lang kayo tumawag ganun din kasi ginawa ko eh.

maganda sa dakak sobrang private at maalaga talaga sila sa guest basta u will feel at home and super relaxing todo sila magaalaga sa guest nila. i remember meron silang view deck na u nedd to treck mga 200steps pwede naman syang lakarin papunta dun pero grabe hinahatid pa talaga kami ng van service nila, basta magask lang kayo sa frontdesk office kung san nyo gusto pumunta kahit napakalapit ihahatid pa kayo ng van.

when it comes sa food wala akong masabi masasarap talaga wala kaming natikman na hindi ok lahat talaga masarap kahit sa dapitan city mismo.

complete po sa dakak water activities, ct tour, buffet lunch while cruising the river kaya lang minimum of 10pax dito eh, if u want to diy ang dapitan ct tour madali lang sya if u stay at least one night sa labas ng dakak pero kung nasa dakak kayo magpapackage na lang kayo sa mismong dakak kasi walang nakakapasok sa dakak nasasakyan eh.

just in case may pupunta po sana fri-sat ang target ninyo kasi may cultural show sila at buffet lunch and dinner im sure u will love it.

lakwatsa

  • Guest
Re: dakak, dapitan city, dipolog city
« Reply #17 on: February 27, 2010, 09:09:21 am »
^sis, ilan araw dapat para sulit? yun byahe kasi ng cebpac 12nn ang arrival sa dipolog tapos 12nn din ang flight pauwi.

iggypop

  • Guest
Re: dakak, dapitan city, dipolog city
« Reply #18 on: February 27, 2010, 11:09:37 am »
^ you're right sis kaya i booked for 4 days para hindi sayang yung pagpunta don, yung last day halos wala nang magagawa dahil noon ang flight and kelangan 2 hours before nasa airport na.

sis i booked directly sa dakak kase sobrang laki ng difference pag sa manila office  ;)

yikee

  • Guest
Re: dakak, dapitan city, dipolog city
« Reply #19 on: February 27, 2010, 11:58:03 am »
sis iggypop thanks in advance sa future chika experience, wait ko ha  :) yun nga din sis sinabi sakin e, nung sa resort mismo kausap ko, di na daw kailangan magdeposit.. pero pag sa manila office kailangan daw.. tas sabi sakin sa manila office may separate charge sa fantasy land.. whereas sa resort mismo, free na daw and hatid sundo kami, 3 hrs daw yun sa gabi(which is i think tma based sa experience ni sis two zero).. hay ang gulo.. sayang naman kase ang diff ng rate pag sa manila office.. kaso yun nga, pag walang dep, nakakatakot naman, baka magkaprob sa reservation.

sis two zero thanks sa info.. ff up question lang.. yung sa ct tour, river cruise nila, since may min number of pax pala, pano kung wala kami makakasabay, hindi pwede na kami lang? and frm dipolog airport gano pa kalayo ang dakak? tia

kami fri-sun kaya machechempuhan pala namin ang show

 

Latest Stories

Load More Stories
Close