watch now

Author Topic: *street food*  (Read 75742 times)

babyjapnurse01

  • Guest
Re: *street food*
« Reply #40 on: September 07, 2009, 12:16:06 am »
i like palitaw too! waaa nagccrave ako! bad! cotton candy with powder milk is heaven! :P

purpleish

  • Guest
Re: *street food*
« Reply #41 on: September 07, 2009, 12:18:04 am »
oo nga mga sis...masarap den yung binebenta na palitaw...meron kasi nag lalako kayna hub sa LP niyan, napag lihihan ko den yan nuon, wait ko talaga dumaan pag hapon..lalo na pag madameng asukal sa niyog...yum yum yum ;D

silverlilac

  • Guest
Re: *street food*
« Reply #42 on: September 07, 2009, 12:18:56 am »
sis babyjapnurse - ohh...so tokneneng pala actually yung kinakain ko! all along akala ko yun yung kwek-kwek hehe...thanks for the info sis ;)

i also love banana cue - lalo na pag bagong luto and malambot pa, tapos tama lang yung brown sugar glaze! and i love turon - yung manipis ang wrapper, with langka inside! yung nabili naming turon earlier sa Dolor's stall in front of SaveMore Festi, okay sana lasa - kaso ang kapal ng wrapper, medyo makunat tuloy :-\

babyjapnurse01

  • Guest
Re: *street food*
« Reply #43 on: September 07, 2009, 12:19:51 am »
sis purpleish:

yepp mga 3pm sila nagpapa-baga ng ihawan, halos lahat ng tinda nila half cooked na (nagiihaw na sila sa bahay nila 1 block away from the "tindahan") naaaliw kasi sakin yung bading na nagtitinda, hehe! :P Trivia: umaabot ng mga 80k per day ang benta nila, take note 3pm til maubusan lang sila at around 12am-1am ha.. :P galing diba? hehe!

yung chicken skin, yes sis papasok ng perps, before entering times village's gate, nasa right side sha.. :) yellow kariton. yun na yun. hehe! :P
« Last Edit: September 07, 2009, 12:23:32 am by babyjapnurse01 »

babyjapnurse01

  • Guest
Re: *street food*
« Reply #44 on: September 07, 2009, 12:21:53 am »
the best turon is found sa Times village in LP too! ask lang the guard ituturo nila yung tindahan (few steps away lang from the guardhouse), di tinipid the saging, just the right sweetness + langka na di rin tinipid! heaven! :P

EDIT: and forgot to add, di lang pala turon ang tinda nila, they have lumpia na super sarap din. hay food..

purpleish

  • Guest
Re: *street food*
« Reply #45 on: September 07, 2009, 12:23:47 am »
sis babyjapnurse01 ...marami den palang tinatago ang perpz :) minsan nga makasama sa sis in law ko kasi dun sya ng aaral...

ang galing naman nila...vongang vonga ang kita :) try ko yan minsan sis promise...

babyjapnurse01

  • Guest
Re: *street food*
« Reply #46 on: September 07, 2009, 12:25:41 am »
^try it, babalikan mo for sure. masarap talaga, especially the isaw kaya maghoard ka na and try to drop by not later than 7pm, mabilis maubos ang isaw, bestseller eh! even the chicken liver, kaadik! hehe!

yes sis! try speedmeal, they have the best tapsi, for sure alam yun ng S.I.L mo, nasa labas lang ng Ocampo exit ng Perps. hehe! :P

Heatherette

  • Guest
Re: *street food*
« Reply #47 on: September 07, 2009, 12:26:31 am »
Add ko pala:
Turon
Lumpiang toge tapos madaming suka!
Squidballs (ayoko ng fishballs kasi ang baho ng hininga ko after)
Cheesesticks!

I've never eaten tokneneng or kwek kwek, natatakot kasi ako na magka-cholesterol! haha

babyjapnurse01

  • Guest
Re: *street food*
« Reply #48 on: September 07, 2009, 12:30:12 am »
^try it sis, kahit isa lang. hehe! masarap promise! hehe! i love lumpiang toge din! hay lahat ata ng street food masarap! haha

silverlilac

  • Guest
Re: *street food*
« Reply #49 on: September 07, 2009, 12:41:23 am »
ilang beses pa lang akong nakatikim ng isaw, every time sa UP campus (trusted na din kasi ng classmates ko that time yung nagbebenta). dun ako takot bumili sa kahit sinong vendor lang - pag di nalinis ng mabuti ang insides ng isaw, sakit talaga ang aabutin mo :(

i also like kikiam, or its smaller version - orlian. sarap with sweet-chili sauce :D

qt_ben17

  • Guest
Re: *street food*
« Reply #50 on: September 07, 2009, 01:04:58 am »
naku nakakatakot ito,  make sure kilala niyo yung vendor kasi andaming mga salaula diyan, lalo na yung cooking oil nila na antagal bago mapalitan. at siyempre yung way of preparation.

stormy

  • Guest
Re: *street food*
« Reply #51 on: September 07, 2009, 02:33:17 am »
^gusto ko ang term mo sis :) salaula. Naiisip ko yan lalo na nagkasakit ako agad after uminom ng gulaman sago nung grade 6 ako sa labas ng gate ng school.

@purpleish, d naman sa nag iinarte :) pero pag nagkasakit na pala sis dahil sa street food e medyo mas nangingibabaw yung takot kaya kahit type ko street food pero yung iba bili na lang sa grocery (gaya ng squidballs) or sa resto na may "street food" din tulad ng gulaman sago ng goldi :) wala kasi ako budget masyado sa hospital haha :)

purpleish

  • Guest
Re: *street food*
« Reply #52 on: September 07, 2009, 10:48:29 am »
sis stormy ...hehe...oks lang yun sis...sympre bibili lang naman tayo sa mga trusted na naten...maski ako hindi den bsta 2x bibili sa tingin kong hospital ang bagsak ko pag tapos lumafang ;D LOL...

hindi ko den nasubukan bumili ng mga palamig sa labas kasi alam kong delikado...nga pala sis, yung bang squidball sa market may kasama den ba siyang sauce? tanda ko kasi nun pag nagluluto kame niyan parang may sauce pa ata kame binibili sa bote (nakkuu kainis hindi kuna matandaan, parang gusto ko bumili ng squidball ngayon hehe)

*mga sis oo nga pala one time ng punta kme ni hub sa Hidalgo...naaliw ako sa nakita ko, minsan nga gusto ko picturan yun pag balik namen kaso takot lang ako mahablot ang camera ko sa Quaipo hehe...kasi meron pala dun mga stand na ng titinda ng mga planga-plangana na merienda like Pancit, Bake Mac, Palabok etc hehe...di ko lang alam kung mga re-heated food yun...madame na talagang paraan ang pinoy :)
« Last Edit: September 07, 2009, 01:19:29 pm by purpleish »

FOURever

  • Guest
Re: *street food*
« Reply #53 on: September 07, 2009, 11:41:12 am »
1. kwek kwek
2. betamax
3. isaw
4. fishball
5. calamares
6. squid ball
7. hot shot


yan gusto ko in no particular order. hehe

micci

  • Guest
Re: *street food*
« Reply #54 on: September 07, 2009, 12:33:11 pm »
here na: hehe

Tokneneng - Quail Eggs
KwekKwek - Chicken Egg

Trivia: a quail egg has 3x more cholesterol than a chicken egg. choose kwekkwek then, healthier. hehe! :P
thanks for the clarification sis..hehe..
kaso i prefer tokneneng e! :D

$ale... seeker!

  • Guest
Re: *street food*
« Reply #55 on: September 07, 2009, 12:42:29 pm »
sis $ale... seeker! ...ako den sis favorite ko den yan Manga with Bagoong lalo na pag maanghang na matamis :D alala ko nun nung Grade School ako may naglalako nito sa labas ng school namen, sobrang hit samen yan nuon...minsan pag ayaw ko ng Manga, Singkamas naman ang nilalagyan ko ng bagoong

nung college naman ako may naglalako samen sa tambayan namen ng mais...parati kong binibili yung pinakamalaking baso na tig P20.00 gusto ko madame cheese and sugar sympre yung masabaw den para hindi dry pag kain ;)

same here, grade school years ko din yung singkamas & manga fever... grade 4 to be exact! :D naka-stick yung mga tinda nila tapos nilalagyan ng bagoong :) hay! nangangasim ako :)

May SCRAMBLE na store sa SM Annex! haha Di pa namin natatry pero yung binebenta nila yung binebenta sa street na scramble, malinis lang sila :)

talaga sis? sang SM yan? as in yung color pink tapos nilalagyan ng powdered milk & brown cow chocolate? :D super na-excite naman ako!

***tokneneng pala yung gusto ko!  :) naalala ko nung bata ako, sa bus terminal may mga nagtitinda nung quail eggs na nakasupot tapos may salt na kasama  ;D

purpleish

  • Guest
Re: *street food*
« Reply #56 on: September 07, 2009, 12:50:33 pm »
^ ako den sis gusto ko yang nakaplastic na may kasamang asin sa pugo :D kalat mode talaga kame sa bus *sorry po manong* hehe...

nakakaasim naman sis yung comment mo hehe...baka same year tayo niyan sis, kasi parehas tayo ng mga uso nung panahon na yan, ako Batch '95 nung Grade 6...

saan SM Annex yan sis? kasi meron sa Bicutan at Mega, tama ba?


$ale... seeker!

  • Guest
Re: *street food*
« Reply #57 on: September 07, 2009, 12:55:47 pm »
^ mas matanda pala ako sa'yo sis  ;D graduated college, year 2000... anyway, hindi na ko masyado nakapag-BR, meron sa SM Bicutan nung scramble? anong name?

micci

  • Guest
Re: *street food*
« Reply #58 on: September 07, 2009, 12:57:44 pm »
ay love ko din singkamas na may bagoong!..tapos yung drinks mo yung buko juice na naka-plastic..

yung scramble naman na gusto ko yung pink din pero yung nilalagay nilang chocolate tumitigas pagkalagay..ano ba yun?basta parang magiging crispy sya parang pinipig crunch! :D

FOURever

  • Guest
Re: *street food*
« Reply #59 on: September 07, 2009, 12:58:22 pm »
tokneneng pala not the kwek kwek yung quail egg

saka balot nga pala..

saan sa SM yung scramble?

 

Latest Stories

Load More Stories
Close