watch now

Author Topic: LAPAROSCOPIC CHOLECYSTECTOMY  (Read 152343 times)

SOFIEMAE

  • Guest
Re: LAPAROSCOPIC CHOLECYSTECTOMY
« Reply #120 on: March 22, 2013, 11:08:10 am »
@mimijamjam pano mo nasabi na gallstone attack yun?

sis gallstone attack kapag may naramdaman kang pain then after checking thru endoscopy or ultrasound nakikitang may bato kana pala kaya panay panay ang sakit ng tyan mo =)

MiMiJaMjAm sis wag kang matakot just pray at lakasan lang ng loob yan.... promise mas masakit pa yang nararamdaman mong pain pag naatake kesa sa laparoscopic surgery... one week lang ok kana agad... God bless =)

bratty

  • Guest
Re: LAPAROSCOPIC CHOLECYSTECTOMY
« Reply #121 on: March 22, 2013, 11:13:43 am »
^sis, how do you describe yung pain? ako kasi may nararamdaman din pain sa tagiliran, right side. napansin ko pag di ako naka-ihi sa magdamag, minsan kasi tinatamad akong bumangon. nagpa-ultrasound naman ako ng full abdomen, okay naman lahat.

SOFIEMAE

  • Guest
Re: LAPAROSCOPIC CHOLECYSTECTOMY
« Reply #122 on: March 22, 2013, 11:25:32 am »
saan banda sa right side ang sumasakit sayo sis? after lang ng ribcage pag gallbladder then pagmalala na sis hangang balikat at likod ang pain sa akin kasi hindi pa ganun kalala kaya akala ko ng una umaatake lang ang GERD ko... sa ultrasound lang nakitang may stone sa bile ko... pero dati kaya ko pa yung pain gang umuulit ang sakit parang lalong tumitindi na... kinailangan na ng operation kasi nakabara yung stone ko sa mismong bile... usually nasumpong ang sakit after meal lalo na sa gabi...
« Last Edit: March 22, 2013, 11:27:23 am by SOFIEMAE »

bratty

  • Guest
Re: LAPAROSCOPIC CHOLECYSTECTOMY
« Reply #123 on: March 22, 2013, 11:58:37 am »
tagiliran ng kanan na balakang sis.
usually nasumpong ang sakit after meal lalo na sa gabi...
minsan ganito din, pag napaparami ako ng kain sa gabi

SOFIEMAE

  • Guest
Re: LAPAROSCOPIC CHOLECYSTECTOMY
« Reply #124 on: March 22, 2013, 12:12:10 pm »
Sis hindi kaya related to a possible blockage of the kidney due to a kidney stone? Sabi mo madalas ka mag pigil ng wiwi... pa check up mo na agad sis para maagapan agad at hindi na lumala pa... hirap talaga ng may nararamdaman tapos mag iisip pa kung ano at bakit nasakit... Kaya see a doctor soon... God bless....

bratty

  • Guest
Re: LAPAROSCOPIC CHOLECYSTECTOMY
« Reply #125 on: March 22, 2013, 12:15:03 pm »
^sis, hindi ba sapat na normal yung ultrasound ko ng full abdomen? ayoko talaga magpa-doctor eh. hehe! obserbahan ko muna ulit. nag-e-exercise ako ngayon, baka kasi masyado na ko mataba kaya ganun. thanks for replying sis :)

MiMiJaMjAm

  • Guest
Re: LAPAROSCOPIC CHOLECYSTECTOMY
« Reply #126 on: March 25, 2013, 12:25:39 pm »
@sis bratty at first, self diagnosis ako. Sabi ko gastro-enteritis lang. Most of us kasi sa office dahil sa shift schedule prone sa gastro. Dati matagal lang akong matunawan. Take lang ako ng kremil-s or buscopan and maalox, matatanggal na yung pain. Then pain developed sa upper right side ng tyan, nag-eextend sa back. Untolerable pain na talaga. Sa ultrasound na lang talaga nakita na yung pain is due to multiple stones sa gallbladder.

Since yung gallbladder is located sa upper right ng tyan, dito mo talaga mafefeel yung pain.

MiMiJaMjAm

  • Guest
Re: LAPAROSCOPIC CHOLECYSTECTOMY
« Reply #127 on: March 25, 2013, 12:29:05 pm »
@jhenpretty and @SOFIEMAE, thanks mga sis! Sana nga maging OK ang operation. Ang worry ko lang kasi baka maconvert to open surgery. Dba ouch ng sobra yun? But I'm praying hard talaga na walang complications.

SOFIEMAE

  • Guest
Re: LAPAROSCOPIC CHOLECYSTECTOMY
« Reply #128 on: March 25, 2013, 01:35:25 pm »
@jhenpretty and @SOFIEMAE, thanks mga sis! Sana nga maging OK ang operation. Ang worry ko lang kasi baka maconvert to open surgery. Dba ouch ng sobra yun? But I'm praying hard talaga na walang complications.

oo masakit nga :( at matagal pa mag heal ang sugat... don't worry sis ganyan din sinabi ng doctor ko before sa akin magopen surgery din ako pero rare case naman daw yun lalo na kung hindi naman grabe pa yung gallbladder mo kayang kaya ang small incision lang :) inihahanda ka lang ng doctor mo... Kaya mo yan sis... Balitaan mo nalang kami sis :)

MiMiJaMjAm

  • Guest
Re: LAPAROSCOPIC CHOLECYSTECTOMY
« Reply #129 on: March 25, 2013, 02:40:10 pm »
yun nga sinabi ng surgeon sa akin sis @SOFIEMAE... base sa ultrasound ko hindi pa naman namamaga ang gallbladder ko. Yun lang daw kapag dikit-dikit yung organs sa loob, may possibility daw na maconvert to open. Di ba yun makikita sa ultrasound?

Sis @SOFIEMAE, saang hospital ka pala nalapchole?

SOFIEMAE

  • Guest
Re: LAPAROSCOPIC CHOLECYSTECTOMY
« Reply #130 on: March 25, 2013, 04:16:35 pm »
sa Las Pinas Doctors sis... yung doctor ko taga asian hospital din... ikaw sis saang hospital ka papa lap chole? sa cam lang ata yun makikita e... once na pinasok na mga instrument...

MiMiJaMjAm

  • Guest
Re: LAPAROSCOPIC CHOLECYSTECTOMY
« Reply #131 on: April 02, 2013, 01:26:02 am »
sis sa Medical City ako nakaschedule ng lap chole. This week na operation ko.

SOFIEMAE

  • Guest
Re: LAPAROSCOPIC CHOLECYSTECTOMY
« Reply #132 on: April 02, 2013, 09:42:51 am »
God bless sis... pray ka lang :) malalagpasan mo rin yan....

daveigh

  • Guest
Re: LAPAROSCOPIC CHOLECYSTECTOMY
« Reply #133 on: April 02, 2013, 01:34:40 pm »
^ kaya nyo yan mga sis. ako rin ganyan nung bago ako maoperahan, nilakasan ko lang ang loob ko at panay prayers. Nung matapos na, hay kay laking ginhawa!

MiMiJaMjAm

  • Guest
Re: LAPAROSCOPIC CHOLECYSTECTOMY
« Reply #134 on: April 03, 2013, 08:03:39 pm »
Sa Friday na operation ko mga sis. Please include me in your prayers. I will go back to this thread after ng operation to give you updates.

Thanks!  :)

jhenpretty

  • Guest
Re: LAPAROSCOPIC CHOLECYSTECTOMY
« Reply #135 on: April 09, 2013, 04:06:32 pm »
^How's your operation sis? I hope okay ka na. Get well soon. Dapat ingat na sa pagkain ng salty at oily na foods. God bless.. ^_^

MiMiJaMjAm

  • Guest
Re: LAPAROSCOPIC CHOLECYSTECTOMY
« Reply #136 on: April 10, 2013, 10:54:44 am »
Hi mga sis! My operation was a success. I'm still on a medical leave from work until Friday, balik work na ako next week. First two days after the operation was a bit pain lang. May time lang talagang sobrang sumakit ang tagiliran ko, nasa hospital pa ako nun. Naglakad-lakad kasi ako sa loob ng room ko as advised by the doctors and then after nahiga ako, flat yung hinigaan ko di ko pinaelevate. Ayun, every breath ko, un naman sakit ng tagiliran ko. Umiyak na ko sa sakit, buti the nurses responded quickly and they gave me pain reliever saka inelevate yung bed ko. Isa ding masakit is yung right shoulder ko, nangalay ata sa operation.

Right now, wala ng sakit akong nararamdaman. Mabilis lang pala talaga ang recovery period. Thank God!  :D :D :D

SOFIEMAE

  • Guest
Re: LAPAROSCOPIC CHOLECYSTECTOMY
« Reply #137 on: April 10, 2013, 12:37:00 pm »
good to hear sis MiMiJaMjAm

iamasinger

  • Guest
Re: LAPAROSCOPIC CHOLECYSTECTOMY
« Reply #138 on: April 17, 2013, 11:59:17 am »
^sis, hindi ba sapat na normal yung ultrasound ko ng full abdomen? ayoko talaga magpa-doctor eh. hehe! obserbahan ko muna ulit. nag-e-exercise ako ngayon, baka kasi masyado na ko mataba kaya ganun. thanks for replying sis :)

when you say full abdomen, kasama ba dun yung ultrasound ng spleen, gallbladder, pancreas, at liver mo? kasi yan ang tinitignan nila sa katulad ng case namin na panay ang sakit ng sikmura at sa iba naman ay sumasakit yung tagiliran.

sa latest ultrasound ko na ginawa last week, madami nga yung gallstones ko at ang pinakamalaki ay nasa 0.8cm. hindi naman namamaga ang gallbladder wall at at ganun din yung common duct at bile duct ay hindi din namamaga. kaya ang sabi ng doctor walang rason para magpa-opera ako. may mga cases naman kasi na silent lang (no pain) yung gallstones. sabi pa nga hanggang sa mamatay na lang yung tao due to other reasons, eh hindi pa din nya nalalaman na may stones na pala sya sa gallbladder. so ako pinakiusapan ko lang si Lord na wag pagalawin yung mga stones ko. hawakan Nya lang para hindi sumakit. kasi ayoko talagang magpa-opera. 2x na kasi akong na-CS kaya alam ko ang hirap ng open surgery at kahit pa lapchole as much as possible hindi sya gawin sa akin.

Britz

  • Guest
Re: LAPAROSCOPIC CHOLECYSTECTOMY
« Reply #139 on: June 14, 2013, 09:39:03 pm »
Hi good evening. Sana po mahelp nyo ako re sa inquiry ko.

Balak po kasi ng partner ko na magpaLapChol a.s.a.p, meron shang Maxicare at Philhealth. Magkano po kaya ang magagastos at kasama naba sa covered ng Healthcard yung fee ng doctor at gamot? thank you po!


 :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close