watch now

Author Topic: Landscaped Gardens (post pics here)  (Read 41775 times)

yani090479

  • Guest
Re: Landscaped Gardens (post pics here)
« Reply #80 on: May 11, 2012, 05:54:07 am »
sis, thanks! taga pque me...nag-canvass pa naman me...pero just want to ask for a simple grotto, usually how much? wala pa landscaping dun?

yani

huit

  • Guest
Re: Landscaped Gardens (post pics here)
« Reply #81 on: May 11, 2012, 12:55:38 pm »
^^

ah ganun ba...hmmmm...paano kaya yun gusto ko pa naman horse tail wala naman ako pond sa bahay.hahaha. baka pamahayan kasi lamok

huit

  • Guest
Re: Landscaped Gardens (post pics here)
« Reply #82 on: July 15, 2012, 06:29:19 pm »
Hi sisess, ano mga plants ang okay sa loob ng bahay, doesn't require much sunlight

iamasinger

  • Guest
Re: Landscaped Gardens (post pics here)
« Reply #83 on: July 17, 2012, 03:23:48 pm »
Try Fortune plant. We have one in the living room. We let it out once a week at night time para lang mahamugan. Try also Philodendron. May variety ito na hindi pwedeng paarawan ng matagal.

gogreengorgeous

  • Guest
Re: Landscaped Gardens (post pics here)
« Reply #84 on: July 17, 2012, 03:53:32 pm »
Hi sisess, ano mga plants ang okay sa loob ng bahay, doesn't require much sunlight

try mo tong mga nakalist dito sis http://www.homelife.com.au/gardening/features/the+best+indoor+plants,4630

except for the Dieffenbachia (dumb cane)...poisonous kasi ito kaya dumb cane ang common name nyan. mahirap na pag may pets or kids sa bahay.

iamasinger

  • Guest
Re: Landscaped Gardens (post pics here)
« Reply #85 on: July 17, 2012, 05:58:18 pm »
^happy plant pala yung nasa living room namin... ngayon ko lang nalaman. kasi naman sa common household ang tawag nila dito ay fortune plant. thanks gogreengorgeous for the info.

huit

  • Guest
Re: Landscaped Gardens (post pics here)
« Reply #86 on: July 17, 2012, 06:55:10 pm »
^^

Wow thansk for this. Yung Zanzibar gem parang yan yung laging nakalagay sa CR, nakikita ko yan sa NAIA 3 restrooms. Hahaha. Insiisip ko nga kung ano yun at maglalagay din ako sa CR ko. =) Ano pala yung pant na may red na flower na nag aabsorb daw ng Co2 ba yun? Basta okay din daw sa loob ng bahay.

By the way ang dami milipede sa garden ko, naiinis ako. dati okay lang sa akin kasi di naman sila nang-aano pero nakita ko na parang kinakain nila yung leaves ng plants ko kaya pinapatay ko na sila ngayon. Paano ba effective pang patay sa kanila or pag prevent. Napapansin ko sa mga damp place sila and sa ilalim ng lupa

ilykeee

  • Guest
Re: Landscaped Gardens (post pics here)
« Reply #87 on: August 13, 2012, 10:49:25 am »
mga sis, I hope someone can help me. Meron na ba dito na naka bili na ng white gravel stones yung pang garden? San ba bibili nun, saka magkano per sack ba or per truck. TIA! :)

iamasinger

  • Guest
Re: Landscaped Gardens (post pics here)
« Reply #88 on: August 28, 2012, 03:40:26 pm »
By the way ang dami milipede sa garden ko, naiinis ako. dati okay lang sa akin kasi di naman sila nang-aano pero nakita ko na parang kinakain nila yung leaves ng plants ko kaya pinapatay ko na sila ngayon. Paano ba effective pang patay sa kanila or pag prevent. Napapansin ko sa mga damp place sila and sa ilalim ng lupa

from wikipedia:
Most millipedes are herbivorous, and feed on decomposing vegetation or organic matter mixed with soil. A few species are omnivorous or carnivorous, and may prey on small arthropods, such as insects and centipedes, or on earthworms. Some species have piercing mouth parts that allow them to feed on plant juices.

so baka yung kumakain ng dahon ng mga halaman mo ay higad. kasi sa amin sa bulacan, madami ding millipedes as in minsan nakakadiri na sila dahil sa sobrang dami pero yung higad or uod na green ang kadalasang kumakain ng mga dahon ng halaman namin.

huit

  • Guest
Re: Landscaped Gardens (post pics here)
« Reply #89 on: August 28, 2012, 11:14:14 pm »
napansin ko nga rin sis, na sa sampaguita ko may maliliit na uod. tapos sa pandaqaqui puti ko na plant yung green na caterpillar na mataba na nakakaawa patayin kaya hinahayaan ko na lang. hehe. kaya hindi na ako masyado pumapatay milipede. pero minsan pag pumpasok sa bahay pinapatay ko rin. ang dami kasi talaga nila minsan. may indication ba na mataba ang lupa pag may milipede or wala lang yun?

SnowBall

  • Guest
Re: Landscaped Gardens (post pics here)
« Reply #90 on: December 07, 2013, 10:46:15 pm »
Hi mga sis, nagpa landscape ako ng mini garden ko, 20k ang nagastos, may mga spiral, saka yung bilog bilog, tapos yung mga low maintenance na halaman na laging may bulaklak na puti.

Kaso medyo nairita ako sa kapitbahay ko, nagpa landscape din, tapos ginaya yung mga halaman namin.

Hahaha, inisip ko na nga lang, at least nagandahan sila sa mini garden ko kaya pinagaya.


Incheng

  • Guest
Re: Landscaped Gardens (post pics here)
« Reply #91 on: December 10, 2013, 07:46:41 am »
Hi mga sis, nagpa landscape ako ng mini garden ko, 20k ang nagastos, may mga spiral, saka yung bilog bilog, tapos yung mga low maintenance na halaman na laging may bulaklak na puti.

Kaso medyo nairita ako sa kapitbahay ko, nagpa landscape din, tapos ginaya yung mga halaman namin.

Hahaha, inisip ko na nga lang, at least nagandahan sila sa mini garden ko kaya pinagaya.

Picture naman sis :)

super bratinella

  • Guest
Re: Landscaped Gardens (post pics here)
« Reply #92 on: December 14, 2013, 08:22:32 pm »
May mga naglalako sa subd namin nag aalok ng landscape tapos installment basis ang payment, once we open our Dining Area space balak namin lagyan ng glassdoor tapos papa landscape ko ang tapat ng dining namin..para maganda view while eating..

imeego

  • Guest
Re: Landscaped Gardens (post pics here)
« Reply #93 on: December 15, 2013, 10:08:02 am »
^sis parang ganyan ang design ng house na pinapagawa namin now, may sliding glass door leading to the outdoor dining area and garden ;)

ask ko lang po, no idea kasi paano ang bayad sa landscape artist/archi, parang pakyawan ba ang charge nila meaning kasama na sa price lahat like pf, soil, grass, plants etc, or per sqm din ang computation like sa house construction? hehe sorry no idea talaga..nasa 140 sqm po kasi yung ipapagawa namin, and medyo nagpi-prepare na kami sa gastos since gusto ko magawa na yung garden right after matapos yung construction ng house :)

iamasinger

  • Guest
Re: Landscaped Gardens (post pics here)
« Reply #94 on: March 05, 2014, 05:57:20 pm »
140 sqm for the garden alone? malaki-laki din yan. ang pf naman kasi is 20% ng total cost ng materials. ibinase ko lang yan noong nagpalandscape kami. kaya the less cost of materials, the better. be minimalistic tutal yun naman ang uso. pero depende din sa kung anong style ng bahay mo. meron naman iba na tatagain ka talaga. kaya mas mainam na kumuha ng madaming quotations from different suppliers para may option ka.

imeego

  • Guest
Re: Landscaped Gardens (post pics here)
« Reply #95 on: March 06, 2014, 03:41:45 pm »
^ thanks for the reply sis, modern style ang house, and yes, simple lang din gusto ko sa garden..konting halaman lang na low maintenance dapat kasi wala talaga akong alam sa mga halaman..parang sa sides lang lahat ng plants, tapos magpapalagay lang ako ng water feature, then the rest will be covered with grass na para malaki ang space for my kids' playground..naku sana naman di ganun kamahal hehe...by april siguro namin masisimulan, mag-scout muna kami ng gagawa na affordable :) at least may idea na ako sa pf ;)

add ko pala, sobrang type ko kasi yung mga bonsai, may mga nakita kasi ako last weekend sa mall ang gaganda...type ko din palagay ng mga ganun, kaso sabi ni hubby mahal daw ang bonsai..this weekend i-check ko nga ang price baka naman di din ganun kamahal, gusto ko kasi talaga nun...
« Last Edit: March 06, 2014, 03:45:58 pm by imeego »

iamasinger

  • Guest
Re: Landscaped Gardens (post pics here)
« Reply #96 on: March 06, 2014, 06:50:32 pm »
on low maintenance plants, ang ibig mo bang sabihin ay yung nagtathrive kahit hindi mo madiligan ng madalas? kasi parang halos lahat ng halaman kailangan madiligan. kailangan mo ding itrim every month. pero hindi mo iyan problema for the first 3 months kasi hindi pa ganun kalalaki ang mga halaman. noong nagpa-landscape kami i think for a month libre pa yung pagpapa-alaga sa mga halaman through the hardinero na in-assign para sa garden namin. pwede ka ding magpatanim ng mga halaman na matagal lumaki para ok lang kahit hindi mo i-trim ng ilang mga buwan...    mahal ang totoong bonsai. i mean yung mga na-bonsai na talaga huh. hindi yung mga katatanim lang. madami kasi akong nakikita along Guiguinto Bulacan na parang inilagay sa kawa na maliliit na halaman, na kunwari parang bonsai.

Cheesecak3

  • Guest
Re: Landscaped Gardens (post pics here)
« Reply #97 on: March 06, 2014, 10:42:20 pm »
I am also planning to have my little garden landscape, gusto ko kasi my grotto and water falls. :) I will update here kapag natapos na.

imeego

  • Guest
Re: Landscaped Gardens (post pics here)
« Reply #98 on: March 07, 2014, 02:12:32 pm »
^^i was thinking kasi na baka pwedeng kahit hindi everyday madiligan eh mag-thrive pa din, im taking into consideration din kasi workload ng helpers namin ;D thanks for your input sis, medyo nakapagback read ako and dami kong natutunan..i will post pics here pag ok na ang dream garden ko ;)

iamasinger

  • Guest
Re: Landscaped Gardens (post pics here)
« Reply #99 on: March 07, 2014, 06:18:32 pm »
twice a day lang naman ang dilig sa mga halaman. one in the morning as in 6-7am then another one in the afternoon preferably 5:30pm. pero kung summer thrice a day ang pagdidilig.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close