watch now

Author Topic: Landscaped Gardens (post pics here)  (Read 41791 times)

huit

  • Guest
Re: Landscaped Gardens (post pics here)
« Reply #60 on: August 11, 2011, 09:07:53 pm »
                  Want to share some pics of our garden done last month.It cost us 20k kasama na sa buong labas ng bahay since corner lot kami:

                 http://ardy0830.multiply.com/photos


nice! kasama na rin mga pebbles at halaman? san ka banda nakatira sis and sino landscapist mo? Thanks!

hottie

  • Guest
Re: Landscaped Gardens (post pics here)
« Reply #61 on: August 11, 2011, 09:52:57 pm »
         
                     ^ Near SM Fairview.dami dito mga landscaper.20k for all as in all.

iamasinger

  • Guest
Re: Landscaped Gardens (post pics here)
« Reply #62 on: August 11, 2011, 11:45:44 pm »
yung mga malalaking trees kasama din ba sa quotation sa inyo? kasi yung sa amin nasa 8-9 feet lang 500 na kaagad. tapos hindi pa yun kasing laki ng katawan ng mga trees dyan sa house ninyo.

@huit, the rule of thumb is less plants, less expenses. but it depends on the choices of plants that you wanted for your garden. topiary plants are expensive. orchids are expensive as well. meron namang PHP7.00 lang na halaman :) but these are smaller ones and requires minimal maintenance. to give you an idea regarding on the prices of basic items below are the items that were quoted for our garden:

garden soil PHP6,000/dump truck
blue grass PHP45/sqm
carabao grass PHP45/sqm
pebbles PHP250/sack
dice-shaped boulder PHP1,500/set
irregular shaped boulder PHP300/pcs

dyan pa lang inabot na ng 30k+ hindi pa kasali yung mga halaman... kapag magpapalandscape ka tanungin mo kung ano yung mga halaman na hindi gaano alagain para iyon ang ipalagay mo sa garden mo. si sis gogreengorgeous madaming alam tungkol sa halaman. pwede kang humingi ng mga tips.  ;)

huit

  • Guest
Re: Landscaped Gardens (post pics here)
« Reply #63 on: August 12, 2011, 10:33:54 am »
@hottie- yung malapit sa regalado?


@iamasinger- Thanks for the tops!  ;) sakin kasi blue grass pa lang papalagay ko wala pa talaga landscapist kase bihira ko naman mapuntahan bahay ko sa laguna. ano kaya pwede na plant sa ganung set up at lugar.  ::)

hottie

  • Guest
Re: Landscaped Gardens (post pics here)
« Reply #64 on: August 12, 2011, 10:39:27 am »
     @huit,YES po,yung malapit nga sa Regalado.sunod sunod yung mga nagbebenta ng mga halaman dun.

iamasinger

  • Guest
Re: Landscaped Gardens (post pics here)
« Reply #65 on: August 12, 2011, 11:16:49 am »
huit, sigurado kang blue grass ang ipalalagay mo? how often do you plan to visit your place? kasi ang blue grass kailangang madiligan regularly. kung wala pa namang tao na magbabantay sa bahay, wag mo muna palagyan ng halaman, lalo na ng blue grass.

may book nga pala akong nabili noon sa nbs about low maintenance garden. ang low maintenance garden daw ay less greenery. mas malawak yung pavement tulad halimbawa ng pebble wash or slabs of stones or kahit yung mga pebbles na kinalat lang sa lupa. then yung mga halaman ay very minimal lang. madami kang makikita sa internet ng mga ideas about low maintenance garden.
« Last Edit: August 12, 2011, 11:27:13 am by iamasinger »

gogreengorgeous

  • Guest
Re: Landscaped Gardens (post pics here)
« Reply #66 on: August 12, 2011, 11:35:06 am »
@huit sis depende yang plants kung ano bang theme ang gusto mo for your garden and kung ano ang purpose, form and function ika nga. pero tulad na rin ng sinabi ni sis iamsinger, kung di mo masyado mavivisit yung lugar nyo, parang medyo iconsider mo kung blue grass ba talaga ang gusto mo. Kailangan kasi nammaintain to plus dapat kung malaki ang area may sprinkler ka hehe, saka low to medium traffic area (yung hindi nyo lalakaran lagi) :) eto usually yung ginagamit sa golf course fairways and roughs.

iamasinger

  • Guest
Re: Landscaped Gardens (post pics here)
« Reply #67 on: August 12, 2011, 11:48:04 am »
kung gusto mo pa din ng grass na ok kahit matapak-tapakan, carabao grass ang maganda. dun sa bahay ko, yung elevated area ng garden lang ang blue grass then the rest carabao grass na.

sis gogreengorgeous, alam mo ba yung isang variant ng carabao grass na galing daw korea? yung naglandscape kasi ng garden ko pinakitaan ako nga ganung grass. korean carabao grass daw ang tawag kasi galing daw korea. instead of the elongated leaves medyo rounded yung korean carabao grass tapos ang ganda ng tubo nya. hindi makulit  ;D at ang kagandahan pa nun, it's low maintenance. kahit ilang buwan hindi mo kailangang i-grass cutter. yun nga lang sobrang mahal. it's 200/sqm. eh gusto ko pa namang palagyan noon yung sa backyard at gilid ng bahay ko. nasa 120sqm yung area na yun ng garden so lumalabas na sa carabao grass pa lang aabutin na ng 24k! :o i tried searching on the web for this variant pero wala akong makita. puros typical carabao grass ang nakikita ko. ang reason kaya daw mahal dahil bibihira pa lang daw ang nakakapagpatubo noon dito.

gogreengorgeous

  • Guest
Re: Landscaped Gardens (post pics here)
« Reply #68 on: August 12, 2011, 12:08:37 pm »
^Malamang sis Zoysia variety yan. Yung nakita mo ba yung parang nagma-mound mound yung itsura nya na parang fluffy? Ang usually na ginagamit na Zoysia yung japonica at matrella :) Yung mga blue grass mga Poa na variety kasi yun.

Pero i-check mo rin sa kanya, baka kasi di ok sa lawn mo, sya na rin nagsabi na konti pa lang nakakapagpatubo nun dito, pero madalas eto gamit namin (Zoysia japonica) sa mga projects namin sa China kasi cold hardy naman to :)

iamasinger

  • Guest
Re: Landscaped Gardens (post pics here)
« Reply #69 on: August 12, 2011, 01:14:05 pm »
yang sinasabi mo parang kapamilya ng blue grass. itong particular blue carabao grass na nakita ko sa garden noong naglandscape sa amin, hindi naman pang malamig na lugar lang. konti pa lang kasi ang nakakakuha ng seedlings nito at wala pang awareness yung ibang nag-ga-garden kaya mahal pa sa mercado. ang ganda talaga tignan nung carabao grass na yun. subukan kong pumunta sa pwesto nila at pipicture-an ko then ipopost ko dito para magka-idea ka.
« Last Edit: August 12, 2011, 05:03:48 pm by iamasinger »

gogreengorgeous

  • Guest
Re: Landscaped Gardens (post pics here)
« Reply #70 on: August 12, 2011, 01:24:46 pm »
^oops baka medyo magulo yung pagkasabi ko...yung zoysia sis for southern areas talaga ito and warm climate, yun lang kahit na ganun, may variety na mataas ang tolerance sa cold (like yung japonica nga) :)
sige sis picturan mo minsan :D

iamasinger

  • Guest
Re: Landscaped Gardens (post pics here)
« Reply #71 on: August 12, 2011, 05:04:26 pm »
pinalitan ko na. what i meant was carabao grass instead of blue grass.

huit

  • Guest
Re: Landscaped Gardens (post pics here)
« Reply #72 on: August 13, 2011, 11:13:51 pm »
Thanks sa mga tips...gulo lang nung kausap ng ate ko na nagbebenta. Pareho lang daw
maintenance ng carabao at blue grass. kase iniisip ko baka masayang lang pera ko kapag
mamatay yung blue grass. =/

iamasinger

  • Guest
Re: Landscaped Gardens (post pics here)
« Reply #73 on: August 15, 2011, 02:35:15 pm »
pareho sila ng price dun sa naglandscape sa amin. careful sa paglalagay ng fertilizer sa blue grass at bermuda grass dahil natutuyo yung grass kapag nasobrahan or mali ng dilution.

sa mga nag-ga-garden kasi walang problem sa pagme-maintain kaso yung tulad mo ang mahihirapan dun sa blue grass. halata mo kaagad yung mga damong ligaw sa blue grass.

super bratinella

  • Guest
Re: Landscaped Gardens (post pics here)
« Reply #74 on: August 17, 2011, 09:18:08 am »
I am into gardening ngayon, may mga landscaper na nag aalok kaso I do not take chances kasi baka mahal..

iamasinger

  • Guest
Re: Landscaped Gardens (post pics here)
« Reply #75 on: August 17, 2011, 10:18:28 am »
depende kasi sa gusto mong maging kalabasan. tulad nga ng nasabi ko, mas madaming halaman, mas mahal. kung may water feature mas lalong mahal.

ngayon kung low maintenance garden ang gusto mo hindi ganun kamahal unless tadtarin ng mga eco stones and boulders ang ilagay sa garden mo.

yani090479

  • Guest
Re: Landscaped Gardens (post pics here)
« Reply #76 on: May 10, 2012, 02:05:58 am »
mga sis question, papa-lanscape sana kami and papalagay ng grotto, may ma suggest kayo contractor and how much kaya? Mini garden lang kami actually nakaayos narin halos...papa-add ko nalang talaga grotto plus konti pang tanim [textspeak!]...

yani

huit

  • Guest
Re: Landscaped Gardens (post pics here)
« Reply #77 on: May 10, 2012, 12:55:14 pm »
sisses, alam niyo ba yung horse tail na tanim, matakaw ba talaga siya sa tubig? Plan ko kasi maglagay nun sa bahay, yung nasa pot na para hindi kumalat, pero prob ko is bihira ako makapag dilig sa bahay, baka mamatay, kaya ayun, meron bang may tanim sanyo dito nun and namamtay ba siya agad?

chefron

  • Guest
Re: Landscaped Gardens (post pics here)
« Reply #78 on: May 10, 2012, 02:46:39 pm »
i have a small plot of land na gusto ko sana ipalandscape kaso im having doubt, una maliit lang pangalawa im really not into plants ero i like the idea of having a garden lol kulitko no? gusto na lang din ipatiles yung space na yun para malagyan ng garden set

gogreengorgeous

  • Guest
Re: Landscaped Gardens (post pics here)
« Reply #79 on: May 10, 2012, 07:44:09 pm »
^sis pwede naman na lagyan ng garden set pero may planting pa rin sa paligid..hanap ka ng designer na masusulusyunan yan space planning. :D tapos ask them na gamitin mga low maintenance plants lang.

^^sis alam ko ang horsetail aquatic plant talaga hehe. maganda dito kung ilalagay sa artificial pond, nakapot yung ilalim para di rin kumalat. :)

@yani090479 sis maraming contractors sa bulacan, meron din sa may whiteplains, taga-san ka ba pala?  kayang kaya nila gawin yang grotto kung common grotto lang trip mo..pero if you want na medyo magkaron ng ibang idea/design approach kahit grotto lang (meaning di tulad ng mga common grotto layout) you should get a landscape architect :) eto list ng professional landscape architects (by the way, I'm one of them hehe)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close